Hindi ako makagalaw. Ramdam ko siya sa likuran ko. Nang aalis na ako ay nakita ko sa gilid ng mga mata ko na inabot niya iyong towel na nakapatong sa sofa. Jusko magkakasakit ata ako sa puso. Kapag natanggap ako bilang katulong niya, mukhang palaging tataas ang presyon ko dahil sa kaniya.
"So, tell me..."
Bakit naman n*******d ang lalakeng ito?! wala siyang boxer! talagang walang suot!
"How old are you?"
Narinig kong tanong niya. Pero dahil sa sobrang gulat ay hindi ako kaagad nakapagsalita. Nakatakip ang mga kamay ko sa aking mga mata at hindi talaga gumagalaw. Pakiramdam ko kanina nang makita ko ang jolly hotdog niya ay humiwalay sandali ang kaluluwa ko sa katawan ko.
Grabe. G-Grabe lang...
Ganoon pala ang itsura non.
Normal size ba 'yon? ay sht! alisin mo iyan sa isipan mo, Thaliana Tangi!
Pero hindi ko kasi alam! unang beses ko makakita ng hotdog! hindi pa rin ako nakakanood ng powrn! anong alam ko sa sizes ng mga hotdogs!
"Nakalimutan ko. Sinabi ng guard kanina na elementarya lang ang tinapos mo."
"Ano po 'yon, Sir Hotdog?"
Kitang-kita ko kung paano kumunot ang noo niya sa akin at ang pagsasalubong ng mga kilay niya.
Doon na ako natauhan sa nabanggit ko. Sht. Sinabi ko bang Sir hotdog?!
Napatalikod ako ulit at kinastigo ko ang sarili ko. Ibinaba ko ng dahan-dahan ang mga kamay ko at napapikit ng mariin. Hindi ko pa siya ulit hinaharap.
"Nagugutom ka ba?" seryoso ang pagkakatanong niya pero namilog ang mga mata ko at humarap na. Sunod-sunod na pag-iling ang ginawa ko.
"H-Hindi po! kumain na po ako bago pumunta dito. A-Ano po ulit yung sinasabi ninyo, sir?"
Bwisit kasing hotdog niya!
"Na elementarya ang natapos mo, ibig sabihin ay hindi ka nakakaintindi ng english."
Nang mapagtanto ko ang sinabi niya ay pumasok kaagad sa isip ko na huwag siyang sasagutin kapag nagsalita siya ng ingles.
Dahil sinabi ko nga pala kanina sa guard na elementarya lang ang tinapos ko.
"S-Sir Valleje?" tanong ko na lang ulit.
Nakita ko siya sa gilid ng mga mata ko na may kinuha sa lamesa na nasa gilid. Isang papel. Pagkatapos ay umikot siya at ngayon ay nasa harapan ko na. Naiiwas ko ang mga mata ko nang makitang ang towel sa pang-ibabang katawan lang niya ang suot niya.
Wala ba itong balak magdamit?!
"Ilang taon ka na? at ano ang pangalan mo?" tanong niya sa akin.
"Twenty-nine na po ako, s-sir," sagot ko nang hindi pa rin tumitingin sa kaniya.
Nakikita ko siya sa gilid ng mga mata ko at nakatingin siya sa akin habang ang mga kamay ay nakadipa sa likod ng sofa. Flex flex lang?
"Maupo ka, may balak ka bang kausapin ako ng nakatayo at hindi nakatingin sa akin?" tanong niya.
Hindi ako gumalaw, takot na lumapit sa kaniya. Aba, baka mamaya kung ano ang gawin niya sa akin! sino ba namang matinong lalake ang haharap sa nag-a-apply ng katulong nang naka tuwalya lang? tapos nag-hello pa iyong hotdog niya kanina!
Oh, Tangi, erase! erase!
"H-Hindi kasi ako sir sanay na nakakakita ng k-katawan ng lalake. S-Saka, tama po ba na humarap kayo sa akin na ganyan lang ang suot?" tanong ko sa kaniya.
Nang tumayo siya ay napatingin ako pero sandali lang iyon.
