Share

The Ardent Husband - Chapter 7

The Ardent Husband - Chapter 7

Nagpumilit siyang umuwi nung gabing iyon. At kaya lang pumayag si Robert ay dahil sa pangako niya na sa susunod ay hindi na uli uuwi dahil lilipat na siya para manirahan sa townhouse.

Ipinahayag niya ang desisyon nung kumakain na sila ng masarap na hapunang niluto niya habang nanonood ang lalaki.

"Kailangan kong magpaalam kay Inay, Robert. Ayaw kong mag-alala ang pamilya ko," wika niya.

May bumadhang pagkabigla sa mukha ng lalaki. "Sasabihin mo sa kanila ang tungkol sa atin?" tanong agad nito.

Maliksi siyang umiling kahit na medyo humahapdi na ang kalooban. Ayaw niyang lokohin ang sariling pamilya pero wala siyang opsyon.

"Uhm, magsasabi ako na magbabakasyon sa bahay ng ilang kaibigan," paliwanag niya. "Papayag naman sila."

"Good." Tumangu-tango ang lalaki at muling nagpatuloy sa pagkain. "Ang sarap mo talagang magluto, Honey. Parang may ginagamit kang magi

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status