LOGINInalis ni Kaizer ang kamay ni Solanna sa kanya at padarag niyang binitiwan ang babae.
"I don't make love," anito. Mas lalong nanlumo si Solanna. Nanliliit na nga siya sa sarili niya dahil sa mga pinaggagawa niya ay ganoon pa ang maririnig niya. "Ano'ng ginawa mo sa loob ng hotel room kasama si Cassey Martin, kung gano'n?" "Wala ka ng pakielam roon--" "Hindi mo ako sinipot para makipagkita sa kanya," malungkot na sabi ni Solanna. "Ganoon ba ako ka-walang kwenta para sa'yo? At least a bit of decency to text me that you're not coming?" Kaizer sighed. Binalak niya naman talagang mag-text pero agad-agad ang meeting nila ni Cassey na hindi na siya nagkaroon ng oras. Pagkatapos ng meeting ay umuwi na siya agad at nakita niya na ang sasakyan ni Solanna sa garage kaya alam niyang nakauwi na ito. "Ni wala man lang 'thank you' mula sa'yo," dagdag pa ni Solanna. Kaizer rolled his eyes. He really hates needy girls. "That's your job, isn't it? Ikaw ang may gusto niyan, hindi ako. You're so demanding." Laglag lalo ang panga ni Solanna. Hindi siya makapaniwala sa mga naririnig mula kay Kaizer. Pero sa kabila no'n ay pinilit niya na lamang intindihin ang lalaki, hanggang ngayon siguro ay masama pa rin ang loob nito na nagpakasal sila. It's been a year... Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin makuha ang loob nito. ***** "Sir, kailangan na raw ma-review ang mga reports na ito ngayong araw, isasama raw ito sa meeting ng board bukas," bungad ng secretary ni Kaizer pagpasok niya. "Baka hindi po ako makasama sa meeting niyo mamaya kay Sir Roldan, nasa kalahati palang ang nagagawa ko--" "Give it to her," malamig na sabi ni Kaizer. Kararating lang din ni Solanna at alam niyang siya ang tinutukoy kaya lumapit na rin siya sa dalawa. Naiilang sa dalawa ang secretary pero ibinigay niya nalang din ang napakaraming papel kay Solanna. "I need that after lunch, summarize everything, check important points." Lumobo ang mga mata ni Solanna. Halos isang ream ng bondpaper ang kapal no'n at punong-puno ng sulat, paano niya babasahin iyon lahat. "Lahat 'to?" tanong niya, hindi makapaniwala. "You want to prove yourself, right? Then do it right. I have a meeting at three so report to me before two," sabi ni Kaizer at pumasok na sa kanyang opisina. Nanghihinang napahawak sa desk si Solanna. "Ayos lang kayo, Ma'am?" naaawang tanong ng secretary. "Medyo madami iyan, sinimulan ko iyan noong isang araw pero hanggang ngayon ay hindi ko pa tapos. Maski typo at maliliit na detalye ay tinitignan ni Sir, mabilis niyang makita yung mga iyon. Gusto niyo tulungan ko nalang kayo--" "It's alright," mabigat sa damdaming sabi ni Solanna. "Thank you, anyway." Pumasok siya ng opisina niya at padabog na ibinaba ang mga papel sa mesa. Umamba rin siya ng suntok sa direksyon ng opisina ni Kaizer. Sa halip na matuwa ito na nakatulong siya kahapon sa meeting ay parang pinapaparusahan pa siya nito na nangingielam siya sa trabaho ng iba. "Ugh! Kaya mo ito, Sola..." ***** Saktong ala una y media ay may kumatok sa opisina ni Kaizer. Bumukas iyon at pumasok ang kanyang asawa, naka-ipit ang buhok paitaas at lantad na lantad ang collar bone nito. May nakaipit pang ballpen sa tainga at may bitbit na mga papel. "I just skimmed through it," aniya. "Pero naayos ko naman na ang ibang mga typo. I also checked the whole report. May mga mali lang sa data na ginamit, hindi na updated ang current rates na ginamit sa report and given that, hindi na rin accurate ang buong projection." Tumaas ang isang kilay ni Kaizer at iniabot ang papel na ibinibigay ni Solanna upang makita kung ano ang tinutukoy nito. Nakabilog ang mga maling rates doon na napansin ni Solanna. May taxes din na part na nabago na nga noong nakaraan. Tumaas ang expenses at tama nga ito, hindi na accurate ang kabuuan ng projection. How could he miss this? "The meeting is tomorrow--" Nagbaba ng bagong papel si Solanna. "I revised the report already. Pero dahil wala tayong magagawa sa mga rates ay nagbawas nalang ako ng budget for other expenses. Like instead of renting a place, we can do some collaboration or partnership with our partner companies." Pinasadahan ng tingin ni Kaizer ang report lalo na ang table kung saan nakalagay ang mga datos. Isang maikling ngiti ang hindi sinasadyang kumawala sa mga labi