I heaved out a shaky breath as I stare at myself in the mirror. Nagbaba ako ng tingin sa pregnancy test na hawak ko, pero ayokong paniwalaan ang dalawang guhit na nakatitig sa akin pabalik. I think back of the previous days that had passed. Hindi ako makapaniwalang hindi ko man lang napansin ang mga senyales. Bukod sa paminsan-minsang pagsusuka ay nahihilo rin ako tuwing umaga nitong mga nagdaang linggo. Akala ko ay epekto lang ‘yon ng buong araw na pag-iyak at hindi pagkain ng tama sa oras. Hindi ko rin maalala kung kailan ang huling dalaw ko, pero sigurado akong dapat ay dinatnan na ako sa ngayon.
Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang mga daliri at huminga ng malalim. Nagbukas ako ng isa pang PT at pinilit ang sariling umihi. A few minutes later, ganoon pa rin ang resulta. Dalawang linya.
“France?” Mindy knocked on the door before opening it. “Ano? Kumusta?” nakangiti niyang tanong, ang mga mata ay nagdidiwang na kaagad. Pero hindi ako sumagot. Tuloy ay dumapo ang tingin niya sa tatlong PT na nasa sink. “You were only suppose to do one!”
Hindi ko siya pinansin at sinapo na lang ang noo ko. I paced around the bathroom and heaved out shaky, loud breaths. Mindy took the PT and scanned them one by one. Then she looks at me with a wide grin. “Buntis ka nga!” sigaw niya bago ako hinila para yakapin.
Pero hindi ko magawang magdiwang. Puno ng takot ang dibdib ko-- hindi para sa ‘kin, kundi para sa bata. Paano ko siyang palalakihin nang mag-isa ngayong natatanaw ko na ang divorce namin ni Khael? Ayoko siyang lumaki ng walang tatay, pero paano ko maipapaliwanag sa kanya na hindi ako mahal ng tatay niya kaya hindi ako ang pinili niyang makasama?
“Huy…” Mindy suddenly let go from the hug. “Bakit parang hindi ka masaya? Magiging mommy ka na oh! ‘Di ba ang tagal-tagal mo nang naghihintay para rito? Partida si Khael pa ang ama-- just like you wished! Double kill ka, sis!”
I didn’t speak. Namalayan ko na lang, tuloy-tuloy na ang pagbagsak ng mga luha ko. “Mindy… n-natatakot ako.”
Nanlaki ang mga mata niya. “Bakit? Hindi ka ba masaya?”
“Hindi ko alam. Ang alam ko lang, iiwan na ako ni Mikhael. Hindi ko nga alam kung kakayanin ko ba ‘yon, tapos biglang buntis ako? I don’t want my child to grew up without a father. Kung kailan kasi tanggap ko na na iiwan na ako ng asawa ko, na may mahal nga talaga siyang iba at hindi ako, saka pa nangyari ‘to.”
Mindy looked at me as if I’ve lost my mind. “Grabe naman ang nilipad ng utak mo, France. At tsaka, ano ka ba! Blessing ‘yan. Gago si Khael, oo-- pero hindi naman siya gano’n kagago para hindi ka panindigan. Mabait din naman siya kahit papaano at alam kong hindi ka pababayaan no’n lalo pa ngayong magkakaroon na kayo ng anak.”
Tears continued to flow from my eyes. “But still… he doesn’t love me.”
“Then maybe this kid would make him love you!” she said, sounding so proud of herself na para bang siguradong-siguroad siyang iyon na kaagad ang totoo. “Itong bata ang magiging solusyon sa mga hinanakit mo, France!”
“But I don’t want to use my kid as a way to win over Khael. Tsaka hindi pa nga sigurado kung buntis ba talaga ako. This pregnancy test might be wrong.”
Napabuntong-hininga si Mindy na para bang hindi na niya alam ang gagawin pa sa akin. “Well, I suggest you go call your husband and tell him the news. Saka mo lang naman malalaman kung ano ba talagang magiging reaksyon niya kapag sinabi mo eh.”
I thought about Mindy’s words thoroughly before I decided to finally call Khael. It was already 9 PM kaya sigurado akong wala na siya sa office. When he picked up the phone, he sounded surprisingly calm. I couldn’t help but think na si Blaine ang kasama niya. Ang babae lang naman ang nakakapagpalambot ng matigas niyang puso eh.
“Khael, pwede bang magkita tayo saglit?” saad ko sa telepono habang kagat ang labi ko. “May importante akong sasabihin.”
