“I only needed to be married to you for three months. Pero hindi ibig sabihin noon ay aasta kang asawa ko, because I will never treat you as one.” Akala ni Jyla ay wala nang mas lalala pa sa buhay niya sa selda at ang sunod-sunod na trahedyang napagdaanan niya, not until Zion Calvino, a sociopathic bastard, bailed her out. Nagkanda letse-letse na nga ang buhay niya simula nang mag-krus ang landas nila at kailangan pa niya itong pakasalan at pakisamahan bilang asawa sa loob ng tatlong buwan kahit gaano pa sila nasusuklam sa isa’t isa.
Lihat lebih banyakHalos dapit-hapon na nang maglakad palabas ng bilangguan si Jyla dahil pansamantala siyang nakapagpiyansa ng isang araw.
Tangan ang isang papel na may nakasulat na address, sumakay siya ng kotse na nakaparada malapit sa gate ng piitan. Madilim na nang dumating sila sa tapat ng isang malaking mansyon na nasa kalagitnaan ng malawak na hacienda, halos paakyat na ng bundok. Nilapitan siya ng gatekeeper at iginiya siya nito sa isang kwarto sa loob ng mansyon. Pagpasok ni Jyla sa kwarto ay nalanghap niya agad ang masangsang na amoy ng dugo sa loob. Wala siyang maaninag kahit na ano kaya naman ganun na lamang ang gulat niya nang yapusin siya ng malalakas na mga braso. Dumampi pa nga sa mukha niya ang mainit na hininga ng lalaki. “Make me happy before I die, baby girl." Hindi mapigilan ni Jyla ang kilabutan sa narinig. “M-may sakit ka?” nanginginig na tanong ni Jyla sa lalaki. Nakaramdam siya bigla ng takot. “Why?” nanunuyang sagot ng lalaki. “Nagsisisi ka na bang pumayag ka sa proposisyon ko?” “Hindi. Wala akong pinagsisisihan,” malungkot na aniya. Jyla had no room for regrets dahil kailangan niyang iligtas ang nanay niya. Sobrang dilim pa rin ng kwarto at ni isang beses ay hindi man lang naaninag ni Jyla ang mukha ng lalaki pero tila wala naman itong sakit na iniinda. Matapos ang halos dalawa o tatlong oras ay nakatulog din ang lalaki. O hindi kaya ay patay na ito? Wala nang puwang ang takot sa puso niya kaya naman dali-dali siyang umalis ng mansyon. Bumuhos ang ulan habang papunta na siya sa tahanan ng mga Palencia. Halos alas onse na ng gabi at sarado na ang bahay, ngunit dinig ni Jyla ang tila kasiyahang nagaganap sa loob. “Tao po? Tao po” malakas na pagtawag niya at pagkatok niya pero nanatiling sarado ang pinto. Medyo pagod at nahihilo pa nga siya dahil sa byahe ng bus, dagdag pa ang patuloy na pagbuhos ng ulan at ang malakas na hangin, pero kailangan niyang maging kalmado at ipagpatuloy ang pagkatok dahil hinihintay siya ng ina. Bumukas din sa wakas ang gate at halos mabulag siya sa ilaw ng flashlight na tinutok sa mga mata niya. Sinalubong siya nang nangungutyang titig ng mga tao sa loob na akala mo ay diring-diri sa itsura niya. Daig pa kasi niya ang isang pulubi sa lagay niya ngayon lalo pa’t basang-basa siya sa ulan. Pero hindi nagpadala si Jyla sa inasal ng dalawa at agad na lumapit sa tiyahin. “Ginawa ko na po ang inutos niyo. Nasaan na po ang pera ko? Kailangan ko na iyon. Alam niyo naman po ang lagay ni mama.” “Hindi mo na kailangan ng pera, Jyla— dahil patay na ang nanay mo. Hinagis nito sa dalaga ang isang funeral portrait bago pabagsak na isinarado ang gate. “What?” hindi makapaniwalang bulalas ni Jyla. Matapos