Accueil / Romance / The Billionare CEO'' Nerdy Secretary / Chapter 22 : The Woman Behind Name

Partager

Chapter 22 : The Woman Behind Name

Auteur: BelleNocturne
last update Date de publication: 2026-09-21 11:03:54

"The moment a hidden name is spoken... every lie built around it begins to shake."

******

Kinaumagahan sa Vidal Holdings. May kung anong kakaibang pakiramdam ang bumungad sa buong executive floor. Hindi iyon dahil sa dami ng meetings o sa sunod-sunod na tawag mula sa mga investors.

Mas tahimik ang mga empleyado kaysa karaniwan.

May mga nag-uusap nang pabulong.

May mga palihim na tumitingin sa cellphone bago mabilis na isinasara ang screen kapag may dumaraan.

Pakiramdam nila, may paparating na b
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé

Dernier chapitre

  • The Billionare CEO'' Nerdy Secretary   Chapter 22 : The Woman Behind Name

    "The moment a hidden name is spoken... every lie built around it begins to shake."******Kinaumagahan sa Vidal Holdings. May kung anong kakaibang pakiramdam ang bumungad sa buong executive floor. Hindi iyon dahil sa dami ng meetings o sa sunod-sunod na tawag mula sa mga investors.Mas tahimik ang mga empleyado kaysa karaniwan.May mga nag-uusap nang pabulong.May mga palihim na tumitingin sa cellphone bago mabilis na isinasara ang screen kapag may dumaraan.Pakiramdam nila, may paparating na balitang kayang guluhin ang buong kumpanya.Sa loob ng opisina ng CEO, maagang dumating si Ellen. Bitbit niya ang planner ni Westley, tablet, at dalawang folder na kailangang pirmahan bago mag-alas-diyes.Pagkabukas pa lang niya ng pinto, nadatnan niyang nakatayo na ang boss niya sa harap ng floor-to-ceiling window.Nakasuot ito ng dark gray suit. May hawak na tasa ng itim na kape.Hindi pa man ito lumilingon ay nagsalita na."Good morning."Napangiti si Ellen "Good morning din po, Sir."Lumapit

  • The Billionare CEO'' Nerdy Secretary   Chapter 21 : The Chairman's Silence

    "A father can hide his tears from the world... but never from the memories of the child he failed to protect."*******Maaga pa lang ay abala na ang business district ng Makati.Sunod-sunod ang dating ng mga executive. May mga luxury cars na humihinto sa bawat gusali habang nagmamadaling bumababa ang mga empleyado.Sa kabilang bahagi ng Ayala Avenue, isang itim na SUV ang dahan-dahang huminto sa harap ng Valderama Group Headquarters.Bumaba si Jason Ignacio.Simple lang ang suot niyang navy blue polo at itim na slacks. Wala siyang kasamang camera crew. Wala ring photographer. Isang leather portfolio lang ang hawak niya.Hindi siya pumunta roon para gumawa ng eksena. Pumunta siya para magtanong.Pag-akyat niya sa lobby, agad siyang sinalubong ng receptionist."Good morning, Sir. May appointment po ba kayo?"Ngumiti siya at iniabot ang business card."Jason Ignacio. Business Insider Philippines."Bahagyang nag-iba ang ekspresyon ng receptionist nang mabasa ang pangalan."Sandali lang po.

  • The Billionare CEO'' Nerdy Secretary   Chapter 20 : Her Safe Place

    "Sometimes the safest place isn't a home, it's the person who refuses to leave your side." ***** Magulo ang mga sumunod na araw sa Vidal Holdings.Hindi na lang iisang reporter ang nag-aabang sa labas ng gusali. Halos araw-araw ay may bagong mukha. May mga camera. May vloggers. May mga taong umaasang makakuha ng kahit isang litrato ni Ellen. Pero sa kabila ng lahat, hindi nagbago ang takbo ng opisina, atuloy ang meetings, patuloy ang business deals. At gaya ng dati, magkatabi pa rin sina Westley at Ellen sa halos buong maghapon. Mas naging maingat lang ang CEO. Kapag may meeting sa ibang building, kasama si Marco at dalawang security personnel. Kapag lunch break, hindi na niya hinahayaang mag-isang bumaba si Ellen. At kahit hindi niya direktang sinasabi, napapansin iyon ng lahat. Lalo na ng mga empleyado. "Miss Ellen." Napalingon ang dalaga nang marinig ang boses ni Glenda habang naglalakad siya papunta sa pantry. Ngumiti ang babae "Busy ka na naman." Napatawa si Ellen. "Norm

