Share

Chapter 3

last update Last Updated: 2023-03-31 02:53:23

ISA

NAKAUPO ako sa isang maliit na silya sa loob ng higanting gift box. Nakasuot ako ng maskarang tumatakip sa kalahati ng mukha ko. 

Kung gaano katahimik ang paligid, ganoon naman kalakas ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay para itong sasabog sa sobrang kaba na nararamdaman ko.

"This is our surprise for you, bro! Parang pinaagang bachelor's party! I'm sure you'll like it!"

Naghiyawan ang mga lalaki sa labas ng kahon kasunod ng sinabi ng MC. Lalo akong kinabahan. Kung hindi nga lang malamig dito, paniguradong pagpapawisan ako nang malapot.

"Make sure of that."

Natigilan ako sa narinig. Imagination ko lang ba o parang pamilyar sa akin ang boses na iyon?

Habang nagsasalita ang MC, kabado akong sumilip sa maliit na butas ng kahon. Hinanap ko ang lalaking nakasuot ng all black bow tie tuxedo—ang lalaking may birthday at siyang sasayawan ko.

But I was too shocked to gasp or even react when I saw the man sitting on chair in the center of the room.

Diyos ko! Totoo ba ito o nananaginip lang ako? Baka naman dahil sa dilim ng paligid kaya umaandar nang husto ang imahinasyon ko!

Hindi ito puwede! Ang lalaking matagal kong sinumpa at pinagtaguan—nandito ngayon! Si Uno!

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang umalingawngaw sa buong paligid ang maharot na tugtog mula sa malalaking speaker.

"Anong gagawin ko?" Kabado akong napahawak sa dibdib ko.

Hindi puwedeng malaman ni Uno na ako ito! Malaking problema kapag nadiskubre niya na ang babaeng stripper na sasayawan siya ngayon gabi—ay ang ina ng anak niya!

Unti-unti bumukas ang malaking gift box. Shit! I have no choice! Bago pa ako tuluyang lumantad sa lahat, inayos ko ang maskarang suot ko at pumwesto.

Bumagsak sa sahig ang nasirang kahon. Sinalubong ako ng pumutok na confetti at makakapal na usok na gumagapang ngayon sa sahig.

Mariin akong pumikit bago sinabayan ng katawan ko ang maharot na tugtugin. Nilamon ng malakas na hiyawan at pito ng mga lalaki ang buong paligid.

Tila nahayok sa katawan ko ang mga ito at lalong naghiyawan. Natigilan pa sila nang lalo kong pag-igihan ang paggiling.

Tutok na tutok ang paningin nila sa akin at halos lumuwa ang mga mata nila sa katawan kong natatabunan lang ng see-through bathrobe. Kapirasong underwear lang din ang suot ko sa loob. Idagdag pang pang-pornstar ang katawan na mayroon ako.

Iniwas ko mula sa kanila ang paningin ko at mas lalong pinag-igihan ang pagsasayaw. Nakita kong natigilan sa pag-inom ng alak si Uno sa sandaling nagtama ang mga mata namin.

Oh, shit! Nakilala niya kaya ako?

Kung kanina ay nakadekuwatro at tila walang gana si Uno, ngayon ay umagos na siya nang pagkakaupo.

Huminga ako nang malalim at ginawa ang kailangan kong gawin. Lalo kong hinarutan ang paggiling habang papalapit nang papalapit ako sa kaniya.

Kumembot ako sa harap niya at inikutan ang silya niya bago kumandong paharap sa kaniya. Napuno uli nang malakas na sigawan ang apat na sulok ng silid.

I tried to smile at him. Hindi ko na kasi makayanan ang mga titig niyang parang tumatagos sa maskarang suot ko. And then he grabbed me by the waist and pulled me closer to him.

Shit! Para akong napapaso sa mga hawak niya.

He grinned at me. "You look familiar."

Namilog bigla ang mga mata ko. Sa kabila ng ingay ng sigawan at malakas na tugtog, nagawa kong marinig nang malinaw ang sinabi niya.

I didn't answer. Takot na takot akong baka makilala niya ang boses ko.

