Share

4 - Unang Araw Ng Pag-aaral

Author: acire_berry
last update Last Updated: 2026-01-16 01:52:38

Sienna POV

Curious lang ako dahil sa dinaraanan namin ngayon, puro mga pinto na sunod-sunod. Dinaig pa ang hotel sa dami, kaya natanong ko tuloy sa butler ni Red sa lahat ng kwarto rito sa bahay ay saan siyang kwarto matutulog.

"Bakit gusto mong malaman?" naningkit ang mata nito.

"A...kasi." Sinungitan ko ang mukha ko. "Wala lang natanong ko lang!"

"Low down your voice ma'am. Matalas ang pandinig ni sir, baka marinig ka niya."

"Sabihin mo na lang kasi kung saan!" Inis kong sagot. Gusto ko lang malaman para maiwasan sa tuwing dadaanan ko, kahit tumalon pa ako huwag lang akong maglakad para lang hindi madaanan ang pinto ng kwarto ni Red.

Muling naglakad si Nicolas kaya sumunod naman ako.

"Parang may inis kang nadarama para kay sir."

Grabe, parang papunta na siya sa makata kung magsalita. "Wala, imagination mo lang 'yon," sagot ko.

Narinig ko na tumawa si Nicolas. Mukhang ramdam naman niya, bakit kailangan pa kasing itanong. Huminto bigla si Nicolas, kaya saktong-sakto ang mukha ko sa likod niya. Nang lumayo ako, may bahid ng makeup na yung tuxedo niyang suot. Kasalanan niya 'yon, dahil huminto siya ng walang abiso.

"Tinatanong mo kung saan ang kwarto ni sir, 'di ba?"

Nakangiwi pa akong inayos ang buhok ko, "Oo."

"Ito ang kwarto niya."

Tumingin ako sa harap. Sumilip pa ako sa mismong leeg ni Nicolas. Kumpara sa pinto na nadaanan namin, kakaiba ang pinto ng kwarto ni Red. Kulay itim na malapad, ilang tao rin siguro ang kailangan magpatong-patong para masabi ang taas ng pinto. Pinto na lang ba naman ng kwarto sobrang laki pa. Paano kaya binubuksan ni Red 'to ng hindi tinatangay ang katawan niya?

"Hindi ka na nagsalita. Namangha ka ba sa nakita mo?"

"Hindi. Nagtataka ako sa pag-iisip ng amo mo. Dapat sa harap ng bahay ang ganitong pinto. Bakit sa kwarto niya pinagawa? Buti buo pa ang katawan ng amo mo sa tuwing itutulak niya 'yan, hindi pa man din siya nakakakita."

"Tsk...tsk. Kahit siguro masama na sayo si sir, kaya mo pa rin siyang sagut-sagutin ng ganyan, pero dahil bahay niya ito, wala na kaming puwedeng sabihin kung ano ang gusto niyang design sa kanyang mansion."

Napaingos ako. Ang OA talaga ng pinto.

"Bago ka mainis lalo. Gusto ko lang malaman mo na baka masira pa rin ang araw mo sa tuwing makakasalubong mo siya o bubuksan mo ang pinto ng kwarto mo."

Napakunot ang noo ko. "Ano ang ibig mong sabihin?"

Tumingin ito sa likuran ko, kaya tumalikod ako sa kanya at humarap sa tiningnan nito. Isang red na pinto naman ang bumungad sa akin ngayon. Kanino na naman kayang kwarto ito? May special color ata para sa nakatira rito.

"Iyan ang magiging kwarto mo."

Nanlaki ang mata ko at mabilis na lumingon kay Nicolas. Baka nagkakamali lang siya ng sinasbi.

"Hindi nga? Seryoso ka ba na ito ang magiging kwarto ko rito? Baka doon ako sa normal na kwarto na may puting pinto."

Umiling naman ito habang nakalagay ang dalawang kamay sa likuran. Mukha tlaga siyang hindi nagtatrabaho bilang butler sa ayos nito.

"I'm sorry ma'am, pero iyan talaga ang magiging kwarto mo. Ayaw mo ba no'n? Kahit ilang buwan lang ay parang magiging prinsesa ka ni sir. Ang kwarto na iyan ay special, dahil kung sino ang gumamit ay pinagkakatiwalaan ni Sir Red. Kahit si Scarlet ay hindi nakapasok sa loob ng kwarto na iyan."

Napakamot ako sa noo ko. Ako pagkakatiwalaan agad ni Red, imposible naman ata, at saka kaya hindi nakuhang pumasok ni Scarlet sa kwarto na ito ay dahil sa kwarto siya ni Red tumutuloy.

