LOGIN"Nakuha niyo ang deal, sir?" tanong ng secretary ni Kaizer nang makita ang pirmadong kontrata. "At hindi ginalaw ang contract price?"
Tumango nalang si Kaizer at hindi na nakipag-usap pa. Maski siya, kahit hindi niya aminin, ay hindi makapaniwala sa nangyari. Maybe he underestimated the Tiu connections. Or he underestimated the talent of his wife. Tinanggal niya ang coat niya at dumiretso na sa kanyang desk upang magtrabaho. Tuloy na ang project nila sa puerto princesa dahil nakuha na nila ang lupa na kailangan nila roon. "Process everything immediately, including permits. Ako na ang makikipag-meeting sa construction and design department. Kailangan matapos lahat at masimulan ang pagpapatayo ng building after a month," utos niya sa staff niya at nagsimula ng pumirma ng iba pang mga ongoing nilang proyekto. Sa kabila ng pagiging busy ay hindi mawala sa isipan niya ang nangyari kanina. Solanna's sudden appearance, holding a revised contract na hindi niya alam kung kailan niya iyon pinalitan, and even the deal they had. Napatingin tuloy siya sa kanyang orasan. Ang sabi ni Solanna ay after work ang dinner nila. Ayaw niya mang pumunta ay kahit papaano'y may isang salita siya, after all, he owe her one. Mag-a-alas sais na pala ng hapon at hindi niya namalayan ang oras. Kinuha niya ang coat niya at palabas na sana nang tumawag sa kanya ang dad niya. Dad: "Where are you?" Kaizer: "Paalis na ng building, dad, why?" Dad: "Dumating na si Cassey Martin sa Manila. May oras ka ba ngayon? I'll set an immediate meeting, baka wala na tayong ibang oras dahil ang balita ko ay babalik na siya ng US bukas." Tumingin si Kaizer sa wall clock sa kanyang opisina. He sighed. Tama ang dad niya, wala na silang ibang oras. Kailangan niyang i-meet si Cassey para sa isang importanteng bagay tungkol sa ongoing importation nila ng mga items from US to Philippines. Mailap ang babae kaya hindi ganoon kadali maghanap ng ganitong pagkakataon. Kaizer: "Send me the address, I'll go." Dad: "Sigurado ka? Wala ka bang ibang lakad?" Natigilan si Kaizer ng ilang segundo bago sumagot. Kaizer: "Nothing important." Hindi rin naman siya nagbigay ng oo kay Solanna, hindi naman siguro mag-a-assume ang babae na pumayag siya. At kung mangyari man iyon ay kasalanan niya na iyon. ***** "Would you like to order, Ma'am?" Ngumiti si Solanna sa waiter. "Tubig nalang muna, please. May hinihintay pa kasi ako." Pinagmasdan ni Solanna ang mga tao sa paligid, may nagva-violin din. This is a middle-class spot. Nakita niya lang ito one time na gutom na gutom na siya at nasarapan siya sa mga luto nila. They serve steaks, too. Kaya dito niya inaya si Kaizer, baka sakaling magustuhan din iyon ng lalaki at awat muna sa mga luxury restaurants na kinakainan nito madalas. Akala niya kanina ay wala na ring way para mapapayag ang kliyente na ibenta ang property nito sa kanila pero nang mapag-alaman na ang mga Cua iyon, na may magandang samahan sa mga Tiu, at nang makaisip ng magandang deal, ay nabuhayan ng loob si Solanna. Mukha lang siyang confident kanina pero ang totoo ay kinakabahan din siya. "May I take your order now, Ma'am?" Napatingin si Solanna sa kanyang relo. Hindi nya namalayang eight o'clock na pala ng gabi. Tinignan niya ang kanyang cellphone pero walang kahit anong text message mula kay Kaizer. "I'll just call my date," maayos niyang pagtanggi sa waiter at pagkatapos ay tinawagan si Kaizer. Nagri-ring lang iyon pero walang sumasagot. Sinubukan niyang tumawag ulit pero ang pangalawa ay pinatayan na siya ng lalaki. Kinagat niya ang ibabang labi. Iniwan na naman ba siya nito sa ere? Kahit may deal sila? Tumunog ang phone niya at nakatanggap siya ng chat mula sa bestfriend niyang si Caina. Caina: Girl!? Asawa mo 'to diba? Napakagago talaga! Pinigilan ko lang sarili ko dahil may mga kasama ako at baka makagawa ng eksena pero... pakisabi pakyu siya one hundred times! May kasamang picture iyon na sinend ni Caina. Larawan ni Kaizer at ng isang babae papasok sa hotel room. Alam niyang ngayon lang iyon dahil suot iyon ni Kaizer kanina. Tumayo siya at walang sabi-sabing umalis sa restaurant. Pinahid niya ang mga luha na sa muling pagkakataon ay tinatraydor siya. He can bed every woman that he likes. Is it too much to have dinner date with her? Umuwi siya sa bahay nila, nagbihis ng lingerie, at hinintay si Kaizer na makauwi. She needs to talk to him now. Hindi na makakahintay ang bugso ng damdamin niya at kailangan niyang mailabas ang galit. Tinignan niyang muli ang larawan at pamilyar ang babae sa kanya. It's a businesswoman, also a former model. Matangkad ito, maganda, balingkinitan ang katawan, at maputi. Totally his type. Pero