He breathed out a sigh. Para bang ngayon niya lang na-realize na ako ang tumawag. “What is it? Sabihin mo na lang dito.”
Umiling ako kahit pa hindi naman niya nakikita. “Importante ‘to, Khael. Mas maigi kapag sa personal ko sasabihin.”
“Gaano ba ka-importante? May meeting ako bukas.”
I bit my lip one again. Parang tinatambol ang dibdib ko sa magkakahalong emosyon. Pero tama si Mindy. Hindi niya kami iiwan oras na malaman niya na buntis ako sa anak niya. Bagaman parang napakasamang pakinggan, kung ang magiging anak naming ito ang magiging susi para hindi ako iwan ni Khael, handa akong gawin ang lahat para masigurong mananatili siya sa akin.
“Khael, hindi mo ako pwedeng iwan…” saad ko at napapikit nang mariin.
“Here we go again,” rinig kong sabi niya kasabay ng isang malalim na hininga. “Hindi nga kita mahal, Francesca. When will you realize that this marriage is nothing but a loveless contract?”
Napalunok ako at pilit na nilunok ang mga hikbing nagbabadyang kumawala sa mga labi ko. “Pero… buntis ata ako, Khael.”
Doon ay natahimik siya. Binalot kami ng katahimikan. Nakatitig lamang ako sa repleksiyon ko sa salamin, pinapakinggan ang paghinga ni Khael sa kabilang linya. Maya-maya pa ay may narinig akong kaluskos na para bang umayos siya ng upo. “Meet me in my office tomorrow at 8.”
Unti-unting sumibol ang ngiti sa labi ko.
Pakiramdam ko ay taon ang lumipas bago kumalas si Khael sa pagkakayakap sa akin. Ngunit kahit pa ganoon, pakiramdam ko ay hindi pa rin sapat. Kulang pa rin. Gusto ko na lamang siyang yakapin hanggang sa malagutan ako ng hininga. Hinawakan ni Khael ang magkabila kong balikat saka ako pinakatitigan. Bumalatay sa mukha niya ang magkakahalong galit, lungkot at sakit nang makita ang mga sugat at pasa sa aking balat. “Francesca... sinong may gawa nito?” nag-iigting ang panga niyang tanong. Napalunok ako saka yumuko. Hindi niya dapat malaman. Magagalit siya, magkakagulo sila. Hindi ko kayang mangyari iyon... kaya umiling ako. Narinig ko ang pagsinghal ni Mindy sa hindi kalayuan. Bakas sa mukha niya ang galit. “See, I told you she wouldn’t say a thing! Hindi ko alam kung traumatized ba ‘yan o talagang ayaw lang magsalita.”Hindi pinansin ni Khael ang sinabi ng kaibigan ko. Instead, he caressed my face gently. Napapiksi ako dahil makirot pa rin ang mga sugat kaya naman napapikit si Khael sa
Isang banayad na haplos ang dumapo sa aking balat kasabay ng paghalik ni Mindy sa noo ko. Pinigilan ko ang mapakislot ng madampian ng kabi niya ang pasa ko ro’n.“Kumain ka na,” bulong niya at tumabi sa akin. Nakaupo ako sa veranda ng kanyang condo habang tinatanaw ang mga sasakyan at building sa hindi kalayuan. “Naghain na ako sa mesa.”Tumango lamang ako at hindi nagsalita. Dalawang araw na ang nakalipas simula nang kumatok ako sa pinto ni Mindy nang basang-basa at puno ng mga galos, pasa at sugat. Simula nang dumating ako, puro luha at hagulgol lamang ang nakuha ni Mindy mula sa akin. Sinubukan niyang magtanong kung anong nangyari, kung bakit ganoon ang itsura ko at bakit sobrang payat ko na, ngunit nanatili akong tahimik kahit pa anong pagmamakaawa niya sa akin.Ayokong magsalita dahil pakiramdam ko, muling magdurugo ang mga sugat at galos ko oras na sambitin ko ang lahat nang naranasan ko sa mansyon ng mga Lorzano. Ayokong magsalita sa takot na baka masira ko lamang ang lahat. Ayo
