ISA
ILANG araw na mula nang magsimula akong magtrabaho bilang housemaid sa mansion ni Uno, pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin ito nakikita dahil nasa business trip ito sa ibang bansa.
Ilang araw na rin pero hanggang tanaw lang ako sa kuwarto ng anak ko. Hindi siya madalas na lumabas ng kuwarto, at kung lumabas man, hindi ko pa rin matyempuhan. Hindi ko siya malapitan o mahawakan man lang.
Sabik na sabik na ako sa anak ko. Gusto ko siyang mayakap at mahalikan. Tatlong taon na rin mula nang maipanganak ko sila, pero hanggang ngayon, hindi ko man lang siya nakikita.
"Bwiset ka talagang bata ka!"
Natigilan ako sa ginagawang paglilinis nang marinig ang tila galit na boses na iyon. Mukhang si Kuring iyon, ah? Ang yaya ng anak ko!
"Aray! You're hurting me! Let go!" Sunod kong narinig ang boses ni Alas.
Mabilis kong iniwan ang ginagawa ko at patakbong pumunta sa garden kung saan nanggagaling ang mga boses nila.
"Masasaktan ka talaga sa akin! Punong-puno na ako sa iyo—"
"Anong ginagawa mo sa bata!" Mabilis ko silang nilapitan at mahigpit kong hinawakan ang braso ni Kuring para itulak siya palayo.
"Iyang batang iyan, e! Bigla ba naman akong sinampal!"
"That's because you were sleeping! Binabayaran ka ni Daddy to take care of me pero tulog ka nang tulog!"
"Bwiset ka talagang bata ka! Kaya walang nagtatagal sa iyo dahil diyan sa ugali mo! Pati ang daddy mo, hindi ka mahal! Magqu-quit na ako!"
"Kuring, sumosobra ka na!" Sumingit ako sa pagitan nila. Bakit ganito siya kung magsalita sa anak ko?
"Then quit! I don't even like you!" sagot ni Alas.
Malakas na tinapon ni Kuring ang laruan ni Alas at padabog na nagmartsa palayo. Mabilis ko naman sinipat ang braso ng anak ko.
"Hindi ka ba nasaktan? Ito? Masakit ba?" Hinipan ko ang namumulang bahagi ng braso nito.
"Who are you?"
Napangiti ako nang makitang nakatingin siya sa mukha ko. He's wearing a big dorky eyeglasses. At ang guwapo-guwapo niya! My baby is so handsome!
"I'm your—" Mabilis akong natigilan nang maalala ang sitwasyon ko. "I'm your new housemaid."
"New housemaid? Kailan pa?"
"Last week lang." Sinuklay ko ang buhok niya gamit ang mga daliri ko.
"Why are you crying?"
Mabilis kong pinahid ang luha ko. "W-wala. Wala lang. Ang guwapo-guwapo mo kasi. Nakakatuwa ka."
Napangiti siya sa sinabi ko.
"Alas, puwede ba kitang yakapin?"
"Huh? Bakit mo ako yayakapin? Katulong ka lang, di ba?"
Natawa ako sa narinig. Napakadaldal ng anak ko. Prangka rin kung magsalita. Malayong-malayo sila ng kakambal niyang si Heart na tahimik at mahiyain.
"I'll go back to my room na!" Bigla siyang tumakbo palayo kaya naiwan akong nakasunod ang tingin sa kaniya.
Hindi pa siya nakalalayo, bigla siyang tumigil at humarap sa akin. Kinawayan niya ako.
Lalong bumuhos ang mga luha ko sa pisngi nang tuluyan siyang mawala sa paningin ko.
"Anak ko... "
***
UNO
My brows furrowed after hearing what Edna said. "She quit?"
"Oho, sir."
I let out an annoying sigh and slumped down in my chair. "What is it this time?"
Nag-alangan pa siyang sabihin sa akin ang dahilan. "E, kasi po... si Alas, sinampal daw itong si Kuring habang natutulog."
"Sinampal niya ang yaya niya?" Napapikit si Edna nang magtaas ako ng boses.
I stood up and stormed out of the private library of my mansion. Hindi na talaga nagtanda ang batang iyon! Panglimang yaya na niya si Kuring ngayong buwan!
Pabagsak kong binuksan ang pintuan ng kuwarto niya. Nilapitan ko siya habang nakaupo siya sa dulo ng kama.
"Bakit ba napakatigas ng ulo mo? Ano pa bang kailangan kong gawin para magtino ka!"
