Share

CHAPTER 4

Author: NALYN
last update Petsa ng paglalathala: 2026-10-23 11:57:09

Isla Danica Salvatierra

Maaga pa lang, ginising na ako ng isang babaeng stylist na may dalang sandamakmak na damit, sapatos, at makeup kits sa kwarto ko sa penthouse. Halatang pinaghandaan na nila ang lahat. Kahapon lang, basang-basa ako sa ulan, lugmok, at walang nagawa kundi umiyak sa harap ng gate nina Tyrone. Pero ngayon, heto ako, nakatayo sa harap ng malaking salamin habang pinag-uusapan ng mga staff kung anong kulay ng lipstick ang babagay sa akin.

"Ms. Isla, kailangan nating i-highlight ang mga mata mo para mas matapang ang dating mo," sabi ng makeup artist habang maingat na nilalagyan ng eyeliner ang mga mata ko.

Hindi ako sumagot. Nakatingin lang ako sa repleksyon ko sa salamin habang unti-unting nawawala ang eyebags at pagod sa mukha ko. Napapalitan ang dati kong itsura ng isang mukhang pamilyar pa rin, pero may kakaibang talim na ngayon.

Kung kahapon, isa lang akong ordinaryong diner server na kayang apakan ng mga Imperial at Lazarte, ngayon, may pangalan na akong dala na posibleng magpabago sa tingin nila sa akin.

Sandoval.

Pagkatapos ng halos dalawang oras na pag-aayos, lumabas ako mula sa walk-in closet suot ang simpleng off-shoulder emerald green dress na pinili ni Jiro. Nilagyan din nila ako ng mamahaling diamond necklace na kahit pikit-mata kong tantiyahin, katumbas na ng ilang taong sahod ko sa diner.

Naghihintay na si Jiro sa living area. Suot niya ang itim na tailored suit na lalo pang nagpalitaw sa malamig at delikadong dating niya. Nang marinig niya ang tunog ng takong ng sapatos ko, dahan-dahan siyang lumingon.

Huminto ang tingin niya sa akin habang sinusuri ang buong itsura ko mula ulo hanggang paa. Wala siyang ngiti o kahit simpleng papuri, pero sa paraan ng pagtitig niya, alam kong pasado sa kanya ang pagbabagong ginawa sa akin.

"Maganda," maikli niyang sabi habang tumatayo mula sa pagkakaupo. "Hindi ka na kamukha ng babaeng umiiyak sa putik kahapon. Tandaan mo, Isla, paglabas natin sa pintong 'to, asawa na kita sa mata ng batas at ng publiko. Walang dapat yumuko sa atin."

"Handa na ako," sagot ko habang diretso ang tingin sa mga mata niya.

Wala na ang takot na nararamdaman ko kahapon. Ang natitira na lang sa akin ay ang galit sa mga taong umagaw sa anak ko at ang matinding kagustuhang mayakap ulit si Lucas.

Lumabas kami ng penthouse at sumakay sa itim na Rolls-Royce. Akala ko, diretso na kami sa korte para sa simpleng pirmahan, pero sa halip, dinala niya ako sa isang exclusive private law firm. Nandoon na ang isang kilalang huwes at ang pinakamagaling na legal team sa bansa. Walang media at walang ibang nakakaalam sa mangyayari, maliban sa mga taong pinagkatiwalaan at kinontrol ni Jiro.

Sa loob ng tahimik at malamig na silid, pinirmahan namin ang mga dokumento para sa kasal namin. Nang iabot sa akin ang marriage certificate, saka ko lang tuluyang naramdaman ang bigat ng desisyon ko.

Legal na akong asawa ni Jaxon Kaelen Sandoval.

"Mr. and Mrs. Sandoval, congratulations," bati ng abogado habang inaabot sa amin ang mga kopya ng mga dokumento.

