Chapter: Chapter 122Nagising si Althea Velasquez sa araw na alam niyang hindi na mauulit.Hindi dahil espesyal ito sa mata ng mundo,kundi dahil alam niyang paglabas niya ng pintuan sa araw na iyon-hindi na siya babalik bilang intern.Walang kaba sa dibdib niya.Walang takot.Walang bigat.May kakaibang katahimikan lang, parang huling hinga bago tuluyang magbago ang direksyon ng hangin.Tahimik ang kwarto. Nasa bahay pa rin siya nila-ang lugar na muling bumuo sa kanya matapos ang unos. Dahan-dahan siyang bumangon, nag-ayos, nagsuot ng damit na simple pero maayos. Hindi na niya pinili ang damit para magmukhang karapat-dapat. Pinili niya ito dahil komportable siya rito.Habang inaayos niya ang buhok niya sa salamin, tumunog ang phone.Sebastian.Hindi siya nagulat.Pero may kirot pa rin-hindi masakit, kundi malambing.It's your last day for being my intern.Napangiti siya nang bahagya.May sumunod agad.After work, my company is holding a farewell party for all the interns.All employees and interns will b
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-01-29
Chapter: Chapter 121Kung may isang bagay na malinaw kay Althea Velasquez matapos ang lahat ng kaguluhan, iyon ay ang katotohanang ito,hindi na babalik ang mundo sa dati, pero natutunan nitong huminga muli.Hindi na siya ginising ng sunod-sunod na tunog ng notifications na parang mga bala.Hindi na siya nagmulat ng mata na may bigat sa dibdib, nagtatanong kung anong klaseng laban na naman ang haharapin niya sa araw na iyon.Hindi na siya natulog na may takot na baka bukas, iba na ang tingin ng mundo sa kanya.Sa araw na iyon—ang ikalawang huling araw ng kanyang internship—pumasok siya sa Castillo Group na walang dala kundi katahimikan. Hindi katahimikang puno ng tensyon, kundi katahimikang marunong tumanggap.Tahimik ang elevator. May iilang empleyadong sumabay, may mga pamilyar na mukha, may mga bago. May tumango, may ngumiti, may hindi nag-react. At sa unang pagkakataon, wala ni isa roong sinuri siya mula ulo hanggang paa na parang may kasalanang kailangang hanapin.Naglakad siya sa hallway na dati’y
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-01-26
Chapter: Chapter 120Hindi agad bumalik sa normal ang mundo. Hindi rin naman gumuho. Para itong lungsod matapos ang lindol—nakatayo pa rin ang mga gusali, umaandar pa rin ang buhay, pero alam ng lahat may nagbago sa ilalim. Sa Castillo Group, walang nagsisigawan. Walang emergency meeting na puno ng panic. Walang PR crisis na parang sunog. Ang meron lang— isang kakaibang katahimikan. Ang uri ng katahimikang may kasamang pag-iingat. Sa executive floor, tahimik ang hallway. Mas maingat ang mga hakbang. Mas maingat ang mga tingin. Hindi na bulong ang pangalan ni Althea Velasquez. Hindi na rin ito tsismis. Isa na itong context. Sa mga internal emails, nagbago ang tono. Sa mga memo, nagbago ang framing. Hindi na:“Intern involved in scandal” Kundi:“The CEO’s publicly acknowledged partner” At sa bawat pagbabago ng salita— may kasamang pagkilala na hindi na mabubura. Sa labas ng corporate walls, mas maingay ang mundo. Trending. Hindi lang isa. Hindi lang dalawa. #SecretNoMore #CastilloCon
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-01-25
Chapter: Chapter 119Hindi ito eksena ng pelikula.Walang dramatic background music.Walang basag na baso sa unang segundo.Walang biglaang sampalan.Ang mas delikado—ang uri ng komprontasyong nagsisimula sa pagod.Nakatayo si Nathan de Leon sa harap ng floor-to-ceiling window ng opisina niya, nakatalikod kay Ellen Gardovas.Naka-loosen ang kurbata, bukas ang manggas ng polo—isang bihirang anyo ng lalaking sanay laging kontrolado.Sa mesa sa gitna ng silid, nakakalat ang mga reports.Sales decline.Pulled partnerships.“Pending review” na dati’y “guaranteed.”Hindi siya huminga nang malalim.Hindi siya nagbilang hanggang sampu.Pagod na siya sa pag-aayos ng kalat.“I’m tired,” sabi niya sa wakas, mababa ang boses, pero puno ng bigat.“I’m tired of cleaning your mess, Ellen.”Hindi gumalaw si Ellen.Nakatayo siya malapit sa pinto, tuwid ang likod, parang reyna sa huling araw ng kaharian niya—buo pa rin ang postura, pero may bitak na ang loob.“You promised me control,” patuloy ni Nathan.“You promised lever
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-01-25