Hindi ito sumagot. Nanatili itong tahimik at nakatingala lang sa akin.
"Talk to me, goddammit! Hanggang kailan ka ba magiging ganito? Ang tigas ng ulo mo!"
Nagsimula siyang umiyak. "I hate you, daddy! I hate you!"
Lalong nag-init ang ulo ko sa mga narinig. Lumuhod ako sa sahig at mahigpit siyang hinawakan sa magkabilang balikat.
"Kung hindi ka magtitino, ipapadala na lang kita sa lola mo sa probinsya!"
"No! No! I don't want to—aray! Daddy, you're hurting me! You're hurting me!"
"Bitiwan mo ang bata!"
Isang kamay ang biglang tumulak sa akin at mabilis na inilayo si Alas. Umiiyak ang anak ko nang yumakap sa mga binti ng babae. Inis akong tumayo.
"And who the hell are you!" My furious voice echoed inside the room.
Mabilis akong nilapitan ni Edna at pinaliwanagan, "Sir, siya ang bagong katulong—"
"Anong ginagawa ng isang katulong at nanghihimasok dito!"
"Sir Uno, si Isa po ang tumayong yaya at nag-alaga kay Alas mula nang umalis sa trabaho si Kuring. Kasundo niya ang bata at napalapit na sa kaniya ang anak n'yo."
Sa sandaling marinig ko ang pangalang binanggit ni Edna, hindi ko na inintindi ang iba pa niyang sinabi. Nakatutok na lang ngayon ang mga mata ko sa babaeng nakaluhod sa sahig at inaalo ang umiiyak kong anak.
"Stop crying, baby ko. Yaya is here. Masakit ba?"
Naluluhang tumango ang anak ko sa tanong na iyon ng babae. Lalo ko silang nilapitan habang titig na titig dito.
"Kawawa naman ang baby ko. Patingin ako, anak. Hihipan ni Yaya, ha?"
"Isa."
Natigilan siya bigla sa ginagawa. My heart started racing as she slowly turned her face to me.
Fuck.
It's her.
TRESMAGKAHAWAK-KAMAY kami ni Tiana habang nanunumpa sa harap ng Diyos at ng mga tao—sa pangalawang pagkakataon, na mamahalin at aalagaan namin ang isa't isa hanggang sa kami ay tumanda.After the priest pronounced us as husband and wife, I took Tiana's hand and brought it to my lips, told her how much I love her before giving her a kiss on the lips.After months of fixing everything, we finally decided to get married again in Nuestra Señora de Gracia Church. It's considered one of the oldest catholic churches in Manila.The color theme of our wedding were rustic hues paired with brown and burnt orange, combining it with creamy linen hue and dove gray. So the inside of the church was filled with white and brown flowers that feels light and warm.Tiana was wearing an A-line wedding dress that flatters her hourglass bodyshape. She looks heavenly beautiful today. I can't believe how stunning she is while standing next to me.Nakangiti kaming humarap sa mga tao sa loob ng simbahan. Tiana
TRESDumating kami ni Uno sa isang lumang bahay sa Baguio. Nasa malalim na parte ito ng gubat, sa ibabaw ng burol. Sinalubong kami ng apat na mga lalaking may malalaking pangangatawan at nakasuot ng black tux. Nakilala ko ang isa—si Peter.Dinala nila kami sa likuran ng malaking bahay kung nasaan ang swimming pool. At kulang na lang ay mawala ako sa sarili nang makita si Tiana kasama sina Isa at Yuji, nakatali sa upuan sa loob ng pool na walang tubig. Naka-duct tape ang bibig."Wala kang kaluluwa, Celestia! Pakawalan mo sila!""Oh, Uno! Anak! So good to see you again!"Sa gilid ng swimming pool, saka ko lang napansin ang babaeng nakatayo. Maikli ang buhok nito, katamtaman ang laki ng katawan, pero halos maligo na sa mamahaling alahas na suot. This is the first time I see her in person."Hindi mo man lang ba muna babatiin si Mommy? Didn't you miss me?" Malakas itong tumawa."Tama ang sinasabi nila, baliw ka!" sigaw ko.Natigilan ito sa pagtawa at napatingin sa akin. "Ah, ang pangatlong