maganda rin naman siya, ah? Ano ba ang ayaw ni Kaizer sa kanya? Bumukas ang p***o ng kwarto nila at naamoy niya agad ang whiskey mula sa p***o hanggang sa tabi ng kama na kinatatayuan niya. "You ditched me again," salubong ni Solanna dito. Tumingin sa kanya si Kaizer na parang wala lang. "May urgent meeting ako at hindi naman ako pumayag sa deal na iyon. You just made things up." Nalaglag ang panga ni Solanna sa narinig. Hindi man lang ba ito magso-sorry? "Urgent meeting? Or urgent needs?" "The hell are you saying?" salubong ang kilay na sabi ni Kaizer. Nagtanggal ito ng coat at ibinaba ang mga gamit bago siya muling hinarap. Tinignan siya ng lalaki mula ulo hanggang paa. "Bakit kailangan mo pang humanap ng ibang babae, eh, may asawa ka naman?" Kaizer smirked. "Oh, did someone forgot that this is all business? We're just married on paper, Miss Tiu." Namuo ang luha sa mga mata ni Solanna. Bakit ba sa kabila ng galit ay mas nangunguna ang sakit? Sumisikip ang dibdib niya at kulang na lang ay magmakaawa siya sa lalaki na siya nalang, na mahalin naman siya nito, na subukan naman nito na piliin siya. "So, what happened today? Did you have a steamy fvcking s*x with that woman?" "So?" matapang na sabi ni Kaizer at nilabanan ang titig niya. "Are you that jealous? What the hell do you want from me?" Lumapit si Solanna at binuksan ang butones ng polo ni Kaizer habang nakatunghay siya sa lalaki. "I'm your wife, kung may pangangailangan ka, sa akin dapat at hindi sa iba." Lumunok ng ilang beses si Kaizer. Lalaki siya at imposibleng wala siyang maramdaman sa mga oras na iyon lalo na't kaakit-akit ang suot na lingerie ng babae. "Make love with me," she begged.Nauna nang umuwi si Solanna matapos ang main event sa Gala. Nagpalusot nalang siya na masama ang pakiramdam at mabuti nalang ay naroon ang kaibigan niyang si Caina para ihatid siya.Hindi na niya namalayan ang pag-uwi ni Kaizer.Kinalunesan ay parang bagyo ang trabaho sa opisina. Sunod-sunod ang meetings ni Kaizer at medyo nahihirapan siyang makasabay. Hindi naman kasi siya ang secretary nito at hindi siya pamilyar sa ilang kasalukuyang trabaho nito."Summarize this report, I need it by noon," utos ni Kaizer sa kanya at iniabot ang hardcopy ng report."P'wede ba makuha ang softcopy?" tanong niya dahil aksaya pa sa oras kung ita-type niya pa ulit iyon lahat.Kaizer sighed, a little annoyed obviously."I'll email it to you. You may go," sabi nito ng hindi siya tinitignan.Pagkapasok ni Solanna sa office niya at pagkatingin niya sa kanyang computer ay nai-send naman na ni Kaizer ang report. Alas-diyes na at limitado lang ang oras niya.Wala na siyang time kaya nagpatulong na siya sa AI n
Umiyak si Solanna sa loob ng CR. Pilit niyang kinakalma ang sarili habang nakatingin sa maliit na salamin sa tapat ng sink.She washed her face but her eyes are a bit red. Kaunti lang naman iyon at alam niyang mawawala din iyon maya-maya. Dala niya rin ang make-up kit niya kaya nang kumalma ay nag-retouch din siya.Masikip pa rin ang dibdib niya at masama ang loob sa mga nangyari. She's willing to come with him earlier- kung hindi lang siya pinigilan nito at napagsabihan.Matapos ang halos thirty minutes niya sa CR ay lumabas na siya. CR naman para sa VIP ang ginamit niya kaya walang umistorbo."Oh, nandiyan ka lang pala! Kanina pa kita hinahanap."Sinalubong agad si Solanna ng kaibigan na si Caina. Nakasuot ito ng halterneck dress na sage green ang kulay. She looks so beautiful with her shoulder-level curly hair.Tinagilid ni Caina ang mukha niya nang may mapansin na tila kakaiba kay Solanna. Solanna smiled at her bestfriend, trying to mask her pain. Pero dahil kilalang-kilala siya n
Nagsimula na ang event, nagsalita na ang lolo ni Kaizer at sunod-sunod na rin ang naging flow ng programa."Bro!" Sabay na napatingin sina Solanna at Kaizer sa lalaking lumapit sa kanila. Namukhaan agad iyon ni Sola bilang si Jaxon Angeles, nakausap niya ang lalaki noong nakaraan lang sa company building ng mga Anderson.Jaxon tapped Kaizer's shoulder like a usual man-to-man greeting."Hi, Sola!" nakangiting bati rin nito na tinagilid pa ang ulo upang makita siya nang mabuti."Nice seeing you here, Jax," magiliw naman na sagot ni Solanna. Gusto niya rin kahit papaanong maging malapit sa mga kaibigan ni Kaizer."Nandito pala kayo hindi kayo nagtatawag," sabi ng isang lalaki na kararating lang din. Dark brown ang buhok nito at may piercing ang isang tainga. Sa likod niyo ay may isa pang lalaki na mukhang masungit. Tumango lang ito sa mga kaibigan bilang bati.Siniko ni Jaxon si Kaizer."Ipakilala mo naman misis mo," bulong nito na narinig pa ni Solanna.Bitterness crept in her heart.
