"Anong kailangan mo dito, miss?"
Napatingin ako sa guard. Alam ko naman na hindi ako basta-basta makakapasok sa village na ito at mukhang mayaman ang mga nakatira dito at didiretso na sana ako kaso bigla itong nagsalita. Mukha namang mabait si Kuyang Guard, mauto ko kaya ito?
"A-Ahh, kuya... nabalitaan ko kasi na dito daw iyong bahay ni Mr. Valleje. Mag-a-apply sana ako bilang katulong," sabi ko.
Bumaba iyong guard at nilapitan ako. Napaatras naman ako at hinigpitan ang hawak sa panyo na nakatali sa ulo ko. Maayos naman ang disguise ko, ilang beses akong tumingin sa salamin kanin bago ako umalis sa bahay. Isang palda na lagpas hanggang tuhod ang suot ko. Naka itim akong medyas at ang suot kong rubber shoes ay bulaklakin. Nabili ko ito doon sa ale na nakita ko kahapon sa taytay. Wala daw siyang benta kaya binili ko na.
Tapos naka long sleeve ako ng damit. Ang init pero keri lang, Titiisin ko kaysa malantad ang makinis kong mga braso. Mas hindi ako paniniwalaan na mahirap at naghahanap ng trabaho.
"Naghahanap ba ng katulong si Mr. Valleje?" nilingon ni Kuyang Guard iyong kasamahan niya.
Oh sht. Hindi ko naisip iyon, ah? paano pala kung hindi naghahanap ng katulong ang lalakeng iyon? patay ako.
"Titingnan ko dito sa system, sandali lang," sagot nung isang guard.
Ramdam ko na ang malamig na pawis ko habang hinihintay ko ang sasabihin ng isang guard. Pero nang tumingin siya sa kapwa niya guard at nag-thumbs up ay lumawak ang ngiti ko.
Thank you, Lord! sakto pala!
"Nasaan ang resume mo?" tanong ni Kuyang Guard sa akin.
R-Resume?
sht. Wala.
"R-Resume po?"
Mag-isip ka ng palusot, Tangi. Bakit nga ba kasi hindi ako gumawa ng resume?!
"Oo, paano ka matatanggap kung wala kang resume? saka saang agency ka ba?" tanong ulit ng guard sa akin.
"A-Agency?"
May agency agency pa ba iyon?! dapat pala ay nagtanong ako sa mga katulong nila dad sa mansyon bago ako dumiretso dito! mukhang magpe-fail ako ngayong araw!
"K-Kuya, ano po iyong resume? pasensiya na po kayo..." lumuhod ako sa harapan nila at nagkunwaring umiiyak.
"K-Kahit po kasi elementarya ay hindi ako nakatapos... wala na po akong mga magulang... h-huhu, ano po iyong r-resume?" tanong ko ulit.
Sinilip ko ang dalawang guard na kakamot-kamot sa ulo nila. Mas ginalingan ko pa ang akting ko at tuluyan nan lumuhod sa sementadong harapan ng village.
"N-Napakasaklap ng buhay ko... huhuhu, m-mag-isa na lang ako, h-hindi ko alam kung paano na ako m-mabubuhay ngayon... huhuhuhu, kahit isang butil manlang ng kanin ay hindi ko pa natitikman sa buong a-araw na ito... g-gutom na gutom na ako... k-kailangan ko po ng t-trabaho..."
Umangat ang aking mukha at kunwaring pinunasan ang mga mata. Napapakamot pa rin sa batok ang dalawang guard.
"Miss, tumayo ka riyan, baka may dumating na sasakyan at masagasaan ka," sabi nung isang guard.
At hindi nga siya nagkamali, biglang may dumating na isang sasakyan na itim, mabilis ang pagliko nito at biglang bumisina sa akin. Sa sobrang gulat ko ay muntik na akong mapahiga sa mainit na kalsada.
"Ahh kabayong malaki!" sigaw ko
"Ayan na nga ba ang sinasabi ko!" sabi ng guard at nilapitan ako.