"Okay, I'll come back. Sit down and wait for me."
Tumaas ang mga kilay ko sa sinabi niya. Pumasok siya sa isang pinto na sa tingin ko ay ang silid niya. Ang kanina kasing nilabasan niya ay iyong cr. Mukhang nag-quick shower siya kasi basa iyong buhok niya.
Katulad ng sinabi niya ay naupo ako. Ano ba ang trip ng lalakeng iyon? negative na sa akin ang ganoon. Bakit niya binabalandra iyong katawan niya sa harapan ng kung sino? tapos kita pa iyong hotdog niya.
Anong trip niya?
Nakakaloka. Nanghihina na 'yong loob ko na magpatuloy. Nakakatakot. Baka mamaya atakihin ako ng hotdog na 'yon. Mukhang may sariling isip iyon kanina kasi gumalaw. Grabe.
"Nakakakilabot," sabi ko sa sarili ko at tinabanan pa ang aking mga balikat.
"So, what's your name?"
Napalingon ako nang marinig ang boses ni Rozzean.
Oh... may damit na siya ngayon. He's wearing gray sweatpants and black sando. Pero, grabe, ang laki ng epekto sa akin ng nakita ko kanina kasi kahit na maayos na yung pananamit niya doon pa rin sa baba niya ako nakatingin.
Focus, Tangi!
"Ang tanong ko ay ano iyong pangalan mo?" sabi niya ulit.
Umiling ako, "Naintindihan ko naman po, kahit konting ingles ay nakakaintindi po ako, s-sir."
Grabe ito tumingin. Para akong iniimbestigahan. Pero infairness, ang ganda ng mga mata niya. Deep eyes, tapos iyong labi niya nahiya ang kulay ng labi ko.
"Kung naintindihan mo naman pala ang tanong ko ay bakit hindi mo sinagot?"
Napangiwi ako. May kasungitan na taglay ang lalakeng ito. Ililista ko ito mamaya sa notebook ko na nakalaan lamang para sa kaniya. Hindi ako dapat magpalampas ng mga impormasyon tungkol sa kaniya na hindi ko magugustuhan.
"S-Sir, kasi syempre nabigla pa rin po ako sa nakita ko kanina--
"Twenty-nine ka na, hindi ba? still a virgin? and don't tell me that's your first time to see a dck?"
Mygoodness! wala bang preno ang bibig ng lalakeng ito?
Sunod-sunod akong umiling.
"Hindi po ako sanay makakita ng ganoon, sir. Mawalang galang na po, pero hindi po ako ang klase ng babae na makikipagtalik ng hindi pa ikinakasal. Isa pa, kayo po ang may kasalanan sa nangyari kanina."
Sumandal si Rozzean sa sofa at humalukipkip siya. Napatingin naman ako sa biceps niya. Alaga siguro siya sa gym? grabe--
Focus nga kasi, Tangi!
"Bakit kasalanan ko? I am here inside my room... in my own house, woman."
Kunwari ay hindi ko naintindihan ang sinabi niya. Ikinunot ko ang noo ko.
"P-Po?"
Hinilot niya ang kaniyang sintido at tiningnan ako. Iyong tingin niya pakiramdam ko may nagawa akong masama. Saka, judgemental iyong pagtingin niya. Wala pa akong isang oras dito sa bahay niya marami na akong ililista sa notebook ko mamaya.
"Hindi ko alam na papasok ka na sa kwarto ko. Sanay akong lumalabas ng n*******d. Hindi ko rin narinig kung kumatok ka."
"Damn, why am I explaining to this woman?" bulong nito na narinig ko naman.
Umangat ang gilid ng labi ko pero nang bumalik ang tingin niya sa akin ay tumikhim ako at nagsimulang magpakilala at sabihin kung ano ang pakay ko.
"Ako po si Tali Dela Cruz, sir. Mag-isa na lang po ako sa buhay, naghahanap po ako ng trabaho. Wala na po akong mga magulang. Kaya po ako narito ay nagbabakasakali ako na makuha ninyo bilang katulong. Marunong na marunong po ako ng mga gawaing bahay. Wala po kayong dapat na ikabahala sa akin," sabi ko sa kaniya.