"Baka nahilo lang ang boss mo sa kahibangan sa paghihiganti sa ex-girlfriend niya, kaya pati kwarto ko ay nagkamali pa ng binigay sayong impormasyon. Okay na ako sa kwartong nadaanan natin. Mas okay pa doon dahil mukhang normal lang na kwarto. Ito kasi ay parang isang bahay na sa loob."

"Exactly."

"Ano?!"

Maliit siyang ngumiti. "Kumpleto ang gamit sa loob ng kwarto sa likod mo. May banyo, sofa, closet, mini pantry, televison, refrigerator, pero ang lutuan ay nasa kusinaang ng bahay, kaya kailangan mo pa ring lumabas pag oras na para kumain."

"Seryoso ka ba sa sinabi mo?"

"Mukha ba akong nag-jo-joke sa harap mo?" seryoso nitong sagot sa akin.

"Kaloka!"

"Pasok na tayo sa loob ma'am, para makapagpahinga ka na rin. Meron na rin palang mga damit at personal needs mo sa kwarto na ito."

Iniwan ako ni Nicolas na nakatulala at bahagyang nakanganga ang labi. Akala ko nga baka sa maids room lang ako patuluyin ni Red dahil magpapanggap lang naman akong maging girlfriend niya, pero dahil tingin niya ay tao pa rin ako nabawasan ang asar ko sa kanya, mga one dot lang.

Pumasok ako sa loob ng kwarto. Tama nga si Nicolas parang may sala ang kwarto sa luwang. Kung gagawin tatlong kwarto 'to puwedeng-puwede.

"Kung meron kang gustong ipag-utos o itanong. Pindutin mo lang ang buzzer na ito. " Kinuha ni Nicolas ang bilog na bagay na nasa ibabaw ng lamesita sa tabi ng kama na dinaig pa ang queen size bed. "May agad na pupunta sayo para itanong kung ano ang problema."

"Bakit pati 'yan high-tech para magtanong lang?"

"Ginawa ito para kay Sir Red, dahil hindi nga siya nakakakita. Pinagawa niya ang mga ito para sa tuwing may kailangan siya habang nasa kwarto ay meron agad papasok sa kwarto niya para tanungin kung ano ang gusto nito. For emergency purposes rin 'to kung sakali na madulas o tumama siya sa gamit kung nasaan siya. Madali na lang para sa amin na agad siyang puntahan."

"Pero bakit pati rito merong ganyan?"

"Actually, buong bahay meron nito para sure na magagawa niyang gamitin pag emergency. Kahit sa bulsa niya hindi nawawala ang buzzer na ito."

Tumango-tango ako. "Paano niya nalalaman kung saan nakalagay?"

"Sinabi ko kung saan nakalagay ang mga buzzer. Once na naipaliwanag ko naman ang eksaktong kinalalagyan ay alam na niya iyon."

"Ang galing naman niya kung ganon. Ang hirap kayang mangapa."

"Ibahin mo si Sir Red, kaya niyang umikot ng loob ng bahay ng walang tungkod, para lang siyang normal na hindi nabulag ang mga mata. Kaya minsan nahuhusgahan siya ng ibang tao. Akala nila niloloko lang sila ni Sir Red sa pagkabulag ng mata nito. Hindi lang nila alam na halos umiyak ng dugo si sir, matutunan niya lang ang lahat na parang normal na tao na hindi mapapansin na wala siyang paningin.

May pinaghuhugutan talaga si Red ng malalim, kaya nagawa niyang tumayo mag-isa at maglakad ng walang umaalalay.

"Maiwan na kita rito. Kailangan ko na ring magpahinga dahil maaga pa akong gigising. Goodluck nga pala bukas."

Napakunot ang noo ko. Tumalikod na sa akin si Nicolas. "T-Teka...!" Tuluyan na itong nakalabas ng kwarto. Parang may gulong ang sapatos, ang bilis nakalabas.

Ano ang ibig niyang sabihin sa goodluck bukas? May gagawin ba ako bukas?

Napailing na lang ako. Kailangan ko na ring matulog dahil sa totoo lang hindi pa ako nakakatulog ng 8 hours, nang pumapasok ako sa bar. Parang isang krimen kung pipiliin kong matulog ng 8 hours. Pag nakatulog kasi ako at nagising ng alanganin na oras, hindi na ako matutulog dahil pag natulog pa ako, mas lalong hindi ako magigising ng maaga, in short, matagal pa sa 8 hours ang magiging tulog ko.

