Beranda / Romance / The Billionaire's Unwanted Wife / Kabanata 2: Executive Assistant

Share

Kabanata 2: Executive Assistant

Penulis: Raine
last update Tanggal publikasi: 2026-09-18 09:39:54

Maagang gumising si Solanna pero paggising niya ay wala na si Kaizer sa tabi niya. Malaki ang kama nila at sa laki no'n ay halos hindi magdikit ang mga balat nila kahit pa lumapit siya.

Kaizer sleeps at his office inside the house most of the time. Pero kapag dumadalaw ang pamilya nila o kung may ibang bisita ay sa kwarto nila natutulog ang lalaki.

Bumangon si Solanna at nag-ayos. May ilang oras pa siya bago pumasok.

She's an executive assistant of her husband, Kaizer Anderson under the Anderson Holdings. Isang linggo palang mula nang pumasok siya sa kumpanya na iyon.

Wearing a brown cropped coat and high waisted brown pants, she went out of the room.

Nadatnan niya ang kanyang asawa na nagkakape habang may binabasang article sa kanyang tablet.

"Good morning," masiglang bati niya sa lalaki at lumapit upang b****o pero agad iniwas ni Kaizer ang kanyang ulo.

"Don't touch me," matigas na turan nito.

Napalunok ang babae at napapahiyang umatras. Kumuha nalang din siya ng kape niya at umupo sa harap nito.

"Gusto mo bang sabay na tayong pumasok? I'll drive," suhestyon ni Solanna.

Isang linggo na siyang pumapasok pero kanya-kanya pa rin sila ni Kaizer ng sasakyan, pareho naman silang walang driver sa kasalukuyan kaya bakit hindi nalang sila magsabay?

"I have a meeting at lunch," seryosong sabi ni Kaizer.

"Oh, 'di sasama ako," aniya. "Executive assistant mo naman ako, hindi ba?"

"You're not needed there."

"Anong meeting ba iyon? Ire-review ko nalang at baka may maitulong ako--"

"As if naman may naitutulong ka," iritadong sabi ni Kaizer at tumayo na, hindi pa nito ubos ang kanyang kape. "You just make things worse, Solanna."

Matapos sabihin iyon ay iniwan na siya ng lalaki.

Of course...

Paano niya papatunayan ang sarili niya kung lagi siyang hindi isinasali nito? She's his executive assistant pero kulang nalang isikreto nito ang lahat sa kanya. Paano siya makakatulong?

Kinuha niya ang laptop niya at sinilip ang schedule ni Kaizer. May meeting nga ito mamaya tungkol sa project nila sa Puerto Prinsesa. Binasa niyang mabuti ang mga detalye tungkol doon bago umalis ng bahay at pumasok.

"Good morning, Ma'am," sunod-sunod na bati sa kanya ng mga empleyado habang paakyat siya sa pinakataas na floor, ang opisina niya at ni Kaizer.

Magkahiwalay ang opisina nila ng lalaki pero magkatabi. Sa labas ay may cubicle ang lalaking secretary ni Kaizer at naroon din ang meeting room para sa mga executives. May isang buong room din doon kung saan pwede mag-opisina ang mga director kung sakaling mapadaan sila roon.

"Good morning, Mrs. Anderson," nakangiting bati ng secretary ni Kaizer sa kanya.

Ngumiti pabalik si Solanna.

"Sasama ka sa meeting niya mamaya?"

Tumango ang secretary. "Pero baka susunod nalang po ako, may pinapadaluhan pa kasi siyang meeting ng staff mamaya."

"Akin na ang meeting agenda," inilahad ni Solanna ang kanyang palad sa lalaki. "Ako na ang sasama sa kanya."

"Po?" medyo nanlaki ang mata ng secretary pero mabilis ding hinanap ang folder upang ibigay iyon. "Sasabihin ko po ba kay Sir o--"

"No need," tipid na sabi ni Solanna at itinaas ang folder na hawak niya. "It's a surprise."

