sana all nag roroadtrip ng napakaaga.
“Anong itatago ka dyan?” natatawa kong tanong sa kanya. Bakit naman niya ako kailangan itago? Pinakilala nga niya ako sa Lions University bilang fiancee niya.“You don’t get me, Calliste you’re so innocent, kung ano man ang dahilan ni Stefan, respetuhin natin ‘yun.” seryosong sagot niya sa akin. Naglakad na siya papasok sa Lomihan, sumunod na rin ako kahit pa ang dami kong katanungan sa kanya, eh, kilala ko si Koen. Hindi niya rin ako sasagutin. Nakahanap na siya ng upuan namin, ang ganda pa ng pwesto namin dahil kitang-kita mo ang Taal Volcano. Mapait akong napangiti, buhat ng maging magkakilala kami ni Stefan hindi pa kami nakakapunta sa public places katulad nito. Naiintindihan ko naman dahil sikat siya at baka pagkaguluhan siya ng mga tao o dahil hindi naman talaga tunay ang sinasabi niyang mahal niya ako kaya hindi niya ako kailangang ilabas sa mga ganitong lugar. Hindi manlang niya ako maaya sa ganitong klaseng kainan. Pero bakit ako nagrereklamo?! Alam kong bilang nalang sa
Iniabot niya sa akin ang cake, naluluha ako dahil sa lahat talaga ng tao miski sarili ko ay hindi ko naalalang birthday ko pala ngayon. Hindi niya talaga ko binibigo na pasiyahin sa tuwing may nangyayari sa akin. Hindi ko man siya tawagin para hingan ng tulong, kusa siyang lilitaw na kala mo alam at nakikita niya ang lahat ng nangyayari sa akin. “Mag wish ka,” sabi ni Koen sa akin ng akmang hihipan ko na dapat ang cake. “Close your eyes.” para pa akong batang sinabihan niyang isarado ko ang mga mata ko pero sinunod ko naman. Wish ko sana kahit malaman ni Stefan ang totoo sana hindi pa rin siya mawala sa akin at kung ano man ang pinaplano niya, sana ay hindi ang paglayo niya sa akin. Hinipan ko ang kandila, nagpalakpakan muli ang mga tao sa paligid kaya naman dumilat na ako. Nadatnan ko pang nakatitig sa akin si Koen. Heto na naman siya, hindi ko maibalik sa kanya ‘yung pagmamahal na kaya niyang gawin para sa akin. Kahit pa sinasabi niya lagi sa akin na maghihintay siya ay hindi ko
“Madame Calliste!” “Madame Calliste?!” Malalakas na pagtawag ng pangalan ko at pagkatok sa pintuan ng kwarto ni Stefan ang gumising sa akin. Napakusot ako sa aking mata nang dumilat ako dahil nasilaw ako sa araw na nakatapat sa aking mukha, umaga na pala o parang tanghali na. “Madame—”“Gising na po ako.”“Madame Calliste, pinapatawag po kasi kayo ni Sir Stefan sa kanyang library ngayon din po, ang totoo po niyan ay kanina pa po kayo pinapapunta doon.” sabi ni Mildred. Napabangon ako bigla nang ma’realize ko na hindi totoo ang mga nangyari?! Panaginip lang ba ang nangyari?! Naguguluhan ako, hindi totoong pumunta ako sa mga Leviste at kumain kami ni Koen ng Lomi Batangas at sinurpresa niya ako sa aking kaarawan? Ano nga bang petsa na ngayon?!Pumunta agad ako sa pintuan para pagbuksan siya, nang buksan ko ito ay hindi lang pala si Mildred ang nandoon kung hindi kasama niya si Mama. “Magandang umaga po, Madame Calliste. Mukhang napasarap ka ho ng tulog.” sabi ni Mama sa akin. “Hi