Tinutulungan akong makatayo ni Kuyang Guard at nagagalit na siya pero ang atensyon ko ay nasa lalakeng kabababa pa lang ng itim na sasakyan. Naka-suit ito at tanggal ang tatlong butones ng polo.
Matalim ang mga mata nitong nakatingin sa gawi namin. Pero hindi talaga iyon ang nakaagaw ng pansin ko.
Ang gandang lalake niya! sino kaya ito?!
"What's happening here?"
Oh sht. Ang lalim ng boses.
"Sir, narito na po pala kayo. Eh, mag-aapply daw pong katulong ninyo. Nakita rin naman po namin sa system na hiring for housemaid po kayo. Kaso, wala pong dala na resume, elementarya lang daw ang natapos at hindi alam gumawa ng resume," sabi ni Kuyang guard.
Nang mapagtanto ko kung sino ang nasa harapan ko ay nalaglag talaga ang panga ko. Ibig sabihin ang gwapong lalakeng ito na nasa harapan ko ay si Rozzean?!
Ang lalakeng gusto ni Daddy na pakasalan ko?!
"Let her in, I don't care if she doesn't have a resume. Kailangan ko ng katulong ngayon," sabi nito sa malalimg na boses at bumalik sa sasakyan.
Hindi na ako nakapagsalita. Nabigla ata ako sa narinig ko na pinapapasok na ako ng lalakeng iyon.
"Congrats, miss, mukhang good mood ngayon si Sir Valleje. Pasok ka na, iyong bahay niya nasa pinaka dulo. Tatlong palapag iyon at walang katabi, kulay itim ang kulay ng bahay niya. Makikita mo kaagad."
Yumuko ako sa dalawang guard at kaagad na nagpasalamat. Para akong lutang na muling isinukbit ang bulaklakin kong bag sa aking balikat habang nakatingin sa itim na sasakyan na pumasok na ng village.
Holy sht. Ang gwapo non, sure ba na iyon ang Rozzean na sinasabi ni dad?
Pero, isa lang ang napansin ko. Ang tono ng boses niya... malamig, sabi ni dad ay mabait daw ito, pero sa narinig kong paraan ng pagsasalita nito at pakikipag-usap sa guard ay hindi ako kumbinsido na mabait ito.
"Okay, Tangi! kaya mo ito, dalawang buwan lang! positive or negative man ang resulta, kailangan sa loob ng dalawang buwan ay bumalik ka na at tuparin mo ang kung anuman ang napag-usapan ninyo ng ama mo!" sabi ko sa sarili ko.
Mabilis na lang ang dalawang buwan. Ang misyon ko lang naman ay malaman ang totoong ugali ng lalakeng iyon.
Pero hinihiling ko na sana isa siyang demonyo.
Sana masama ang ugali niya.
Sana babaero siya para makuha ko na ang buhay na gusto ko!
Nang marating ko ang bahay na sinabi ng guard ay napanganga ako. Ang laki, garahe pa lang bongga na. Sigurado ba na isang bachelor ang nakatira dito? parang bahay ito ng tatlong pamilya, eh!
"Miss? ikaw ba iyong sinabi ni sir na mag-apply na bagong katulong?" tanong ng isang babae sa akin. May katandaan na ito. Kaagad akong lumapit sa kaniya.
"O-opo, ako po..."
"Pasok ka..." binuksan niya ang gate.
"Sumunod ka sa akin."
Katulad ng sinabi niya ay sumunod ako sa kaniya. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasan na hindi mapatingin sa paligid. Ang luwang ng bakuran, sht! Tapos iyong garahe niya anima na sasakyan ang naroon! at ito pa! Ito ang nakakuha ng atensyon ko!
Mayroong siyang malawak na garden at napakaraming iba't-ibang klase na mga bulaklak ang naroon. Mukhang alam ko na kung saan ako tatambay!
"Sabi ni sir papuntahin kita sa silid niya, doon ka niya kakausapin," sabi ng matanda sa akin.
T-Teka? bakit sa silid? sa silid ba dapat kinakausap ang mga nag-aapply ng katulong? bigla kong nahawakan ang katawan ko.
