author-banner
NALYN
NALYN
Author

Novels by NALYN

The Billionaire's Vengeful Wife

The Billionaire's Vengeful Wife

Anim na taon nang mag-isang ipinaglalaban ni Isla ang anak niya. Wala siyang pera, koneksyon, o sapat na kapangyarihan para labanan ang mga taong gustong kumitil sa karapatan niyang maging ina. Kaya nang agawin sa kanya ng maimpluwensyang pamilya ng dati niyang boyfriend ang anak niya, wala siyang nagawa kundi panoorin silang ilayo ang pinakamahalagang tao sa buhay niya. Akala niya, tuluyan nang gumuho ang mundo niya nang itapon siya ng mga ito sa kalsada, basang-basa at luhaan. Pero sa gitna ng pinakamadilim na araw ng buhay niya, isang lalaking may kapangyarihang kayang yumanig sa mundo ng mga Lazarte ang lumapit sa kanya. Si Jaxon Sandoval—isang bilyonaryong kilala sa pagiging malamig, makapangyarihan, at walang awa sa mga taong kumakalaban sa kanya. May sarili rin itong matinding galit sa pamilyang sumira sa buhay ni Isla, at may alok siyang kayang magbigay rito ng pagkakataong makabawi. Isang kasal na magsisimula sa kontrata. Kapag pumayag si Isla, makukuha niya ang proteksyon, pera, at impluwensyang kailangan para mabawi ang anak niya. Ang kapalit? Magpapanggap siyang asawa ni Jaxon at makikipaglaro sa mundong puno ng kasinungalingan, kapangyarihan, at paghihiganti. Pero habang unti-unti nilang binabasag ang kapangyarihan ng mga Lazarte, may isang bagay na hindi nila napaghandaan—ang damdaming nagsisimulang mabuo sa pagitan nila. Sa bawat titig, sa bawat pagkakataong pinoprotektahan siya ni Jaxon, at sa bawat sandaling nakikita niya ang panig ng lalaking pilit nitong itinatago sa mundo, lalong nagiging mahirap para kay Isla na ituring na simpleng kasunduan ang lahat. Dahil paano kung ang pekeng kasal ang maging simula ng totoong pagmamahalan? At paano kung ang lalaking tumulong sa kanya para makawala sa mga taong umapi sa kanya ang siya ring dahilan kung bakit mahihirapan siyang pakawalan ang puso niya?
Read
Chapter: CHAPTER 6
Isla Danica SalvatierraMahigpit ko pa ring yakap si Lucas habang nakaupo kami sa malambot na sofa sa living area ng penthouse. Paulit-ulit kong hinahaplos ang likod niya para pakalmahin siya. Namumula pa ang mga mata niya, at halatang takot na takot pa rin siya sa mga nangyari noong nasa poder siya ng mga Lazarte.God, ang sakit isipin na pinagdaanan niya ang lahat ng 'yon nang wala ako sa tabi niya."Mama, natatakot po ako doon sa bahay na 'yon. Ang sungit po nila Claris," mahina niyang bulong habang nakabaon ang mukha sa balikat ko. Mahigpit pa rin ang kapit niya sa damit ko, na para bang natatakot siyang baka mawala ulit ako kapag bumitaw siya."Huwag ka nang matakot, baby. Nandito na si Mama. Hindi na nila tayo basta-basta mapaghihiwalay. Hindi na rin kita iiwan," bulong ko habang pinupunasan ang natitirang luha sa pisngi niya.Napakunot ang noo ko nang maramdaman kong mainit ang noo niya. Agad kong idiniin ang palad ko sa leeg niya para tingnan kung may sinat siya. Tama nga ang
Last Updated: 2026-10-23
Chapter: CHAPTER 5
Isla Danica SalvatierraNatahimik ang buong conference room. Para bang binagsakan ng langit at lupa ang lahat ng naroon, lalo na si Tyrone at ang tatay niya na kanina lang ay nagyayabang habang nakaupo sa mahabang mesa. Paulit-ulit na lumilipat ang tingin ni Tyrone mula sa mukha ko papunta sa magkahawak naming kamay ni Jiro. Halatang nanginginig ang panga niya habang unti-unting napapalitan ng takot ang galit at pagtataka sa mukha niya.Hindi na ako katulad ng kahapon. Wala na ang mga luha ko, wala na ang maruming damit, at lalong wala na ang dating itsura kong parang wala nang laban. Ngayon, nakatayo ako sa harap nila bilang isang babaeng may kapangyarihang kaya silang pabagsakin."Mr. Sandoval... I-ito ba ay isang uri ng biro?" basag ng tatay ni Tyrone sa katahimikan. Pilit niyang pinatatatag ang boses niya kahit halatang nanginginig ang mga kamay niyang nakahawak sa sandalan ng upuan. "Isang simpleng empleyado lang ng diner ang babaeng 'yan. Paano siya naging—""Isang salita pa mul