“Nananaginip ba ako?!” napalakas yata ako ng pagkakasabi dahil nagtinginan silang lahat sa akin. “No, Calliste! You’re not dreaming, Iha.” sabi ni Tita Zarina, natawa pa nga sila except sa kanyang Lolo na halata mo talagang ayaw na ayaw sa akin. “Calliste, when do you want to get married?” tanong ni Tito Savion.Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, hindi ko alam kung anong isasagot ko. Ngayong pinag-uusapan na talaga ang tungkol sa kasal namin bakit parang hindi ako handang totohanin ang lahat? Natatakot ako na baka iwan na lang niya ako bigla kapag nalaman niya ang totoo. Kahit malamang naman ay gagawin niya iyon sa akin, pero hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. “Decide now!” halos pasigaw na sabi ng Lolo ni Stefan kaya nagulat ako dahil katabi ko lang din siya ng upuan dahil ako na ang nasa dulo. Naramdaman ko ang paghawak ni Stefan sa aking baywang na parang sinasabi niyang magiging maayos din ang Lolo niya sa akin. “Unless you have a deep secret, kaya ka nagdadal
Boses pa lang kilala ko na kung sino ang tao sa likod nito.“Ano? Tuloy ba ang kasal?!” excited pa siyang tanong sa akin. “Ma, apat na araw na lang makukumpleto ko na ang hinihiling mo kaya ‘wag mo ng hintayin pa ang kasal namin. Tama na.” pakiusap ko sa kanya. Hinigit niya ang braso ko at mahigpit na hinawakan ito. “Ang kapal din ng mukha mo, ano?! Anong tingin mo, hahayaan kong maging masaya ka?!” “Mamaya sasabihin ko na kay Stefan ang tungkol sa naging plano natin.” pero ang totoo ay wala akong balak sabihin sa kanya ang totoo dahil buhat nang magpunta ako sa private studio art ni Stefan ay tumigil na ako sa plano na gustong mangyari ni Mama. “Bago mo pa sabihin sa kanya, ako na ang mauuna sayo. Ang laki ng ulo mo! Nakakalimutan mo yata lugar mo!” halos patapon niyang binitawan ang mga kamay ko. Umalis siya sa harapan ko at tila bumagsak naman ang katawan ko nang mapaupo ako sa sahig. Bakit ganito, alam ko sa sarili kong mahal ko na si Stefan, dapat masaya ako pero bakit gani
Umalis siya sa harapan ko at bumalik sa loob ng library. Sa halip na sundan ko siya ay umakyat ako sa kwarto naming dalawa. Nang nasa loob na ako ng kwarto ay hinanap ko agad ang susi sa private art studio niya, kailangan kong pumunta doon para manahimik na si Mama, pagkatapos kong kumuha ng kailangan ni Mama ay aayain ko na si Stefan lumayo dito sa lugar na ito, malayo sa Lolo niya, at mas malayo sa Mama ko, tapos na ako… tapos na akong tulungan ang pamilya niya, kahit pa sabihin ni Mama na kulang pa ang pangpa-opera ni Isla, hindi na ako susunod sa kanya, dahil huling beses na ito. Hindi na ako papayag na utusan niya akong muli sa bagay na ito. Puputulin ko na ang koneksyon namin ni Mama, kung hindi papayag si Stefan lumayo dahil sa business niya at sa kumpanyang hinahawakan niya, aalis ako. Hahanapin ko si Papa, sasama ako sa kanya. Ang kailangan ko na lang ay makapagtapos, ‘yun na lang ang isang bagay na kailangan ko para kahit anong mangyari ay hindi ako mahihirapan makahanap
Agad kong tinipa ang numero ni Koen, ilang tawag ang ginawa ko ngunit hindi siya sumasagot. Naghahalo ang nararamdaman ko, I feel like I'm living a lie. Why is the world playing this cruel joke on me?Nanginginig ang mga kamay kong tinipa muli ang numero ni Koen ngunit hanggang ngayon ay hindi niya sinasagot. Maaari kayang siya ang nagmamaneho ng sasakyan kaninang sinakyan nung babae? At sino ang babaeng iyon?!Hindi kaya si Margaux? ‘Yung panaginip ko ay tungkol sa kanya, hindi kaya ay siya talaga ang isang ‘yun? Lalong bumilis ang tibok ng puso ko, hindi ko na alam kung paano pa ako hihinga dahil naninikip ang dibdib ko. Mariin akong pumikit at huminga akong malalim, nasasaktan ako. Alam kong kasalanan ko lahat ng ito at dumating ako sa puntong ito, kasalanan ko naman lahat ‘to. Mayamaya lang ay dumating na ang McTaxi, kahit nanghihina pa ako ay pinilit kong sumakay na dito, kung hindi ko pa pipilitin baka madatnan pa ako dito ni Stefan. Nagpahatid ako sa apartment na tinutulayan