Umupo ako sa kama. Namangha ako sa lambot, parang kinakain ako sa sobrang lambot. Pahiga na sana ang katawan ko nang maalala kong may makeup pa ako at pang bar pa ang suot kong damit. Tumayo ako at pumunta ng closet, may nakalagay na rin palang vanity mirror sa gilid na naroon na lahat ng gamit sa pagpapaganda.

Pati gamit na pang babae nilagay niya rin talaga rito. Napapaisip rin ako kung sakali na hindi nagloko yung Scarlet, baka ituring siyang parang reyna ni Red. Napailing na lang ako, at kumuha ng wipes para tanggalin ang makeup ko sa mukha bago nahiga.

---

Time Check 6:30 am...

Napabalikwas ako ng bangon sa ingay sa loob ng kwarto. Inis akong lumingon kung saan 'yon nanggaling. Napakunot ang noo ko, si Nicolas na may dalang megaphone. Ngumiti pa ito bago ibinaba iyon.

"Goodmorning ma'am. Kailangan mo ng kumain dahil may gagawin ka ngayon araw."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Blind Billionaire's Fake Girlfriend   10 - Ingay Mula Sa Likod Ng Pinto

    Red POVPagkarating ko sa living room. "Nagawa ko na." "Mabuti " Napailing ako. Kung hindi ko lang kailangan ng tulong ni Sienna, hinding-hindi ako magsasabi ng sorry. Hindi na ako makakahanap pa ng babae na katulad niya, bukod tanging siya lang ang nakapasa sa gusto kong ugali ng babae. Sa lahat ng sinubukang iharap sa akin ni Nicolas, si Sienna lang ang hindi nabighani sa itsura at kayamanan ko. "Kahit ilatag mo pa sa harap niya ang pinagmamalaki mong pera Sir Red, hinding-hindi siya magpapatalo sa kahit sino. Nabanggit niya iyon sir kaya kahit mahirap, ikaw ang dapat magpakumbaba." "Ito na ang huli. Ayokong maulit na ako ang lalapit para humingi ng tawad." "Kahit ikaw pa ang nanguna?" Seryoso akong lumingon sa kanan, doon ko mas naririnig ang boses ni Nicolas. Si Sienna ay magpapanggap lamang bilang girlfriend ko, at ayokong mapalapit siya sa akin ng todo. Magpanggap lang sa harap ng tao, pagkatapos ay kanya-kanya na kami ulit, ganon lang. "Kahit ako pa ang nauna." Sig

  • The Blind Billionaire's Fake Girlfriend   9 - Hindi Inaasahan Na Paghingi Ng Paumanhin

    Sienna POVUmiling ako. "Pag nagalit ako, buong araw na 'yon. Hangga't nakikita ko ang taong nagpagalit sa akin hindi matatapos ang galit ko at baka makapagsalita pa ako ng hindi maganda. Titiisin ko na lang na hindi kumain." Humarap ako kay Nicolas. "Punta muna ako sa kwarto ko. Kumakain pa naman si Belle. Babalik na lang ako mamaya pag tapos na siya."Hindi ko mabasa ang expression sa mukha ni Nicolas, pero maliit na ngumiti naman ito bago ako tuluyang lumakad.--- Pag dating sa kwarto. Kinuha ko agad yung unan at pinagsusuntok hanggang sa mapagod ako. Hinihingal na umupo ako sa sahig. Ayokong mahiga sa malinis na bedsheet dahil sobrang pawis at baka kumapit pa sa unan at kumot. Bumuntong-hininga ako at tumingin sa kawalan. Sa bar sobrang bait ng amo ko, dito naman mayaman nga ang sama naman ng ugali. Pumaling ang ulo ko ng ilang segundo bago ngumiti ng malaki dahil may biscuit nga pala sa bulsa ng short kong suot kagabi. Hinanap ko ang short sa basket na nasa tabi ng pinto ng

  • The Blind Billionaire's Fake Girlfriend   8 - Walang Ibig Magpatalo

    Sienna POV Napa-awang ang bibig ko sa sinabi ni Red. Parang sinasabi niyang madali lang ang ginagawa ko kahit hindi naman talaga. "Anong sabi mo?" may kaseryosohan kong tanong. Lumapit ako sa kanya at huminto sa harap niya mismo. "Pakiulit nga." Tumingala siya. Alam na alam na talaga ni Red kung nasaan ang presensya ng tao kahit hindi niya nakikita. "Ang sabi ko. Madali lang naman ang pinapagawa sayo ni Belle. Bakit Hindi mo magawa agad?" Napakagat ako sa labi ng madiin. Naiinis ako sa lalaking 'to, at kailangan ko munang kumalma sa pamamagitan ng pagkat sa labi ko. "Kung madali pala. Gawin mo nga. Palit muna tayo ng sitwasyon, ako ang uupo diyan, at ikaw ang magsusuot ng stilleto na 'to at maglalakad ng diretso. Tingnan ko kung masabi mo pa ang salitang "madali lang." Seryoso kong saad. Tumaas naman ang dalawang kilay ni Red. "Bakit ko gagawin? Kaya ko nga pinadala rito si Belle para ikaw ang matuto, hindi ako." "Aba't..." Napapikit ako at konting-konti na lang. Si Belle at

