Home / Romance / The Boss and His Secretary / Kabanata 16 [Kontrata]

Share

Kabanata 16 [Kontrata]

Author: Dwendina
last update Last Updated: 2025-10-09 23:08:00
Napatayo ako. Ilang saglit pa'y lumapit kay William ang isa niyang tauhan at iniabot ang isang folder. May katanungang agad na pumasok sa utak ko.

“Siya nga pala, personal ko nang iniaabot sa iyo ito,” saad niya sa ‘kin habang ako'y nakatitig sa kaniyang kamay.

“Ano ‘to?” agad ko namang tanong habang binubuklat iyon.

“Forgot about the proposal? Basahin mo at nang malaman mo,” tugon niya.

Huminga ako nang malalim. Sabay tingin sa malalaking letrang nakasulat doon.

“Lagdaan mo na, para opisyal ka nang maging Mrs. Cervantes. Sa likod niyan, ang kabuuang halagang pinag-usapan natin na matatanggap mo sa loob ng ilang araw.”

Muli akong napahugot nang malalim na hininga. Tinitigan ko siya nang ilang segundo bago ako kumuha ng ballpen sa mesa. At walang pagdadalawang-isip na pinirmahan agad ang mga kasunduan. Kahit pa labag sa kalooban ko, inisip ko na lamang na may magandang epekto iyon sa akin at sa pamilya ko. Ibinalik ko agad sa kaniya ang folder ngunit hindi niya ito tinangga
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Boss and His Secretary    Kabanata 86 [Eskandalo]

    “Long time no see…” Sa kanila napagawi ng tingin ang mga Smith at Cervantes.She cleared her throat. “Oh, hi.. do I know you?” Natigilan ito. “H-Hindi mo ako naaalala?”Marahan siyang umiling. Nahuli ni Trisha ang pagkunot-noo ni William at ang pasimpleng pagtingin nang masama kay Rex.“Well.. baka maalala na kita kapag nagkausap tayo ng matagal. Excuse us.” Nginitian niya ito at inaya si Rex, distansya mula sa mga bisita. Napasunod na lamang ng tingin ang lahat sa kanila. Narinig niya ang pagtikhim ng lalaki.“Hindi mo talaga ako naaalala? Ibig bang sabihin mayroon kang–”“Palabas lang iyon,” putol niya rito.Nagtaka ito. “Ano? Bakit?” Huminga siya nang malalim nang ilapag ang hawak na wine glass.“It’s a long story. Gusto ko muna silang iwasan ‘cause I want peace,” diretsa niyang sagot.“I'm sorry.”“It's okay.. ikaw pa lang naman ang nakakaalam.”“So, how you doin' now?”Napasinghap muna siya bago muling kumuha ng another glass. “Ayos lang, naninibago sa lahat ng bagay.”“Nagul

  • The Boss and His Secretary    Kabanata 85 [Muling Paghaharap]

    Kita sa mga mata ni William na pursigido pa rin itong makausap siya. Titig na titig ito sa kaniya na halatang humanga sa pisikal niyang anyo na napakalaki ng ipinagbago. Naalala niya ang dati niyang katauhan bilang isang hamak na Trisha noon na dating inaalipusta lamang dahil sa kahirapan. Ngayon, malayo na siya sa kung paano siya kumilos at mamuhay noon. Talagang nakapagpapabago ng pagkatao ang pera. Kung no’ng una’y ayaw niyang ibahin ang kaniyang sarili, ngunit ngayon ay napag-isip-isip niya rin sa huli. Kailangan niyang gamitin ang kung anong meron siya para paunlarin ang sarili. Sa tingin niya'y wala namang mawawala kung susubukan niyang ayusin ang kaniyang sarili at kilalanin ang totoong siya.Tunay na marami ang nabibili ng pera, ngunit, mayroong isang bagay ang hindi nito kayang bilhin–ang puso niya, kung paano ito tumitibok at kung kanino ito tunay na umiibig. Kahit anong gawing iwas niya ay para pa siyang tinutulak nito palapit sa taong gusto niyang layuan at kalimutan.