Hindi iyon kailangang malaman ni Kaizer dahil tiyak na hindi ito papayag.

Pagkagaling sa secretary ay pumasok si Solanna sa loob ng office ni Kaizer.

Nakatayo ang lalaki sa floor to ceiling na bintana at nakatingin sa malayo, may katawagan ito sa cellphone at maayos na maayos ang tindig. His biceps protruded under his white long sleeves. Nakasabit ang coat nito sa clothes rack sa gilid ng kanyang upuan. Everything about him, including his office, is intimidating.

"They want to back out?" dinig ni Solanna na sabi ni Kaizer sa kausap. "For what? Nakaamoy ang kabila? They offered to double our budget? No, we can't make a higher offer, tayo ang malulugi roon. I'll check the data. Alright, alright."

Ibinaba ni Kaizer ang tawag at humarap sa gawi niya. Hindi ito napaigtad sa gulat nang makita siya pero tumaas ang isang kilay nito bago naglakad patungo sa kanyang mesa at pabagsak na ibinaba ang kanyang cellphone. Salubong ang kilay at halatang wala sa mood.

"What are you doing here?"

Solanna bit her lower lip. Mukhang hindi magandang pumunta siya rito sa oras na'to.

"May problema ba? Anong project iyon?" she asks, concerned.

Umupo si Kaizer sa kanyang swivel chair at hinilot ang kanyang sentido.

"Pinapunta ba kita rito?"

"Uhh, no, but--"

"Then leave!"

Halos mapatalon si Solanna sa gulat nang sigawan siya ng lalaki. Bumilis ang tibok ng kanyang puso sa kaba.

"Kaizer, kung may problema p'wede mo namang sabihin, maybe I can help--"

"You?" putol ni Kaizer sa sasabihin niya. Sarkastikong halakhak ang pinakawalan ng lalaki at tinignan siya mulo ulo hanggang paa. "Ano naman ang alam gawin ng isang spoiled brat na kagaya mo?"

Ouch!

Iyon talaga ang tingin sa kanya ni Kaizer, na isang spoiled brat na pinagbigyan ng mga magulang ipakasal sa lalaking gusto niya.

Napabuntong-hininga si Solanna. Bumaba ang tingin niya sa kamay ni Kaizer, suot-suot pa rin naman nito ang wedding ring nila. Pero sa kabila no'n nagagawa pa rin nitong makipagkita sa ibang babae sa likod niya. And he never bothered to explain.

"Nasaan ka kagabi?" tanong ni Solanna, naalala niya na naman ang kiss mark sa damit nito.

"Wala tayo sa bahay at 'wag kang sumali sa mga iniisip ko ngayon--"

"Exactly," aniya. "Wala tayo sa bahay kaya 'wag mo akong ituring na asawa mo ngayon. I'm your executive assistant and you can treat me just that. Hindi naman yata tamang pati sa trabaho ay isinisikreto mo sa akin ang lahat?"

Sa kasal nila ay hindi lang naman ang pamilya niya ang nakinabang, the Anderson Group benefited a lot, too. Siguro nga hindi siya gusto ni Kaizer pero hindi naman siya nandito para magpa-cute lang sa lalaki. May kailangan din siyang patunayan sa pamilya niya, she's also an heiress of the Tiu Group. At sana ay naiintindihan ni Kaizer iyon.

Tumayo si Kaizer at naglakad palapit sa kanya. Huminto ito sa kanyang harapan, yumuko nang kaunti upang magtama ang mga mata nila.

He smirked, a devilish kind.

"What can you even do? You only know how to mess things up."

Solanna smirked. "Trust me."

Umayos ng tayo si Kaizer at pinagtaasan siya ng kilay.

"This project is very important to me."

"I know," mahinang sambit niya. "And you're also very important to me."

"So blunt, Missy."

"Let's have a deal, then. Kapag pumirma sila ng kontrata, magdi-dinner date tayo sa labas ngayong gabi."

Sarkastikong ngiti ang pinakawalan ni Kaizer.