Parang huminto ang takbo ng oras nang marinig ko ang pangalan niya. Ito na ba ‘yung araw kung saan kailangan ko ng ilugar ang sarili ko? Pero paano na ngayon, na sigurado na akong mahal ko na si Stefan? May laban ba ako? Kung kailan tinapos ko na at handa na akong ayusin ang buhay ko kasama siya, hindi pa rin ba talaga pwede?Napaupo ako sa sahig ng maramdaman kong nanlalambot ang mga binti ko, nanghihina ako.“Madame Calliste!” narinig kong tawag sa akin ni Mildred. Hindi ko na alam kung sino ang pilit na nagtatayo sa akin basta ang alam ko lang ay may nakahawak sa magkabilang braso ko para alalayan akong tumayo. Pilit na iniaangat ni Yanu ang mukha ko at nang magtagpo ang aming mga mata ay doon na ako sumuko, bumuhos ang mga luha ko at wala akong nagawa kung hindi yakapin ng mahigpit si Yanu. Sila lang din ang naging pamilya ko dito sa mansyon. Mula noong nakita ko ang relo na regalo ni Margaux kay Stefan alam ko ng may nararamdaman pa si Stefan sa kanya at kahit pa magbulag-bulaga
Nang matapos na kong kumain ay dumiretso na agad kami sa room namin, hanggang makapasok ng room ay naiilang ako. Feeling ko laging may mga matang nakatingin sa akin, hinayaan ko nalang yun at nagfocus na sa pag-aaral ko. Hanggang matapos ang klase ay naiilang pa rin ako. Parang may nakatingin talaga sa akin."Wrena," tawag ko kay Wrena."Why?" Nangunot noo niyang tanong sa akin."Feeling ko kasi may nakatingin sa akin, may nakikita ka bang nakatingin sa akin?" ayokong magfeeling pero mas may tiwala ako sa pakiramdam ko."Ha? Sige wait titingnan ko." Kita ko ang paghahanap niya at lumipas ang ilang segundo then... "Nahuli ko si Jason, Ariann." pasimple niyang sabi sa akin kaya natawa ako."Bakit ka natawa?" taka niyang tanong."Tama nga ang nararamdaman ko, may nakatingin sa akin kanina. Kaklase pala natin 'yang si Jason." i never thought na titingnan ako ng masungit na 'yun. Kinuha ko nalang ang tubig ko at ininom yun ng diretso."Pansin ko nga rin yun kanina pa. Ayiieee oy ikaw Arian
Maliwanag na ng magising ako kaya bumangon agad ako, nakaalis na kaya si Kuya? Napasarap ang kwentuhan namin kagabi kasama sila Nanay at Tatay kaya madaling araw na ko nakatulog."Nay, nakaalis na ba si Kuya?" bungad ko agad pagkababang-pagkababa ko."Oo nak, kanina pang alas sinco ng madaling araw, hindi ka na pinagising dahil baka pilitin mo pa raw siyang ihatid sa airport." napaka ano talaga ni kuya. Psh!"Oo nga pala, sabi ng kuya mo ihatid mo yang nasa box na yan diyan sa address na nakalagay sa ibabaw ng box. Tapos dumiretso ka na sa school mo, magiingat ka roon ah? Mag-aral ng mabuti." Tiningnan ko ang papel sa ibabaw, hmmm. Company siya. Kaya ko 'to! May naisip nanaman akong kabalbalan."Opo nay." Napangiti ako ng palihim sa naisip ko, ako pa? Kaya!"Oh siya kumain ka na at ng makapasok ka na, kami naman ng tatay mo ay magdedeliver ng mga order na prutas." Tumango ako at nagsimula na kumain.Pagkatapos na pagkatapos ko mag-asikaso ay binuhat ko na ang mini box na pinapadeliver
