Share

5 - Limang Minutong Babala

Author: acire_berry
last update Last Updated: 2026-01-16 01:53:47

Sienna POV

"Ano ka ba naman katutulog ko lang, tapos ganitong oras mo ako gigisingin?! Puwede bang mamayang tanghali na lang ang gagawin ko na 'yon? Pati na rin yung pagkain ko mamaya na lang din," pagrereklamo ko. Hindi ganitong oras ako nagigising, kaya hindi pa sanay ang katawan ko.

"I'm sorry ma'am. Utos ni sir na tawagin ka na."

Napairap ako. "Hayaan mo siya. Mamaya na lang ako lalabas!"

Humiga ako ulit. Walang makakapigil sa akin kahit sino kung gusto kong matulog, kahit si Red pa na amo ko ngayon, at kahit babayaran niya ako ng malaking halaga. Tao rin ako na inaantok dahil maaga pa! Pumikit ako at hinintay na lumalim ang tulog ko, pero isang ingay na naman ang kumalat sa buong kwarto na mas doble pa kanina. Ang kulit naman ng butler ni Red.

"Sinabi ko na 'di ba, mamaya na lang—" Natigilan ako sa pagsasalita dahil hindi na si Nicolas ang may hawak ng megaphone, si Red na may mukhang inis na naman dahil sa kanya.

"Pinapaalala ko lang sayo Miss Sienna. Ako ang masusunod sa lahat, kahit ang oras ng paggising mo ay ako rin ang masusunod. Hindi ka puwedeng magreklamo dahil ako ang boss mo ng ilang buwan," seryoso niyang saad.

Ngumisi ako. Hinawi ko muna ang buhok ko na sabit-sabit pa dahil wala pang suklay. Lumapit ako kay Red at tumapat talaga ako sa harap niya para sagap niya ang hininga kong bagong gising lang. Tutal istorbo siya sa tulog ko, dapat masira naman ang araw niya sa amoy ng hininga ko para fair naman kami.

"Good morning, SIR...!" Hindi simpleng pag-goodmorning ang ginawa ko. Talagang nilabas ko ang lahat ng hininga ko sa bunganga para ma-feel niya. Napansin ko pa nga na naningkit ang mata niya. Ngumiti naman ako at tumalikod sa kanya para kuhanin ang suklay sa ibabaw ng vanity mirror.

"Did you brush your teeth, or use a mouthwash last night?"

Habang kinukuha ko ang suklay ay nakangiti ako ng malaki. Nakuha ko pang tumingin sa salamin para makita lang kung gaano kaganda ang pagkakangiti ko sa tanong ni Red.

"Hindi," sagot ko.

"Nicolas!!"

"S-Sir."

"Put all of the toothpaste, toothbrush, mouthwash, and all things that help to clean her mouth in her bathroom. It's so stinky!!"

Narito naman ako sa tabi habang nakatitig kay Red na sira na ang araw sa ginawa ko. Dapat talaga same kami na masira ang araw, saka hindi ako nasaktan sa sinabi niya dahil totoo naman. Hindi ako naniniwala na merong mabangong hininga kahit mag-toothbrush at mouthwash pa ang isang tao bago matulog.

Napapangiwi na lang si Nicolas sa lakas ng boses ni Red. Mag-uutos lang nakasigaw pa kasi.

"Yes sir," nasagot na lang ni Nicolas sa amo niya.

"Better to prepare Sienna. Your coach is here already, so in five minutes I want you to out of the room and go to the living room. Understand!!"

Napatakip ako sa tenga ko, ang lakas. "Oho, puwede ka ng lumabas. Mag-aayos na ako," sa seryoso ko ng sagot, baka mag-transform na siya.

"Five minutes, Sienna," madiin niyang pagbabanta.

Ngumiti naman ako. "Infairness sayo Red, ang ganda ng name ko pag ikaw ang nagsasabi. Tunog expensive ba."

Kumuyom ang kamao niya, saka biglang naglakad palabas ng kwarto. Okay, mukhang napuno na ng tubig ang natitira niyang pasensya. Nagkibit-balikat na lang ako at pumunta sa harap ng cabinet para kumuha ng damit na pamalit sa suot ko ngayon.

"Ma'am."

Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat Nagulat ako kay Nicolas, akala ko sumunod na siya sa boss niya.