Mamamatay na ako. Iyon ang paulit-ulit na sinasabi ng boses sa isip ko. Patagal nang patagal, habang nakahiga ako sa malalim na sahig at kumakalam ang sikmura, mas nagiging totoo iyon. Mamamatay na ako nang hindi man lang nasisilayan ang mga anak ko. Mamamatay ako nang hindi man lang sila nabibigyan nang pagkakataon para makita ang mundo o makasama ang tatay nila. Mas nakakatakot iyong isipin kaysa sa nalalapit kong kamatayan. Hindi ko na namalayan pa ang mga oras na lumipas. Ang alam ko lang ay sobrang tagal ko nang nakakulong sa lugar na ‘to. Pakiramdam ko ay ilang taon na ang lumipas at habang buhay na lang akong nakabilanggo. Wala akong makain, walang mainom, walang daan palabas. Kagabi pa naubos ang tubig ko, halos dalawang araw na ang lumipas na wala akong kain. Hindi na ako umaasa pang babalik si Ate Lorna— o kahit na sino— para saklolohan ako. Mamamatay na nga talaga ako. Ipinikit ko ang aking mga mata kasabay nang paghiling sa Diyos na kunin na lang ako. Dahan-dahang puma
Lumipas ang magdamag nang hindi man lang ako pinagbuksan nang pinto ni Ate Marinelle— o nang kahit na sino. Nakaupo lang ako sa maruming sahig ng bodega habang tinitipid ang tubig na ibinigay ni Ate Lorna. Kung hindi dahil sa kakarampot na liwanag na pumapasok mula sa maliliit na butas ng kahoy na dingding, sobrang dilim ng buong silid. Wala akong ibang ginawa kundi umiyak nang umiyak habang dinaramdam pa rin ang sakit mula sa mga pasa at sugat sa mukha ko. Bukod pa ro’n, parang dinudurog nang paulit-ulit ang puso ko habang iniisip ang ginawa sa akin ni Ate Marinelle. Sa loob-loob ko ay sarili ko ang aking sinisisi. Kung noon pa man ay umalis na ako, hindi na sana aabot pa sa ganito. Walang ibang dapat na sisihin sa lahat ng nangyari kundi ang sarili ko dahil hinayaan ko silang gawin ito sa akin.Buong gabi akong gising. Hindi ko magawag ipikit ang mga mata ko dahil pumapasok ang imahe ng mga patay na daga sa isip ko. Pakiramdam ko ay lalapit silang lahat sa akin at kakainin ako nang
“A-Ate, nasasaktan ako!” Sinubukan kong magpumiglas sa mahigpit na pagkakahawak ni Ate Marinelle sa buhok ko, pero hindi siya nakikinig. Nagsimula nang magpatakan ang mga luha ko dahil patuloy pa rin siya sa pangangaladkad sa akin.“Wala akong pakealam! Hinahayaan na nga kitang magreyna-reynahan sa bahay na ‘to, tapos ikaw pa may ang ganang manakit kay Blaine?!” galit na bulalas ni Ate at mas hinigpitan pa ang hawak sa buhok ko. The pain felt as though my whole scalp would be ripped off.“A-Ate, hindi ko siya sinaktan! Natumba lang siya sa harap ko!” umiiyak kong paliwanag, pero imbes na makinig ay mas hinila lamang ni Ate ang buhok ko. Hindi ko makita kung saan kami pupunta pero kung saan-saang parte ng mga furnitures tumatama ang binti ko habang patuloy kami sa paglalakad. Muntik pa ngang tumama ang tiyan ko sa isang kanto ng cabinet pero mabuti na lang at nakaiwas ako kaagad. “Ate, p-please, let me go...”Mula sa likod ko ay narinig kong humahabol sa amin si Ate Lorna. Rinig ko sa
Kinaumagahan ay maaga kaming nagising ni Khael para maghanda sa business trip. Habang nasa shower siya, ako naman ay naisipang ipagluto siya ng babauning pagkain. Nang maisaayos ko ang lahat, ibinigay ko iyon sa kanya bago siya sumakay sa kotse. “Bye, little ones,” bulong ni Khaek sa tiyan ko bago tuluyang umalis. Pinanood ko nang mag-drive siya palayo. Makalipas nang ilang minuto, umalis na ako sa may pinto at naglakad na papunta sa kusina para magluto. As usual, nandoon na kaagad si Ate Lorna. She smiled at me, so I smiled back and help with preparing breakfast kahit pa pinipilit niya akong maupo na lang. “Grabe, Ate,” natatawa kong sabi at nagpatuloy sa paggagayat ng gulay. “Buntis lang po ako pero hindi ako lumpo.”“Nag-aalala lang ako sa ‘yo.” Napailing na lang siya. “Kumusta ka pala? Mukhang nagiging maayos na kayo ni Khael ah? Pansin ko kayo kapag inaangkin niyo ang kusina ko.”Natawa ako. Dahil nabanggit si Khael, bigla tuloy akong nakaramdam ng lungkot. Kaaalis niya pa lang