niya. He didn't expect much from her. "Report this tomorrow," sabi niya at ipinagkatiwala ang meeting na iyon bukas kay Solanna. Naku-curious siya kung paano ang gagawin nito sa meeting. "Naka-leave ako tomorrow, Sir," sabi ng babae at ngumiti. "I have an important matter to attend to." Tumaas ang kilay ni Kaizer. "More important than your work?" Itinaas ni Solanna ang cellphone niya. "I'm meeting my mother-in-law tomorrow." Napatahimik si Kaizer. Tinignan niya ang kalendaryo niya at isang linggo nalang pala bago ang annual gala. Kaya abala rin ang karamihan dahil madaming reports na kailangan doon. The Anderson's Group Annual Gala is an event every stockholders especially directors should attend to. May bayad din kasi ang attendance doon, bukod pa sa exclusive reports na ilalabas tungkol sa mga kasalukuyang proyekto ng holding group. "And uhm... bukas ng gabi pala ang family photoshoot natin sa bahay niyo, are we going together?" kabadong tanong ni Solanna. "I'll check my schedule," tipid na sabi ni Kaizer. "You can leave." Alam na ni Solanna ang sagot doon. Kapag iyon ang dinahilan ni Kaizer ay alam niyang hindi sila magsasabay. Malungkot siyang lumabas ng opisina nito at nanghihinang bumalik sa opisina niya. Kinuha niya ang bag niya at lumabas muna upang kumain sa cafeteria. Hindi kasi ito nag-lunch dahil kailangan niyang basahin ang reports. "Hi, Ma'am!" bati sa kanya ng mga empleyado roon. Ngumiti siya at tumango sa kanila bago um-order ng pagkain niya. "Narinig niyo ba? Babaero raw iyon si Sir Kaizer, kung sino-sinong babae ang laging kasama. Sayang, akala ko pa naman loyal." "Loyal? Paano magiging loyal iyon, eh, bali-balita na hindi naman talaga niya gusto yung wife niya, napilitan lang." "Sshh, nandiyan si Ma'am." Tumungo si Solanna. Kanina ay gutom siya pero bigla siyang nawalan ng gana. Siguro'y ganoon talaga ang tingin sa kanya ng mga empleyado ni Kaizer, o maski ng ibang tao. Isang babaeng pilit ipinipilit ang sarili kay Kaizer. Marahil ang alam ng mga ito ay nandito siya ngayon sa kumpanya upang idikit lalo ang sarili sa lalaki. Pero hindi iyon totoo, nandito siya upang patunayan ang sarili niya. "Don't mind them, inggit lang ang mga iyan kasi hindi sila ikaw." Nagtaas ng tingin si Solanna sa lalaking nagsalita. Umupo ito sa harap niya at ngumiti. Mukha itong pamilyar pero hindi niya mapagtanto kung sino. "Jaxon Angeles," tila nabasa nito ang nasa isip niya. "Kaibigan ni Kaizer, we saw each other once." Marahang tumango si Solanna. Hindi niya kabisado ang mga kaibigan ni Kaizer dahil hindi naman nito pinapakilala ang mga iyon, hindi rin naman ito nagkuwento sa kanya."Ang sweet niyo rito... mukha kayong lovey-dovey," sabi ni Kael na halatang kinikilig.Tinignan ni Solanna iyon. Medyo daring ang shot na iyon, nakakandong siya sa lalaki at magkalapit ang mukha nila. "Huwag na iyan," ani Solanna na medyo pinamulahan ng mukha. "Bakit? Ang ganda kaya," sabi ni Kael. "Mukhang movie cover na rated SPG!"Tinignan nang masama ni Solanna si Kael at humalakhak naman ang lalaki."Sir Kaizer, ikaw, anong pili mo diyan? Dito mukha kayong sweet and loving couple.""Of course, that should be it," sabi ni Kaizer. "Iyan naman ang dapat makita ng tao, hindi ba?"Natahimik silang lahat dahil sa medyo pagsusungit ni Kaizer. Medyo matalim naman ang naging tingin ng mommy niya sa kanya pero sa huli'y bumuntong-hininga nalang.Tumayo si Kaizer."Are we done here? Dito ba kayo magla-lunch so we can order something?""Sa labas na kami kakain," sabi ni Mrs. Anderson na siyang nahihiya sa kinikilos ng anak. "Isasama na namin si Solanna at mukhang busy ka."Tumango lang si
Bandang eleven ng tanghali ay bumisita si Georgina Anderson sa company building kasama si Kael, ang photographer nila para sa gala. Nagkakaroon na ng final pieces para sa ipapalabas at ipapakita sa Gala Night at kailangan din iyon ng approval ng dalawa."Hi, sweetheart," bati ng ginang kay Solanna nang pumasok siya sa office ni Kaizer. Nandoon na ang tatlo at siya na lang ang hinihintay.Umupo si Solanna sa couch, sa tabi ni Kaizer, at sa tapat nila ay ang dalawang bisita.Nakabukas na ang laptop ni Kael at ipinaharap niya iyon sa dalawa."May mga initial pieces na kami para sa complete family photos," anito at ipinakita sa kanila isa-isa ang mga iyon. "Ito yung kasama ang buong Anderson Clan, at ito namang mga susunod ay ang family niyo lang with Mr. Derick Anderson as the head."Bagaman mukhang walang interest si Kaizer doon, ay focus na focus naman si Solanna. Her eyes lit up with their faces on the screen."Bagay pala sa akin iyang ganyang anggulo," aniya na medyo komportable sa m