"P-Po?"
Ngumiti sa akin ang matanda at itinuro niya ang hagdan.
"Akyat ka na, nasa ikatlong palapag ang silid ni sir, sa dulong bahagi. Hinihintay ka na niya doon."
Hindi pa ako kaagad kumilos, nang ngitian ako ng matanda ay saka ako humakbang paakyat ng hagdan. Ganito ba talaga kapag mag-aapply ng katulong? sa silid ng amo kinakausap? sht. Hindi ko alam! first time ko mag-apply!
Dapat talaga ininterview ko muna iyong mga katulong nila dad sa bahay!
Nang makakita ako ng salamin sa ikatlong palapag ay inayos ko ang damit ko. Tiningnan ko kung maayos pa ang bangs ko. Hinatak ko rin ang palda ko para mas bumaba pa. Pati na ang long sleeve na suot ko. Nakadikit pa rin ang nunal ko sa kaliwang pisngi. Super duper dikit ang ginamit ko dito para hindi basta-basta matanggal.
Kung iisipin ay malayo ang itsura ko bilang si Tangi. Naglagay rin kasi ako ng fake freckles.
"Sabi sa dulo... ibig sabihin ito?" tanong ko at nakatingin sa itim na pinto. Umangat ang kamay ko at kumatok doon. Nang walang sumagot ay kumatok akong muli. Nang wala na namang sumagot at dahil nangangawit na ako ay pumasok na ako sa loob.
Maluwang ang silid, black and white ang theme. May towel na nakapatong sa mahabang sofa sa loob ng silid. Ibinaba ko ang bag ko sa sofa na nakita ko at iikot na sana para makaupo ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto.
Nilingon ko agad iyon at nanlaki ang mga mata ko at napatili sa nakita ko.
Holy sht. Huge fckng sht.
Why is he naked?!
"Oh em ji! virgin pa ako! huwag po! ang laki ng hotdog!"
Hindi ako makapaniwala! ngayon lang ako nakakita ng hotdog ng lalake ng live!
"What the fck are you saying?"
Tumaas ang mga balahibo ko nang maramdaman ko siya sa likod ko.
Hindi ako makagalaw. Ramdam ko siya sa likuran ko. Nang aalis na ako ay nakita ko sa gilid ng mga mata ko na inabot niya iyong towel na nakapatong sa sofa. Jusko magkakasakit ata ako sa puso. Kapag natanggap ako bilang katulong niya, mukhang palaging tataas ang presyon ko dahil sa kaniya."So, tell me..."Bakit naman nakahubad ang lalakeng ito?! wala siyang boxer! talagang walang suot!"How old are you?"Narinig kong tanong niya. Pero dahil sa sobrang gulat ay hindi ako kaagad nakapagsalita. Nakatakip ang mga kamay ko sa aking mga mata at hindi talaga gumagalaw. Pakiramdam ko kanina nang makita ko ang jolly hotdog niya ay humiwalay sandali ang kaluluwa ko sa katawan ko.Grabe. G-Grabe lang...Ganoon pala ang itsura non.Normal size ba 'yon? ay sht! alisin mo iyan sa isipan mo, Thaliana Tangi!Pero hindi ko kasi alam! unang beses ko makakita ng hotdog! hindi pa rin ako nakakanood ng powrn! anong alam ko sa sizes ng mga hotdogs!"Nakalimutan ko. Sinabi ng guard kanina na elementarya lan
Nakita ko na nagsalubong ang makakapal na kilay niya. Ako naman ay na-realise kong bigla ang nasabi ko at napagtanto na hindi ko dapat iyon sinabi sa kaniya. Kung kanina ay 90% na ang tiyansa ko na matanggap bilang katulong ngayon ay mukhang 50/50 na."Ano ang sinabi mo?"Itinaas ko ang isang kamay ko at nag-peace sign sa kaniya nang makita ko na namuo ang galit sa mukha niya. Grabe, sabi ni dad mabuting tao ito?! ba't ang bilis magalit?!"J-Joke lang, sir. Hindi ka naman mabiro! h-hehe..."Ibinaba ko ang kamay ko at pinagsalikop iyon."Huwag po kayong mag-alala sir, hinding-hindi po ako magkakagusto sa inyo. Hindi rin naman po kayo ang type ko. Iyong type ko kasi chinito, eh, hindi ka naman chinito. Saka, nakakatakot po kayo," sabi ko.Lalo na yung hotdog niya na parang ready to attack any moment."By the way, I am Rozzean Cyron Valleje. I just want to clear things before I accept you, Tali-- ang ibig kong sabihin ay nais kong maging klaro sa iyo ang isang patakaran ko dito sa bahay