Blangko ang ekspresyon ng mukha niya habang nakatingin sa akin. Ako naman, kabado siyempre. Kahit na pinapasok niya ako rito ay tiyak kikilatisin niya pa rin ako. Haay, sana tanggapin niya ako.
Bakit ba kasi pinangunahan ko kaagad kanina na matatanggap ako? gayong kakausapin pa ako ng lalakeng 'to?
"Tali Dela Cruz?"
Tumango ako.
"I have only one rule in my house, Tali--"
"May isa lang akong patakaran sa bahay na ito."
Maayos akong umupo at seryosong tumingin sa kaniya. Nararamdaman ko nang tatanggapin niya ako.
"Ang dahilan kung bakit nauubusan ako ng katulong ay lahat ng mga ito ay nagkakagusto sa akin. Ayoko ng ganoon sa pamamahay ko. Kaagad kong pinapatalsik."
Napatanga ako sa mga sinabi niya. Kaya pala iisa lang iyong katulong na nakita ko kanina. Iyong matanda.
Pero, ano daw?
"S-Sir?"
"Ang isang patakaran ko ay hindi ka dapat magkagusto sa akin."
Ang kapal naman ng mukha ng lalakeng ito. Ang taas ng tingin sa sarili! Iyon talaga ang patakaran niya?! Ang taas ng expectations ko, ha! oo gwapo siya, pero baka naman nag-assume lang siya sa ibang mga katulong niya?
"Sa oras na malaman ko na may gusto ka sa akin, kailangan mo nang lisanin ang mansyon na ito."
Napaatras ako at napaawang ang mga labi ko. Ilang segundo pa ay natakpan ko ang bibig ko dahil hindi talaga ako makapaniwala sa sinabi niya. Ito pala ang nais ni dad na mapangasawa ko. Napakayabang!
"Sir, mawalang galang na po..." sabi ko. Hindi ko talaga mapigilan.
"Pero, ang kapal po ng mukha ninyo."
Nakita ko na nagsalubong ang makakapal na kilay niya. Ako naman ay na-realise kong bigla ang nasabi ko at napagtanto na hindi ko dapat iyon sinabi sa kaniya. Kung kanina ay 90% na ang tiyansa ko na matanggap bilang katulong ngayon ay mukhang 50/50 na."Ano ang sinabi mo?"Itinaas ko ang isang kamay ko at nag-peace sign sa kaniya nang makita ko na namuo ang galit sa mukha niya. Grabe, sabi ni dad mabuting tao ito?! ba't ang bilis magalit?!"J-Joke lang, sir. Hindi ka naman mabiro! h-hehe..."Ibinaba ko ang kamay ko at pinagsalikop iyon."Huwag po kayong mag-alala sir, hinding-hindi po ako magkakagusto sa inyo. Hindi rin naman po kayo ang type ko. Iyong type ko kasi chinito, eh, hindi ka naman chinito. Saka, nakakatakot po kayo," sabi ko.Lalo na yung hotdog niya na parang ready to attack any moment."By the way, I am Rozzean Cyron Valleje. I just want to clear things before I accept you, Tali-- ang ibig kong sabihin ay nais kong maging klaro sa iyo ang isang patakaran ko dito sa bahay
Ipit na ipit ang sarili ko at nakaliyad pa para lang hindi mapadikit sa lalakeng ito sa harapan ko. Kung ganoon ay tinikman niya pala iyong iniluto ko. Pero kailangan ba sa ganitong posisyon pa? Hingang malalim, Tangi. Huwag ka magpaapekto sa lalakeng iyan. Kailangan mong lakasan ang loob mo. Narito ka sa pamamahay niya para imbestigahan ito, hindi ka maaaring mahulog sa patibong niya mukhang tine-test niya ang pasensiya ko at tinitingnan kung type ko siya, katulad ng mga katulong na napalayas niya. "Sir, kung nagugutom na po kayo ay maghahanda na ako," magalang kong sabi. Umatras siya. Nakahinga naman ako ng maluwag. Talaga bang naglalakad siya dito sa bahay niya ng walang pang-itaas na saplot? "Nasaan si Selya?" tanong nito sa akin. "Siguro po ay nasa labas," sagot ko naman habang nagsasandok ng kanin niya. Naglagay na rin ako ng ulam. Naiilang ako. Pakiramdam ko ba ay pinapanood niya ang bawat pagkilos ko. Binuksan ko ang ref at kumuha doon ng juice. Nagsalin ako sa pitse