Last Updated: 2026-10-23
Chapter: CHAPTER 4
Isla Danica SalvatierraMaaga pa lang, ginising na ako ng isang babaeng stylist na may dalang sandamakmak na damit, sapatos, at makeup kits sa kwarto ko sa penthouse. Halatang pinaghandaan na nila ang lahat. Kahapon lang, basang-basa ako sa ulan, lugmok, at walang nagawa kundi umiyak sa harap ng gate nina Tyrone. Pero ngayon, heto ako, nakatayo sa harap ng malaking salamin habang pinag-uusapan ng mga staff kung anong kulay ng lipstick ang babagay sa akin."Ms. Isla, kailangan nating i-highlight ang mga mata mo para mas matapang ang dating mo," sabi ng makeup artist habang maingat na nilalagyan ng eyeliner ang mga mata ko.Hindi ako sumagot. Nakatingin lang ako sa repleksyon ko sa salamin habang unti-unting nawawala ang eyebags at pagod sa mukha ko. Napapalitan ang dati kong itsura ng isang mukhang pamilyar pa rin, pero may kakaibang talim na ngayon.Kung kahapon, isa lang akong ordinaryong diner server na kayang apakan ng mga Imperial at Lazarte, ngayon, may pangalan na akong dala na
Last Updated: 2026-10-23
Chapter: CHAPTER 3
Isla Danica SalvatierraPagpasok namin sa penthouse ni Jiro, para akong napunta sa ibang mundo. Sobrang lawak ng lugar, tahimik, at puro salamin ang mga dingding kung saan tanaw ang kumikislap na mga ilaw ng siyudad mula sa taas. Pero wala akong pakialam sa karangyaan ng lugar na 'to. Ang nasa isip ko lang ay ang mga nakasulat sa kontratang hawak ko at ang mukha ng anak kong si Lucas habang umiiyak nang kunin siya ng mga tauhan nina Tyrone."Maupo ka muna," utos ni Jiro habang hinuhubad ang suit jacket niya at basta na lang inilapag sa sofa. Umupo siya sa isang armchair at diretsong tumingin sa akin. Nakatayo pa rin ako malapit sa pintuan, hindi sigurado kung dapat ba akong umupo o manatili na lang doon."Hindi na kailangan," malamig kong sagot habang mahigpit na hawak ang strap ng luma kong bag. "Gusto ko lang malaman ang mga detalye. Ano ang kailangan kong gawin pagkatapos kong pumirma rito?"Hindi nagbago ang ekspresyon niya. Seryoso siya at halatang pinag-isipan na niya ang lahat
Last Updated: 2026-10-23
Chapter: CHAPTER 2
Isla Danica SalvatierraNakatitig ako sa malaking itim na payong na panangga sa ulan at sa kamay ng lalaking nakalahad sa harap ko. Ang linis ng suot niyang suit, halatang gawa sa mamahaling tailoring, samantalang ako, basang-basa na, marumi ang gilid ng sapatos dahil sa putik, at nanginginig sa lamig."Sino ka?" garalgal kong tanong. Hindi ko magawang tanggapin ang kamay niya dahil sa sobrang pagod at pagkalito.Dahan-dahang ibinaba ng lalaki ang payong. Doon ko nakita nang maayos ang mukha niya sa ilalim ng dilim, na tinatamaan ng liwanag mula sa streetlight. Matalim ang panga niya, makapal ang kilay, at malamig ang abuhing mga mata na para bang kaya akong basahin hanggang sa pinakaloob ng pagkatao ko. Hindi man lang siya ngumiti. Seryoso ang mukha niya, at may awtoridad sa kilos na hindi ko maipaliwanag.Siya si Jaxon Kaelen Sandoval, o mas kilala bilang Jiro sa mga negosyante rito sa siyudad. Kilala siya bilang isa sa pinakamayaman at pinakamapanganib na bilyonaryo na walang sinas
Last Updated: 2026-10-23
Chapter: CHAPTER 1