ang ilang minuto ay saka lamang tumulo ang luha niya habang tinititigan ang larawan. “Ma?” “Huli na ba ako, ma? Hindi na ba talaga kita maililigtas?" Nawalan siya ng balanse dahil sa labis na sakit at napasadlak sa sahig. Maghigpit niyang niyakap ang litrato ng ina habang humahagulgol at nagsisisigaw sa sakit na nadarama sa gitna ng ulan. Matapos ang ilang sandali ay napalitan ng galit ang nararamdaman niyang pighati. Tumayo siya at halos gibain na ang gate ng tiyahin niya sa pagkatok. “Sabi niyo ililigtas niyo si mama! Bakit niyo siya hinayaang mamatay? Mga sinungaling kayo! Sinungaling kayo! Ibalik niyo si mama sa akin!” Lumipas ang maraming minuto at wala siyang humpay sa pagluha at pagwawala hanggang sa bigla na lang siyang nawalan ng malay sa labas ng bahay ng mga Palencia. *** Nang magkamalay si Jyla ay nasa klinika na siya ng piitan kung saan siya nakakulong. Tatlong araw ang nilagi niya roon dahil inaapoy siya ng lagnat. Binalik din siya sa dating selda na pinaglagian niya, kasama ang pito pang preso na nanlilisik ang tingin sa kanya ngayon. “Akala naman namin iniwan mo na talaga kami,” kutya sa kanya ng isa. “Tatlong araw lang pala a****a,” dagdag ng isa. At nagtawanan pa nga ang mga ito. “Balita ko nakipagkantunan ka lang daw sa mga guard!” biro ng isa pa. Hinila ng pinakamalaking babae ang buhok ni Jyla. “Yung mga taong sinuswerte dapat ginuggulpi eh.” Inignora lamang sila ni Jyla, ni hindi man lang niya tinapunan ng tingin ang mga ito. “Ay gusto yatang sumunod sa nanay niya.” Akmang huhubaran na sana siiya ng mga ka-selda niya nang umalingawngaw ang malakas na boses sa labas ng selda. “Anong ginagawa niyo riyan?” sita sa kanila ng isang guard na lumapit pala sa selda nila. Ngumisi lang ang malaking preso sa gwardya. “Ah, wala naman, Ma’am! Tsine-check lang namin kung may sakit pa ba ito. Kawawa naman, eh,” pangangatuwiran ng babaeng nanakit sa kanya. Hindi na sinagot ng gwardya ang babae att tinatawag na lang nito si Jyla “Inmate 036, malaya ka na.” “Huh?” nagtatakang tanong niya. Akala niya ay panaginip lang ang lahat hanggang sa muli siyang nakatapak sa kalsada sa labas ng bilangguan. She once again teared up, thinking about her mom. Pasensya na, ma, kung hindi man lang kita nailigtas. Sana mapatawad mo ako. Nasaan ka na kaya ngayon? “Ms. Jyla Mendoza?” pagpukaw sa kanya ng isang baritonong tinig. Agad siyang napatingin sa may-ari ng boses. “Yes po?” Tinitigan ni Jyla ang lalaking naka-three-piece suit at leather shoes. Napansin niyang may itim na kotseng nakaparke sa likod ng lalaki, at sa passenger’s seat ay naroon ang isang lalaking naka-shades na bahagyang nakatingin sa kanya. The man didn’t respond to her. Bagkus ay humarap ito sa kotse at bahagyang tumango sa lalaking naka-shades. “Let her in,” matipid na sambit ng lalaking nasa kotse. Mabilis siyang iginiya ng lalaking naka-suit sa loob ng kotse, at nagmistula naman siyang robot na sumusunod lang sa kung anong gusto ng mga ito. Sumakay na nga siya sa kotse at umupo sa tabi ng lalaking naka-shades. “I’m Zion Calvino,” malamig na pagpapakilala nito sa sarili. “Talaga bang malaya na ako? O bibitayin lang talaga ako?” tanong niya rito. “We’re going to apply for marriage. Get ready,” walang