Chapter: Chapter 118Hindi agad sumabog ang balita sa umagang ito.At iyon ang unang pagkakamaling inakalang panalo pa rin si Ellen Gardovas.Sa loob ng dalawampu’t apat na oras matapos lumabas ang “background file,” tila gumalaw ang mundo ayon sa inaasahan niya—may ilang bulong, may ilang artikulong may tanong sa tono, may mga headline na maingat ang salita. Walang direktang akusasyon. Walang malinaw na paninira.Sa unang tingin, mukhang gumana.Corporate silence.Calculated doubt.Controlled chaos.Ang klase ng gulo na sanay siyang likhain—iyong hindi agad sumisigaw, pero dahan-dahang pumapasok sa bitak ng reputasyon ng kalaban.Sa penthouse, tahimik na umiinom ng kape si Ellen habang binabasa ang mga update sa tablet. Hindi siya nakangiti. Hindi rin siya kabado. Ang mukha niya ay kalmado—isang kalmadong matagal niyang inensayo sa harap ng salamin at mga boardroom.“Good,” bulong niya sa sarili.“This will age well.”Hindi niya napansin ang isang detalye—isang maliit na linya sa dokumentong inilabas.Is
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-01-25
Chapter: Chapter 117Hindi agad nagsalita si Ellen Gardovas matapos ang interview.Hindi siya sumigaw.Hindi siya nagbasag ng kahit anong mamahaling gamit sa penthouse na iyon.Hindi siya nag-collapse sa galit gaya ng inaasahan ng mga taong sanay makita siyang palaging kontrolado ang lahat.Umupo lang siya.Diretso Ang tingin.Tahimik.Parang reyna sa harap ng sariling salamin.Sa harap niya, ang malaking TV ay naka-mute, pero malinaw pa rin ang huling frame—ang mukha ni Sebastian Castillo, diretso sa camera, hindi umiilag, hindi nagtatago, walang bahid ng paghingi ng paumanhin.I am not ashamed of loving Althea Velasquez.Hindi iyon sigaw.Hindi iyon drama.Isa iyong deklarasyon.At iyon ang pumatay kay Ellen.Hindi ang pangalan ni Althea ang unang tumama sa dibdib niya.Sanay na siyang marinig iyon.Ang tumama ay ang paninindigan sa boses ng lalaking akala niya’y kayang-kaya niyang paikutin noon.Ang lalaking dati’y marunong umiwas, marunong maglaro, marunong magtago.Ngayon, wala nang maskara.Dahan-da
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-01-25
Chapter: Special Chapter: Our little Forever Sa unang pagkakataon matapos ang lahat ng kaguluhan, nakahanap ng katahimikan sina Alyssa at Liam. Nasa isang private villa sila malapit sa dagat — malayo sa mga flash ng camera, sa mga intriga, at sa anino ng nakaraan. Ang tanging naririnig ay ang hampas ng alon at huni ng mga kuliglig sa gabi. Nakaupo si Alyssa sa veranda, nakatanaw sa dagat. Suot niya ang simpleng puting dress na magaan at kumakapit sa hangin. May hawak siyang baso ng juice, pero ang atensyon niya ay nasa mga bituin na kumikislap sa kalangitan. Lumapit si Liam, bitbit ang tray na may dalawang plato. Tahimik siyang umupo sa tabi ni Alyssa at marahang inilapag ang pagkain sa mesa. “Dinner’s ready,” mahina niyang sabi, halos pabulong lang. Napatingin si Alyssa. May maliit na ngiti sa labi niya. “Ikaw nagluto?” Umiling si Liam, pero bahagyang natawa. “Kung ako, baka instant noodles lang ‘to. Pero gusto kong ako ang mag-serve. Tonight, no assistants, no maids, no board meetings. Just us.” Umupo silang magkatapat, p
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-09-15
Chapter: Epilogue Tahimik ang gabi sa Navarro mansion, malamig ang simoy ng hangin habang naglalaro ang mga bata sa hardin. Nagtatakbuhan sina Sky, Snow, at Callum habang may hawak na maliliit na ilaw, para silang mga alitaptap na nagkalat sa dilim. Ang kanilang halakhak ay umaalingawngaw sa buong paligid, puno ng saya at walang bakas ng mga bagyong dinaanan. Sa veranda, magkatabing nakaupo sina Liam at Alyssa. Nakaupo si Alyssa, nakasandal ang ulo niya sa balikat ni Liam, habang parehong pinagmamasdan ang tatlong munting nilalang na tila naging pinakamatibay nilang sandigan. Sa katahimikan ng gabing iyon, para bang unti-unting nabubura ang lahat ng sakit at takot na nagdaan. Hindi nagsasalita si Liam sa simula, tila ninanamnam ang bawat eksena sa harap niya. Pero maya-maya'y bumuntong-hininga siya, saka maingat na inilabas mula sa bulsa ng kanyang coat ang isang maliit na kahon. Naramdaman iyon ni Alyssa kaya napalingon siya. Nakita niya ang kahon sa mga daliri ni Liam, at saglit siyang natigilan. H
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-09-15