Isla Danica SalvatierraNanlalabo na ang mga mata ko habang paulit-ulit kong binabasa ang court order na hawak ko. Parang may dumidiin sa dibdib ko, kaya halos hindi ako makahinga nang maayos. Limang taon kong ginawa ang lahat para kay Lucas. Limang taon na puro pagod, puyat, at instant noodles ang bumuhay sa akin, makabili lang ng gamot niya sa asthma at may maipangkain kami araw-araw. Tapos, ganoon na lang? Isang iglap, kaya nang kunin ng mga Imperial ang lahat sa akin?"No... please naman," nanginginig kong bulong habang nakatayo sa labas ng malaking gate ng mansyon nina Tyrone.Suot ko pa rin ang uniform ko sa diner kung saan ako nagtatrabaho bilang kahero at server. Wala na akong oras para magpalit ng damit kanina nang mabalitaan ko mula sa social worker ang nangyari.Bumukas ang mabigat na bakal na gate. Lumabas si Claris, ang babaeng umagaw kay Tyrone noong buntis pa lang ako kay Lucas. Nakasuot siya ng mamahaling silk dress, may hawak na branded na kape, at nakataas ang kilay
Last Updated: 2026-10-23
The CEO's Revenge Bride

The CEO's Revenge Bride

Isinuko ni Kiera Alcantara ang lahat para sa lalaking pinakamamahal niya, pero sa araw mismo ng kanilang kasal, isinuot ng ex-fiancé niya ang engagement ring sa ibang babae at pinalayas siya nang walang dala. Ubos na ang luha niya at wala nang natitirang dignidad para magmakaawa pa. Sa gitna ng pinakamahirap ng buhay niya, nakilala niya si Stefan Esguerra—ang bilyonaryong mailap sa media na pinipilit ding ipakasal sa isang pamilyang gustong mang-agaw ng kumpanya nila. Para protektahan ang sarili at pigilan ang panlalamang ng iba, nagkasundo silang magpakasal sa papel. Walang pagmamahalan, walang pangako ng tadhana—purong kasunduan lang ng dalawang taong gustong lumaban. Pero nangyari ang hindi inaasahan nang magtagpo ang landas nila sa isang malaking social event. Gamit ang bagong pangalan at ang pinakamakapangyarihang lalaki sa tabi niya, sisimulan ni Kiera ang pagbabalik para ipakita sa mga taong tumapak sa kanya kung sino talaga ang sinayang nila.
Read
Chapter: CHAPTER 5
Kiera POVEksaktong alas-otso ng umaga nang magising ako kinabukasan. Kahit maikli lang ang naging tulog ko dahil sa dami ng gumugulo sa isip ko kagabi, may kakaibang lakas ang naramdaman ko pagdilat ko pa lang ng mga mata ko. Wala na ang mga luhang pumatak sa kalsada kahapon. Wala na ang takot at panghihina. Ang natira sa dibdib ko ay isang malamig na determinasyon at ang matinding pagnanais na singilin ang mga taong gumawa sa akin nito.Paglabas ko ng guest room, naabutan ko si Stefan sa dining area. Suot na nito ang isang mamahaling dark gray suit na perpektong bumagay sa malaki at matipunong pangangatawan nito. Seryoso itong umiinom ng kape habang nakatitig sa tablet na hawak niya. Nang maramdaman ang presensya ko, dahan-dahan itong nag-angat ng tingin. Bahagyang kumurap ang mga mata niya habang sinusuri ang suot ko—isang simpleng white midi dress na may minimalist cut na binili pa ng assistant niya kagabi."Mukhang handa ka na sa unang hakbang ng paghihiganti natin," bungad niya
Last Updated: 2026-10-14
Chapter: CHAPTER 4
Kiera POVIsang oras pagkatapos ng mahabang tawag na iyon sa telepono, nakatayo ako nang mag-isa sa loob ng maluwag na walk-in closet ng penthouse habang tinititigan ang repleksyon ko sa napakalaking salamin. Namumula pa rin ang mga mata ko at halata ang pagod sa mukha ko mula sa mga pangyayari ngayong araw. Maya-maya lang, may kumatok sa labas at dumating ang isang kasambahay dala ang ilang mamahaling paper bags mula sa mga kilalang luxury boutiques sa Glorietta at Greenbelt. Dahil wala akong dalang kahit anong gamit—maliban sa slacks at blouse kong bahagyang mamasa-masa pa rin mula sa ulan sa labas kanina—wala akong nagawa kundi ang pumili ng isang simpleng off-shoulder black dress at ilang basic essentials para sa gabi.Paglabas ko ng walk-in closet patungo sa malawak na living area, abala si Stefan sa pagpirma ng makakapal na dokumento na nakakalat sa mahabang glass table. Katabi niya ang isang matandang lalaki na nakasalamin at pormal ang suot, halatang isang batikang corporate l