"Kagulat ka naman. Bakit narito ka pa?"

"Iba pala ang itsura mo pag walang makeup sa mukha."

Napatitig ako sa pinto ng cabinet na hindi ko pa nabubuksan. "May difference ba?"

"Meron ma'am. Mas maamo ang mukha mo pag wala ang makeup, pag meron naman mukha kang mataray. Pero sa paraan mo ng pananalita parang hindi tugma sa mukha mo."

Tumingin ako sa salamin. Mukha kasing inaantok ang mata ko, kaya siguro nasabi niya na iba ang itsura ko pag walang makeup.

"Ganun talaga minsan, Nicolas. Kailangan may secret ka para hindi ka maging talunan kung sakali na may taong subukan kang hamakin katulad ng amo mo."

Napakamot si Nicolas sa ulo. "Parehas kasi kayong palaban kaya walang magpapatalo sa inyo, parang pinagtagpo kayo para mag-away. Pero kailangan ko na ring lumabas, may two minutes ka na lang para maghanda. Sige, goodluck sayo."

Nanlaki ang mata ko at agad na binuksan ang cabinet, pero mas lalong nanlaki ang mata ko dahil sa mga damit na nakasabit. Hindi ko lang ba 'to napansin kagabi o sadyang pagod na ako kaya hindi ko napansin? Halos pang-alis ko na ang mga ito, kahit pa sabihing t-shirt lang at short. Wala na rin naman akong choice, dumampot na lang ako ng kahit ano pati underwear. Mas prepared pa sila kaysa sa akin na ang dala lang ay sarili.

Pumasok ako ng banyo. Naghilamos at toothbrush na ako pati mouthwash ginamit ko na rin para hindi naman nakakahiya sa coach na sinasabi ni Red. Hinayaan ko na lang na nakalugay ang buhok ko, hindi ko makita ang panali ko sa buhok. Nang okay na ang itsura ko sa salamin ay lumabas na ako ng banyo maging sa kwarto. Habang naglalakd napahinto ako. Saan nga ba ang daan papunta ng sala?

Basta na lang akong naglakad sa natatandaan kokagabi na dinaanan namin ni Nicolas. Kung iisipin ko pa mas lalong madadagdagan ang oras na late ako, oo late na ako ng ilang minuto!

Naglakad ako ng naglakad hanggang sa makita ko na ang mga tao na nasa sala. Patakbo akong pumunta roon at huminto sa tabi ni Nicolas. Tumingin sa akin yung magiging coach ko na babae, oo inisip ko na siya na nga 'yon dahil siya lang naman ang unfamiliar faces na nasa sala.

"I think, the session is going to last for three months. The way she walks, dresses, posture, and style is so not giving. Not including the way she talks to other people, or how to communicate with a smart move because this is the time we do the first session."

Ngumiti naman ako sa babae dahil tiningnan ako nito mula paa hanggang sa mukha ko. Nagtagal siya sa mukha ko, kaya todo ngiti naman ako. Napailing na lang ito. Hindi kaya pati pagngiti ko may problema na rin? Ang dami naman dapat malaman kung ganun.

"Gawin mo ang lahat para mag mukha siyang galing sa mayaman na angkan. Kung magtatagal hanggang tatlong buwan, it's fine, pero hanggang three months lang Belle. Hindi na sana lumagpas pa roon," saad ni Red.

"I will do my best, Red."

Tumingin ako kay Nicolas. Lumapit ako para masabing nagugutom na ako.

"Psst... ihatid mo naman ako sa kusina. Kakain muna ako bago dumugo ang utak ko sa lesson mamaya."

"Pag sinabi na ni sir," bulong ni Nicolas.

Napakunot tuloy ang noo ko. Pati ba naman pagkain kailangan galing pa sa bibig ni Red pag oras na. Kumulo ang tiyan ko, for sure dinig nilang lahat 'yon. Okay na rin para malaman ni Red na gutom na ako.

"Nicolas. Ihatid mo siya sa kusina at pakainin ng marami ng meron naman siyang matutunan kahit one percent sa araw na 'to."

"Tama Nicolas. Halika na sa kusina, bayaan mo sila riyan." Kumapit ako sa braso ni Nicolas at hinila siya para maglakad.

"Oh dear! That's not right for women to act like that."

