LOGINSienna POV
Mukhang madali ata 'yon. "Halika ka rito Ms. Sienna. Lesson 1 at 2 ang ituturo ko sayo ngayong araw." Lumakad naman ako para makarating sa gitna ng living room. Sa gitna mismo ng mga nakapaligid na upuan. Nagulat ako nang may bagay na humampas sa likod ko, hindi naman malakas pero dama ko. Tiningnan ko si Belle, seryoso na ito at hindi na nakangiti, mukhang strikto ito pagdating sa trabaho. "Kung tatayo ka Ms Sienna, maling-mali ang posture mo. Masyadong nakayuko ang ulo mo, at naka-bend payuko ang likod mo, kaya hindi magandang tingnan. Relax your body, tumayo ka ng tuwid, itaas mo ng bahagya ang ulo, at stomach in." Napakunot ang noo ko. Anong stomach in? Baka hindi ako makahinga pag ginawa ko 'yon. Ginawa ko rin dahil napatingin ako sa mukha ni Belle na masungit na hindi na soft. Lumulunok na lang ako ng laway habang iniipit ko ang tiyan ko. Ang dami ko pa namang kinain. Napansin ko naman si Nicolas sa hindi kalayuan na kung makailing habang tumatawa ng mahina ay mali ang ginagawa ko. "Hindi ibig sabihin na stomach in ay hindi ka na hihinga Ms. Sienna. Bahagya lang hindi mo paaatrasin ang tiyan mo ng sobra. Parang ang vibe lang ay pinapakita mo kung sino ka, iyon lang. Ayan ganyan, Yung dalawang kamay mo naman ay itaas mo sa tapat ng tiyan mo. Puwedeng nakababa, pero hindi masyadong nakababa ang balikat." Ang daming dapat gawin sa posture lang naman ng katawan. Hindi naman ako sasali ng pageant. Mga isang oras ata kaming nagtuturuan sa postura lang. Grabe pati paghawi ng buhok dapat dahan-dahan, daig ko pa robot. Pati paghikab dapat takpan ng kamay. Kung maghikab pa naman ako dapat kita ang ngala-nglaa ko. "Okay sunod naman ay kung paano ka tumingin sa isang tao. Minsan may ayaw tayong tao pero dapat kailangan mong itago ang expression na makakapagpa-offend sa kaharap mo. Try natin." Napansin ko na lumakad palapit sa amin si Red. Umupo ito sa isang upuan. Tinitigan ko siya habang nakatayo ako. Ang ganda talaga ng mata ng lalaki na 'to. Sayang talaga dahil hindi na nakakakita. Ano kaya ang tunay na dahilan kung bakit gusto niyang maghiganti sa ex nito na hindi pa alam ni Cassandra na hiwalay na sila. "Don't look at me like that," seryosong saad ni Red. Napaiwas naman ako ng tingin. "Ikaw ang ginagawa kong example sa kung paano tumingin sa isang tao." Lumingon ako kay Belle. "Ano? Tama ba ang ginawa ko. Hindi naman siguro nag-react ang mukha ko 'di ba?" Ngumiti pa ako ng malaki pero bigla ring nawala dahil umiling si Belle. "Actually. Habang Nakatitig ka kay Sir Red, ang daming emotion at expression ang nagpakita sa mukha mo which is hindi dapat." Poker face ata ang gusto ni Belle na maging reaction ko. Paano kung masaya ako, dapat ang expression ng mukha ko ay nagluluksa ganon ba. "Marami pa namang araw. Matututunan ko rin 'yon." Pumalakpak si Belle ng dalawang beses. "Tama! Kaya sa Lesson 2 na tayo, sa mga susunod na araw ay mas makukuha mo na ang tinuturo ko dahil step by step ay alam mo na ang gagawin. Guide na lang ako kung sakali na may makita akong hindi dapat makita sayo." Hinawakan ni Belle ang braso ko at hinila papunta sa harap ng mga kahon na nakahilera sa sahig. "Ano'yan?" "Sapatos." Naging korteng puso ata ang