"Nasaan na yung sasakyan, kuya?" tanong ni Solanna sa guard na nasa parking lot ng building.Dumiretso siya roon dahil sa labas ang meeting nila ni Kaizer. "Hindi ba nasabi sa inyo, Ma'am?" litong sabi ng guard."Alin?""Nakaalis na po sila Sir Kaizer, nagpahanap din siya ng driver kani-kanina lang na p'wedeng maghatid sa kanya."Solanna's lips parted. Humigpit ang hawak niya sa cellphone niya at matamang nakatingin naman sa kanya ang guard.She faked a smile."Ah, oo nga, nasabi pala yata ni Kaizer na siya nalang ang pupunta. Sorry, nakalimutan ko," aniya bago umalis doon at bumalik sa opisina niya.Her smile faded after taking a seat on her office chair. Tinignan niya ang screen ng phone niya pero ni isa ay walang text message doon si Kaizer. Ni hindi man lang nito sinabi na hindi siya isasama sa meeting.Huminga nang malalim si Solanna at kinalma ang sarili. Naghintay nalang siya ng oras at saktong alas singko ay lumabas na siya ng building.Dahil wala siyang dalang sasakyan ay na
Bilang secretary at executive assistant ni Kaizer ay kasama si Solanna sa online meeting nito. Nasa conference room sila at may malaking TV sa harapan kung saan naroon ang mga ka-meeting nila.Wala gaanong oras si Solanna na basahin ang mga detalye tungkol sa meeting na iyon kaya pinag-igihan niyang makinig."Oh, Miss Tiu is here, too," sabi ng isang lalaking mukhang kaedaran lang nila.Medyo nagulat si Solanna na kilala siya ng lalaki pero ngumiti nalang din ito at bumati pabalik."I heard about your projects with your family's company. Nakakagulat na umalis ka doon. You joined the Anderson's company instead," dagdag pa ng lalaki."Uh," awkward na natawa si Solanna. "I'm trying to build my name outside my family's shadow, Sir."Tumango-tango ang lalaki. May sasabihin pa sana ito nang magsalita si Kaizer."I believe that's not what this meeting is all about," seryosong sabi nito, nakataas ang kilay at diretso ang tingin sa papel na hawak niya.Nakaramdam ng kaba si Solanna. Unang araw
"Good morning!" masiglang bati ni Solanna kay Kaizer kinaumagahan.Binilisan niya talagang magbihis at mag-ayos para maunahan ang lalaki sa sasakyan nito. Mabilis niyang kinuha ang susi sa kamay nito bago pa ito makapag-react."What are you doing?" umaga pa lamang ay iritado na si Kaizer sa kanya."Uhh, I'm your new secretary for a month, I'm sure alam mo na iyon since ikaw ang nagsabing ako nalang muna." Pinaningkitan ni Solanna ng mata si Kaizer. "Kunwari ka pa, gusto mo pala akong nakikita madalas ha..."Kaizer rolled his eyes. Tumingin ito sa relo niya na tila nagsasayang lang ng oras sa mga sinasabi ni Solanna."Let's go!" Pumasok na si Solanna sa driver seat at sa likod naman naupo si Kaizer.Sumimangot ang babae."Wow, diyan ka talaga naupo? Pinagmukha mo naman akong totoong driver," pagmamaktol ng babae. "Baka ano ang sabihin ng makakakita.""The moment you stepped outside the house, you're my employee and not my wife.""Uy," tumingin siya sa salamin. "Parang ngayon ko lang n
Pagkatapos mag-lunch ay bumalik na sa Maynila sina Solanna at Kaizer. Katulad ng pagpunta nila kahapon ay hindi pa rin siya inimik ng lalaki sa loob ng sasakyan at nakatulog din siya kaya hindi na rin alintana ni Solanna ang tagal at haba ng byahe.Hindi sila nag-away ng araw na iyon dahil natulog na halos si Solanna pagdating at si Kaizer naman ay dumiretso sa opisina niya sa bahay nila at nagtrabaho.Solanna woke up the next day and went straight to the kitchen. Maaga pa at alam niyang nakatulog na naman sa opisina si Kaizer kaya pinagtimpla niya na ito ng kape.Nagluto na rin siya ng pancake habang hinihintay na magising si Kaizer. Sakto namang pagkatapos niyang iayos ang mesa saka bumaba ang lalaki."Good morning," nakangiting bati niya kay Kaizer. "Let's eat."Umupo si Kaizer sa tapat at iniabot naman ni Solanna ang kapeng hinanda niya at platito para sa pancake nito. Tahimik na kumain si Kaizer habang nakaharap sa tablet niya at mukhang nagbabasa ng news.Mabilis lang na kumain