Napatingin ako sa braso ni Nicolas. Inalis ko ang kamay ko, medyo feeling close nga ako sa butler ni Red, pero kasi mas mabait itong lalaki na 'to. Masyado namang problemado 'tong si Bella o Belle.

"Sige na Nicolas, dalhin mo na siya sa kusina," malumanay na wika ni Red.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Blind Billionaire's Fake Girlfriend   10 - Ingay Mula Sa Likod Ng Pinto

    Red POVPagkarating ko sa living room. "Nagawa ko na." "Mabuti " Napailing ako. Kung hindi ko lang kailangan ng tulong ni Sienna, hinding-hindi ako magsasabi ng sorry. Hindi na ako makakahanap pa ng babae na katulad niya, bukod tanging siya lang ang nakapasa sa gusto kong ugali ng babae. Sa lahat ng sinubukang iharap sa akin ni Nicolas, si Sienna lang ang hindi nabighani sa itsura at kayamanan ko. "Kahit ilatag mo pa sa harap niya ang pinagmamalaki mong pera Sir Red, hinding-hindi siya magpapatalo sa kahit sino. Nabanggit niya iyon sir kaya kahit mahirap, ikaw ang dapat magpakumbaba." "Ito na ang huli. Ayokong maulit na ako ang lalapit para humingi ng tawad." "Kahit ikaw pa ang nanguna?" Seryoso akong lumingon sa kanan, doon ko mas naririnig ang boses ni Nicolas. Si Sienna ay magpapanggap lamang bilang girlfriend ko, at ayokong mapalapit siya sa akin ng todo. Magpanggap lang sa harap ng tao, pagkatapos ay kanya-kanya na kami ulit, ganon lang. "Kahit ako pa ang nauna." Sig

  • The Blind Billionaire's Fake Girlfriend   9 - Hindi Inaasahan Na Paghingi Ng Paumanhin

    Sienna POVUmiling ako. "Pag nagalit ako, buong araw na 'yon. Hangga't nakikita ko ang taong nagpagalit sa akin hindi matatapos ang galit ko at baka makapagsalita pa ako ng hindi maganda. Titiisin ko na lang na hindi kumain." Humarap ako kay Nicolas. "Punta muna ako sa kwarto ko. Kumakain pa naman si Belle. Babalik na lang ako mamaya pag tapos na siya."Hindi ko mabasa ang expression sa mukha ni Nicolas, pero maliit na ngumiti naman ito bago ako tuluyang lumakad.--- Pag dating sa kwarto. Kinuha ko agad yung unan at pinagsusuntok hanggang sa mapagod ako. Hinihingal na umupo ako sa sahig. Ayokong mahiga sa malinis na bedsheet dahil sobrang pawis at baka kumapit pa sa unan at kumot. Bumuntong-hininga ako at tumingin sa kawalan. Sa bar sobrang bait ng amo ko, dito naman mayaman nga ang sama naman ng ugali. Pumaling ang ulo ko ng ilang segundo bago ngumiti ng malaki dahil may biscuit nga pala sa bulsa ng short kong suot kagabi. Hinanap ko ang short sa basket na nasa tabi ng pinto ng

  • The Blind Billionaire's Fake Girlfriend   8 - Walang Ibig Magpatalo

    Sienna POV Napa-awang ang bibig ko sa sinabi ni Red. Parang sinasabi niyang madali lang ang ginagawa ko kahit hindi naman talaga. "Anong sabi mo?" may kaseryosohan kong tanong. Lumapit ako sa kanya at huminto sa harap niya mismo. "Pakiulit nga." Tumingala siya. Alam na alam na talaga ni Red kung nasaan ang presensya ng tao kahit hindi niya nakikita. "Ang sabi ko. Madali lang naman ang pinapagawa sayo ni Belle. Bakit Hindi mo magawa agad?" Napakagat ako sa labi ng madiin. Naiinis ako sa lalaking 'to, at kailangan ko munang kumalma sa pamamagitan ng pagkat sa labi ko. "Kung madali pala. Gawin mo nga. Palit muna tayo ng sitwasyon, ako ang uupo diyan, at ikaw ang magsusuot ng stilleto na 'to at maglalakad ng diretso. Tingnan ko kung masabi mo pa ang salitang "madali lang." Seryoso kong saad. Tumaas naman ang dalawang kilay ni Red. "Bakit ko gagawin? Kaya ko nga pinadala rito si Belle para ikaw ang matuto, hindi ako." "Aba't..." Napapikit ako at konting-konti na lang. Si Belle at

