Masuk"Mr. Anderson."
Tumayo si Kaizer at sinalubong ang lalaking kararating lang. Medyo may katandaan na ang ka-meeting niya ngayon kumpara sa kanya, kasama nito ang isa pang babae na sa pakiwari niya'y sekretarya ng lalaki. "Mr. Cua," ani Kaizer at nakipagkamay sa lalaki. Pagkatapos ay iminuwestra rito na maupo. "Tingin ko ay may balita ka na sa balak naming gawin," pauna ni Mr. Cua. "Ayaw ko ng pahabain ito at sayangin pa ang oras mo. I know how important time is for you, Mr. Anderson." Tumango si Kaizer. Naitawag na sa kanya kanina na umatras na ang mga Cua sa deal nila at ang tatanggapin na nito ay ang kontratang ino-offer ng mga Cruz. Napag-alaman niyang dinoble rin ng mga ito ang offer price niya. Pero importante sa kanya ang project na iyon, maganda rin ang location at maganda ang benefits no'n lalo sa mga susunod na taon. But as a businessman, he can't just make a counter offer with the same as much. May budget lang silang inilaan para roon. "Nandito na lang din naman tayo, why not hear me first, Sir?" anito at ngumiti sa lalaki. Tinignan ni Mr. Cua ang secretary niya at may inilabas na folder ang babae, ibinaba niya iyon sa mesa at itinulak nang kaunti patungo kay Kaizer. "Here's our contract terms and condition with the Cruz," sabi ni Mr. Cua. "Can you offer that much? Huwag mo sanang masamain ito, Mr. Anderson, pareho tayong businessman dito. At kung ikaw ang nasa posisyon ko, I'm sure you also know which one is the better choice." Kinuha ni Kaizer ang folder at binuklat iyon. Hindi na niya kailangan pang basahin ng buo, alam niya kung saan agad dapat pumunta ang mga mata niya. The amount and the conditions. Totoong matanda ang offer ng mga Cruz, pero maganda rin naman ang offer niya. Mas mataas nga lang ang perang involve sa kabila. Napatingin si Kaizer sa kanyang relo, wala pa ang secretary niya, nasa lalaki kasi ang draft contract na ginawa nila. "Bakit pala mag-isa ka lang? Where's your secretary?" kuryosong tanong ng ka-meeting niya. Ilang segundo lang matapos sabihin iyon ni Mr. Cua ay may isang babaeng lumapit sa table nila, nagbaba ng folder doon, at nakuha ang atensyon nilang tatlo. "I have a better offer, Mr. Cua." Namilog ang mga mata ng matanda nang makilala ang babae. Nagpalipat-lipat ang mata nito kay Solanna at kay Kaizer. Ngumiti si Solanna sa nagtatakang mga tingin ni Kaizer, pasimple rin siyang tinignan ng masama ng lalaki sa takot na baka mas lalong mawala ang project sa kanila. "P'wede ka bang lumipat ng upuan, Mr. Anderson?" nanunuyang wika ni Solanna. Walang nagawa ang lalaki kundi lumipat sa upuan sa kanyang tabi upang makaupo si Solanna. "Miss Tiu," gulat pa ring sambit ng matanda. "Anong ginagawa mo rito?" "Mrs. Anderson," she corrected. "Hindi pa po pala ako nakapagpakilala. I'm Solanna Tiu-Anderson, executive assistant of Mr. Kaizer Anderson." Halos malaglag ang panga ni Mr. Cua sa gulat. Alam niyang kasal ang dalawa pero ngayon niya lang nakita na personal na magkasama ang mga ito. At hindi niya alam na executive assistant na pala ni Kaizer ang babae. "Same contract amount," sabi ni Solanna. "But I changed the condition. You can have ten percent shares in this specific project and in addition, I'll offer another partnership project under the Tius." Ngumiti si Solanna na tila sigurado siyang kanyang-kanya na ang deal na iyon. "Hindi mo makukuha ang mga benefits na iyan kung ang mga Cruz ang pipiliin mo, Mr. Cua." "O-ofcourse," kabadong sabi ng matanda. Kinuha nito ang contract at mabilisang binasa ang mga importanteng detalye. "I'll sign this right now, is that okay?" Tumaas ang kilay ni Kaizer sa pagtataka. Napatingin din siya kay Solanna. Hindi nito pinalitan ang presyo? Ten percent of shares is nothing compared to the amount offered by the Cruz. Ayaw niya man aminin ay may kaunting pagkamangha siyang naramdaman sa kanyang asawa. Hindi niya akalaing kayang gawin iyon ni Solanna. "Ayos na ba sa'yo ang new contract terms natin, Sir?" nakangiti