mata ko sa salitang "sapatos" mahilig ako sa sapatos, Lalo na yung iba-iba ang design. Ayoko ng plain lang at saka kung may heels man dapat one inch lang para hindi mahirap maglakad. Binuksan ni Belle ang isang box. Pero nawala ata ang korteng puso sa mata ko dahil sa itsura ng sapatos. Stilleto type, pero ang inch ng sapatos parang puwede ng armas pag may kinainisan akong tao. Sobrang taas ng takong, parang five inches ata. "Huwag mong sabihin na isusuot ko 'yan araw-araw?" Unti-unti akong lumayo at umiling. Hindi ko kaya ang gaanong kataas na heels! "Yes, and you don't have choice." "May choice ako. Hindi ko susuotin 'yan!" "Susuotin mo ito sa ayaw at sa gusto mo dahil parte ito ng ituturo ko sayo. Kung paano maglakad ng tama at maayos kahit ganito kataas ang heels ng sapatos mo." "Hindi ba puwedeng magsuot ng mas mababa diyan? Maayos akong maglakad pag ganon." "Iba ang tingin ng tao pag nakasuot ang isang babae ng sapatos na may heels. Mas eleganteng tingnan kaysa sa flat shoes." Ay wow. Kasiyahan pala ng iba ang inaaral ko ngayon, kaloka. "Suotin mo na 'to. Itong pinaka-mataas ang unahin mong isuot para masanay ka sa taas." Binaba ni Belle ang armas ay este yung sapatos sa harap ko. No choice na kaya sinuot ko kahit muntik na akong bumuwal, mabuti na lang at nakabalanse ako. Sumenyas ako kay Nicolas na lumapit dahil pinapapunta ako ni Belle sa dulo palapit ulit sa kanya. Magpapa-alalay muna ako papunta ro'n bago ako lumakad mag-isa palapit kay Belle. Habang si Red tamang kuyakoy lang ng paa sa gilid habang nakaupo. Nakarating kami sa dulo na may mga upuan sa gilid kung saan ako dadaan sa gitna. Ang pinagtataka ko lang ay kung bakit sobrang daming upuan na mahaba, ang dami bang bumibisita rito? Buong angkan ata ni Red sakto rito sa mga upuan na 'to sa dami. Tinapik ni Nicolas ang braso ko bago alisin ang kamay ko sa pagkakakapit sa braso niya. "Goodluck Ms. Sienna. Galingan mo para matuwa sayo si Sir." "Gagalingan ko talaga kahit hindi matuwa si Red sa akin." Tumaas ang dalawang kilay ni Nicolas. "Ingat ka." Lumayo na si Nicolas kaya tumayo na muna ako ng tuwid, habang si Belle ay seryosong nakatingin sa akin habang ang dalawang kamay ay nakahalukipkip. Parang ilang segundo lang ang pagngiti ng coach ko ngayon. Kaya mo 'to Sienna. Para sa ten million kakayanin mo ito! Fighting! Bumuga ako ng ilang beses ng hangin bago sinubukan na lumakad. Isang tapak pa lang pakiramdam ko bubuuwal ako, sobrang nipis ng heels. Sino ba ang designer ng sapatos na 'to? Mag-uusap lang kami para dagdagan niya ng konti ang kapal ng heels. Lumakad ako ulit pero hindi diretso. Papunta na sa pag-upo itong ginagawa ko. Lumapit na si Belle at siguradong sermon ang aabutin ko. "Alam mong hindi tama 'yan Ms. Sienna. Tumayo ka diyan at lumakad ulit. Hindi pa 'yan ang pinaka-mahirap dahil mas mahirap ang gagawin mo mamaya." "Ha?! Ano pang mas mahirap?" kunot na kunot ang noo ko. Lumingon si Belle sa table na nasa pagitan ng dalawang upuan. May nakapatong na mga libro doon. "Yung mga libro na iyon ay ipapatong sa ulo mo. Habang naglakad ka ng naka-heels dapat walang malaglag, dapat straight body at 'yang ulo mo dapat hindi magalaw at straight lang ang tingin. Nakikita