Tatlong araw matapos ang second honeymoon nila sa Maldives, bumalik na sina Liam at Alyssa sa Manila. Sa labas ng VIP exit ng airport, sasalubungin sila ng media na palihim kumukuha ng pictures — Liam in his crisp black suit, Alyssa in her simple white dress na halatang pagod pero pilit pa ring maayos tingnan.
“Ma’am Alyssa, dito na po tayo!” salubong ni Manong driver habang pinagbubuksan siya ng pinto. Tahimik lang si Alyssa. Mahigpit ang hawak niya sa shawl na nakabalot sa balikat niya. Napatingin siya kay Liam na seryosong nagpi-phone habang pasakay na rin sa sasakyan. Walang tingin. Walang salita. Sa loob ng sasakyan, naupo silang magkatabi sa likod. Malamig ang aircon, pero mainit ang dibdib niya sa bigat ng iniisip. Napansin niya ang pilit na paghinga niya. Hindi niya alam kung dahil ba sa pagod… o sa kung ano. “May sasabihin ka ba?” tanong ni Liam, hindi man lang siya tiningnan. Binuksan nito ang tablet para silipin ang emails. “Wala. Bakit?” mahinang tugon niya. Napakunot ang noo ni Liam nang sumulyap ito sa kanya. “Mukha kang namumutla.” Ngumiti siya ng pilit. “Siguro pagod lang. Jetlag.” Hindi na sumagot si Liam. Bumalik ito sa pagbabasa ng reports. Pero ramdam ni Alyssa ang malamig na distansya sa pagitan nila — kahit halos magkadikit ang tuhod nila. Pagdating sa Navarro Mansion, sinalubong agad sila ni Doña Margarita na naka-cross arms sa grand staircase. Mataas ang kilay nito habang sinusuri siya mula ulo hanggang paa. “Welcome back,” matamis ang tono pero lason ang mata. “Kumusta naman ang honeymoon?” “Good for business,” mabilis na sagot ni Liam habang isinasabit ang coat niya. Hindi man lang niya tinulungan si Alyssa buhatin ang bag. Ngumiti si Alyssa, pilit na pilit. “Salamat po sa pag-aasikaso dito habang wala kami.” Ngumisi si Margarita. “Hmph. Para sa Navarro, gagawin ko ang lahat. Sana ikaw rin.” Tahimik lang siyang tumango. Hindi niya na lang pinansin ang biglang kirot ng ulo niya. Pagod lang ‘to. Pagod lang… siguro. Kinagabihan, habang inaayos niya ang mga damit sa dresser, napahawak siya sa tyan niya. Hindi siya sigurado kung bakit. Stress lang ba ‘to? Gutom? Kabog ng kaba? Bigla niyang naalala ang sinabi ni Sera dati bago siya umalis: “Lys, alagaan mo sarili mo, ha? Baka naman may mabuo bigla diyan.” Napangiti siya, kahit papaano. Pero mabilis ding natunaw ang ngiting ‘yun nang bumukas ang pinto. Si Liam — mukhang pagod, hawak ang laptop bag, kalas ang tie. Tumigil ito saglit, tinitigan siya na parang may gustong itanong pero pinili na lang ang katahimikan. “Matulog ka na. Ayoko magkasakit ka,” maikling sabi nito. “O-oo…” pilit niyang sagot, habang nakatingin lang ito sa kanya bago pumasok sa banyo. Paglabas ni Liam, tulog na kunwari si Alyssa. Pero sa loob ng kumot, nakahawak pa rin siya sa tyan niya. Tahimik na nagdasal. Kung totoo man… sana maging tama ‘to. Sana maging tama kahit minsan. Sa kabilang side ng bahay, nakaupo si Don Alejandro sa lumang opisina. Nakabukas ang kahon ng lumang kasunduan ng Navarro-Ramirez. Pumikit siya habang hawak ang lumang wedding band ng yumaong asawa. “Kung tama man ‘to… o mali…” bulong niya. Napatingin siya sa direksyon ng kwarto nina Liam at Alyssa. “Sana hindi na maulit ang kasalanan ng mga nauna.” Samantala, sa city condo, si Bianca ay tahimik na naglalagay ng lipstick habang kausap si Marcus sa phone. MARCUS: ‘Ready ka na ba?’ BIANCA: ‘Ready akong wasakin kung anong tinatahi nila.’ Sa loob ng Navarro Mansion, muling pumikit si Alyssa habang mahigpit na yakap ang sarili. Wala pa siyang alam. Pero alam niya — kung may mabubuo man… ipaglalaban niya kahit sino pa ang masaktan. Maagang nagising si Alyssa kinabukasan. Mahina ang sikat ng araw sa bintana ng malaking silid nila ni Liam, pero ramdam niyang mabigat pa rin ang ulo niya. Parang hindi pa rin siya buo sa katahimikan na binibigay ng malaking kama. Paglingon niya, wala na si Liam. Malamang nasa opisina na. Good. Mas madali siyang makahinga kapag wala ito. Pagbaba niya sa malaking dining hall, sinalubong agad siya ni Doña Margarita. Naka-cross arms ito, kasabay ang mabagsik na tingin. “Oh, gising ka na pala. Kumain ka na, hindi kita kailangan makita mamaya sa meeting. Nakakahiya sa investors kung parang may sakit ang Navarro bride.” “Pasensya na po, Mama. Ayos lang po ako,” mahina niyang sagot, pilit na nakangiti. “Hmm. Mas mabuti,” matalim ang sagot nito bago iniwan siyang mag-isa sa mahabang mesa. Habang nagkakape, napatingin si Alyssa sa phone niya. Bumabagal ang oras, pero bumibilis ang kabog ng dibdib niya. Dapat ba akong magpa-check up? Hindi naman siguro… baka stress lang talaga ‘to… Pinilit niyang iwaksi ang isipin. Hindi pwedeng mahalata. Hindi ngayon. Pagkatapos ng breakfast, naglakad siya sa garden para makalanghap ng hangin. Doon niya naabutan si Luca — ang bunso sa Navarro, nakasandal sa pader habang may hawak na gitara. Tinapunan lang siya nito ng matamlay na ngiti. “Hey, Ate,” bati ni Luca, medyo pabulong. “Okay ka lang ba?” “Bakit mo naman natanong?” nagulat siyang napahawak ulit siya sa tagiliran niya. Sobrang instinct na yata. “Wala. Parang… iba aura mo, eh,” sabay ngiti nito, pero halatang may laman ang tingin. Ngumiti rin siya, kahit pilit. “Huwag ka mag-alala, Luca. Hindi mo problema ‘to.” Tumango lang si Luca, pero bago pa siya makaalis, bumuntong-hininga ito. “Mag-ingat ka kay Bianca. May naamoy akong kalokohan kagabi. Sila Marcus din.” Hindi na siya nakasagot. Naramdaman niya ang kilabot sa batok niya. Bianca… Marcus… Hindi na bago ang ganitong tensyon — pero sa lagay niya ngayon, hindi niya alam kung kaya pa ba niyang labanan. Kinahaponan, pabalik siya sa silid niya nang maabutan niya sa hallway si Bianca. Naka-silky black dress ito, amoy mamahaling pabango. Nagkasalubong ang mga mata nila — at ramdam niya ang malagkit na titig ng babae. “Uy, Mrs. Navarro. Kumusta ang honeymoon? May nabuo na ba?” pang-uuyam ni Bianca, bahagyang pabulong pero tinig na parang kutsilyo. Hindi kumibo si Alyssa. Hindi rin niya kayang ibaba ang tingin. Sa halip, huminga siya nang malalim. “Wala akong dapat ipaliwanag sa’yo,” matatag niyang sabi bago ito nilagpasan. Tumawa si Bianca, mapanlinlang. “Huwag ka masyadong kampante, Alyssa. Hindi ka pa rin panalo.” Pagpasok niya sa kwarto, nanginginig ang kamay niya. Kinuha niya ang phone niya, tinype ang pangalan ng pinakamalapit na ob-gyne sa city. Hindi pwedeng maunahan ako ni Bianca… hindi pwedeng may makaalam bago ako sigurado. Sa kabilang side ng city, si Marcus at Bianca magkasama sa isang café. May laptop sa harap nila, bukas ang files ng Navarro shares at confidential projects. “Pag