Chapter: Chapter 130Madaling araw. Sa corridor ng ospital, tahimik na naglalakad si Alyssa, suot ang simpleng coat at nakapusod ang buhok. Halos maputla ang kanyang mukha sa pagod at stress, ngunit bakas pa rin ang matatag na anyo na kinapitan niya nitong mga nagdaang linggo.Pagbukas ng pinto ng silid, bumungad sa kanya si Liam - nakahiga, nakapikit, ngunit gising. May benda sa dibdib, may sugat pa rin sa braso, pero buhay. Buhay, at nakatingin sa kanya."Liam..." mahina niyang tawag.Ngumiti ito, maputla ngunit totoo."You came back."Lumapit siya, marahang umupo sa gilid ng kama at hinawakan ang kanyang kamay. Noon pa lang, doon bumigay ang matagal niyang pinipigil na luha."Do you have any idea..." boses ni Alyssa nanginginig, "how close I was to losing you? How close our children were to growing up without their father?"Pinikit ni Liam ang mga mata, nangingilid ang luha."I know... and I'm sorry, Alyssa. For everything. For failing you, for doubting you, for making you fight battles alone."Tumigil
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-09-15
Chapter: Chapter 129Tumigil ang paligid nang pumasok si Markus sa dim-lit backstage. Ang yabag ng kanyang leather shoes ay umalingawngaw sa sementong sahig, bawat hakbang parang pasakalye ng isang halimaw na handang manghuli ng biktima. Si Alyssa, nakatayo sa gitna, hindi gumalaw. Walang takot na ipinakita. Nakatagilid ang mukha, diretso ang titig sa lalaking ilang beses nang sinubukang gibain ang buhay nila. "Alyssa Ramirez," malamig na sambit ni Markus, bahagyang nakangisi. "The queen herself... standing here alone. Hindi ko akalain you'd make it this easy." Humakbang siya palapit, mabagal, para bang inaantala ang oras para lalo itong maramdaman. Sa bulsa ng coat, naramdaman ni Alyssa ang bahagyang vibration ng comm device. Dahan-dahan niya itong pinisil, at mula roon dumaan ang mahinang boses ni Luca, halos pabulong. "Alyssa... buy us time. We're almost there." Bahagyang napapikit si Alyssa, huminga nang malalim, at sa pagbukas ng kanyang mga mata, wala na ang alinlangan. Markus, ngayo'y dalawan
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-09-15
Chapter: Chapter 128Lumakas ang palitan ng putok, umuusok ang paligid mula sa mga granada ni Ethan. Nakayuko si Darren, pinoprotektahan ang gilid ni Luca habang mabilis silang sumusulong. “East side secured!” sigaw ni Ethan, pawis na pawis pero buo ang focus. “Keep pushing forward! Markus is inside that control room!” Si Luca naman, mahigpit ang hawak sa baril habang nagmamando. “Walang lalabas dito. Trap him. This ends tonight.” Biglang bumuhay ang speaker system, at isang pamilyar na tinig ang umalingawngaw. “You really came for me? How predictable. But that’s exactly what I wanted.” Nangibabaw ang tawa ni Markus, malalim at puno ng yabang. Samantala, hawak ni Alyssa ang earpiece habang pinapakinggan ang update. Narinig niya rin ang tinig ng kalaban sa background. Humigpit ang kapit niya sa lamesa. “If he wants me so badly… then I’ll give him every reason to come out.” Kalmado siyang huminga, saka ngumiti ng mapait. Markus thinks he’s leading the game. But tonight, I’m the bait that ends him.
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-09-13
Chapter: Chapter 127Sa loob ng HQ, nakalatag ang mapa ng Port Sagrado. Nakayuko si Luca, nakatitig sa mga red pins na naka-mark sa mga ruta. Si Darren at Ethan ay nasa tabi niya, parehong seryoso ang ekspresyon. “Markus won’t make this easy,” ani Darren, inilatag ang intel file. “The port is heavily guarded, and if our guess is right, he’s already preparing an exit strategy.” Nagtaas ng tingin si Luca, malamig ang boses. “Then we cut off every exit. No loose ends. This time, he doesn’t leave alive.” Tumango si Ethan, pero mahigpit ang pagkakahawak sa armas. “Pero kailangan nating maging maingat. If he slips through us… he’ll go after Liam. Or Alyssa.” Samantala, sa ospital, nakaupo si Alyssa sa gilid ng kama ni Liam. Nakapikit ito, mahina pa rin, ngunit mas malinaw na ang paghinga. Habang pinagmamasdan siya, mahigpit na hinawakan ni Alyssa ang kanyang tablet. Sa screen, nakabukas ang draft ng kanyang comeback collection: bold designs, strong silhouettes, parang manifesto ng isang babaeng hindi kail
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-09-12