kaurat-urat na dagdag ng lalaki. But his voice— It sounded familiar. Medyo kasing timbre ng boses nito ang boses ng lalaking namatay pagkatapos makipagniig sa kanya. Nasapo niya ang magkabilang pisngi sa kilabot. Imposible! Patay na ang lalaking iyon. Teka, wait. Totoo bang nakalaya na siya? Hindi kaya’t tauhan ang mga ito ng lalaking namatay at baka— Napanganga siya sa tinuran nito. “Wait. Anong sabi mo?”JylaMatagal na tinitigan ni Jyla ang pintuan ng bahay na minsan nilang tinirhan nang magkasama ni Zion. Bumalik sa alaala niya ang lahat, simula sa una nilang pagkikita ni Zion. Napakarami na niyang pinagdaanan sa poder ng asawa, hindi lang malungkot, hindi lang puro inis at galit— meron na ring masasayang alaala kahit papaano. Pero meron talagang paraan ang tadhana para ipangalandakan sa ‘yo na wala ka sa tamang kinalalagyan— na hindi para sa ‘yo ang isang bagay o isang tao.Pagod na pagod na siya sa lahat ng mga nangyayari. Panahon na talaga siguro para sumuko. Kung bakit ba naman kasi meron pang parte ng puso niya ang umaasa.Sa totoo lang, kaya siya naglakas loob na magpunta rito ngayon ay para lang makita niya si Zion. Gusto niyang isumbat dito ang nangyari sa kanya ngayong buong araw dahil hindi man lang siya nito magawang tulungan, kahit na hindi niya pa naman nagagawa ang bagay na ‘yon kahit kailan. But in the end, her heart won. Makita lang niya ang pagod at lungkot sa mga
ZionIt was already the dead of the night. Sobrang lamig pa ng simoy ng hangin, parang nagbabadya ng lagim.Nanlulumong umuwi na si Zion ng bahay kahit hindi niya alam kung makakatulog pa ba siya o makakapagpahinga pa ang utak niya. But the moment he saw that familiar figure waiting on his doorstep, he immediately softened up. He suddenly felt the urge to get it done with and just hug his wife. Gusto niyang magpaalo. Gusto niya nang masasandalan dahil pagod na pagod na siyang tumayo mag-isa. Napakaraming nakikisimpatya sa kanya at sa lagay ng ina niya, pero alam niya sa sarili niyang yakap lang ni Jyla ang kailangan niya.Pero bigla niyang naalala ang tagpo kanina, her being with Daniel Montero. Kaagad tuloy nagbago ang timpla niya. Why? Why did she have that power over him? Alam niya ang motibo ni Jyla kaya nilapitan siya nito, pero hindi pa rin niya napigilan ang sariling mahulog sa patibong nito— ang mahulog dito. “Anong ginagawa mo rito?” Kaagad na napatingin sa kanya si Jyla
Dylan‘What a freakin’ spectacle.’Hindi maiwasan ni Dylan ang mabighani sa ginawang pagsagip ng kaibigan niya kay Jyla. Akala niya ay kilalang-kilala na niya si Andrew, but this was a side of him he had never seen before.Hindi siya makapaniwalang may kakayahan pala itong protektahan ang isang babae. Masyado siyang nasanay na kinakama tapos ay pagsasawaan lang nito ang mga babaeng dumarating sa buhay nito. Andrew had never given someone an effort like this. Siguro kung wala lang taong nakahandusay ngayon sa sahig na may tumatagas na dugo sa tiyan nito, baka pinalakpakan na niya si Andrew.But Jyla….May kung anong kumirot sa dibdib niya habang tinitingnan ang babaeng hindi mapigilan ang paghagulgol sa mga bisig ni Andrew. Nakita niyang handa na itong magpakulong ulit, kahit na kagagaling lang nito halos sa kulungan. She would rather be imprisoned than to be defiled by someone like Daniel.Nag-iwas na siya ng tingin. Hindi niya maiwasang makaramdam ng kaunting pagkaselos sa kaibi
