JylaHindi mapakali si Jyla. Anumang oras ay pwede na siyang balikan ng nakakatakot na tauhan ni Daniel. Gusto sana niyang umalis at magtago, pero sinabi kasi ni Andrew na pupuntahan din siya nito. Baka magkasalisi pa sila. Ito na lang ang tanging pag-asa niya.Napapitlag siya nang bumukas ang pintuan. Pero agad din naman siyang nakahinga nang makitang si Andrew ang iniluwa noon. Hindi alam ni Jyla kung bakit, pero sobrang gumaan ang loob niya nang makita ito. Sa dami ng pinagdaanan niya nitong nakaraan, wala man lang siyang masandalan, ni isa. Seeing him brought an odd sense of warmth within her.Kaya naman halos mapaluha siya nang bigla siyang yakapin ng lalaki. Noon lang niya napagtanto— she badly needed that warmth, that she needed someone to lean on. Mali man, pero parang gusto na lang niyang magtiwala sa lalaki, kahit na alam niya sa sarili niyang hindi niya gusto si Andrew, the same way he liked her. But he was always there when she needed him.Kaya naman hindi na siya tumang
AndrewHalos sumipol-sipol si Andrew paglabas ng memorial hall. Kung alam lang niya na ganun lang pala kadaling magpaalam kay Zion, sana ginawa niya na noong unang araw pa lang. Plus, Zion’s misery brought a different kind of satisfaction to him.Kaya lang nang sumagi sa isip niya ang dahilan kung bakit siya aalis eh napabilis ang paghakbang niya. Ano na naman kaya ang ginawa ni Daniel kay Jyla? Nagsisisi tuloy siya at hindi pa niya tinuluyan ang matandang ‘yon. He was about to check Jyla’s previous messages, pero napahinto siya nang may humarang sa daanan niya. It was Cullen Fortejo. Hindi niya ito binati, at sa halip ay kinunotan niya lang ito ng noo. “Where are you going?” tanong nito sa kanya. “Hindi pa tapos ang lamay ah?”‘So nosy.’“Pupuntahan ko lang si Jyla,” wala sa loob na sagot niya. Saglit na nanlaki ang mga mata ni Cullen. Then his entire face ashened with worry. “Anong nangyari kay Jyla?” Talaga namang may kasama pang paghablot ito sa braso niya. Inis na pinalis n
JylaAwtomatikong nagkasalubong ang mga kilay ni Jyla nang mamukhaan si Daniel Montero. “Sir Daniel?” nagtatakang bulalas niya bago siya nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Hindi niya alam kung dismayado lang ba siya dahil si Daniel pala ang nagpadukot sa kanya at hindi si Zion. Or was she just done with everything? Tila kasi wala nang maialay sa kanya ang mundo kundi pagsubok at trahedya na lang. Hindi na nga siya makapagluksa nang maayos. Baka nga hindi pa niya maihatid ang biyenan niya sa huling hantungan nito… tapos ito na naman?Kaya pansamantalang nawala ang takot niya nang makita ang matandang lalaki. Kahit na alam niyang kaya nitong tapusin ang buhay niya sakaling gustuhin man nito.Halatang hindi nagustuhan ni Daniel ang naging reaksyon niya dahil lalo lang nagusot ang mukha nito sa galit. His eyes were burning with rage. Kung nakakagalaw lang ito, baka bumaba na ito ng higaan at sinákal na siya nito ngayon. Pero hindi nito magawa dahil mukhang hindi pa rin nito mai
Dahan-dahan ang naging pagdilat ng mga mata ni Jyla, at kaagad na nagusot ang mukha niya nang mamataan na nakahiga siya sa isang pribadong ward. Isang minuto siguro siyang nablanko, saka unti-unting nanumbalik sa kanya ang lahat. Mabilis ang naging pagbagsak ng mga luha niya. “Ma!” malakas na sigaw niya, saka nagkukumahog na tinanggal ang suwerong nakakabit sa kamay niya. Dali-dali siyang bumaba ng higaan at halos takbuhin niya na palabas ang pintuan pero pagtapak niya sa sahig ay napaupo lang siya rito dahil sa labis na panlalata ng katawan niya. “Ma, panaginip lang ‘yon ‘di ba? Ma?!” napahiyaw na siya sa sobrang paghihinagpis, at kahit anong hawak o paghampas ang gawin niya sa dibdib niya ay hindi nawawala ang matinding sakit na nagmumula roon.Hindi na niya magawang tumayo, at halos isubsob na nga niya ang mukha sa sahig sa sobrang bigat ng pagpatak ng mga luha niya. Hindi! Panaginip lang ‘yon. Hindi siya iniwan ni Zoey. Hindi siya pwedeng mawalan ulit ng ina. Hindi niya ‘yon m
JylaMatagal na tinitigan ni Jyla ang pintuan ng bahay na minsan nilang tinirhan nang magkasama ni Zion. Bumalik sa alaala niya ang lahat, simula sa una nilang pagkikita ni Zion. Napakarami na niyang pinagdaanan sa poder ng asawa, hindi lang malungkot, hindi lang puro inis at galit— meron na ring masasayang alaala kahit papaano. Pero meron talagang paraan ang tadhana para ipangalandakan sa ‘yo na wala ka sa tamang kinalalagyan— na hindi para sa ‘yo ang isang bagay o isang tao.Pagod na pagod na siya sa lahat ng mga nangyayari. Panahon na talaga siguro para sumuko. Kung bakit ba naman kasi meron pang parte ng puso niya ang umaasa.Sa totoo lang, kaya siya naglakas loob na magpunta rito ngayon ay para lang makita niya si Zion. Gusto niyang isumbat dito ang nangyari sa kanya ngayong buong araw dahil hindi man lang siya nito magawang tulungan, kahit na hindi niya pa naman nagagawa ang bagay na ‘yon kahit kailan. But in the end, her heart won. Makita lang niya ang pagod at lungkot sa mga
ZionIt was already the dead of the night. Sobrang lamig pa ng simoy ng hangin, parang nagbabadya ng lagim.Nanlulumong umuwi na si Zion ng bahay kahit hindi niya alam kung makakatulog pa ba siya o makakapagpahinga pa ang utak niya. But the moment he saw that familiar figure waiting on his doorstep, he immediately softened up. He suddenly felt the urge to get it done with and just hug his wife. Gusto niyang magpaalo. Gusto niya nang masasandalan dahil pagod na pagod na siyang tumayo mag-isa. Napakaraming nakikisimpatya sa kanya at sa lagay ng ina niya, pero alam niya sa sarili niyang yakap lang ni Jyla ang kailangan niya.Pero bigla niyang naalala ang tagpo kanina, her being with Daniel Montero. Kaagad tuloy nagbago ang timpla niya. Why? Why did she have that power over him? Alam niya ang motibo ni Jyla kaya nilapitan siya nito, pero hindi pa rin niya napigilan ang sariling mahulog sa patibong nito— ang mahulog dito. “Anong ginagawa mo rito?” Kaagad na napatingin sa kanya si Jyla