Pagkatapos ng maikling seremonya, hindi na kami nagtagal. Sumakay ulit kami sa kotse, pero sa pagkakataong ito, hindi kami bumalik sa penthouse. Dinala niya ako sa isang pribadong gusali kung saan nakatago ang mga dokumento at ebidensya tungkol sa mga ilegal na transaksyon ng mga Lazarte.

"Heto ang unang hakbang, Isla," sabi ni Jiro habang inaabot sa akin ang isang tablet habang nasa biyahe kami. "Nakikipag-negosasyon ngayon ang kumpanya ng tatay ni Tyrone sa isa sa malalaking investors ko para sa isang multi-million real estate project. Kapag binawi ko ang suporta ko, babagsak nang halos 40% ang stock value nila sa loob lang ng dalawampu't apat na oras."

Nanlaki ang mga mata ko habang binabasa ang mga datos sa tablet.

"Ibig sabihin, kaya mo silang pilayin kahit hindi pa natin sila direktang kinakalaban?"

"Oo," malamig niyang sagot habang nakatingin sa labas ng bintana. "Pero mas gusto kong makita silang bumagsak kapag nalaman nilang ikaw mismo ang may hawak ng lubid na gagapos sa kanila."

Pagdating namin sa gusali, dumiretso kami sa conference room kung saan nakatakdang magpulong ang board of directors ng mga Lazarte kasama ang mga business partners nila. Wala sa mga taong naroon ang nakakaalam na ang pinakamalaking shareholder ng kumpanyang nagpapatakbo sa mga proyekto nila ay pag-aari pala ng pamilya Sandoval.

Huminga ako nang malalim bago pumasok sa malaking glass door. Sumunod si Jiro sa likod ko, bahagyang nakahawak sa bewang ko bilang senyales sa lahat na magkasangga kami.

Pagkabukas na pagkabukas ng p***o, biglang natahimik ang lahat sa loob ng silid. Nandoon si Tyrone kasama ang ama niya, abala sa pakikipag-usap sa mga kliyente. Pero nang makita nila kung sino ang pumasok kasama ang isa sa pinakamakapangyarihang bilyonaryo sa bansa, halatang nawala ang kulay sa mga mukha nila.

Agad na tumayo si Tyrone. Nanlaki ang mga mata niya habang nakatitig sa akin, para bang hindi niya matanggap ang nakikita niya. Halos hindi niya makilala ang babaeng nasa harapan niya ngayon—suot ang marangyang emerald dress, kalmado ang mukha, at may dating na hindi niya kailanman nakita sa akin noon.

Malayo sa babaeng lumuhod at umiyak sa harap ng gate nila kahapon.

"I-Isla?" nanginginig niyang tawag sa akin. Basag ang boses niya at halatang hindi niya maintindihan ang nangyayari. "Anong ginagawa mo rito? Paano ka nakapasok dito kasama si..."

Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil biglang hinawakan ni Jiro ang kamay ko. Mahigpit niyang hinawakan iyon at bahagyang itinaas para makita ng lahat ang singsing sa daliri ko.

Pagkatapos, tumingin siya nang diretso kay Tyrone habang may malamig at mapaglarong ngiti sa labi.

"Ipagpaumanhin ninyo kung naistorbo namin ang meeting ninyo," panimula ni Jiro. Malinaw at malakas ang boses niya, sapat para marinig ng lahat sa silid. "Gusto ko lang ipakilala sa inyo ang legal na may-ari ng kalahati ng shares na kinakapitan ng kumpanya ninyo ngayon. Ang asawa ko... si Isla Danica Sandoval."

Biglang namutla ang mga mukha ng buong pamilya Lazarte. Para silang binagsakan ng langit at lupa nang marinig ang pangalan ko.

Samantalang si Tyrone, nakatayo lang sa harapan ko, tulalang nakatitig na para bang hindi pa rin makapaniwala sa nangyayari.

Ang babaeng tinapak-tapakan niya kahapon ay hindi na ang babaeng kaya niyang paalisin sa isang iglap.