Last Updated: 2026-10-14
Chapter: CHAPTER 3
Kiera POVNapuno ng katahimikan ang buong silid pagkatapos kong bitawan ang mga salitang iyon. Ang tanging maririnig ay ang mahinang ugong ng aircon at ang malakas na tibok ng sarili kong dibdib.Nanatiling nakatitig sa akin si Stefan. Ang mga mata nitong kasingkulay ng abo ay parang sinusuri ang bawat hibla ng buhok ko, ang bawat galaw ng labi ko, hanggang sa kung may natitira pa bang katinuan sa utak ko. Sa loob ng ilang segundong iyon, inasahan ko nang tatawagin niya ang mga security para palayasin ako gaya ng ginawa ng pamilya ni Marco kanina. Pero hindi niya ginawa. Sa halip, dahan-dahan siyang ngumisi—isang tipid at mapanganib na ngiti na lalong nagpalitaw sa matutulis niyang panga."Magpakasal?" ulit niya sa sinabi ko, mababa at seryoso ang boses. "You just walked into my private penthouse looking like a mess, crying your eyes out, and now you're proposing a marriage of convenience to a total stranger? Are you out of your mind, Miss Alcantara?"Nagulat ako nang konti dahil alam
Last Updated: 2026-10-14
Chapter: CHAPTER 2
Kiera POVTumama sa mukha ko ang malamig na hangin kasabay ng patak ng ulan habang nakatayo ako sa labas ng gusali. Wala akong dalang payong. Ang suot ko pa ring damit ay ang simpleng blouse at slacks na pinili ko kanina bago ko isukat ang wedding gown—ang gown na ngayon ay naiwan doon sa loob, nakatiwangwang sa dummy habang pinagpapasasaan ng mga taong tinuring kong pamilya.Nanginginig ang mga kamay ko hindi dahil sa lamig, kundi dahil sa matinding galit na bumabalot sa buong sistema ko. Gusto kong sumigaw. Gusto kong basagin ang mga salamin ng gusaling iyon at singilin si Marco sa bawat patak ng pawis at luha na ibinuhos ko sa kompanya nila. Pero ano ang laban ko? Isa lang akong hamak na designer na walang pangalan sa lipunan kung ikukumpara sa mga Sandoval. Niloko nila ako, ninakawan, at pinalabas na parang basura."Kiera, tama na muna. Tumuloy muna tayo sa condo ko. Basang-basa ka na," nanginginig na sabi ni Jelo habang pinapatong sa balikat ko ang maliit niyang jacket. Nakanguso
Last Updated: 2026-10-14
Chapter: CHAPTER 1
Kiera POVNanlalagkit ang lalamunan ko habang tinitigan ko ang salamin ng fitting room. Ang suot ko ay ang master piece ng wedding gown ko—isang tahi-tahing pangarap na ginugulan ko ng tatlong buwan ng puyat, kape, at dugo’t pawis. Apat na taon akong nagpakahirap sa Paris at bumalik dito sa Maynila para itayo ang sarili kong pangalan sa fashion industry, pero ang lahat ng iyon ay inalay ko kay Marco. Si Marco na nag-iisang lalaking minahal ko nang higit pa sa sarili ko. Si Marco na kasama ko noong wala pa kaming dalawa, at nangako na sabay naming aabutin ang rurok ng tagumpay."Ate Kiera, ang ganda-ganda niyo po talaga. Sobrang swerte talaga ni Sir Marco sa inyo," sabi ng baklang assistant ko na si Jelo habang inaayos ang laylayan ng makapal na seda at swarovski crystals sa sahig.Ngumiti ako nang tipid, ramdam ang kirot ng pagod sa ibabang bahagi ng likod ko. Halos tatlong araw na akong walang maayos na tulog para lang matapos itong gown dahil sa pilit na deadline ng sikat na hapon n
Last Updated: 2026-10-14
You May Also Like
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status