  • The Blind Billionaire's Fake Girlfriend   7 - Lakad Pang Babae

    Sienna POVMukhang madali ata 'yon. "Halika ka rito Ms. Sienna. Lesson 1 at 2 ang ituturo ko sayo ngayong araw." Lumakad naman ako para makarating sa gitna ng living room. Sa gitna mismo ng mga nakapaligid na upuan. Nagulat ako nang may bagay na humampas sa likod ko, hindi naman malakas pero dama ko. Tiningnan ko si Belle, seryoso na ito at hindi na nakangiti, mukhang strikto ito pagdating sa trabaho. "Kung tatayo ka Ms Sienna, maling-mali ang posture mo. Masyadong nakayuko ang ulo mo, at naka-bend payuko ang likod mo, kaya hindi magandang tingnan. Relax your body, tumayo ka ng tuwid, itaas mo ng bahagya ang ulo, at stomach in." Napakunot ang noo ko. Anong stomach in? Baka hindi ako makahinga pag ginawa ko 'yon. Ginawa ko rin dahil napatingin ako sa mukha ni Belle na masungit na hindi na soft. Lumulunok na lang ako ng laway habang iniipit ko ang tiyan ko. Ang dami ko pa namang kinain. Napansin ko naman si Nicolas sa hindi kalayuan na kung makailing habang tumatawa ng mahina ay

  • The Blind Billionaire's Fake Girlfriend   6 - Pag-aaral Bago Ang Bangayan

    Sienna POVPalagay ko pagkatapos kong kumain matindi ang ipapagawa niya sa akin. Kakausapin niya si Belle na pahirapan ako. Pinaningkitan ko siya ng mata. Sa kabila ng seryoso niyang mukha siguradong may tinatago siyang plano para gantihan ako sa ginawa ko sa kanya kanina. Masuwerte nga siya dahil naamoy niya ang morning breath ko. Bigla na lang may tumulak sa akin na muntik na akong sumubsob sa sahig. Inis akong lumingon kay Nicolas na may alanganin na ngiti. Pinanlisikan ko siya ng mata. "Bakit mo ba ako tinulak?!" "Kanina ka pa tinatawag ni Sir. Dahil siguro wala pang laman nag tiyan mo kaya lumilipad ang isip mo." "Kahit ikaw man Nicolas siguradong parang mababaliw ka na kung wala ka pang kain." Tumingin ako kay Red. Nakaupo naman ito paharap sa kanila kaya kitang-kita ko ang mukha niya. "Ano ba 'yon? Pakiulit ang sinabi mo hindi umabot sa tenga ko." Napailing naman si Red ng dahan-dahan. "May balak talaga ako sayo, ang matuto ka kaagad sa ituturo sayo ni Belle." "Kayang-k

  • The Blind Billionaire's Fake Girlfriend   5 - Limang Minutong Babala

    Sienna POV"Ano ka ba naman katutulog ko lang, tapos ganitong oras mo ako gigisingin?! Puwede bang mamayang tanghali na lang ang gagawin ko na 'yon? Pati na rin yung pagkain ko mamaya na lang din," pagrereklamo ko. Hindi ganitong oras ako nagigising, kaya hindi pa sanay ang katawan ko."I'm sorry ma'am. Utos ni sir na tawagin ka na."Napairap ako. "Hayaan mo siya. Mamaya na lang ako lalabas!" Humiga ako ulit. Walang makakapigil sa akin kahit sino kung gusto kong matulog, kahit si Red pa na amo ko ngayon, at kahit babayaran niya ako ng malaking halaga. Tao rin ako na inaantok dahil maaga pa! Pumikit ako at hinintay na lumalim ang tulog ko, pero isang ingay na naman ang kumalat sa buong kwarto na mas doble pa kanina. Ang kulit naman ng butler ni Red."Sinabi ko na 'di ba, mamaya na lang—" Natigilan ako sa pagsasalita dahil hindi na si Nicolas ang may hawak ng megaphone, si Red na may mukhang inis na naman dahil sa kanya."Pinapaalala ko lang sayo Miss Sienna. Ako ang masusunod sa lahat

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status