Tumaas ang kamay niya at sinubukang tanggalin ang suot kong maskara. Doon na ako tumayo at pasimpleng dumistansya sa kaniya.

Hindi niya ako nilubayan ng tingin. Sinundan niya ang bawat galaw at kilos ko hanggang sa tuluyan kong hubarin ang suot kong see-through bathrobe sa harap nila.

Hinagis ko iyon. Natigilan pa ako nang saluhin niya ito gamit ng isang kamay.

I gulped nervously. 

Bumalik na ako sa loob ng kahon matapos ang ilan pang minutong pagsasayaw. Bago ito tuluyang sumara, nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa mga labi ni Uno habang nakatingin sa akin.

***

"Mami Madonna, sige na ho. Kailangang-kailangan ko na talagang umalis," pakiusap ko sa manager ng club na pinagtatrabahuhan ko.

Hindi kami puwedeng magkita ulit ni Uno!

"Hindi pa nga puwede! Ni-request ka ng mismong may birthday! Gusto ka niyang makausap pagkatapos ng party."

Patay!

Napakamot ako sa batok. Hindi puwedeng magpang-abot ang landas namin dito!

"Mami Madonna naman, alam n'yo naman po ang ayaw at gusto ko, di ba? At saka, kayo lang ang nakakaalam sa tunay kong sitwasyon. Maawa na kayo sa akin, mami."

Umismid siya pero panay ang sulyap sa akin. Ilan sandali pa, bumubuntonghininga siyang tumango.

"O siya, siya! Magdadahilan na lang ako mamaya! Sayang ang extrang kita!" Dumukot siya nang ilang libong piso mula sa cleavage niya at inabot sa akin.

"Nako, salamat, mami! Naiintindihan mo talaga ang kalagayan ko!"

Mahigpit ko siyang niyakap bago mabilis na lumabas ng gate ng rest house kung saan ginanap ang birthday celebration ni Uno!

Kung alam ko lang na siya ang customer ko, kahit inalok ako nang milyon, hindi ko tatanggapin ang trabahong ito!

Patakbo akong umalis doon at agad na naghanap ng taxing masasakyan.

"Manong, St. Maria Hospital nga po!" Nakahinga ako nang maluwag nang umandar palayo ang taxi.

Hindi pa rin ako makapaniwala. Bakit sa dinami-dami ng lugar, dito pa kami muling nagkita ni Uno? Matagal ko na siyang ibinaon sa limot, maging ang nararamdaman ko para sa kaniya ay nananahimik na.

Pero ano na naman ito ngayon? Pinaglalaruan na naman ako ng tadhana? Ngayon pa na isang malaking pagsubok ang pinagdadaanan ko.

"Alicia!" mabilis kong nilapitan ang kaibigan at kapitbahay kong bakla.

"Mabuti naman at nandito ka na! Saan ka na naman nanggaling? Sa pagsasayaw ulit sa club?"

"Hindi. May iba akong sinayawan ngayong gabi."

Parang gulat na nagtakip siya ng bibig. "Diyos ko, ha! Nagpa-take home ka na, Isa?"

"Ano ka ba?" Pinalo ko siya nang mahina sa braso. "Hindi, no! Mayroon kasing nag-birthday, tapos nag-hire sila ng dancer! E, malaki ang offer kaya hindi ako nakahindi!"

"Malaki? Magkano? 10,000? 20,000? Sapat ba iyong ganoong halaga para ibuyangyang mo sa harap ng mga lalaki iyang katawan mo?"

Malungkot akong nagtungo ng ulo. "Alam mo naman na hanggang elementary lang ako, di ba? Walang disenteng trabaho ang gustong tumanggap sa akin, kaya kapal mukha akong nagsasayaw sa club para may maipakain ako sa anak ko."

Nabahiran ng awa ang mukha niya habang nakatingin sa akin. "Hay! Oo na! Paiiyakin mo pa ako! Pumasok ka na sa loob. Kanina ka pa hinahanap ni Heart."

Napangiti ako nang malapad nang banggitin niya ang pangalan ng anak ko. Mabilis akong nagsuot ng hospital gown at pumasok sa room ni Heart.

Maluha-luha ako nang lapitan siya. May nakakabit na kung ano-ano machine sa patpatin niyang katawan. May nakalagay rin sa ilong niya para hindi siya mahirapang huminga.