  • The Boss and His Secretary    Kabanata 84 [Selebrasyon]

    Maagang nagtungo si William sa Del Fuego Luxury Hotel. Sinuri niya ang buong paligid, makita lamang si Trisha. Alam niyang nagtatrabaho ito sa high-profile family na kasalukuyang number one investor ng kanilang korporasyong Aveedra, ang Del Fuego Empire. Pasimple siyang naglakad-lakad. Puno ng magaganda at nagkikinangang palamuti ang paligid. Kapansin-pansin din ang naglalakihang crystalized chandelier. Ang Del Fuego ang may pinakamarangyang mga Hotel sa buong Pilipinas. Huminga siya nang malalim. Iniisip kung saan mahahanap ang kaniyang asawa. Gusto niya itong makausap hangga't hindi pa nagsisimula ang okasyon. Kumuha siya ng isang baso ng alak. “Hi…” Napalingon si William sa dalagang nakatayo. Sa tingin niya ay mas bata ito sa kaniya nang ilang taon. Maganda ito at mukhang mayaman, kaso mukhang liberated. Hindi nalalayo sa mga babaeng humahabol sa kaniya. “Kilala kita, the only heir of Aveedra,” saad nito sa mapang-akit na boses. Bahagya lang siyang ngumiti. Walang balak

  • The Boss and His Secretary    Kabanata 83 [Appointment]

    Ilang minuto pang nanatili si William sa labas ng establisyemento, hinihintay ang paglabas ni Trisha. Nakapamulsa siya habang nakasandal sa kaniyang sasakyan. Ayaw niyang maniwala sa sarili na hindi siya nito naaalala. Gusto niyang malaman ang katotohanan sa likod ng dalawang linggong pagkawala ng asawa. Kahit man sa tingin niya'y malaki ang ipinagbago nito ngayon sa pisikal na anyo. Ito pa rin ang Trisha na kaniyang kilala. Ang kaisa-isang babaeng inalalayan niya ng kaniyang buhay. Ang mamahalin niya hanggang sa wakas. Malaki ang epekto sa kaniya ng pagkawala ni Trisha. At hindi siya papayag na tuluyang itong mawalay sa kaniya. Gagawin niya ang lahat bumalik lamang ito sa kaniya. Hindi nga nagtagal at lumabas din ito agad. Patakbo niya itong nilapitan. “Babe… can we talk?” umaaasang saad niya. Huminto ito at marahang napaismid. “I am busy.” Humarang siya sa pintuan ng kotse. “Please, kahit isang minuto lang..” Napatingin siya sa isang tauhan na palapit sana sa kaniya para

  • The Boss and His Secretary    Kabanata 82 [Muling Pagkikita]

    Si Joe na driver niya ang kasalukuyang nagmamaneho ng sasakyan patungong building nang biglang sumulpot ang itim na sasakyan at mag-overtake ito. Muntikan pa silang maaksidente sa ginawa ng driver ng kotse. “Stick to him. Huwag mo siyang hayaang makalayo!” maawtoridad niyang saad. Kuyom ang kamaong pabagsak niyang ipinatong iyon. Uminit lalo ang ulo ni William nang hindi ito nagpaubaya sa daan. Para itong may-ari ng highway. Nagpatuloy sila sa pag-uunahan at pag-aagawan ng lane nang huminto sa may establisyemento ang itim na kotse. Imbes na sa building ang tungo niya ay roon sila napunta dahil sa sasakyang iyon. “Dito ka lang, ako na ang haharap sa bwisit na driver’ng iyan!” kumukulo ang dugong saad niya. Hindi siya nagsayang ng oras at kaagad nang bumaba. Galit na pahampas na kinatok ang bintana ng kotse. “Lumabas ka riyan! Ang mga katulad mo ay dapat na–” nahinto siya sa pagsasalita nang bumaba ang naka-shade na babaeng may magandang hubog ng katawan. Naka-floral dress

  • The Boss and His Secretary    Kabanata 81 [Pagpapabaya]

    Kalahating buwan na ang lumipas pero hindi pa rin natatagpuan si Trisha. Maging ang kapatid at lola ng asawa ay wala na roon sa bahay na binili niya para rito. Duda ni William na may kinalaman ang pamilya Smith sa pagkawala ng mga ito. Si Angelina naman ay malayang nakapamamasyal pa rin sa kung saan. Hindi ito nakulong dahil hindi sapat ang katibayan upang iturong salarin ang dating fiancée. Sina Thea at Joe ay nagising na at bumalik nang muli sa trabaho. Wala namang maituro ang mga ito dahil hindi nila namukhaan ang mga armadong namaril sa kanila. Naging malaking katanungan pa rin ang mga pangyayari. Ang agent ay hindi tumigil sa pagti-trace sa mga ito kung nasaan na ang kaniyang asawa at ang pamilya nito. Hindi alam ni William kung saan hahanapin ang tatlo. Ilang mga tauhan na ang naghahanap sa kanila pero wala pa ring maibigay na magandang balita. Ang dalawang katulong naman na nasa bahay ay kasamang nawala. Masasabi niyang napakahusay talaga ng sindikato. Buong pamilya at magin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status