LOGINSienna POV
Palagay ko pagkatapos kong kumain matindi ang ipapagawa niya sa akin. Kakausapin niya si Belle na pahirapan ako. Pinaningkitan ko siya ng mata. Sa kabila ng seryoso niyang mukha siguradong may tinatago siyang plano para gantihan ako sa ginawa ko sa kanya kanina. Masuwerte nga siya dahil naamoy niya ang morning breath ko. Bigla na lang may tumulak sa akin na muntik na akong sumubsob sa sahig. Inis akong lumingon kay Nicolas na may alanganin na ngiti. Pinanlisikan ko siya ng mata. "Bakit mo ba ako tinulak?!" "Kanina ka pa tinatawag ni Sir. Dahil siguro wala pang laman nag tiyan mo kaya lumilipad ang isip mo." "Kahit ikaw man Nicolas siguradong parang mababaliw ka na kung wala ka pang kain." Tumingin ako kay Red. Nakaupo naman ito paharap sa kanila kaya kitang-kita ko ang mukha niya. "Ano ba 'yon? Pakiulit ang sinabi mo hindi umabot sa tenga ko." Napailing naman si Red ng dahan-dahan. "May balak talaga ako sayo, ang matuto ka kaagad sa ituturo sayo ni Belle." "Kayang-kaya ko 'yon basta pakainin niyo muna ako." Bumuntong-hininga naman si Red at sumenyas kay Nicolas. "Samahan mo na siya sa kusina Nicolas. Ipakain mo sa kanya ang lahat na makakatulong sa utak niya." Naningkit ang mata ko. Akala ata ng lalaki na 'to ay hindi siya matalino. With honors ata ako noong Elementary! "Tara na Ms. Sienna." Umirap sako kay Red, hindi naman niya makikita kaya okay lang. Ngumiti naman ako ng malaki kay Belle kahit nakakunot na ang noo niya habang sinusuri ang buong pagkatao ko. --- Naglakad kami ni Nicolas sa sobrang habang pasilyo na daig pa ang pasilyo ng palasyo. Grabe, iilan lang naman ang nakatira sobrang laki pa ng bahay. Bawat madaanan namin ay tinitingnan ko ang mga naka-display sa gilid, hindi ko nga lang hinahawakan dahil bawal at baka pagbayarin pa ako higit pa sa makukuha kong sahod. Pumasok kami sa sobrang luwang na kusina. Mahilig din naman akong magluto kaya nakakatuwa na makita ang kusina na sobrang linis at maaliwas tingnan, parang ang sarap tuloy magluto. Minsan ma-try pag wala si Red dito sa bahay. "Ang laki siguro ng sahod ng kasambahay niyo rito no?" Huminto si Nicolas sa tabi ng makitid na square na lamesa na gawa sa bato. Hanggang dibdib namin, kaya sobrang taas din ng upuan. "Oo. Mga one hundred thousand a month." Nanlaki ang mata ko at lumapit kay Nicolas. Kitang-kita ko ang pores niya sa mukha kahit gwapo siya. Tila naasiwa siya kaya tinulak ang noo ko palayo. "Masyado lang malapit Ms. Sienna. Hindi naman nakakagulat ang gaanong sahod ng kasambahay." "Anong hindi?! Minsan nga fifteen thousand lang ang pinakamataas na alam ko, tapos dito one hundred thousand. Kung sayo hindi nakakagulat sa akin oo." Kahit masungit pala si Red, maganda siyang magpasahod sa mga kasambahay niya. Maging katulong na lang kaya ako kaysa maging fake girlfriend niya? Parang magandang idea 'yon. Subukan kong kausapin si Red mamaya. "Kahit hindi ako manghuhula, parang alam ko na ang naiisip mo Ms. Sienna. Hindi na magbabago pa ang desisyon ni Sir. Nakapirma ka na rin ng kontrata kaya wala ng bawian." Ngumiti ako na halos hindi ko na makita si Nicolas dahil maging ang mata ko nakangiti. "Try lang naman." Napailing na lang si Nicolas at inutusan ang isang katulong na maghanda ng pagkain. Naupo na lang ako sa sobrang taas na upuan. Halos magkanda-hulog ako makaupo lang. Tahimik kong hinihintay ang pagkain, habang si Nicolas ay nakatayo lang malapit sa akin. "Baka gusto mo ring umupo? Kumain na ba?" "Oo. Nauuna akong kumain kaysa kay Sir Red." "Bakit?" nagtataka kong tanong. "Mas nauuna akong magising kaya kumakain na ako, at isa pa, pagkatapos kasi niyang kumain ay aalis na agad kami kaya hindi puwedeng mahuli akong kumain. Unless gutom ako pag umalis kami." "Butler ka 'di ba?" "Oo." "'Di ba dapat nasa bahay ka lang?" Pumikit ito ng ilang beses. Na-realiaze ata niya na dapat ang butler sa bahay lang. "Hindi naman porke't butler e dapat sa bahay lang. Parang secretary na rin ako ni Sir, kahit meron naman siya sa kumpanya." "Grabe. Ang dami mong trabaho ha." Napanguso ako. "Kaya ka