"Anak, nandito na si Nay-Nay." Kinuha ko ang kamay niya at hinalikan.

Nagmulat siya ng mga mata at maagap na bumaling sa akin. "Nay-Nay ko?"

"Opo, Heart ko. Nandito na ako."

Hinalikan ko siya sa noo habang walang palya sa pagpatak ang mga luha ko. Ito ang rason kung bakit nasisikmura kong maghubad sa harap ng mga lalaki... ang anak ko.

Para sa kaniya, nakahanda akong kumapit sa patalim. Kung kailangan kong ibenta ang kaluluwa ko, nakahanda akong gawin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Aesyl Joyce Moya
aww kawawa naman ang sinapit ni isa
goodnovel comment avatar
Adora miano
Yan Ang tunay na bida palaban
goodnovel comment avatar
Missy F
buti mabait ung nurse ibinigay sa kanya si Heart..hype na Uno to, ikakasal na
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Billionaire's Unwanted Baby   Epilogue

    TRESMAGKAHAWAK-KAMAY kami ni Tiana habang nanunumpa sa harap ng Diyos at ng mga tao—sa pangalawang pagkakataon, na mamahalin at aalagaan namin ang isa't isa hanggang sa kami ay tumanda.After the priest pronounced us as husband and wife, I took Tiana's hand and brought it to my lips, told her how much I love her before giving her a kiss on the lips.After months of fixing everything, we finally decided to get married again in Nuestra Señora de Gracia Church. It's considered one of the oldest catholic churches in Manila.The color theme of our wedding were rustic hues paired with brown and burnt orange, combining it with creamy linen hue and dove gray. So the inside of the church was filled with white and brown flowers that feels light and warm.Tiana was wearing an A-line wedding dress that flatters her hourglass bodyshape. She looks heavenly beautiful today. I can't believe how stunning she is while standing next to me.Nakangiti kaming humarap sa mga tao sa loob ng simbahan. Tiana

  • The Billionaire's Unwanted Baby   TRES 30

    TRESDumating kami ni Uno sa isang lumang bahay sa Baguio. Nasa malalim na parte ito ng gubat, sa ibabaw ng burol. Sinalubong kami ng apat na mga lalaking may malalaking pangangatawan at nakasuot ng black tux. Nakilala ko ang isa—si Peter.Dinala nila kami sa likuran ng malaking bahay kung nasaan ang swimming pool. At kulang na lang ay mawala ako sa sarili nang makita si Tiana kasama sina Isa at Yuji, nakatali sa upuan sa loob ng pool na walang tubig. Naka-duct tape ang bibig."Wala kang kaluluwa, Celestia! Pakawalan mo sila!""Oh, Uno! Anak! So good to see you again!"Sa gilid ng swimming pool, saka ko lang napansin ang babaeng nakatayo. Maikli ang buhok nito, katamtaman ang laki ng katawan, pero halos maligo na sa mamahaling alahas na suot. This is the first time I see her in person."Hindi mo man lang ba muna babatiin si Mommy? Didn't you miss me?" Malakas itong tumawa."Tama ang sinasabi nila, baliw ka!" sigaw ko.Natigilan ito sa pagtawa at napatingin sa akin. "Ah, ang pangatlong

  • The Billionaire's Unwanted Baby   TRES 29

    TIANANAKAUPO kaming lahat sa loob ng dining room habang nagkakape. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman. Kasinungalingan lang ang lahat. Kahit ang pangalan niya'y imbento rin.Naramdaman ko ang paghawak ni Tres sa kamay ko. Bahagya niya itong pinisil kaya napatingin ako sa kaniya. He smiled at me as if telling me that everything is going to be okay.Hinilig ko ang ulo ko sa balikat niya at muling lumuha. Halos masira ko ang buhay nila. Nang dahil sa kagustuhan kong maghiganti, maraming tao ang nadamay.Pumasok si Dos sa dining room. Tumango ito sa aming lahat. "Nakausap ko na ang police na kakilala ko. Everything is ready. Kikilos sila mamayang gabi sa utos natin."Tumango si Uno pagkatapos ay tumayo ito. "Kaming tatlo ang pupunta sa address na ibinigay ni Tiana. I want you two to stay here with Isa. Hangga't hindi namin naibabalik sa kulungan si Celestia, hindi kayo puwedeng umalis ng bahay na ito.""I can't," mabilis kong sabi na ikinatigil n