"I'll do this deal myself. Wala kang gagawin," mariing sabi ni Kaizer. "Hindi ito laro na p'wede mong pakielaman anytime."

"Deal," ani Solanna na tila walang narinig at lumabas na ng opisina ng lalaki.

Napahawak siya sa kanyang dibdib nang makalabas. Labis ang lakas ng loob na inipon niya para harapin ng ganoon si Kaizer. Ni hindi niya nga sigurado kung ano ba ang magagawa niya para mapapayag ang kliyenteng ituloy ang project kasama sila.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Billionaire's Unwanted Wife   Kabanata 6: Dress

    "Hija!" Masayang sinalubong si Solanna ng mother in law niya, ang ina ni Kaizer, nang magkita sila sa Mall. "Mom," nahihiyang sabi niya at ngumiti rito. "Let's go," inilingkis ng ginang ang braso niya kay Solanna at hinila papunta sa isang sikat na boutique. "Kumusta naman ang married life? Nag-celebrate naman ba kayo ng anniversary?"Tipid siyang ngumiti, naalala niya na naman ang gabing iyon."Uh, hindi po, busy po kasi si Kaizer ng araw na iyon. I think he has a meeting that day.""Inuna niya pa ang meeting niya kaysa sa'yo?" tumaas ang boses ng ginang. "That man really never learn! Dapat ay pinagalitan mo." Nilingon siya nito. "I'm sorry for my son's attitude, hija. Hindi pa rin ba kayo okay?"Sumikip ang dibdib ni Solanna. Minsan ay ipinagtatanggol niya nalang si Kaizer dahil alam niyang mapagsasabihan na naman ito."We're okay naman po. B-busy lang talaga," another lie for him.Bumuntong-hininga ang ginang, hindi alam ni Solanna kung naniwala man lang ba ito sa sinabi niya o a

  • The Billionaire's Unwanted Wife   Kabanata 5: Office Works

    Inalis ni Kaizer ang kamay ni Solanna sa kanya at padarag niyang binitiwan ang babae."I don't make love," anito. Mas lalong nanlumo si Solanna. Nanliliit na nga siya sa sarili niya dahil sa mga pinaggagawa niya ay ganoon pa ang maririnig niya."Ano'ng ginawa mo sa loob ng hotel room kasama si Cassey Martin, kung gano'n?""Wala ka ng pakielam roon--""Hindi mo ako sinipot para makipagkita sa kanya," malungkot na sabi ni Solanna. "Ganoon ba ako ka-walang kwenta para sa'yo? At least a bit of decency to text me that you're not coming?"Kaizer sighed. Binalak niya naman talagang mag-text pero agad-agad ang meeting nila ni Cassey na hindi na siya nagkaroon ng oras. Pagkatapos ng meeting ay umuwi na siya agad at nakita niya na ang sasakyan ni Solanna sa garage kaya alam niyang nakauwi na ito."Ni wala man lang 'thank you' mula sa'yo," dagdag pa ni Solanna.Kaizer rolled his eyes.He really hates needy girls."That's your job, isn't it? Ikaw ang may gusto niyan, hindi ako. You're so demandi

  • The Billionaire's Unwanted Wife   Kabanata 4: Date Night

    "Nakuha niyo ang deal, sir?" tanong ng secretary ni Kaizer nang makita ang pirmadong kontrata. "At hindi ginalaw ang contract price?"Tumango nalang si Kaizer at hindi na nakipag-usap pa. Maski siya, kahit hindi niya aminin, ay hindi makapaniwala sa nangyari.Maybe he underestimated the Tiu connections. Or he underestimated the talent of his wife.Tinanggal niya ang coat niya at dumiretso na sa kanyang desk upang magtrabaho. Tuloy na ang project nila sa puerto princesa dahil nakuha na nila ang lupa na kailangan nila roon. "Process everything immediately, including permits. Ako na ang makikipag-meeting sa construction and design department. Kailangan matapos lahat at masimulan ang pagpapatayo ng building after a month," utos niya sa staff niya at nagsimula ng pumirma ng iba pang mga ongoing nilang proyekto.Sa kabila ng pagiging busy ay hindi mawala sa isipan niya ang nangyari kanina. Solanna's sudden appearance, holding a revised contract na hindi niya alam kung kailan niya iyon pina