"Ang sweet niyo rito... mukha kayong lovey-dovey," sabi ni Kael na halatang kinikilig.Tinignan ni Solanna iyon. Medyo daring ang shot na iyon, nakakandong siya sa lalaki at magkalapit ang mukha nila. "Huwag na iyan," ani Solanna na medyo pinamulahan ng mukha. "Bakit? Ang ganda kaya," sabi ni Kael. "Mukhang movie cover na rated SPG!"Tinignan nang masama ni Solanna si Kael at humalakhak naman ang lalaki."Sir Kaizer, ikaw, anong pili mo diyan? Dito mukha kayong sweet and loving couple.""Of course, that should be it," sabi ni Kaizer. "Iyan naman ang dapat makita ng tao, hindi ba?"Natahimik silang lahat dahil sa medyo pagsusungit ni Kaizer. Medyo matalim naman ang naging tingin ng mommy niya sa kanya pero sa huli'y bumuntong-hininga nalang.Tumayo si Kaizer."Are we done here? Dito ba kayo magla-lunch so we can order something?""Sa labas na kami kakain," sabi ni Mrs. Anderson na siyang nahihiya sa kinikilos ng anak. "Isasama na namin si Solanna at mukhang busy ka."Tumango lang si
Bandang eleven ng tanghali ay bumisita si Georgina Anderson sa company building kasama si Kael, ang photographer nila para sa gala. Nagkakaroon na ng final pieces para sa ipapalabas at ipapakita sa Gala Night at kailangan din iyon ng approval ng dalawa."Hi, sweetheart," bati ng ginang kay Solanna nang pumasok siya sa office ni Kaizer. Nandoon na ang tatlo at siya na lang ang hinihintay.Umupo si Solanna sa couch, sa tabi ni Kaizer, at sa tapat nila ay ang dalawang bisita.Nakabukas na ang laptop ni Kael at ipinaharap niya iyon sa dalawa."May mga initial pieces na kami para sa complete family photos," anito at ipinakita sa kanila isa-isa ang mga iyon. "Ito yung kasama ang buong Anderson Clan, at ito namang mga susunod ay ang family niyo lang with Mr. Derick Anderson as the head."Bagaman mukhang walang interest si Kaizer doon, ay focus na focus naman si Solanna. Her eyes lit up with their faces on the screen."Bagay pala sa akin iyang ganyang anggulo," aniya na medyo komportable sa m
"Nasaan na yung sasakyan, kuya?" tanong ni Solanna sa guard na nasa parking lot ng building.Dumiretso siya roon dahil sa labas ang meeting nila ni Kaizer. "Hindi ba nasabi sa inyo, Ma'am?" litong sabi ng guard."Alin?""Nakaalis na po sila Sir Kaizer, nagpahanap din siya ng driver kani-kanina lang na p'wedeng maghatid sa kanya."Solanna's lips parted. Humigpit ang hawak niya sa cellphone niya at matamang nakatingin naman sa kanya ang guard.She faked a smile."Ah, oo nga, nasabi pala yata ni Kaizer na siya nalang ang pupunta. Sorry, nakalimutan ko," aniya bago umalis doon at bumalik sa opisina niya.Her smile faded after taking a seat on her office chair. Tinignan niya ang screen ng phone niya pero ni isa ay walang text message doon si Kaizer. Ni hindi man lang nito sinabi na hindi siya isasama sa meeting.Huminga nang malalim si Solanna at kinalma ang sarili. Naghintay nalang siya ng oras at saktong alas singko ay lumabas na siya ng building.Dahil wala siyang dalang sasakyan ay na