  • The Billionaire's Unwanted Baby   TRES 28

    TIANAHAWAK ni Tres ang kamay ko at para bang ayaw na itong bitiwan pa. Sinabi ko kasi sa kaniya na may kailangan akong kumpirmahin para mawala na ang lahat ng agam-agam sa isip ko, pero inakala agad niyang may gagawin akong delikado kaya ayaw na akong iwan."Tres, will you let go of my hand? Hindi naman ako aalis.""No. Delikadong nag-iisa ka. Just yesterday, Golden Hotel was on fire. Hindi yata titigil ang Celestia na iyon hangga't hindi tayo napapatay."Kinilabutan ako sa sinabi niya lalo pa't naisip ko si Sixto."Kaya nga ginagawa ko ito, para mapatunayan na magkasabwat sina Mama Carmen at si Celestia.""You don't need to go anywhere just to prove it. Magkikita tayo ngayon nina Uno. Sasabihin mo sa kanila ang lahat."Huminga ako nang malalim bago tumingin sa entrance ng mall. Kailangan ko munang mapatunayan sa sarili ko na talagang nagsisinungaling si Mama Carmen. Marami siyang nagawa para sa amin ng anak ko, hindi ko basta-bastang makakalimutan ang lahat nang iyon."Sandali. Why

  • The Billionaire's Unwanted Baby   TRES 27

    DOSNATIGILAN ako sa ginagawang pagtatrabaho nang tumunog ang alarm na hudyat ng warning. Bago ko pa mahawakan ang intercom, mabilis na pumasok sa office ko si Odette."Sir! Nasusunog ang hotel!""What did you say?" Bigla akong napatayo."Nagsimula ang sunog sa 4th floor! Medyo malaki at mabilis na kumakalat!""Get everyone out! Ensure their safety!"Mabilis kong pinindot ang red button sa ilalim ng desk ko at nagmamadaling inilagay ang importanteng mga papeles sa loob ng secret room. Agad akong lumabas ng office dala ang walkie-talkie sa isang kamay. Inutusan ko ang mga nakatalagang staff na i-double check kung nakasarado na ang lahat ng pintuan at bintana, maging kung naka-turn off na ang mga electrical equipment sa kanilang area.Kasalukuyang in-i-escort ang mga guest sa fire stairs and exits, patungo sa evacuation assembly point. Hindi nagtagal ay dumating na ang mga ambulance at fire trucks. Inutusan ko ang lahat ng tao ko na siguraduhing walang naiwan o na-trap na tao lalo na sa

  • The Billionaire's Unwanted Baby   TRES 26

    TIANAMATAGAL kong pinagmasdan si Mama Carmen matapos nang sinabi niya. Tatlo? Bakit tatlo? Akala ko, si Tres lang ang pinaghihigantihan niya at hindi niya kilala ang mga kapatid nito?Nahalata niya siguro ang pagdududa sa mga mata ko kaya bigla siyang kumalma. She turned away from me."I'm sorry, mama. M-mali po ako."Sa sinabi ko ay muli niya akong tiningnan. She tried to hide the anger in her eyes, pero dama ko pa rin ang inis niya.Pilit niya akong nginitian at hinagod sa buhok. "Huwag mo nang uulitin iyon, okay?"Pagkalabas niya ng kuwarto, agad kong kinandado ang pinto. Kinuha ko ang gatas ni Sixto at pinainom ito habang hinihele.Ang ibig sabihin lang nito, si Mama Carmen ang nagpasunog sa bahay nina Uno. Nagsinungaling siya sa akin nang sabihin niyang hindi niya kilala sina Uno at Dos. Nagsisinungaling siya sa akin hanggang ngayon.Nang makatulog muli si Sixto, iniwan ko ito sa pangangalaga ng yaya niya saka mabilis na umalis.Mugto ang gilid ng mga mata ko habang naglalakad s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status