nabuo ‘yan… mawawala ka na sa eksena,” bulong ni Marcus habang umiikot ang spoon sa kape. Bianca ngumisi, parang ahas. “Hindi ako mawawala. Hindi ako papayag. Si Alyssa ang mawawala.” Nagtagpo ang mga mata nila — parehong gutom, parehong walang awa. Sa gitna ng gabi, nakahiga si Alyssa, mahigpit ang hawak sa phone niya habang lumalakas ang tibok ng dibdib niya. Bukas… bukas magpapa-check up ako. Dapat ako ang unang makakaalam. Hindi sila. Maagang gumising si Alyssa kinabukasan, mas maaga pa kay Liam. Tahimik siyang nagbihis, naka-simpleng blouse at pants para hindi halata kung saan siya pupunta. Pinanood niya si Liam habang tulog pa ito sa kabilang side ng kama — seryoso pa rin ang mukha kahit mahimbing ang tulog. Sandaling tumigil ang kamay niya sa pagbuhol ng buhok. Kung alam mo lang… Huminga siya nang malalim at bumaba nang dahan-dahan para hindi magising si Liam. Sa labas, inabutan siya ni Manong driver na naka-standby, pero nilinlang niya ito. “Manong, pakihatid po ako sa spa malapit sa Ortigas, ha? Saglit lang ako.” Ngumiti si Manong, walang kaalam-alam. “Opo, Ma’am Alyssa.” Pero sa halip na spa, pinadiretso niya ang driver sa isang maliit na private women’s clinic na matagal na niyang na-save sa phone niya. Hindi kilala, walang paparazzi, malayo sa mata ng mga Navarro. Pagkababa niya, huminga siya ng malalim. Naglakad siya nang mabilis, nilingon pa ang paligid bago pumasok. Sa loob, malamig at tahimik. Tatlong buntis na pasyente ang kasama niya sa waiting area, pero tinakpan niya ang mukha niya ng oversized sunglasses at scarf. Para siyang ghost na ayaw magpakilala. “Alyssa Anne Navarro?” tawag ng nurse. Napasinghap siya. Ang bigat marinig ang buong pangalan niya na may kasamang Navarro. Para bang pwersadong ipaalala kung gaano kabigat ang apelidong dala niya. Pagpasok niya sa consultation room, sinalubong siya ng mabait na doktorang middle-aged. “Good morning, Mrs. Navarro. Anong concern natin today?” Napakagat-labi si Alyssa. Umupo siya sa tabi ng examination bed, pinilit ang boses na hindi manginig. “Doc, gusto ko lang po magpacheck… baka kasi…” Kinapa niya ang tiyan niya. Mahina ang boses niya. “Baka po buntis ako.” Tumango ang doktora, sanay na sa ganitong kaba. “May symptoms ka na ba?” Umiling siya. “Wala pa po masyado. Pagod lang, minsan parang nahihilo. Pero baka stress lang din po…” “Okay, para sigurado tayo, we’ll do a blood test. Mas accurate iyon kesa PT lang. Resulta — lalabas din mamaya.” Habang kinukuhanan siya ng dugo, nakatingin lang siya sa kisame. Tahimik ang isip niya pero mabigat ang dibdib. Kung totoo nga ito… wala akong karapatan na ipaalam ‘to kahit kanino. Hindi ko hahayaang kunin nila ito sa akin… Nang matapos, bumalik siya sa waiting area. Hawak niya ang phone niya, tinype ang pangalan ni Sera sa messenger pero hindi niya maisend ang buong kwento. Baka may makabasa. ALYSSA: ‘Seraphine, call kita mamaya ha. Miss you.’ Mabilis ang reply. SERA: ‘Anytime, Lys! I’m here. Basta safe ka, ha?’ Ilang oras ang lumipas, bumalik ang nurse, may hawak na envelope. “Mrs. Navarro… positive po ang result. Congratulations po.” Napalunok si Alyssa. Hindi siya agad nakagalaw. Parang sumikip ang mundo niya, pero sabay din parang may bahagyang liwanag. May nabuo nga. Hindi na ako mag-isa. Paglabas niya ng clinic, mahigpit ang hawak niya sa envelope. Sinalubong siya ni Manong driver na walang kamalay-malay. “Ma’am, spa po ba tayo next?” Ngumiti siya ng pilit. “Hindi na, Manong. Uwi na tayo. Masakit lang ulo ko.” Sa loob ng sasakyan, pinikit niya ang mga mata. Mahigpit ang kapit niya sa bag na may envelope. Liam… hindi mo ito malalaman. Hindi pa ngayon. Hindi pa dapat. Sa Navarro Mansion, walang kamalay-malay si Liam na naka-focus sa laptop niya habang ka-meeting sina Marcus at Bianca. Si Don Alejandro naman, tahimik na nagmamasid mula sa terrace, hawak ang lumang wedding band. May kung anong kutob na gumugulo sa kanya.POV: LiamAng katahimikan ng gabi sa condo ay hindi na bago kay Liam. Wala nang tumatawa sa tabi niya, wala nang ingay ng kutsarang hinahalo sa tasa ng tsaa, wala na rin ang presensyang dati ay pinipilit niyang balewalain.Apat na taon at kalahati na ang lumipas, pero para sa kanya, parang kahapon lang na iniwan niya si Alyssa sa harap ng gate—o marahil, siya ang iniwang hindi man lang napansin.Binuksan niya ang laptop. Isang document ang naka-save sa desktop: "ALYSSA HOUSE RENOVATION PLAN" — hindi pa rin niya mabura.Naputol ang pagmumuni niya nang marinig ang notification mula sa phone."Family dinner bukas. Don’t be late. You're lolo’s asking for you. – Mama"Mabilis niyang pinatay ang screen. Ayaw niyang harapin ang mga matang pilit siyang pinapangiti tuwing reunion, habang alam niyang may isang upuang laging bakante.The Next NightPuno ng ilaw ang ancestral house ng mga Navarro. Kumpleto ang pamilya—tawanan, kwentuhan, sigawan ng mga bata. Pero sa isang sulok, tahimik si Liam.
Tahimik ang gabi sa Navarro Estate, pero parang tulog lang ang buong paligid — sa loob ni Liam, walang katahimikan.Nasa silid-aklatan siya, nakasandal sa lumang bookshelf na punong-puno ng lumang libro at mga lumang larawan ng pamilya. Sa tabi niya, isang baso ng whiskey na hindi na niya maubos-ubos.Kanina pa niya tinititigan ang hawak na picture frame — wedding photo nila ni Alyssa. Isang frame na dati niyang ikinahiya, itinago sa pinakasulok ng study room niya. Pero ngayon, bakit ba’t tila hindi niya kayang ibaba ang larawan?Naalala niya ang gabing iyon — ang puting gown, ang malamig na ballroom, at ang mga matang kahit pilit ngumiti, halata mong lumuluha sa loob.Ngumiti siya noon. Oo, ngumiti siya para sa mga bisita — pero alam niyang siya mismo ang pumatay sa ngiti ni Alyssa.Sa gilid ng mesa, bumukas ang pinto — si Luca, bitbit ang laptop at ilang papel. Tumikhim ito bago maglakad palapit.“Kuya…” maingat ang tono ni Luca, “May ilang bank records na mukhang ginamit ni Alyssa
Manila — Navarro EstateLimang taon ang lumipas pero hindi pa rin nagbago ang itsura ng Navarro Mansion — mataas na gate, perpektong garden, malamig na marmol sa loob na parang walang pinagbago.Pero ang pinakabago rito — ang katahimikan.Nasa private office si Liam Alexander Navarro. Nakaupo siya sa likod ng malaking dark wood desk, hawak ang isang folder na kanina pa bukas pero hindi niya mabasa-basa. Sa tabi ng laptop niya, may half-empty na baso ng whiskey — alas dose ng tanghali pero tila wala siyang pakialam.Mula sa salamin, kita ang hardin na minsan ay pinangarap niyang maging perpekto ang buhay. Pero ngayon, para bang nilulunok siya ng bawat sulok nito.“Mrs. Navarro…”Ang tinig na iyon — limang taon na pero tumatama pa rin sa pandinig niya. Kung paanong nagawa niyang ipagtabuyan, baliwalain, at sabihing wala siyang pakialam.Pero bakit ngayon, limang taon na, wala pa ring katahimikan?Bumukas ang pinto, pumasok si Luca — ang bunso niyang kapatid na hindi rin nagbago ang tapa
