Lumipas ang mga buwan na parang replay ng parehong bangungot. Sa Navarro mansion, araw-araw, pare-pareho lang ang tanawin ni Alyssa. Sa umaga, lagi siyang nagigising na mag-isa. Walang katabing katawan, walang iniwang bakas sa kama. Sa gabi, matutulog pa rin siyang mag-isa, kahit naririnig niya ang pagbukas ng pinto ng kabilang silid kung saan mas madalas manatili si Liam. Si Liam — palaging wala. Kung hindi business trip, meeting, o charity event kasama si Bianca, laging may dahilan. At kung minsan, kahit nasa mansion ito, tila invisible pa rin. Pero habang lumilipas ang mga araw, may natutunan si Alyssa. Hindi na siya agad lumuluha sa bawat insulto. Hindi na siya agad nadudurog kapag tinatawanan siya ng barkada squad. Pinagmasdan niya sila, tahimik, parang chess player na pinipili ang bawat galaw. Si Marcus, laging may bulong, laging may kalawang na ikinakalat sa pangalan niya. Si Darren, palihim na naglalabas ng blind item, at bawat tsismis ay parang lason na unti-unting bumabal
Terakhir Diperbarui : 2025-07-18 Baca selengkapnya