nandito sa kusina para kumain Sienna. Hindi ka narito para makipagdaldalan kay Nicolas." Napalingon ako. Red days ata ni Red kaya mainit ang ulo. Wala pa nga yung pagkain sa harap ko. "Puwede namang makipag-usap, at isa pa, anong ginagawa mo rito?" Bahagyang pumaling ang ulo ni Red. "Sa pagkaka-alam ko, bahay ko ito, at kusina ko." "Wala naman akong sinabing hindi mo 'to bahay. Sinabi ko lang kung bakit narito ka sa kusina." Wala naman akong binanggit kung ano-ano na ang sinasabi. Lumapit sa kanya si Nicolas at sumenyas na tumahimik. May takot din na makikita sa mata niya. Lumingon muli ako kay Red, kaya pala, may itim na enerhiya na naman akong nakikita sa katawan niya. Nakabusangot na naman ang mukha e. "Ano ngang ginagawa mo rito? Gusto mo rin bang kumain? Puwede naman sabay na tayo." Masaya ko pang sabi. "Kaya kong kumain mag-isa." Napalabi ako. Ang sungit talaga. "Bilisan mo sa pagkain dahil nasasayang ang oras." "Oo, puwede ka ng umalis." Humarap na ako sa lamesa dahil binaba naman na ng katulong ang pagkain na sobrang dami na para bang umorder ako na para sa limang tao. Kumain nalang ako at hindi na pinansin kung lumabas na ba ng kusina si Red. --- Pagkatapos kumain ay napasandal ako sa sandalan ng upuan. Sobrang mabusog ako sa pagkain na bago sa panlasa ko. Kailangan ko rin ng lakas kaya itinodo ko na hanggang sa sumuko ako sa pagkain. "Tumayo ka na Ms. Sienna. Bumalik na tayo sa living room." Nilingon ko si Nicolas na hanggang sa matapos akong kumain ay nakatayo lang malapit sa akin. "Baka puwedeng mag-extend ng thirty minutes? Ang laki ng tiyan ko para lumakad agad." Ngumiti naman si Nicolas. Kapogi talaga ng lalaki na 'to. "Hindi na tayo puwedeng magtagal pa rito. Baka makaharap mo na ang mas malalang version ni Sir Red." "Tsk... kahit bumuga pa siya ng apoy wala akong pake. Pero sige na nga!" Bumaba ako sa upuan na halos umahon ulit ang kinain ko sa sikmura dahil sa biglaang pagbagsak. Sino ba ang nakaisip ng ganitong design ng bangko? Lumakad kami ni Nicolas palabas ng kusina. Nahuhuli lang ako ng konti dahil masakit lumakad ng mabilis sa sobrang daming laman ng tiyan ko. Nang makarating na kami sa sala ay agad na tumayo si Belle. Naroon din si Red, nakatayo sa transparent na pader na kita ang labas. Kung makaharap naman siya sa malinaw na pader, akala mo naman nakikita niya yung labas. "Let's start!" nakangiting saad ni Belle. Ang ngiti ko na hindi na pataas hanggang tenga dahil hindi pa ako ready. "Unang lesson natin today ay Poise and Posture."Sienna POV Biglang lumapit ang driver ni Red na hingal na hingal dahil sa pagtakbo siguro nito palapit sa amin. "Sir, anong nangyari?" "Saan ka nagpunta? Biglang lumakad ang kotse kaya muntik ng bumangga sa halaman." "Pasensya na Sir. " Bumaling sa akin ang driver. "Sorry ma'am hindi ko alam na ganun ang mangyayari." Sincere naman ang paghingi ng tawad ng driver at halatang may takot din na makikita sa mukha lalo na sa boses niya. "I-check mo ang brake, baka may problema." Sumunod naman ang driver. Tiningnan niya lahat maging makina. "Walang problema sir. Nagkaroon siguro ng problema sa pagkaka-park ko sa puwesto na iyon na medyo mataas ang semento, kaya biglang lumakad ang kotse." Tiningnan ni Nicolas ang puwesto kung saan nakaparada kanina ang kotse. "Next time, i-check mong mabuti para hindi na maulit ang ganito." "Pasensya na talaga Sir, Ma'am." Bumuntong-hininga si Nicolas. "Iuwi mo na lang yung dala kong kotse, ako ng bahalang mag-drive pauwi sa kotse na
Sienna POV Tulala pa rin ako habang iniisip kung tama ba ang hinala ko. Hindi kasi masamang tao ang tingin nung lalaki. Parang mas may lungkot, pangungulila, at panghihinayang ang nakita ko sa mukha nung gwapong lalaki. Sa pag-iisip, hindi ko namalayan na bumalik na pala si Red. Sa tabi ko pala siya naupo ngayon hindi na sa passenger seat. "Kanina ka pa diyan?" Tanong ko. "Oo." "Bakit hindi pa tayo umaalis?" Dapat sinabih na na ni Red ang driver na magmaneho na at umalis, kahit pa nakatulala ako at pinaglalaban ang mga iniisip ko kung tama ba o mali ang mga hinala ko. Lumingon sa akin si Red. "Marunong ka bang magmaneho ng kotse?" Kumunot ang noo ko. "Hindi. Bakit mo naman sa akin natanong 'yan?!" Umiling-iling si Red at tinuro kung saan nakaupo ang driver. Pagtingin ko sa upuan ng driver ay walang tao. Kelan pa umalis ang driver ng hindi ko nararamdaman? "Kaya pala hindi sumasagot si Leonel dahil wala siya rito. Hindi ba sayo nagpaalam ang driver ko at hindi