Lumipas ang oras, hindi na muling lumabas pa ng silid si Rozzean. Alas otso syete na ng gabi at nakaluto na rin ako ng hapunan. Tinanong ko si manang kung ano ang maaaring gustong ulam ng boss ko ang sabi niya ay paborito nito ang tinola. Kaya iyon kaagad ang niluto ko. Kaso ito, hindi pa rin siya bumababa. Nakakapagod umakyat para pumunta sa silid niya. Ang taas-taas naman kasi nitong bahay. Ngayon nandito ako sa may sala kasama si manang. Nanonood kami ng palabas sa TV. "Manang, ikaw? hindi ka pa ba kakain?" tanong ko sa kaniya. Ako kasi nakakaramdam na ng gutom. Hindi naman ako nananghalian. Nakalimutan ko nang kumain bago umalis ng bahay ko. "Hangga't hindi pa kumakain si sir, hindi ako maaaring kumain," sagot niya. Napabilog ang mga labi ko. Patakaran kaya ni Rozzean iyon? Pero sa totoo lang, ilang oras pa lang ako dito marami na akong napansin sa ugali niya. Una, mainitin ang ulo niya. Pangalawa, mahilig siyang magpakita ng katawan. Kailangan ko maging alerto. Pakira
Nang matapos kaming mag-check ng mga appliances kung may nakasaksak pa at nang maisara na namin ang lahat ng bintana at pinto sinabihan ako ni manang na maaari nang magpahinga. Pero nang makaakyat ako sa second floor ay napatingin ako sa hagdan papuntang third floor. "Hindi pa rin siya bumababa para kumain," sabi ko sa sarili ko. Huminga ako ng malalim at pumunta na sa aking silid. Malayo ang room ni manang sa akin, nasa ibaba ang silid niya, hindi ko na siya ma-chi-chika at bukas ko na maitatanong ang mga nais kong malaman sa bahay na ito. Na-curious ako sa sinabi niya na maaaring kalungkutan ang dahilan kung bakit maraming halaman si Rozzean dito. Bakit ito malulungkot? kung tutuusin ang laki nitong bahay, ang ganda. Dream house talaga ng karamihan, saka ang dami niyang pera. Kahit anong gusto niya ay maaari niyang bilhin. Ano ang dahilan para malungkot siya? "Teka? bakit ko naman iniisip kung ano ang dahilan?" Tumayo ako at tinungo ang cr ng room ko pero bago iyon ay sinigur
Inilayo niya ang mga mata sa akin at tumingin sa ibang direksyon. Sinundan ko ang tinitingnan niya at kaagad akong tumayo nang makuha ko ang nais niyang sabihin. May isang room pa na nakakonekta sa silid niya na ito. Naglakad ako para puntahan iyon. Nang makita ko na mga damit, sapatos, relo at alahas ang naroon ay namangha talaga ako. Napaka-organize ng lalakeng ito! Kumuha ako kaagad ng itim na damit. Puro itim, gray at white ang mga narito sa pambahay niya. Nang makabalik ako ay lumapit ako sa kaniya. "Sir, suotin mo na po," sabi ko at ibinaba sa gilid ng kama ang damit. Nakapikit ang mga mata niya. "Natutulog po ba kayo ulit sir?" "M-Makakasagot... ba... ang tulog?" kahit mahina ay narinig ko ang sinabi niya. May sakit na nga at lahat suplado pa rin! Bumangon siya at sumandal sa headboard ng kama. Nang kukuhanin na niya ang damit at isusuot ay nakita kong nahirapan siyang itaas ang dalawa niyang kamay. Napahinga ako ng malalim at lumapit, itinukod ko ang tuhod ko sa kama at k
