Share

Chapter 18 [Missing Arc]: Where Art Thou? pt. 2

"Uy narinig n'yo ba?" May halong pananakot ang tanong ni Loraine. "May multo raw dito sa John Venice Building!"

"E-Eh?" Pautal na sabi ni Desiree na animo'y natatakot sa kanyang narinig. Ibinaba niya ang kinakain niyang sandwich at unti-unti siyang dumikit sa akin.

Jusko, anak, nasa Cafeteria tayo, may mga tao pa sa paligid kaya hindi mo kailangan matakot!

Si Charmaine naman ang sumunod na nagsalita. "Ah oo, alam ko iyan. Kapag sumasapit daw ang alas nuwebe ng gabi, may biglaan silang maririnig na sigaw."

"Oo," sabi ni Loraine. "Sabi nila, iyon daw ang kaluluwa ni Cassandra nung nahulog siya sa John Venice Building last year."

Sasawsaw sana ako sa usapan upang pagalitan sila, pero si Irma na ang gumawa no'n para sa akin.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status