Napahinto ako at bumalik hindi pa naman kasi kalayuan ang natatakbo ko, kita ko siya na nakatingin sa akin habang may hawak na kahoy, hala natakot kaya siya kanina? Ng tingnan ko si mamang may kutsilyo ay unti-unti na siyang bumabangon pero si poging naka suit ay nakatayo lang at nakatingin sa akin."Halika ka na dal-" napahinto ako sa pagsasalita ng magsalita siya."Bakit bumalik ka? Tumakbo ka na!" Naku naman! Ano ba problema nito? Siya na nga binalikan.Pero imbis na makipagsagutan pa ko sa kaniya, tumakbo nalang ako papunta sa kaniya at hinila na siya at sinama sa pagtakbo ko! At ng makakita ako ng tumpok na basura, agad ko siyang hinila roon pero huminto siya kaya muntik na ko masubsub sa dibdib niya kaya pinitik ko yung tenga niya."Aray!" reklamo niya. Blah blah blah."Bakit ka ba nahinto bigla?! Halika na dali at baka habulin tayo ni mamang may kutsily-" ng mapatingin ako sa likod niya ay nakita ko na nga si mamang may kutsilyo kaya hinila ko na siya ulit. "Ayan na dali!" mabi
"Wait, what?" Naguguluhan kong tanong sakanya."Niloko niya si Dad, she's having an affair with Dad's business partner." Nakayukong wika niya. Hindi ko man makita ang expression niya alam kong napapahiya ito."I'm sorry, I don't know how to react. Iba kasi yung nangyari sa'kin, Kins." Ang non-sense ng sagot ko. At hindi ko na dapat malaman pa ang dahilan bukod do'n dahil that's a private matter na."Yeah, but I just want to know what did you feel about it. Iyon ang dahilan kung bakit ako gustong ipakasal ni Dad sa anak ng ka-affair ni Mom. Nakakatawa." This time, nakita ko ang kanyang expression. Pinipilit niyang tumawa kahit na umiiyak siya. "Addi, bakit ako ang kailangan mag suffer? P-Pinipilit nila akong magpakasal para mapagtakpan ang kataksilan nila." Nilagay niya ang dalawang palad niya sa kanyang mukha."I'm sorry, I know it's beyond my limit but It's that your Father's choice?" Tanong ko. Tinapik-tapik ko ang kanyang likuran. Assuring her na nandito lang ako para sakanya."I-I
"Sana maging bukas sa isip mo na hindi ko ito ginagawa for the company, I'm doing this for your future." Tiningnan ko si Dad na siyang nagmamaneho ng aming sasakyan. "That's why I built our company na matibay ang pundasyon. And that foundation is the trust of our business' partners." I feel the sincerity of his voice while saying that.Kasalukuyan kaming nasa byahe dahil ihahatid niya ako sa aking unit. I hate it, ayaw ko pa sana magpahatid pero ayaw ko namang madisappoint ulit si Dad sa'kin. Sabi nya, I should trust him with his choice. I should trust him because he knows what is best for me. So why not give it a try."Yes, Dad. I know na pinaghirapan mo po ang pag-aalaga sa company natin. Don't worry kapag ready na po ako. Why not."This time, I'm serious. I don't know why the hell I'm saying those words but I'm hundred percent sure that It's gotta be okay, I'm gonna be okay with it.Napasarap kami sa kwentuhan ni Dad, when I realized I need to go down na pala. Nasa parking lot na k
I will never forget what happened last night. Lasing na lasing ako pero hindi ako pinabayaan ni Stefan. Dumaan muna kami sa isang sikat na coffee shop para bilhan ako ng brewed coffee para raw kahit papaano ay mahimasmasan ako.He took care of me and narealize kong siya lang ang gumawa sa'kin ng ganun. Hindi niya ako iniwan hangga't hindi pa ako okay. Hindi ko mapigilan ang pagkumpara kay Stefan sakaniya. He's really a gentleman.Nakatingala lang ako ngayon sa ceiling ng aking kwarto and then I remember what he said bago niya ako tanungin kung saan ko gustong pumunta. ."You can't decide just what you want to do, Calliste!" Alam kong naiirita na siya sa'kin dahil hindi ako umiimik sa mga pangaral niya sa'kin. May halong diin pa ang salita niya ng banggitin niya ang pangalan ko. "Hindi mo pwedeng piliin ang none of the above kung may tamang sagot sa multiple choice!" Hindi ko siya matingnan ng diretso dahil nahihiya ako sa mga kagagahan ko."What if kung wala ako? I know I'm a little b