  • The Billionare CEO'' Nerdy Secretary   Chapter 19 : The Missing Heiress

    "The closer you get to the truth... the more people will try to stop you."*****Hindi pa man sumisikat ang araw, pero buhay na agad ang paligid ng Vidal Holdings. May ilang media van pa ring nakaparada sa tapat ng gusali.May mga reporter na nakabantay sa bawat empleyadong pumapasok, umaasang may makukuhang bagong impormasyon tungkol sa babaeng naging laman ng balita nitong mga nakaraang araw.Pero iba ang umagang iyon.Mas organisado ang security.Mas mahigpit ang pagpasok.At mas maingat ang bawat kilos ng mga tao sa executive floor.Sa loob ng elevator, bahagyang napabuntong-hininga si Ellen habang pinagmamasdan ang repleksiyon niya sa salamin.Halos dalawang gabi na siyang kulang sa tulog.Paulit-ulit pa ring pumapasok sa isip niya ang sulat ng ama.Kasabay noon ang mga balitang patuloy na umiikot sa internet.At ngayon, may isa pang pangalan ang hindi na mawala sa isip niya. Jason Ignacio.Hindi pa niya ito nakikita kahit minsan, pero pakiramdam niya ay unti-unti nitong nilalapi

  • The Billionare CEO'' Nerdy Secretary   Chapter 18 : The First Clue

    "The truth leaves footprints. You just need the patience to follow them." ****** Hindi naging maayos ang sumunod na dalawang araw para kay Ellen, hindi dahil dumami ang trabaho sa Vidal Holdings. Sanay na siya roon. Ang mahirap tanggapin ay ang pakiramdam na parang may mga matang nakasunod sa bawat galaw niya. Paglabas niya ng condominium sa umaga, may dalawang lalaki ang nakatayo sa kabilang kalsada na kunwari'y nagkakape, pero ilang beses siyang sinulyapan. Pagdating niya sa opisina, may mga bagong mukha sa lobby. May ilan na nagpapanggap na delivery rider, may iba namang kunwari'y naghahanap ng interview para sa internship. Minsan, paglingon niya sa glass wall ng building, may camera na nakatutok sa entrance. Hindi niya alam kung reporter ba ang mga iyon o simpleng usisero lang. Pero iisa lang ang sigurado niya. Hindi na siya ganoon ka-invisible tulad ng dati. Huminga siya nang malalim bago lumabas ng elevator. "Good morning, Miss Ellen." Ngumiti ang receptionist. "Good mo

  • The Billionare CEO'' Nerdy Secretary   Chapter 17 : The Girl Everyone Wnats to Me

    "The internet doesn't ask for permission. Once it becomes curious about your life... it keeps digging until it finds something worth talking about." *****Hindi pa sumasapit ang alas-diyes ng umaga, pero parang may malaking event sa harap ng Vidal Holdings. Nakahanay ang ilang OB van sa kabilang lane, may mga reporter na may hawak na mikropono.May mga content creator na abala sa pagla-live.Mayroon pang mga empleyado mula sa ibang kumpanya na huminto lang para makiusyoso."Guys, nandito tayo ngayon sa Vidal Holdings! Hanggang ngayon ay wala pa ring opisyal na pahayag si billionaire CEO Westley Vidal tungkol sa mystery woman na kasama niya sa Charity Gala!"Secretary lang ba talaga siya? O may espesyal na relasyon ang dalawa?" Sabi ng isang sikat na content creator.Sunod-sunod ang tanong, sunod-sunod din ang pagkuha ng video, sa loob ng gusali, doble ang security.Lahat ng pumapasok ay kailangang magpakita ng company ID. May ilang reporter pa nga ang nagtangkang magpanggap na job app

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status