mo naman 'tong hawak ko. Bawat libro na malaglag tatama sayo ito." Napangiwi ako. Ang sakit kayang tumama ng hawak ni Belle. Kanina lang kahit magaan ang pagtapik no'n sa likod ko, damang-dama ko na. Paano pa kaya kung sa balat ko na mismo? Grabe, sulit na sulit ang bayad sa akin ni Red dahil sulit na sulit din ang pag-aaral at sakit na mararamdaman ko sa lesson na 'to. "Madali lang 'yan.Bakit hindi mo magawa ng maayos," biglang saad ni Red.Red POVPagkarating ko sa living room. "Nagawa ko na." "Mabuti " Napailing ako. Kung hindi ko lang kailangan ng tulong ni Sienna, hinding-hindi ako magsasabi ng sorry. Hindi na ako makakahanap pa ng babae na katulad niya, bukod tanging siya lang ang nakapasa sa gusto kong ugali ng babae. Sa lahat ng sinubukang iharap sa akin ni Nicolas, si Sienna lang ang hindi nabighani sa itsura at kayamanan ko. "Kahit ilatag mo pa sa harap niya ang pinagmamalaki mong pera Sir Red, hinding-hindi siya magpapatalo sa kahit sino. Nabanggit niya iyon sir kaya kahit mahirap, ikaw ang dapat magpakumbaba." "Ito na ang huli. Ayokong maulit na ako ang lalapit para humingi ng tawad." "Kahit ikaw pa ang nanguna?" Seryoso akong lumingon sa kanan, doon ko mas naririnig ang boses ni Nicolas. Si Sienna ay magpapanggap lamang bilang girlfriend ko, at ayokong mapalapit siya sa akin ng todo. Magpanggap lang sa harap ng tao, pagkatapos ay kanya-kanya na kami ulit, ganon lang. "Kahit ako pa ang nauna." Sig
Sienna POVUmiling ako. "Pag nagalit ako, buong araw na 'yon. Hangga't nakikita ko ang taong nagpagalit sa akin hindi matatapos ang galit ko at baka makapagsalita pa ako ng hindi maganda. Titiisin ko na lang na hindi kumain." Humarap ako kay Nicolas. "Punta muna ako sa kwarto ko. Kumakain pa naman si Belle. Babalik na lang ako mamaya pag tapos na siya."Hindi ko mabasa ang expression sa mukha ni Nicolas, pero maliit na ngumiti naman ito bago ako tuluyang lumakad.--- Pag dating sa kwarto. Kinuha ko agad yung unan at pinagsusuntok hanggang sa mapagod ako. Hinihingal na umupo ako sa sahig. Ayokong mahiga sa malinis na bedsheet dahil sobrang pawis at baka kumapit pa sa unan at kumot. Bumuntong-hininga ako at tumingin sa kawalan. Sa bar sobrang bait ng amo ko, dito naman mayaman nga ang sama naman ng ugali. Pumaling ang ulo ko ng ilang segundo bago ngumiti ng malaki dahil may biscuit nga pala sa bulsa ng short kong suot kagabi. Hinanap ko ang short sa basket na nasa tabi ng pinto ng
Sienna POV Napa-awang ang bibig ko sa sinabi ni Red. Parang sinasabi niyang madali lang ang ginagawa ko kahit hindi naman talaga. "Anong sabi mo?" may kaseryosohan kong tanong. Lumapit ako sa kanya at huminto sa harap niya mismo. "Pakiulit nga." Tumingala siya. Alam na alam na talaga ni Red kung nasaan ang presensya ng tao kahit hindi niya nakikita. "Ang sabi ko. Madali lang naman ang pinapagawa sayo ni Belle. Bakit Hindi mo magawa agad?" Napakagat ako sa labi ng madiin. Naiinis ako sa lalaking 'to, at kailangan ko munang kumalma sa pamamagitan ng pagkat sa labi ko. "Kung madali pala. Gawin mo nga. Palit muna tayo ng sitwasyon, ako ang uupo diyan, at ikaw ang magsusuot ng stilleto na 'to at maglalakad ng diretso. Tingnan ko kung masabi mo pa ang salitang "madali lang." Seryoso kong saad. Tumaas naman ang dalawang kilay ni Red. "Bakit ko gagawin? Kaya ko nga pinadala rito si Belle para ikaw ang matuto, hindi ako." "Aba't..." Napapikit ako at konting-konti na lang. Si Belle at
