Share

The Billionaire's Virgin
The Billionaire's Virgin
Penulis: JoyJoy

Chapter 1

"Parati na lang tayong ganito, Pat! Anong gusto mong gawin ko, magtiis? We've been a couple for three years. Three fucking years! Pero kahit oral sex ay hindi man lang kita mapapayag? Hindi ako santo. Lalaki ako, may pangangailangan ako! At kung hindi mo iyon kayang ibigay sa akin ay hindi mo ako masisisi kung hanapin ko iyon sa iba!"

Mapait na napangiti si Patricia sa alaala ng mga pangungusap na binitiwan ni Luke matapos niya itong mahuli sa akto ng pagtataksil. Ang kapal ng mukha. Ito na ang may kasalanan sa kanya, ito pa ang may ganang manumbat?

"And you know what, I think you need to see a shrink. Mukhang hindi normal ang pagiging malamig mo sa sex. Tama nga siguro ang sinasabi ng iba sayo... Tatanda kang dalaga katulad ng mga Auntie mo."

Ang sinabi nitong iyon ang tumatak nang husto sa utak niya. Daig pa ni Patricia ang binigyan ng mag-asawang sampal. Gusto niya ikasal at magkapamikya. Ayaw niya matulad sa mga Auntie na na hindi nakapag-asawa dahil sa sobrang pihikan. Ang sabi ng iba ay mukhang matutulad siya sa mga ito dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagpapakasal.

Halos tulala si Patricia nang lumabas sa condominium building na kinaroroonan ng unit ni Luke. At sa kamamaneho niya nang walang direksyon, ipinadpad siya sa loob ng isang bar. Club Blue o Black, hindi na niya matandaan. Basta may club sa unahan ang pangalan ng bar. She took a corner seat at um-order ng isang boteng brandy. Sa pagitan ng pagngingitngit at hapdi sa kalooban ay uminom siya ng alak.

Dapat ay masaya siyang nagseselebra ng kaarawan niya sa gabing iyon. Pero hayun at halos lunurin niya ang sarili sa alak dahil sa walang kuwenta niyang boyfriend.

Correction, ex-boyfriend.

Mapakla siyang napangiti. Nang maramdaman niya ang paglalandas ng mainit na luha sa kanyang pisngi ay mariin niyang pinalis iyon.

Walang kwentang lalaki si Luke! Hindi siya dapat umiiyak!

Iyon ang sinasabi ni Patricia sa sarili ngunit hindi niya mapigilan sa pag-antak ang sakit sa kanyang kalooban. The irony, nagtungo siya sa condo nito para ibigay sana ang matagal na nitong inuungot sa kanya. Tutal naman ay sigurado na siyang magpapakasal dito bago matapos ang taong iyon. 

Iyon ang plano nila, iyon ang ideal age na nai-set niya sa sarili para mag-asawa. Pero sa kasamaang-palad, iyon din pala ang panahong mawawalan siya ng nobyong pakakasalan.

Blessing in disguise na rin siguro ang mga nangyari, pangongonsola niya sa sarili. Mabuti na iyong habang maaga ay natuklasan niyang tumitikim pala ito ng sariling laman.

Naiiling na inabot ni Patricia ang bote ng brandy. Ang balak niyang pagsasalin ng alak sa rock glass ay hindi niya itinuloy. Sa halip ay diretso niyang ininom ang alak mula sa bote. Naramdaman niya ang pagguhit ng init sa kanyang lalamunan. Narinig niya ang maharot na musika mula sa dance floor. Napa-sway ang ulo niya at sinabayan ang maharot na tugtog.

"Happy birthday to me," wika niya sa sarili. Isang taon na lang ay 30 years old na siya, mawawala na sa kalendaryo ang edad niya.

Tatanda nga ba talaga siyang dalaga?

May ilang estrangherong nagtangkang lumapit at makipag-usap sa kanya ngunit itinaboy niya ang mga ito. Ngayon niya lamang naisip na hindi niya dapat ginawa iyon. Kaya siya masabihan ni Luke na malamig. 

May munting kirot siyang nadama. Hindi man iyon ang eksaktong salita na ginamit ni Luke, ngunit pakiramdam niya ay ganoon na rin iyon.

"Hindi ako tatandang dalaga!" tumayo siya para magtungo sana sa dance floor. Balak niyang sumayaw at magwala. Pero ang plano niya ay tila imposibleng mangyari, parang umaalon ang paligid niya. Pakiramdam niya rin ay hinahalukay ang sikmura niya.