Sienna POV Ayaw mo naman talaga akong makita kahit bumalik man ang paningin mo. "Tama na ang kwentuhan na ito. Bumalik ka na sa kwarto mo at matulog." Inayos ko na talaga ang sarili ko sa pagkakahiga. Kinumutan ko na rin ang sarili ko hanggang sa pinikit ko na ang mata ko. Hindi ko na hihintayin pang lumabas si Red bago ako matulog. --- KINABUKASAN... Dahan-dahan akong bumangon. Kumulo agad ang tiyan ko sa gutom. Tiningnan ko ang oras, at alas-sais pa lang naman ng umaga. Hindi ako late kaya walang isusumbat sa akin si Red, pero nagugutom na ako. Ilang araw na rin naman ang nakakalipas at naiinom ko naman ang gamot ko. Susubukan ko ng lumakad, kahit pahilahod yung kanan. Umupo ako sa gilid ng kama at binaba ang mga paa ko. Gutom na talaga ako. Ayokoo namang sumigaw para tawagin si Red, baka tulog pa. Kagat labi akong tumayo na ang bigat ay nasa kaliwa kong paa, pero napabalik din agad ako sa pagkakaupo dahil hindi pa talaga kaya. Matutukod ko rin ang kanan, dapat may
Sienna POV Ayaw mo naman talaga akong makita kahit bumalik man ang paningin mo. "Tama na ang kwentuhan na ito. Bumalik ka na sa kwarto mo at matulog." Inayos ko na talaga ang sarili ko sa pagkakahiga. Kinumutan ko na rin ang sarili ko hanggang sa pinikit ko na ang mata ko. Hindi ko na hihintayin pang lumabas si Red bago ako matulog. --- KINABUKASAN... Dahan-dahan akong bumangon. Kumulo agad ang tiyan ko sa gutom. Tiningnan ko ang oras, at alas-sais pa lang naman ng umaga. Hindi ako late kaya walang isusumbat sa akin si Red, pero nagugutom na ako. Ilang araw na rin naman ang nakakalipas at naiinom ko naman ang gamot ko. Susubukan ko ng lumakad, kahit pahilahod yung kanan. Umupo ako sa gilid ng kama at binaba ang mga paa ko. Gutom na talaga ako. Ayokoo namang sumigaw para tawagin si Red, baka tulog pa. Kagat labi akong tumayo na ang bigat ay nasa kaliwa kong paa, pero napabalik din agad ako sa pagkakaupo dahil hindi pa talaga kaya. Matutukod ko rin ang kanan, dapat may
Sienna POV "Goodnight." Naglakad paalis si Red at nanatiling nakatingin naman ako sa pinto kung saan lumabas si Red. Napunta ang tingin ko sa telepono kong nasa table. Kinuha ko iyon at nag-dial. Naghintay ako ng ilang minuto bago may sumagot. "Hello, Miranda." Sumagot naman sa kabilang linya si Miranda. "Sienna...Buti at napatawag ka. Ang tagal mo ring hindi tumawag sa akin." "Pasensya ka na Miranda. Naging busy kasi ako sa trabaho kaya hindi ako nakatawag. Kamusta na si nanay?" Unti-unting napakunot ang noo nang nawala ang boses ni Miranda sa kabilang linya. Tingnan ko ang screen ng telepono ko, hindi pa naman niya binababa ang tawag ko. "Miranda, nandiyan ka pa ba?" May ingay na parang kaluskos akong narinig sa kabilang linya, pero hindi pa ulit bumabalik ang boses ni Miranda. Baka may kinausap kaya iniwan muna ako sandal
Sienna POV "Goodnight." Naglakad paalis si Red at nanatiling nakatingin naman ako sa pinto kung saan lumabas si Red. Napunta ang tingin ko sa telepono kong nasa table. Kinuha ko iyon at nag-dial. Naghintay ako ng ilang minuto bago may sumagot. "Hello, Miranda." Sumagot naman sa kabilang linya si Miranda. "Sienna...Buti at napatawag ka. Ang tagal mo ring hindi tumawag sa akin." "Pasensya ka na Miranda. Naging busy kasi ako sa trabaho kaya hindi ako nakatawag. Kamusta na si nanay?" Unti-unting napakunot ang noo nang nawala ang boses ni Miranda sa kabilang linya. Tingnan ko ang screen ng telepono ko, hindi pa naman niya binababa ang tawag ko. "Miranda, nandiyan ka pa ba?" May ingay na parang kaluskos akong narinig sa kabilang linya, pero hindi pa ulit bumabalik ang boses ni Miranda. Baka may kinausap kaya iniwan muna ako sandal