Sienna POVMukhang madali ata 'yon. "Halika ka rito Ms. Sienna. Lesson 1 at 2 ang ituturo ko sayo ngayong araw." Lumakad naman ako para makarating sa gitna ng living room. Sa gitna mismo ng mga nakapaligid na upuan. Nagulat ako nang may bagay na humampas sa likod ko, hindi naman malakas pero dama ko. Tiningnan ko si Belle, seryoso na ito at hindi na nakangiti, mukhang strikto ito pagdating sa trabaho. "Kung tatayo ka Ms Sienna, maling-mali ang posture mo. Masyadong nakayuko ang ulo mo, at naka-bend payuko ang likod mo, kaya hindi magandang tingnan. Relax your body, tumayo ka ng tuwid, itaas mo ng bahagya ang ulo, at stomach in." Napakunot ang noo ko. Anong stomach in? Baka hindi ako makahinga pag ginawa ko 'yon. Ginawa ko rin dahil napatingin ako sa mukha ni Belle na masungit na hindi na soft. Lumulunok na lang ako ng laway habang iniipit ko ang tiyan ko. Ang dami ko pa namang kinain. Napansin ko naman si Nicolas sa hindi kalayuan na kung makailing habang tumatawa ng mahina ay
Sienna POVPalagay ko pagkatapos kong kumain matindi ang ipapagawa niya sa akin. Kakausapin niya si Belle na pahirapan ako. Pinaningkitan ko siya ng mata. Sa kabila ng seryoso niyang mukha siguradong may tinatago siyang plano para gantihan ako sa ginawa ko sa kanya kanina. Masuwerte nga siya dahil naamoy niya ang morning breath ko. Bigla na lang may tumulak sa akin na muntik na akong sumubsob sa sahig. Inis akong lumingon kay Nicolas na may alanganin na ngiti. Pinanlisikan ko siya ng mata. "Bakit mo ba ako tinulak?!" "Kanina ka pa tinatawag ni Sir. Dahil siguro wala pang laman nag tiyan mo kaya lumilipad ang isip mo." "Kahit ikaw man Nicolas siguradong parang mababaliw ka na kung wala ka pang kain." Tumingin ako kay Red. Nakaupo naman ito paharap sa kanila kaya kitang-kita ko ang mukha niya. "Ano ba 'yon? Pakiulit ang sinabi mo hindi umabot sa tenga ko." Napailing naman si Red ng dahan-dahan. "May balak talaga ako sayo, ang matuto ka kaagad sa ituturo sayo ni Belle." "Kayang-k
Sienna POV"Ano ka ba naman katutulog ko lang, tapos ganitong oras mo ako gigisingin?! Puwede bang mamayang tanghali na lang ang gagawin ko na 'yon? Pati na rin yung pagkain ko mamaya na lang din," pagrereklamo ko. Hindi ganitong oras ako nagigising, kaya hindi pa sanay ang katawan ko."I'm sorry ma'am. Utos ni sir na tawagin ka na."Napairap ako. "Hayaan mo siya. Mamaya na lang ako lalabas!" Humiga ako ulit. Walang makakapigil sa akin kahit sino kung gusto kong matulog, kahit si Red pa na amo ko ngayon, at kahit babayaran niya ako ng malaking halaga. Tao rin ako na inaantok dahil maaga pa! Pumikit ako at hinintay na lumalim ang tulog ko, pero isang ingay na naman ang kumalat sa buong kwarto na mas doble pa kanina. Ang kulit naman ng butler ni Red."Sinabi ko na 'di ba, mamaya na lang—" Natigilan ako sa pagsasalita dahil hindi na si Nicolas ang may hawak ng megaphone, si Red na may mukhang inis na naman dahil sa kanya."Pinapaalala ko lang sayo Miss Sienna. Ako ang masusunod sa lahat