siyang hinarap ni Solanna. He look away. Kinuha niya ang kopya niya at binasa iyon ng mabuti. Walang kakaiba. Pareho lang sa sinabi ni Solanna, at ang isang partnership project lang under sa mga Tiu. "Hindi ko alam na nagtatrabaho ka na rin pala sa mga Anderson, hija," sabi ni Mr. Cua na tila personal niyang kilala si Solanna. Pagkatapos ay tumingin ito kay Kaizer. "You really have an amazing employee over here, Mr. Anderson, she's an ace in her previous company." Hindi niya alam. Hindi siya nagsagawa ng research o ano pa man sa dating trabaho ni Solanna. Ang alam niya lang ay nagtatrabaho ito sa kumpanya nila kaya malamang ay hindi naman ganoon kahirap ang trabaho niya. Muli siyang napatingin sa kontrata. Alam niya ang format ng dating ginawa ng secretary niya at alam niyang napalitan ang karamihan doon. It's more formal. Nagsalubong ang kilay niya at hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari. "Mr. Anderson?" pagkuha ni Mr. Cua ng atensyon niya. "Ayos na ba tayo rito?" "O-oh..." Nalilito man ay tumango pa rin siya. "Yes, I'm fine with this." Inabutan siya ng sign pen ni Solanna at tumingin muna siya sa babae bago tinanggap ang pen at pinirmahan ang kontrata. Pagkatapos ay nagpalitan sila ng kopya ni Mr. Cua. Matapos ma-finalize ang contract ay tumayo ang mga ito at nakipagkamay sa isa't isa bago tuluyang nagpaalam. "Congratulations," masayang sabi ni Solanna sa kanya nang makaalis na sila Mr. Cua. Tumingin siya sa babae na tila binabasa ang nasa isip nito. "Why are you here?" Nagkibit ng balikat ang babae. "We have a deal, remember?" Kinuha ni Solanna ang shoulder bag niya at bumulong kay Kaizer. "Dinner date after your work later, hmm? Huwag kang male-late." Sinundan ng tingin ni Kaizer ang kanyang asawa na palabas na ng restaurant kung saan sila nag-meeting. Pagkatapos ay bumaba ang tingin niya sa kontrata. She got the deal that easily? Siguro'y swinerte lang ito ngayon."Hija!" Masayang sinalubong si Solanna ng mother in law niya, ang ina ni Kaizer, nang magkita sila sa Mall. "Mom," nahihiyang sabi niya at ngumiti rito. "Let's go," inilingkis ng ginang ang braso niya kay Solanna at hinila papunta sa isang sikat na boutique. "Kumusta naman ang married life? Nag-celebrate naman ba kayo ng anniversary?"Tipid siyang ngumiti, naalala niya na naman ang gabing iyon."Uh, hindi po, busy po kasi si Kaizer ng araw na iyon. I think he has a meeting that day.""Inuna niya pa ang meeting niya kaysa sa'yo?" tumaas ang boses ng ginang. "That man really never learn! Dapat ay pinagalitan mo." Nilingon siya nito. "I'm sorry for my son's attitude, hija. Hindi pa rin ba kayo okay?"Sumikip ang dibdib ni Solanna. Minsan ay ipinagtatanggol niya nalang si Kaizer dahil alam niyang mapagsasabihan na naman ito."We're okay naman po. B-busy lang talaga," another lie for him.Bumuntong-hininga ang ginang, hindi alam ni Solanna kung naniwala man lang ba ito sa sinabi niya o a
Inalis ni Kaizer ang kamay ni Solanna sa kanya at padarag niyang binitiwan ang babae."I don't make love," anito. Mas lalong nanlumo si Solanna. Nanliliit na nga siya sa sarili niya dahil sa mga pinaggagawa niya ay ganoon pa ang maririnig niya."Ano'ng ginawa mo sa loob ng hotel room kasama si Cassey Martin, kung gano'n?""Wala ka ng pakielam roon--""Hindi mo ako sinipot para makipagkita sa kanya," malungkot na sabi ni Solanna. "Ganoon ba ako ka-walang kwenta para sa'yo? At least a bit of decency to text me that you're not coming?"Kaizer sighed. Binalak niya naman talagang mag-text pero agad-agad ang meeting nila ni Cassey na hindi na siya nagkaroon ng oras. Pagkatapos ng meeting ay umuwi na siya agad at nakita niya na ang sasakyan ni Solanna sa garage kaya alam niyang nakauwi na ito."Ni wala man lang 'thank you' mula sa'yo," dagdag pa ni Solanna.Kaizer rolled his eyes.He really hates needy girls."That's your job, isn't it? Ikaw ang may gusto niyan, hindi ako. You're so demandi