Ipit na ipit ang sarili ko at nakaliyad pa para lang hindi mapadikit sa lalakeng ito sa harapan ko. Kung ganoon ay tinikman niya pala iyong iniluto ko. Pero kailangan ba sa ganitong posisyon pa? Hingang malalim, Tangi. Huwag ka magpaapekto sa lalakeng iyan. Kailangan mong lakasan ang loob mo. Narito ka sa pamamahay niya para imbestigahan ito, hindi ka maaaring mahulog sa patibong niya mukhang tine-test niya ang pasensiya ko at tinitingnan kung type ko siya, katulad ng mga katulong na napalayas niya. "Sir, kung nagugutom na po kayo ay maghahanda na ako," magalang kong sabi. Umatras siya. Nakahinga naman ako ng maluwag. Talaga bang naglalakad siya dito sa bahay niya ng walang pang-itaas na saplot? "Nasaan si Selya?" tanong nito sa akin. "Siguro po ay nasa labas," sagot ko naman habang nagsasandok ng kanin niya. Naglagay na rin ako ng ulam. Naiilang ako. Pakiramdam ko ba ay pinapanood niya ang bawat pagkilos ko. Binuksan ko ang ref at kumuha doon ng juice. Nagsalin ako sa pitse
Lumipas ang oras, hindi na muling lumabas pa ng silid si Rozzean. Alas otso syete na ng gabi at nakaluto na rin ako ng hapunan. Tinanong ko si manang kung ano ang maaaring gustong ulam ng boss ko ang sabi niya ay paborito nito ang tinola. Kaya iyon kaagad ang niluto ko. Kaso ito, hindi pa rin siya bumababa. Nakakapagod umakyat para pumunta sa silid niya. Ang taas-taas naman kasi nitong bahay. Ngayon nandito ako sa may sala kasama si manang. Nanonood kami ng palabas sa TV. "Manang, ikaw? hindi ka pa ba kakain?" tanong ko sa kaniya. Ako kasi nakakaramdam na ng gutom. Hindi naman ako nananghalian. Nakalimutan ko nang kumain bago umalis ng bahay ko. "Hangga't hindi pa kumakain si sir, hindi ako maaaring kumain," sagot niya. Napabilog ang mga labi ko. Patakaran kaya ni Rozzean iyon? Pero sa totoo lang, ilang oras pa lang ako dito marami na akong napansin sa ugali niya. Una, mainitin ang ulo niya. Pangalawa, mahilig siyang magpakita ng katawan. Kailangan ko maging alerto. Pakira
Nang matapos kaming mag-check ng mga appliances kung may nakasaksak pa at nang maisara na namin ang lahat ng bintana at pinto sinabihan ako ni manang na maaari nang magpahinga. Pero nang makaakyat ako sa second floor ay napatingin ako sa hagdan papuntang third floor. "Hindi pa rin siya bumababa para kumain," sabi ko sa sarili ko. Huminga ako ng malalim at pumunta na sa aking silid. Malayo ang room ni manang sa akin, nasa ibaba ang silid niya, hindi ko na siya ma-chi-chika at bukas ko na maitatanong ang mga nais kong malaman sa bahay na ito. Na-curious ako sa sinabi niya na maaaring kalungkutan ang dahilan kung bakit maraming halaman si Rozzean dito. Bakit ito malulungkot? kung tutuusin ang laki nitong bahay, ang ganda. Dream house talaga ng karamihan, saka ang dami niyang pera. Kahit anong gusto niya ay maaari niyang bilhin. Ano ang dahilan para malungkot siya? "Teka? bakit ko naman iniisip kung ano ang dahilan?" Tumayo ako at tinungo ang cr ng room ko pero bago iyon ay sinigur