Maagang nagising si Alyssa — o mas tama na, si Yssabelle Laurent. Limang taon na ang lumipas pero kahit ilang ulit siyang bumangon sa parehong condo, hindi pa rin siya sanay na wala nang kumakatok na ‘Madam Navarro.’Bumaba siya sa maliit na kusina, tahimik para hindi magising ang tatlong batang natutulog pa sa shared room nila.Tinimpla niya ang kape, bumuhos ang amoy nito sa modernong sala na puno ng mga sketchpad, fabric swatches, at ilang laruan na hindi naitago kagabi. Sa ilalim ng kalat, nandoon ang tatlong pinakamagandang dahilan kung bakit kaya niya lahat — Sky Axel, Sophia Snow, at Callum Asher.Habang iniikot niya ang mug ng kape, narinig niya ang mahinang yabag sa hallway.“Mommy…” mahinang bulong ni Sophia, bitbit ang paborito niyang bunny. “I had a dream, you were sad.”Napayuko si Alyssa, agad na binuhat ang maliit na bata at pinaupo sa counter. Hinalikan niya ang buhok nito.“I’m not sad anymore, baby girl. I have you, di ba?”Sunod-sunod na sumulpot ang kambal na boys
8 Months LaterMabagal ang ambon sa labas ng maliit pero maaliwalas na condominium unit sa Paris. Tahimik ang gabi pero nabasag iyon ng mahihinang ungol ni Alyssa habang mahigpit ang hawak niya sa bedsheet. Pawis na pawis siya, nanginginig ang mga kamay, at pinipigil ang mga impit na sigaw.Nasa tabi niya si Sera, kalmado pero bakas ang kaba sa mga mata habang inaasikaso ang mainit na tubig at tuwalya. Walang ospital, walang nurse — sila lang dalawa, sila lang ang magtataguyod sa gabi ng pagsilang.“Konti na lang, Lyss. Kaya mo ‘to… Para sa kanila,” mahina pero matatag na bulong ni Sera, pinapahid ang pawis ni Alyssa.Sa huling sigaw, sa pagitan ng mga luha at pagod, narinig nila ang unang iyak — sunod-sunod, tatlong munting tinig na parang musika sa gitna ng dilim.Tatlong sanggol. Tatlong sikreto. Tatlong bagong buhay.---Makalipas ang ilang oras, malamig ang simoy ng hangin na pumapasok sa malaking bintana ng condo. Nakahiga si Alyssa, pagod pero puno ng ngiti habang pinagmamasdan
Tatlong linggo na ang nakalipas simula nang magdesisyon si Yssabelle na magtago, at sa bawat araw na lumilipas, mas ramdam niya ang bigat ng responsibilidad na nakaatang sa kanyang mga balikat. Ang Véraise ay nagsisimula nang magbukas ng pinto para sa kanya, ngunit ang mga pagbabalik-loob sa mundo ng mga Navarro, pati na rin ang mga mata na laging nagmamasid, ay tila nagiging dahilan ng kanyang mga kaba.Ngayong gabi, may mahalaga siyang pagtatanghal. Isang investor, isang potential na partner para sa expansion ng Véraise sa international market. Kung magtatagumpay siya dito, hindi lang siya makakapagsimula ng isang bagong buhay — pati na ang mga anak niya, ang kanyang triplets, ay magkakaroon ng mas maliwanag na kinabukasan.Habang naghahanda si Yssabelle sa kanyang opisina, may nararamdaman siyang kaba sa tiyan — hindi dahil sa takot, kundi sa excitement. Isa itong test. Kung magtagumpay siya, magiging official na ang lahat. Hindi na siya isang lihim.Si Sera, na matagal na niyang n