TIANANAKAUPO kaming lahat sa loob ng dining room habang nagkakape. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman. Kasinungalingan lang ang lahat. Kahit ang pangalan niya'y imbento rin.Naramdaman ko ang paghawak ni Tres sa kamay ko. Bahagya niya itong pinisil kaya napatingin ako sa kaniya. He smiled at me as if telling me that everything is going to be okay.Hinilig ko ang ulo ko sa balikat niya at muling lumuha. Halos masira ko ang buhay nila. Nang dahil sa kagustuhan kong maghiganti, maraming tao ang nadamay.Pumasok si Dos sa dining room. Tumango ito sa aming lahat. "Nakausap ko na ang police na kakilala ko. Everything is ready. Kikilos sila mamayang gabi sa utos natin."Tumango si Uno pagkatapos ay tumayo ito. "Kaming tatlo ang pupunta sa address na ibinigay ni Tiana. I want you two to stay here with Isa. Hangga't hindi namin naibabalik sa kulungan si Celestia, hindi kayo puwedeng umalis ng bahay na ito.""I can't," mabilis kong sabi na ikinatigil n
TIANAHAWAK ni Tres ang kamay ko at para bang ayaw na itong bitiwan pa. Sinabi ko kasi sa kaniya na may kailangan akong kumpirmahin para mawala na ang lahat ng agam-agam sa isip ko, pero inakala agad niyang may gagawin akong delikado kaya ayaw na akong iwan."Tres, will you let go of my hand? Hindi naman ako aalis.""No. Delikadong nag-iisa ka. Just yesterday, Golden Hotel was on fire. Hindi yata titigil ang Celestia na iyon hangga't hindi tayo napapatay."Kinilabutan ako sa sinabi niya lalo pa't naisip ko si Sixto."Kaya nga ginagawa ko ito, para mapatunayan na magkasabwat sina Mama Carmen at si Celestia.""You don't need to go anywhere just to prove it. Magkikita tayo ngayon nina Uno. Sasabihin mo sa kanila ang lahat."Huminga ako nang malalim bago tumingin sa entrance ng mall. Kailangan ko munang mapatunayan sa sarili ko na talagang nagsisinungaling si Mama Carmen. Marami siyang nagawa para sa amin ng anak ko, hindi ko basta-bastang makakalimutan ang lahat nang iyon."Sandali. Why
DOSNATIGILAN ako sa ginagawang pagtatrabaho nang tumunog ang alarm na hudyat ng warning. Bago ko pa mahawakan ang intercom, mabilis na pumasok sa office ko si Odette."Sir! Nasusunog ang hotel!""What did you say?" Bigla akong napatayo."Nagsimula ang sunog sa 4th floor! Medyo malaki at mabilis na kumakalat!""Get everyone out! Ensure their safety!"Mabilis kong pinindot ang red button sa ilalim ng desk ko at nagmamadaling inilagay ang importanteng mga papeles sa loob ng secret room. Agad akong lumabas ng office dala ang walkie-talkie sa isang kamay. Inutusan ko ang mga nakatalagang staff na i-double check kung nakasarado na ang lahat ng pintuan at bintana, maging kung naka-turn off na ang mga electrical equipment sa kanilang area.Kasalukuyang in-i-escort ang mga guest sa fire stairs and exits, patungo sa evacuation assembly point. Hindi nagtagal ay dumating na ang mga ambulance at fire trucks. Inutusan ko ang lahat ng tao ko na siguraduhing walang naiwan o na-trap na tao lalo na sa
TIANAMATAGAL kong pinagmasdan si Mama Carmen matapos nang sinabi niya. Tatlo? Bakit tatlo? Akala ko, si Tres lang ang pinaghihigantihan niya at hindi niya kilala ang mga kapatid nito?Nahalata niya siguro ang pagdududa sa mga mata ko kaya bigla siyang kumalma. She turned away from me."I'm sorry, mama. M-mali po ako."Sa sinabi ko ay muli niya akong tiningnan. She tried to hide the anger in her eyes, pero dama ko pa rin ang inis niya.Pilit niya akong nginitian at hinagod sa buhok. "Huwag mo nang uulitin iyon, okay?"Pagkalabas niya ng kuwarto, agad kong kinandado ang pinto. Kinuha ko ang gatas ni Sixto at pinainom ito habang hinihele.Ang ibig sabihin lang nito, si Mama Carmen ang nagpasunog sa bahay nina Uno. Nagsinungaling siya sa akin nang sabihin niyang hindi niya kilala sina Uno at Dos. Nagsisinungaling siya sa akin hanggang ngayon.Nang makatulog muli si Sixto, iniwan ko ito sa pangangalaga ng yaya niya saka mabilis na umalis.Mugto ang gilid ng mga mata ko habang naglalakad s