Dahil ngayon, ako na ang babaeng may kapangyarihang magpabagsak sa buong kabuhayan nila.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Vengeful Wife   CHAPTER 6

    Isla Danica SalvatierraMahigpit ko pa ring yakap si Lucas habang nakaupo kami sa malambot na sofa sa living area ng penthouse. Paulit-ulit kong hinahaplos ang likod niya para pakalmahin siya. Namumula pa ang mga mata niya, at halatang takot na takot pa rin siya sa mga nangyari noong nasa poder siya ng mga Lazarte.God, ang sakit isipin na pinagdaanan niya ang lahat ng 'yon nang wala ako sa tabi niya."Mama, natatakot po ako doon sa bahay na 'yon. Ang sungit po nila Claris," mahina niyang bulong habang nakabaon ang mukha sa balikat ko. Mahigpit pa rin ang kapit niya sa damit ko, na para bang natatakot siyang baka mawala ulit ako kapag bumitaw siya."Huwag ka nang matakot, baby. Nandito na si Mama. Hindi na nila tayo basta-basta mapaghihiwalay. Hindi na rin kita iiwan," bulong ko habang pinupunasan ang natitirang luha sa pisngi niya.Napakunot ang noo ko nang maramdaman kong mainit ang noo niya. Agad kong idiniin ang palad ko sa leeg niya para tingnan kung may sinat siya. Tama nga ang

  • The Billionaire's Vengeful Wife   CHAPTER 5

    Isla Danica SalvatierraNatahimik ang buong conference room. Para bang binagsakan ng langit at lupa ang lahat ng naroon, lalo na si Tyrone at ang tatay niya na kanina lang ay nagyayabang habang nakaupo sa mahabang mesa. Paulit-ulit na lumilipat ang tingin ni Tyrone mula sa mukha ko papunta sa magkahawak naming kamay ni Jiro. Halatang nanginginig ang panga niya habang unti-unting napapalitan ng takot ang galit at pagtataka sa mukha niya.Hindi na ako katulad ng kahapon. Wala na ang mga luha ko, wala na ang maruming damit, at lalong wala na ang dating itsura kong parang wala nang laban. Ngayon, nakatayo ako sa harap nila bilang isang babaeng may kapangyarihang kaya silang pabagsakin."Mr. Sandoval... I-ito ba ay isang uri ng biro?" basag ng tatay ni Tyrone sa katahimikan. Pilit niyang pinatatatag ang boses niya kahit halatang nanginginig ang mga kamay niyang nakahawak sa sandalan ng upuan. "Isang simpleng empleyado lang ng diner ang babaeng 'yan. Paano siya naging—""Isang salita pa mul

  • The Billionaire's Vengeful Wife   CHAPTER 4

    Isla Danica SalvatierraMaaga pa lang, ginising na ako ng isang babaeng stylist na may dalang sandamakmak na damit, sapatos, at makeup kits sa kwarto ko sa penthouse. Halatang pinaghandaan na nila ang lahat. Kahapon lang, basang-basa ako sa ulan, lugmok, at walang nagawa kundi umiyak sa harap ng gate nina Tyrone. Pero ngayon, heto ako, nakatayo sa harap ng malaking salamin habang pinag-uusapan ng mga staff kung anong kulay ng lipstick ang babagay sa akin."Ms. Isla, kailangan nating i-highlight ang mga mata mo para mas matapang ang dating mo," sabi ng makeup artist habang maingat na nilalagyan ng eyeliner ang mga mata ko.Hindi ako sumagot. Nakatingin lang ako sa repleksyon ko sa salamin habang unti-unting nawawala ang eyebags at pagod sa mukha ko. Napapalitan ang dati kong itsura ng isang mukhang pamilyar pa rin, pero may kakaibang talim na ngayon.Kung kahapon, isa lang akong ordinaryong diner server na kayang apakan ng mga Imperial at Lazarte, ngayon, may pangalan na akong dala na