  • The Billionaire's Unwanted Wife   Kabanata 3: Client Meeting

    "Mr. Anderson."Tumayo si Kaizer at sinalubong ang lalaking kararating lang. Medyo may katandaan na ang ka-meeting niya ngayon kumpara sa kanya, kasama nito ang isa pang babae na sa pakiwari niya'y sekretarya ng lalaki."Mr. Cua," ani Kaizer at nakipagkamay sa lalaki. Pagkatapos ay iminuwestra rito na maupo."Tingin ko ay may balita ka na sa balak naming gawin," pauna ni Mr. Cua. "Ayaw ko ng pahabain ito at sayangin pa ang oras mo. I know how important time is for you, Mr. Anderson."Tumango si Kaizer. Naitawag na sa kanya kanina na umatras na ang mga Cua sa deal nila at ang tatanggapin na nito ay ang kontratang ino-offer ng mga Cruz. Napag-alaman niyang dinoble rin ng mga ito ang offer price niya.Pero importante sa kanya ang project na iyon, maganda rin ang location at maganda ang benefits no'n lalo sa mga susunod na taon. But as a businessman, he can't just make a counter offer with the same as much. May budget lang silang inilaan para roon."Nandito na lang din naman tayo, why not

  • The Billionaire's Unwanted Wife   Kabanata 2: Executive Assistant

    Maagang gumising si Solanna pero paggising niya ay wala na si Kaizer sa tabi niya. Malaki ang kama nila at sa laki no'n ay halos hindi magdikit ang mga balat nila kahit pa lumapit siya.Kaizer sleeps at his office inside the house most of the time. Pero kapag dumadalaw ang pamilya nila o kung may ibang bisita ay sa kwarto nila natutulog ang lalaki.Bumangon si Solanna at nag-ayos. May ilang oras pa siya bago pumasok.She's an executive assistant of her husband, Kaizer Anderson under the Anderson Holdings. Isang linggo palang mula nang pumasok siya sa kumpanya na iyon.Wearing a brown cropped coat and high waisted brown pants, she went out of the room.Nadatnan niya ang kanyang asawa na nagkakape habang may binabasang article sa kanyang tablet."Good morning," masiglang bati niya sa lalaki at lumapit upang bumeso pero agad iniwas ni Kaizer ang kanyang ulo."Don't touch me," matigas na turan nito.Napalunok ang babae at napapahiyang umatras. Kumuha nalang din siya ng kape niya at umupo

  • The Billionaire's Unwanted Wife   Kabanata 1: Anniversary Dinner

    Malamig na ang mga pagkaing ilang oras niyang iniluto at hinanda. Napatingin si Solanna Tiu sa orasan na nakalagay sa wall ng dining area nila, mag-a-alas dose na ng gabi, patapos na ang araw. Sa lumipas na ilang oras ay ilang beses na rin nagpabalik-balik ang tingin niya sa orasan habang pinipilit ipagtanggol ang lalaki sa kanyang isipan, baka may importante lang itong ginawa, baka traffic, baka may biglaang meeting, at kung ano-ano pa. 11:57 pm. Ang scheduled dinner nila ay alas-otso ng gabi dahil alam niyang male-late ito ng uwi. Napatingin siyang muli sa mesa. Maganda ang pagkakaayos no'n na personal niyang ginawa. Dalawang plato, dalawang wine glass, may romantic candles sa gilid, at may mga fresh na bulaklak na nakalagay sa vase. Everything's perfect. But he didn't come home. Narinig niya ang tunog ng pagbukas ng pintuan at napaupo siya ng tuwid, naghihintay sa pagpasok nito. Ang lungkot na naramdaman niya kanina ay mabilis na nawala at napalitan ng kasiyahan, ang maha

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status