“Now, that I'm your boss. Susundin mo ang lahat ng ipag-uutos ko bilang personal secretary ko. Or else..” Mariin akong napapikit, nang tuluyang maramdaman ang init ng kaniyang hininga sa pagitan ng aking leeg at tenga. Nakumos ko ang laylayan ng suot kong maiksing palda. Naglaro sa aking diwa ang maaaring mangyari sa pagitan naming dalawa ni William. Sa loob mismo ng opisinang iyon. Lumakas ang tibok ng aking puso, dumadagundong iyon na halos marinig ko na.“I have an offer.” Mabilis kong iminulat ang aking mga mata nang maramdamang lumayo ang kaniyang boses. Ang bilis niyang nakabalik ng upo sa kaniyang silya.“I need you, to be my contract wife..” anas niya nang mapanukso akong titigan.“Ano?” kunut-noo kong tanong.“You heard it, right,” walang emosyon niyang tugon. Napataas ang isa kong kilay kasabay nang pagkrus ng aking mga braso. “Excuse me, William. I mean, boss, pero, look. Pumasok ako bilang secretary mo para lang sa trabahong ito. Pero kung may balak kang abusuhin ako o
Terakhir Diperbarui : 2025-09-14 Baca selengkapnya