Dinampot niya ang kanyang hand bag at balak na magtungo sana sa restroom nang may makabangga siya. Kasunod niyon ay may humawak sa siko niya para hindi siya matumba.

"Are you okay?"

Napakurap-kurap si Patricia at pilit na inaninag ang hitsura ng lalaking nasa harapan niya. Ang boses nito ang unang tumawag ng atensyon niya.

Bedroom voice. Boses-guwapo. Kaya naman pilit niyang inaninag sa umaalong tingin ang hitsura nito. Isang lasing na ngiti ang sumilay sa mga labi ng dalaga nang mapagmasdang mabuti ito.

Guwapo. Mukhang Latino, matangkad and my—ang ganda ng katawan nito sa simpleng puting tee at pantalon.

"Hey, Miss. Ayos ka lang? Gusto mo bang itawag kita ng taxi or—"

"Are you gay?" tanong niya sa lalaki.

"W-What...?"

"Lalaki ka ba, bisexual o—"

"I'm straight," agad na putol nito sa sinasabi niya. "Listen, do you want me to call someone for you?"

"Are you clean?" Alam niyang mukha siyang baliw sa tanong niyang iyon, pero wala na iyon sa isip niya.

"Lady—"

"Yes or no?"

"Yes."

"Do you want to have sex with me?" Hindi niya alam kung saan siya kumukuha ng tapang ngayon, sa pagiging broken hearted ba o dahil sa alak.

Halatang nagulantang ang lalaki sa tanong niya. Ganoon pa man ay sumagot ito. "Fuck, yeah?"

"Then, lead the way. Take me wherever you want. I'm all yours for tonight."

Patricia threw cautions to the wind as he grabbed her wrist and lead her away from the crowded bar. Hindi siya sigurado kung saan siya nito dinala. Basta't natagpuan na lamang ni Patricia ang sarili na nakasandal sa likod ng pinto na binuksan ng estranghero at isinara.

Pagrerebelde, epekto ng alak at matinding sakit ng kalooban. Sa pagsasama-sama ng lahat ng iyon ay tuluyan niyang itinapon ang lahat ng inhibisyon sa katawan. Kusa niyang kinawit sa batok ang lalaki at inilapat ang mga labi rito. Saglit itong parang natigilan bago tumugon at sa huli'y mainit at banayad siyang h******n.

Patricia groaned mentally as he alternately nips and sucks her lips as if they were a very succulent treat.

Luke never kissed her that way. Lagi na ay para itong atat at mauubusan. But this stranger, he obviously knows how to kiss. He knows exactly when to push and when to pull. Sensuwal at may kasanayan ang mga labi at dila nito na humahagod at humahalik sa kanya. Nang hulihin nito at s******n ang dila niya ay napaungol siya. Humigpit ang mga braso niya sa balikat nito. Naramdaman niyang humagod ang mga kamay nito sa katawan niya. Sa halip na maalimpungatan sa kapusukan ay parang lalo pa siyang nag-init.

Ang suot ni Patricia ay black haltered dress na above the knee ang haba. Malambot at stretchable ang tela niyon kaya walang kahirap-hirap na naitaas ng estranghero ang laylayan ng dress niya pataas sa kanyang balakang. Pinisil nito ang kaumbukan ng puwetan niya bago hinagod ng isang kamay ang harapan ng pagkababae niya.

Hindi siya sigurado kung anong oras na siyang nagising. But as soon as Patricia wakes up with a splitting head ache, memories of the previous night came rushing back inside her head. Hindi na niya hinintay na i-proseso ng utak niya ang mga pangyayari. Maingat siyang bumaba ng kama at dali-daling isinuot ang bestida. Hinanap niya ang underwear niya ngunit hindi niya ito makita. Himbing na himbing pa ang lalaking nakatalik niya. Sa takot na magisnan siya nito ay hindi na siya nag-abalang hanapin ang underwear. Binitbit na lamang din niya ang sapatos at hand bag saka parang magnanakaw na maingat na lumabas mula roon.

Nagmamaneho na siyang pauwi nang maramdaman niya ang pananakit ng maselang parte ng katawan niya. Tila nakikipaligsahan iyon sa sakit ng ulo niya.

Then, suddenly a thought crossed her mind.

She's no longer a virgin! 

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status