INICIAR SESIÓN"You can bury your name, but you can never erase the blood that runs through your veins"******ELLEN'S POV :Hindi naging mapayapa yung umaga ko sa Vidal Holdings.Pagpasok ko pa lang sa lobby, ramdam ko na agad na kakaiba yung tingin ng lahat ng empleyado sa akin. Hindi na tulad dati na simpleng ngitian lang at "good morning" na parang wala lang. Ngayon, iba na.May respeto na parang takot. May pag-iingat na parang ayaw akong masagi. At may halong pag-uusisa na parang gusto nilang malaman kung totoo ba yung kumakalat."Good morning, Miss Ellen," bati nung isang guard na dati hindi man lang ako pinapansin."Good morning po, Miss Ellen," bati nung mga intern na sabay-sabay pang yumuko.Napangiti lang ako at binati ko sila isa-isa pabalik. Ayokong magbago yung pakikitungo ko sa kanila dahil lang sa nalalaman nilang malapit ako kay Westley. Secretary pa rin ako dito. Trabaho pa rin yung dahilan kung bakit ako nandito, hindi yung pagiging girlfriend kuno ng CEO."Miss Ellen," lumapit aga
"Home isn't always the place you left. Sometimes... it's the person who's still waiting for you."******ELLEN'S POV :Hindi naging madali yung mga sumunod na araw pagkatapos mag-viral nung kiss photo namin ni Westley.As in, hindi talaga. Akala ko dati pag nagka-issue ka sa office, isang linggo lang tapos makakalimutan na ng tao. Pero hindi pala pag CEO yung ka-issue mo.Paglabas mo ng building, may reporter agad sa harap na nakaabang. Pagpunta mo ng parking lot, may vlogger na may ring light na nagla-live pa. Pati sa TikTok, may mga content creator na gumagawa ng kwento na kesyo ako daw si Cinderella na secret secretary, ako daw yung mang-aagaw kay Tiffany, ako daw yung bagong Mrs. Vidal na wala pang singsing.Gold digger. Secretary lang naman. Mang-aagaw. Future Mrs. Vidal na mukhang kawawa.Lahat na yata ng bansag sa mundo, naibigay na sa akin in just 3 days. Kung may award lang for most-bashed employee, ako na yun.Pero honestly, hindi yun yung pinaka-gumugulo sa utak ko ngayo
"Minsan, ang pinakamayamang tao sa mundo... siya rin yung may pinakamalaking pagsisisi na hindi kayang bilhin ng pera."****CHAIRMAN ANTONIO'S POV :Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong tinitigan yung dalawang litrato na nasa harap ko ngayon sa mesa.Sa kaliwa, si Ellaine. Baby girl ko. Labing-walo pa lang siya dito, suot yung puti niyang gown na pinatahi pa namin sa Paris para sa charity gala ng foundation. Nakangiti siya, yung ngiti na parang walang problema sa mundo. Yung ngiti na akala mo habang-buhay kong makikita sa bahay.Sa kanan, si Ellen Cruz. Secretary sa Vidal Holdings. Kuha to kahapon lang sa labas ng building nila, naka-white blouse na gusot na, black skirt, at malaking salamin. Simple lang. Walang bakas ng pagiging Valderama. Pero pag tinitigan mo nang matagal...Iisang mukha lang. Iisang mata na mana sa mama niyang si Beatriz. Iisang nunal sa ilalim ng kaliwang mata na kahit anong concealer, hindi mo maitatago. Iisang ngiti na limang taon kong hindi nakita.Par
"The moment you love someone powerful... you also inherit the enemies that come with him."*****ELLEN'S POV :Hindi ko akalaing sa loob lang ng isang gabi magbabago nang tuluyan ang tahimik kong buhay na ilang taon kong pinaghirapang buuin.Pagmulat ko ng mga mata kinaumagahan sa condo, sunod-sunod na ang notification ng cellphone ko na nasa bedside table. Akala ko trabaho lang ulit o message mula kay Glenda na nangungumusta.Pero pagtingin ko sa screen at pagbukas ng Facebook, nanlamig ang buong katawan ko at parang huminto ang tibok ng puso ko.TOP TRENDING IN PHILIPPINES TODAY.#WestleyVidal #MysteryWoman #CEOInLove #VidalScandalKasunod noon ang litrato namin ni Westley habang naghahalikan sa loob ng sasakyan sa basement parking. Malinaw ang kuha, kita ang mukha naming dalawa at walang pagtatanggi na kami yun.Parang may sumabog sa dibdib ko nang makita ko yung picture na yun na may 200k shares na."Shocks..." bulong ko at nanginginig na binuksan ang comment section sa ilalim ng
"The world doesn't need the whole story to destroy someone. One photo is enough."******ELLEN'S POV :Hindi ko alam kung bakit sobrang gaan ng pakiramdam ko pauwi ng condo pagkatapos namin sa rooftop.Siguro dahil sa unang pagkakataon sa buhay ko, hindi na ako natatakot sa nararamdaman ko para kay Westley. Hindi na ako nagtatago sa likod ng salamin at braces.Hindi ko pa sinasagot si Westley nang pormal. Pero hindi na rin ako nagsisinungaling sa sarili ko ngayong gabi.Mahal ko na siya. Mahal ko na si Westley Vidal.Paulit-ulit kong hinawakan ang labi ko habang nakangiti na parang baliw sa loob ng taxi."Hay naku, Ellaine Valderama... mukha kang baliw na kinikilig mag-isa," bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa bintana.Tumunog ang cellphone ko nang malakas at nag-vibrate sa bag.GLENDA ang pangalan sa screen at tumatawag.Pagkasagot ko, hindi pa ako nakakapag-hello."Girl!!! Gising ka pa ba? Nasaan ka?" sigaw ni Glenda sa kabilang linya, parang humihingal.Napkunot-noo ako at
"Some kisses are not forbidden because they're wrong... they're forbidden because once they happen, there's no turning back."******ELLEN'S POV :Pakiramdam ko buong Pilipinas na yata ang nakatingin sa akin pag gising ko.Isang umaga lang, nagbago lahat ng tahimik kong buhay.Nasa social media na yung litrato namin ni Westley sa night market at yung yakap sa harap ng condo ko. Kalat na kalat na. May mga nagsasabing sweet daw kami at bagay. May mga kinikilig at nag-eedit pa ng video namin.Pero mas marami yung nanghuhusga.Gold digger. Secretary lang naman pala. Kaya pala napromote agad. CEO at empleyada? Hindi bagay, mukhang pera lang.Paulit-ulit kong binabasa yung mga komento sa Facebook at sa TikTok hanggang sa tuluyan kong ibinaba yung cellphone ko sa mesa. Masakit pala kapag hindi ka naman kilala ng tao pero parang alam na nila ang buong pagkatao mo at kung anong klaseng babae ka.Hindi ko namalayang may tumigil na itim na sasakyan sa harap ko sa may tapat ng condo. Bumukas yung







