Hello mga mahal kong readers! Good news po dahil may 3 chapters update tayo today!Sana magustuhan ninyo at mas lalo kayong kiligin sa journey nina Liam. Gusto ko rin pong magpasalamat kay Mariam, ang ating Top 1 gem sender ngayon. Thank you so much sa support, sobrang nakaka-inspire magsulat dahil sa inyo! Salamat din sa lahat ng patuloy na nagbabasa at nag-aabang — mahal ko kayong lahat! 💕🌸
Sa loob ng HQ, nakalatag ang mapa ng Port Sagrado. Nakayuko si Luca, nakatitig sa mga red pins na naka-mark sa mga ruta. Si Darren at Ethan ay nasa tabi niya, parehong seryoso ang ekspresyon.“Markus won’t make this easy,” ani Darren, inilatag ang intel file. “The port is heavily guarded, and if our guess is right, he’s already preparing an exit strategy.”Nagtaas ng tingin si Luca, malamig ang boses.“Then we cut off every exit. No loose ends. This time, he doesn’t leave alive.”Tumango si Ethan, pero mahigpit ang pagkakahawak sa armas.“Pero kailangan nating maging maingat. If he slips through us… he’ll go after Liam. Or Alyssa.”Samantala, sa ospital, nakaupo si Alyssa sa gilid ng kama ni Liam. Nakapikit ito, mahina pa rin, ngunit mas malinaw na ang paghinga. Habang pinagmamasdan siya, mahigpit na hinawakan ni Alyssa ang kanyang tablet.Sa screen, nakabukas ang draft ng kanyang comeback collection: bold designs, strong silhouettes, parang manifesto ng isang babaeng hindi kailanman
Tahimik ang hospital room nang gabing iyon. Tanging beep ng monitor at banayad na paghinga ni Liam ang maririnig. Nakaupo si Alyssa sa tabi ng kama, hawak-hawak ang kamay niya habang nagbabasa ng ilang reports sa tablet.Mahina pang bumukas ang mga mata ni Liam. Pinilit niyang ngumiti nang masilayan siya.“You’re still here…” bulong niya.“Of course.” Sagot ni Alyssa, hindi inaalis ang tingin sa kanya. “Saan mo pa ako gustong pumunta?”Nagkatawanan sila ng marahan, ngunit sa ilalim ng mga ngiti ay may halong bigat—isang tahimik na pangako na hindi sila bibitaw sa isa’t isa.Samantala, sa kabilang dulo ng siyudad, isang malaking LED screen ang biglang nagbukas sa gitna ng financial district. Black background. Red letters.“The real game begins now.”Sinundan ito ng video footage: edited clips ng kaguluhan sa runway, si Liam na duguan, at si Alyssa na umiiyak habang hawak siya. Kasunod, boses ni Markus—malamig, mabagal, at puno ng banta.“Véraise thinks it stands strong. Alyssa Ramirez
Malalim ang gabi, ngunit sa ospital, walang tulog ang lahat. Sa loob ng emergency room, oras ang nilabanan ni Liam—oras na halos kumitil sa kanya.Mula sa waiting area, nakaupo si Alyssa habang hawak ang kamay ng kanyang tatlong anak—Sky, Snow, at Callum—na pawang nakatulog na sa kanyang kandungan matapos ang pag-iyak at takot. Si Sera ay tahimik na nakabantay, habang si Doña Margarita at Luca ay nakaupo sa kabilang gilid, parehong nakayuko at nagdarasal.Nang bumukas ang pinto, sabay-sabay silang tumayo. Lumabas ang surgeon, pawis at pagod, ngunit may bahid ng pag-asa sa mga mata.“Stable na siya,” sabi nito. “Pero critical pa rin ang kondisyon. He survived the operation… now, we wait.”Parang nabunutan ng tinik si Alyssa. Napaluha siya, pero mahigpit niyang pinanatili ang kanyang mukha—hindi desperado, hindi basag, kundi isang ina at asawa na pinipiling maging matatag.“Salamat, Doc…” bulong niya.Kinabukasan, nagising si Liam sa ICU. Mahina pa, nakakabit sa maraming tubo at makina,
Sigawan. Flash ng mga camera. Takbuhan ng mga tao. Sa gitna ng kaguluhan, duguang bumagsak si Liam matapos tamaan ng bala. “L-Liam!” halos pasigaw ang tinig ni Alyssa. Mabilis siyang lumapit at sinalo ang asawa bago ito tuluyang bumulagta sa sahig ng stage. Agad ding dumating sina Darren at Ethan. Nanlalaki ang mga mata, halatang gulat at desperado. “Liam! Damn it, stay with us!” sigaw ni Darren habang agad na lumuhod. “Hold on, Liam!” ani Ethan, nanginginig ang boses. Mahina ngunit mariin, hinawakan ni Liam ang kamay ng dalawang kaibigan. “E-Ethan… Darren…” halos pabulong, pero buo ang utos. “Don’t… let Markus get away. Huwag niyo siyang hayaang makatakas.” “Liam—” “Go!” halos pasigaw niyang sambit bago pumikit sandali sa sakit. Nagkatinginan sina Darren at Ethan, parehong mabigat ang dibdib pero wala nang oras para mag-atubili. Mabilis silang kumilos at tumakbo palayo, hinahabol ang anino ng papatakas na si Markus. Sa kabilang dulo, nakita ni Bianca ang lahat. Sa halip na
Matapos ang engrandeng runway showdown, muling dumilim ang hall. Ang tanging naiwan ay ang spotlight sa stage at ang screen na unti-unting nagbukas.“Ladies and gentlemen,” anunsyo ng host, “the time has come. As tradition of the Grand Fashion Week Opening, the audience and our panel of international judges will cast their votes… to determine tonight’s victor.”Napuno ng bulungan ang crowd. Ang ilan ay sabik, ang iba naman ay kabado.Sa VIP section, mahigpit ang hawak ni Bianca sa kanyang clutch bag, halos bumaon na ang kuko sa balat nito.This result belongs to me. It has to be me…Samantalang si Yssabelle, nakatayo sa gilid ng backstage, kalmado at tahimik. Ang maskara’y nananatili, ngunit ang mga mata niya’y puno ng tapang. Sa tabi niya, naroon si Sera, nakapikit at nagdarasal.Unang lumabas ang resulta ng audience votes.Nag-flash sa screen:Véraise – 72%Cruz Group – 28%Isang malakas na sigawan ang kumalat sa hall. May mga nagsitayo, may mga nag-picture agad, at halos lahat ay n
Gabi bago ang grand opening ng Fashion Week.Sa isang private lounge ng Cruz Group, hawak ni Bianca ang wine glass habang nakaupo sa leather chair. Sa harap niya, isang lalaki—matangkad, mapanganib ang aura, pero sa mga mata nito’y malinaw ang pagsamba. Si Markus Chua.“Markus,” malamig na sabi ni Bianca habang iniikot ang wine sa baso, “kung sakali mang magtaliwas ang hatol ng mga hurado bukas… I don’t want any chances. You know what to do.”Naglakad si Markus palapit, halos nakaluhod sa harap niya.“Bianca, you don’t even need to say it. Kahit saan mo ako dalhin, kahit anong ipagawa mo—susunod ako. If you want Yssabelle gone, I’ll erase her from the spotlight. I’ll erase her from this world if that’s what you wish.”Ngumiti si Bianca, mapait pero seductive.“That’s why I keep you around, Markus. You understand me. You know I deserve the crown. The world belongs to me—at kung may hahadlang, they’ll regret standing in my way.”“Because I love you,” sagot ni Markus, halos bulong pero p