Bigla akong napadilat nang may malakas na tunog akong narinig. Kinuskos ko ang aking mga mata at bumangon. Hinanap ko ang bagay na tumutunog. Hindi naman 'yon yung cellphone kung saan tumawag si Rozzean kagabi.Ang tunog ay parang alarm clock."Nasaan ba 'yon--"Nang tumingala ako ay nakita ko na ang tumutunog. Napabuntong hininga ako at sumampa sa bangko. Kitang-kita ko ang oras, mukhang may alarm ang mga katulong dito sa bawat kwarto. Alas singko na pala.Mas maaga ito sa gising ko. Tuwing alas sais ako nagigising, tapos alas otso naman ako pumupunta sa Tinatangi para mag-ayos ng mga bulaklak.Pinatay ko na ang alarm clock, tinungo ko ang banyo at naghilamos. Habang nagpupunas ako ng mukha ay naalala ko ang nangyari kagabi.Kamusta na kaya 'yon? may sakit pa rin kaya?"Mukhang kawawa pag may sakit, pag naman wala mukhang demonyo sa sungit."Huminga ako ng malalim at nagsimula nang mag-toothbrush. Kailangan ko nang gumayak, tiyak na si Manang Selya ay gising na rin. Naghanda ako ng p
"O-Oo naman, sir! anong akala mo sa nunal ko, nawawala?" tanong ko at gumilid ako para makaiwas sa mga tingin niya. Kinakabahan na ako."Si sir, nagha-hallucinate po ata kayo kagabi," sabi ko sa kaniya.Sht. Grabe naman ang memorya ng lalakeng ito. Hindi rin naman ako nagtagal kagabi, ah? napansin niya pa talaga iyong nunal ko. Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko na mukhang napaisip siya. Nakahawak siya sa baba niya, nang tingnan niya akong muli ay muli akong lumayo."Sabihin mo kay manang pag dumating na bukas ako uuwi."Pagkasabi niya non ay tumalikod na siya sa akin. Ako naman ay humakbang. Nabigla ako sa sinabi niya."S-Sir? saan po kayo pupunta?"Napahinto siya. Nilingon niya ako, "Why?"Oo nga, bakit ko ba tinanong? Kaagad akong nag-isip ng dahilan. Nang maalala ko si manang ay siya na lang ang idinahilan ko."B-Baka lang po itanong ni manang, para alam ko rin ang sasabihin ko," sabi ko sa kaniya."Hindi nagtatanong si manang kung saan ako pumupunta, basta't sabihin mo s
Masama ang mukha ko na nakatingin sa TV at nanonood ng cartoon. Nagluto ako ng popcorn. Sabi ni manang ay maaari naman akong magluto ng pagkain na gusto ko. Hindi naman daw iyon ipinagbabawal ni Rozzean dito sa mansyon niya."Bwisit na lalakeng iyon. Saan kaya nagpunta? ang sabi noong byernes ay hindi lang siya uuwi ng gabi, pero lunes na ng gabi at wala pa rin siya! saan 'yon nagpunta?"Pakiramdam ko ay natakasan ako ng daga. Paano kung hindi niya dinadala sa bahay niya ang babae niya? paano ako makakakuha ng ebidensya?Tuloy-tuloy ang pagsubo ko ng popcorn habang naiinis na bumubulong. Nang magsawa ako kakanood ay pinatay ko ang TV. Pumunta ako sa kusina at ibinaba sa sink ang bowl na puno ng popcorn kanina. Sa sobrang inis at pag-iisip ko sa dahilan kung bakit hindi umuwi si Rozzean ay sandali ko lang naubos ang popcorn na iniluto ko."Kapag nagpatuloy na mawawala siya palagi ng ilang araw ay mauubos ang dalawang buwan ko nang walang nalalaman. Nakakainis, saan naman kaya iyon nagp