Inilayo niya ang mga mata sa akin at tumingin sa ibang direksyon. Sinundan ko ang tinitingnan niya at kaagad akong tumayo nang makuha ko ang nais niyang sabihin. May isang room pa na nakakonekta sa silid niya na ito. Naglakad ako para puntahan iyon. Nang makita ko na mga damit, sapatos, relo at alahas ang naroon ay namangha talaga ako. Napaka-organize ng lalakeng ito! Kumuha ako kaagad ng itim na damit. Puro itim, gray at white ang mga narito sa pambahay niya. Nang makabalik ako ay lumapit ako sa kaniya. "Sir, suotin mo na po," sabi ko at ibinaba sa gilid ng kama ang damit. Nakapikit ang mga mata niya. "Natutulog po ba kayo ulit sir?" "M-Makakasagot... ba... ang tulog?" kahit mahina ay narinig ko ang sinabi niya. May sakit na nga at lahat suplado pa rin! Bumangon siya at sumandal sa headboard ng kama. Nang kukuhanin na niya ang damit at isusuot ay nakita kong nahirapan siyang itaas ang dalawa niyang kamay. Napahinga ako ng malalim at lumapit, itinukod ko ang tuhod ko sa kama at k
Bigla akong napadilat nang may malakas na tunog akong narinig. Kinuskos ko ang aking mga mata at bumangon. Hinanap ko ang bagay na tumutunog. Hindi naman 'yon yung cellphone kung saan tumawag si Rozzean kagabi.Ang tunog ay parang alarm clock."Nasaan ba 'yon--"Nang tumingala ako ay nakita ko na ang tumutunog. Napabuntong hininga ako at sumampa sa bangko. Kitang-kita ko ang oras, mukhang may alarm ang mga katulong dito sa bawat kwarto. Alas singko na pala.Mas maaga ito sa gising ko. Tuwing alas sais ako nagigising, tapos alas otso naman ako pumupunta sa Tinatangi para mag-ayos ng mga bulaklak.Pinatay ko na ang alarm clock, tinungo ko ang banyo at naghilamos. Habang nagpupunas ako ng mukha ay naalala ko ang nangyari kagabi.Kamusta na kaya 'yon? may sakit pa rin kaya?"Mukhang kawawa pag may sakit, pag naman wala mukhang demonyo sa sungit."Huminga ako ng malalim at nagsimula nang mag-toothbrush. Kailangan ko nang gumayak, tiyak na si Manang Selya ay gising na rin. Naghanda ako ng p
"O-Oo naman, sir! anong akala mo sa nunal ko, nawawala?" tanong ko at gumilid ako para makaiwas sa mga tingin niya. Kinakabahan na ako."Si sir, nagha-hallucinate po ata kayo kagabi," sabi ko sa kaniya.Sht. Grabe naman ang memorya ng lalakeng ito. Hindi rin naman ako nagtagal kagabi, ah? napansin niya pa talaga iyong nunal ko. Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko na mukhang napaisip siya. Nakahawak siya sa baba niya, nang tingnan niya akong muli ay muli akong lumayo."Sabihin mo kay manang pag dumating na bukas ako uuwi."Pagkasabi niya non ay tumalikod na siya sa akin. Ako naman ay humakbang. Nabigla ako sa sinabi niya."S-Sir? saan po kayo pupunta?"Napahinto siya. Nilingon niya ako, "Why?"Oo nga, bakit ko ba tinanong? Kaagad akong nag-isip ng dahilan. Nang maalala ko si manang ay siya na lang ang idinahilan ko."B-Baka lang po itanong ni manang, para alam ko rin ang sasabihin ko," sabi ko sa kaniya."Hindi nagtatanong si manang kung saan ako pumupunta, basta't sabihin mo s