  • The Billionaire's Vengeful Wife   CHAPTER 3

    Isla Danica SalvatierraPagpasok namin sa penthouse ni Jiro, para akong napunta sa ibang mundo. Sobrang lawak ng lugar, tahimik, at puro salamin ang mga dingding kung saan tanaw ang kumikislap na mga ilaw ng siyudad mula sa taas. Pero wala akong pakialam sa karangyaan ng lugar na 'to. Ang nasa isip ko lang ay ang mga nakasulat sa kontratang hawak ko at ang mukha ng anak kong si Lucas habang umiiyak nang kunin siya ng mga tauhan nina Tyrone."Maupo ka muna," utos ni Jiro habang hinuhubad ang suit jacket niya at basta na lang inilapag sa sofa. Umupo siya sa isang armchair at diretsong tumingin sa akin. Nakatayo pa rin ako malapit sa pintuan, hindi sigurado kung dapat ba akong umupo o manatili na lang doon."Hindi na kailangan," malamig kong sagot habang mahigpit na hawak ang strap ng luma kong bag. "Gusto ko lang malaman ang mga detalye. Ano ang kailangan kong gawin pagkatapos kong pumirma rito?"Hindi nagbago ang ekspresyon niya. Seryoso siya at halatang pinag-isipan na niya ang lahat

  • The Billionaire's Vengeful Wife   CHAPTER 2

    Isla Danica SalvatierraNakatitig ako sa malaking itim na payong na panangga sa ulan at sa kamay ng lalaking nakalahad sa harap ko. Ang linis ng suot niyang suit, halatang gawa sa mamahaling tailoring, samantalang ako, basang-basa na, marumi ang gilid ng sapatos dahil sa putik, at nanginginig sa lamig."Sino ka?" garalgal kong tanong. Hindi ko magawang tanggapin ang kamay niya dahil sa sobrang pagod at pagkalito.Dahan-dahang ibinaba ng lalaki ang payong. Doon ko nakita nang maayos ang mukha niya sa ilalim ng dilim, na tinatamaan ng liwanag mula sa streetlight. Matalim ang panga niya, makapal ang kilay, at malamig ang abuhing mga mata na para bang kaya akong basahin hanggang sa pinakaloob ng pagkatao ko. Hindi man lang siya ngumiti. Seryoso ang mukha niya, at may awtoridad sa kilos na hindi ko maipaliwanag.Siya si Jaxon Kaelen Sandoval, o mas kilala bilang Jiro sa mga negosyante rito sa siyudad. Kilala siya bilang isa sa pinakamayaman at pinakamapanganib na bilyonaryo na walang sinas

  • The Billionaire's Vengeful Wife   CHAPTER 1

    Isla Danica SalvatierraNanlalabo na ang mga mata ko habang paulit-ulit kong binabasa ang court order na hawak ko. Parang may dumidiin sa dibdib ko, kaya halos hindi ako makahinga nang maayos. Limang taon kong ginawa ang lahat para kay Lucas. Limang taon na puro pagod, puyat, at instant noodles ang bumuhay sa akin, makabili lang ng gamot niya sa asthma at may maipangkain kami araw-araw. Tapos, ganoon na lang? Isang iglap, kaya nang kunin ng mga Imperial ang lahat sa akin?"No... please naman," nanginginig kong bulong habang nakatayo sa labas ng malaking gate ng mansyon nina Tyrone.Suot ko pa rin ang uniform ko sa diner kung saan ako nagtatrabaho bilang kahero at server. Wala na akong oras para magpalit ng damit kanina nang mabalitaan ko mula sa social worker ang nangyari.Bumukas ang mabigat na bakal na gate. Lumabas si Claris, ang babaeng umagaw kay Tyrone noong buntis pa lang ako kay Lucas. Nakasuot siya ng mamahaling silk dress, may hawak na branded na kape, at nakataas ang kilay

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status