"The cruelest goodbyes are never spoken. They happen the moment you realize the person you trusted has already chosen someone else." Two days. Dalawang araw na lamang, at magiging Mrs. Leo Gracia na si Ellen Cruz. Sa loob ng apat na taon, iyon ang pangarap niyang paulit-ulit na binuo sa isip niya. Hindi naging madali ang relasyon nila. Tutol ang pamilya niya. Isang Valderama ang ipinanganak na may lahat ng kayamanan sa mundo, samantalang si Leo ay isang lalaking nagsimula sa wala. Maraming beses siyang pinagsabihan ng lahat ng malalapit sa kanya na "Hindi ka magiging masaya sa lalaking 'yan." Pero pinili pa rin niya si Leo, ipinaglaban niya ito. Sinamahan sa bawat interview. Tinulungan habang nagsisimula pa lamang sa negosyo. Siya ang unang naniwala rito bago pa ito magkaroon ng pangalan. Kaya ngayong dalawang araw na lamang bago ang kasal, pakiramdam niya ay sulit ang lahat ng sakripisyo. Napangiti siya habang yakap ang maliit na chocolate cake. Paborito iyon ni Leo. "Surpris
최신 업데이트 : 2026-09-07 더 보기