"Nakuha niyo ang deal, sir?" tanong ng secretary ni Kaizer nang makita ang pirmadong kontrata. "At hindi ginalaw ang contract price?"Tumango nalang si Kaizer at hindi na nakipag-usap pa. Maski siya, kahit hindi niya aminin, ay hindi makapaniwala sa nangyari.Maybe he underestimated the Tiu connections. Or he underestimated the talent of his wife.Tinanggal niya ang coat niya at dumiretso na sa kanyang desk upang magtrabaho. Tuloy na ang project nila sa puerto princesa dahil nakuha na nila ang lupa na kailangan nila roon. "Process everything immediately, including permits. Ako na ang makikipag-meeting sa construction and design department. Kailangan matapos lahat at masimulan ang pagpapatayo ng building after a month," utos niya sa staff niya at nagsimula ng pumirma ng iba pang mga ongoing nilang proyekto.Sa kabila ng pagiging busy ay hindi mawala sa isipan niya ang nangyari kanina. Solanna's sudden appearance, holding a revised contract na hindi niya alam kung kailan niya iyon pina
"Mr. Anderson."Tumayo si Kaizer at sinalubong ang lalaking kararating lang. Medyo may katandaan na ang ka-meeting niya ngayon kumpara sa kanya, kasama nito ang isa pang babae na sa pakiwari niya'y sekretarya ng lalaki."Mr. Cua," ani Kaizer at nakipagkamay sa lalaki. Pagkatapos ay iminuwestra rito na maupo."Tingin ko ay may balita ka na sa balak naming gawin," pauna ni Mr. Cua. "Ayaw ko ng pahabain ito at sayangin pa ang oras mo. I know how important time is for you, Mr. Anderson."Tumango si Kaizer. Naitawag na sa kanya kanina na umatras na ang mga Cua sa deal nila at ang tatanggapin na nito ay ang kontratang ino-offer ng mga Cruz. Napag-alaman niyang dinoble rin ng mga ito ang offer price niya.Pero importante sa kanya ang project na iyon, maganda rin ang location at maganda ang benefits no'n lalo sa mga susunod na taon. But as a businessman, he can't just make a counter offer with the same as much. May budget lang silang inilaan para roon."Nandito na lang din naman tayo, why not
Maagang gumising si Solanna pero paggising niya ay wala na si Kaizer sa tabi niya. Malaki ang kama nila at sa laki no'n ay halos hindi magdikit ang mga balat nila kahit pa lumapit siya.Kaizer sleeps at his office inside the house most of the time. Pero kapag dumadalaw ang pamilya nila o kung may ibang bisita ay sa kwarto nila natutulog ang lalaki.Bumangon si Solanna at nag-ayos. May ilang oras pa siya bago pumasok.She's an executive assistant of her husband, Kaizer Anderson under the Anderson Holdings. Isang linggo palang mula nang pumasok siya sa kumpanya na iyon.Wearing a brown cropped coat and high waisted brown pants, she went out of the room.Nadatnan niya ang kanyang asawa na nagkakape habang may binabasang article sa kanyang tablet."Good morning," masiglang bati niya sa lalaki at lumapit upang bumeso pero agad iniwas ni Kaizer ang kanyang ulo."Don't touch me," matigas na turan nito.Napalunok ang babae at napapahiyang umatras. Kumuha nalang din siya ng kape niya at umupo
Malamig na ang mga pagkaing ilang oras niyang iniluto at hinanda. Napatingin si Solanna Tiu sa orasan na nakalagay sa wall ng dining area nila, mag-a-alas dose na ng gabi, patapos na ang araw. Sa lumipas na ilang oras ay ilang beses na rin nagpabalik-balik ang tingin niya sa orasan habang pinipilit ipagtanggol ang lalaki sa kanyang isipan, baka may importante lang itong ginawa, baka traffic, baka may biglaang meeting, at kung ano-ano pa. 11:57 pm. Ang scheduled dinner nila ay alas-otso ng gabi dahil alam niyang male-late ito ng uwi. Napatingin siyang muli sa mesa. Maganda ang pagkakaayos no'n na personal niyang ginawa. Dalawang plato, dalawang wine glass, may romantic candles sa gilid, at may mga fresh na bulaklak na nakalagay sa vase. Everything's perfect. But he didn't come home. Narinig niya ang tunog ng pagbukas ng pintuan at napaupo siya ng tuwid, naghihintay sa pagpasok nito. Ang lungkot na naramdaman niya kanina ay mabilis na nawala at napalitan ng kasiyahan, ang maha