I will never forget what happened last night. Lasing na lasing ako pero hindi ako pinabayaan ni Miguel. Dumaan muna kami sa isang sikat na coffee shop para bilhan ako ng brewed coffee para raw kahit papaano ay mahimasmasan ako.He took care of me and narealize kong siya lang ang gumawa sa'kin ng ganun. Hindi niya ako iniwan hangga't hindi pa ako okay. Hindi ko mapigilan ang pagkumpara kay Timo sakaniya. He's really a gentleman.Nakatingala lang ako ngayon sa ceiling ng aking kwarto and then I remember what he said bago niya ako tanungin kung saan ko gustong pumunta. ."You can't decide just what you want to do, Addi!" Alam kong naiirita na siya sa'kin dahil hindi ako umiimik sa mga pangaral niya sa'kin. May halong diin pa ang salita niya ng banggitin niya ang pangalan ko. "Hindi mo pwedeng piliin ang none of the above kung may tamang sagot sa multiple choice!" Hindi ko siya matingnan ng diretso dahil nahihiya ako sa mga kagagahan ko."What if kung wala ako? I know I'm a little bit too
Nagpalit ako ng pajama at loose shirt. Tumambay muna ako sa sala gaya ng sinabi niya hindi muna ako pumasok sa kwarto ko.Nanunuod lang ako ng series ng dumating na ang gagawa at magpapalit ng pintuan ko.Hindi rin nagtagal ay natapos na nila."Addi, come here." ani ni Miguel."Wait!" pinatay ko ang T.V. at lumapit na sakaniya."Set your password"Ginawa ko naman ang sinabi niya, nag set ako ng password. Which is birth date ko pero inuna ko ang day bago ang month. Hindi ko napansin na nakatingin pala siya. Tsk. Pero huli na, nakita na niya ang password ko."Don't worry, papasukin lang kita kapag hindi ka ulit sumagot. Don't you dare to do it again!" he said and he left, again!What's happening to him? Acting like my bf huh!Pumasok ako ng unit ko, and as usual wala nanaman akong ginagawa pero ngayon ko lang narealize na maayos na pala at wala na pala talaga akong aayusin.Pumunta ako ng kwarto ko dahil parang may parte sa kaloob-looban ko na gusto kong matulog. Ibinagsak ko ang sarili
Kunot noo kong tinitigan ang wine glass na nasa harapan ko. "Ahhhhh!" sigaw ko.Buhat yata kagabi pag-uwi ko ay panay singhal at sigaw nalang ang ginawa ko.After that party. Pinipilit ako ni Mommy na mag stay muna sa bahay pero hindi ako pumayag. Dahil una, ayaw kong malaman pa nila ang nangyayari sa'kin, pangalawa hindi rin ako makakahinga ng maayos dahil sa tensyon sa pagitan namin ni Dad.Hindi ko makakalimutan ang sinabi ni Kinsley sa'kin kagabi.Namumuo ang kaniyang luhang nakatingin ng diretso sa'king mga mata. "I heard everything from Oli, I'm sorry." Niyapos niya ako ng mahigpit. "I'm sorry, I know it's hard for you kasi akala mo siguro maiipit ako sainyong dalawa" Hindi ko na din napigilan pa ang aking mga luha dahil sa ginawa niyang pag yakap sa'kin. "Pero no, I got mad at Olivia because she did nothing to stop her sister. She even supports them." Tinapik-tapik niya ang aking likuran."I'm sorry, I-It's not because I don't trust you but I just don't want to add my problems