  • The Blind Billionaire's Fake Girlfriend   7 - Lakad Pang Babae

    Sienna POVMukhang madali ata 'yon. "Halika ka rito Ms. Sienna. Lesson 1 at 2 ang ituturo ko sayo ngayong araw." Lumakad naman ako para makarating sa gitna ng living room. Sa gitna mismo ng mga nakapaligid na upuan. Nagulat ako nang may bagay na humampas sa likod ko, hindi naman malakas pero dama ko. Tiningnan ko si Belle, seryoso na ito at hindi na nakangiti, mukhang strikto ito pagdating sa trabaho. "Kung tatayo ka Ms Sienna, maling-mali ang posture mo. Masyadong nakayuko ang ulo mo, at naka-bend payuko ang likod mo, kaya hindi magandang tingnan. Relax your body, tumayo ka ng tuwid, itaas mo ng bahagya ang ulo, at stomach in." Napakunot ang noo ko. Anong stomach in? Baka hindi ako makahinga pag ginawa ko 'yon. Ginawa ko rin dahil napatingin ako sa mukha ni Belle na masungit na hindi na soft. Lumulunok na lang ako ng laway habang iniipit ko ang tiyan ko. Ang dami ko pa namang kinain. Napansin ko naman si Nicolas sa hindi kalayuan na kung makailing habang tumatawa ng mahina ay

  • The Blind Billionaire's Fake Girlfriend   6 - Pag-aaral Bago Ang Bangayan

    Sienna POVPalagay ko pagkatapos kong kumain matindi ang ipapagawa niya sa akin. Kakausapin niya si Belle na pahirapan ako. Pinaningkitan ko siya ng mata. Sa kabila ng seryoso niyang mukha siguradong may tinatago siyang plano para gantihan ako sa ginawa ko sa kanya kanina. Masuwerte nga siya dahil naamoy niya ang morning breath ko. Bigla na lang may tumulak sa akin na muntik na akong sumubsob sa sahig. Inis akong lumingon kay Nicolas na may alanganin na ngiti. Pinanlisikan ko siya ng mata. "Bakit mo ba ako tinulak?!" "Kanina ka pa tinatawag ni Sir. Dahil siguro wala pang laman nag tiyan mo kaya lumilipad ang isip mo." "Kahit ikaw man Nicolas siguradong parang mababaliw ka na kung wala ka pang kain." Tumingin ako kay Red. Nakaupo naman ito paharap sa kanila kaya kitang-kita ko ang mukha niya. "Ano ba 'yon? Pakiulit ang sinabi mo hindi umabot sa tenga ko." Napailing naman si Red ng dahan-dahan. "May balak talaga ako sayo, ang matuto ka kaagad sa ituturo sayo ni Belle." "Kayang-k

  • The Blind Billionaire's Fake Girlfriend   5 - Limang Minutong Babala

    Sienna POV"Ano ka ba naman katutulog ko lang, tapos ganitong oras mo ako gigisingin?! Puwede bang mamayang tanghali na lang ang gagawin ko na 'yon? Pati na rin yung pagkain ko mamaya na lang din," pagrereklamo ko. Hindi ganitong oras ako nagigising, kaya hindi pa sanay ang katawan ko."I'm sorry ma'am. Utos ni sir na tawagin ka na."Napairap ako. "Hayaan mo siya. Mamaya na lang ako lalabas!" Humiga ako ulit. Walang makakapigil sa akin kahit sino kung gusto kong matulog, kahit si Red pa na amo ko ngayon, at kahit babayaran niya ako ng malaking halaga. Tao rin ako na inaantok dahil maaga pa! Pumikit ako at hinintay na lumalim ang tulog ko, pero isang ingay na naman ang kumalat sa buong kwarto na mas doble pa kanina. Ang kulit naman ng butler ni Red."Sinabi ko na 'di ba, mamaya na lang—" Natigilan ako sa pagsasalita dahil hindi na si Nicolas ang may hawak ng megaphone, si Red na may mukhang inis na naman dahil sa kanya."Pinapaalala ko lang sayo Miss Sienna. Ako ang masusunod sa lahat

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status