AndrewPinagpatuloy ni Andrew ang pagsunod sa sasakyan ni Daniel Montero. Pamilyar sa kanya ang dahan na tinatahak ng matandang lalaki. It was a shady nightclub, at lahat yata ng mga pinagbabawal na gawain ay malayang gawin ng mga ekslusibong miyembro ng club na ‘yon, na minsan ay hindi pa niya napuntahan.Tama nga ang hinala ni Andrew. Nakita niyang bumaba sila Jyla at Daniel sa harapan ng nasabing club. Bumaba kaagad sila ni Dylan ng sasakyan at sinundan ang lalaki na hatak-hatak pa rin si Jyla na para bang wala sa sarili ngayon. Hindi man lang kasi ito nagpumiglas o ano. Basta na lang nagpatianod ang babae. Wala ring pagtanggi sa mukha ni Jyla, na para bang hindi lang siya napipilitan. Napaka-weirdo ng kakalmahan ngayon ng mukha nito.Kasunod nina Jyla at Daniel ay dalawang bodyguard ng lalaki na malalaki ang katawan.“I want the best private room!” mayabang na saad ni Daniel sa receptionist. Pinasadahan pa ng lalaki ng tingin si Jyla mula mukha hanggang dibdib na siya namang kina
Bigla na lang hinilan ng matanda si Jyla palapit dito, may hindi maipaliwanag na ngiting nakapinta sa mukha. “Jyla, oh Jyla. Bakit parang nakalimutan mo na ang pinagsamahan nating dalawa? Ako ‘to, si Daniel Montero.” nakakalokong sambit ng matanda na parang dalawang dekada ang tanda kay Rolly. Kaagad na nagtaasan ang balahibo ni Jyla. Hindi niya kilala ang lalaking kaharap, pero bakit alam nito ang pangalan niya?“Sino ho kayo?” namimilog ang mga matang tanong niya sa lalaki. “Wow! After everything I’ve done for you? Parang asawa na nga ang turing natin sa isa’t isa noong nasa kolehiyo ka pa. Daddy pa nga ang tawag mo sa ‘kin. Tapos ngayon tatawagin mo akong lolo?” “Hindi ho kita kilala! Bitawan niyo ho ako bago tumawag ngayon ng pulis!” Kahit anong gawin niya para mabawi ang kamay ay hindi siya nagtagumpay. Masyadong mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya. Bigla na lang pumalatak ng tawa ang lalaki. “Pulis? Noong nakikinabang ka pa sa ‘kin hindi mo naisipang humanap ng pulis!
JylaIsang beses na pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ni Andrew. Naka-long sleeves na polo ito na kulay pink at itim na slacks at balat na sapatos. Meron itong suot na kulay kahel na safety hat. Sa likod ni Andrew ay ang malaking surveying equipment na ginagamit sa pagsukat ng ektarya ng lupain. “Why do you look so out of it, Miss Probi?” medyo iritableng sita sa kanya ng lalaki. Kahit na wala naman siyang nakikitang talim sa mga mata nito ay ramdam niya ang inis na kalakip ng tinig nito. Kaagad na nawala ang panandaliang kasabikan sa mga mata niya. Nahihiyang yumuko na lang siya para humingi ng paumanhin. “I’m sorry, sir. Hindi kita napansin.” Marahang dinuro ni Andrew ang noo niya para mag-angat ang tingin niya sa lalaki. “Look here, Miss Probi. This is a construction site. Hindi pwedeng maglalakad ka rito basta-basta nang wala sa sarili. Learn to look out, hindi lang para sa sarili mo, kundi para na rin sa mga pwede mong madisgrasya.” “Okay po. Pasensya na ulit.” Kaagad
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen