INICIAR SESIÓNNapangiti siya. “Subalit, hindi ho gano’n kadali ang–” naudlot ang mga sasabihin niya nang sumabat si Don Marianno.“Please, hija.” Lumapit ito. “Na-realize namin ang mga maling nagawa namin noon. Kaya't ngayon, bumabawi kami. Nais namin na magsama na kayo ni William upang maging isa nang tunay na pamilya. Bukas ang mansyon para sa iyo. Nangako rin ako sa anak ko na kapag natagpuan na niya ang nararapat na babae para sa kaniya at kapag nabigyan na niya kami ng apo. Ililipat ko na sa kaniyang pangalan ang lahat ng mamanahin niya sa aming angkan. Aariin niya ang buong properties meron ang pamilya Cervantes.” Hindi siya nakaimik. Nakangiting lumapit sa kaniya si William at marahang hinagod ang kaniyang braso.“Papá, grandma.” Baling nito sa dalawa. “Huwag naman po ninyong pressure-rin masyado ang manugang ninyo.” Napayuko siya kasabay niyon ang lihim na paglunok. Hindi siya nakapaghanda.“I'm sorry, hija. Ang gusto lang kasi namin ay maging pormal ang lahat sa inyo. Ayaw namin na hang
Kumibot ang bibig ni Genevieve sa narinig.Nahuli pa ni Trisha ang pagtikhim ng kaniyang ina. “Paniguradong gulo ito sa business empire. Parehong makapangyarihan ang dalawang angkan na iyon. Mahirap na hamon ng pagsubok ang kinakaharap nila.” Nahuli niya ang demonyitang ngiti ni Genevieve sa sinabi ng ina.“Naospital si señora at kailangang bisitahin,” wika ni Genevieve na ikinaiba nito ng awra. Namuo sa mukha nito ang pagkukunwaring pagmamalasakit nito sa matanda. “I’ll drop by at the hospital bago ako tutungo sa event.” Huminga siya nang malalim. Magsasalita pa sana si Trisha nang muli niya itong marinig.“After all, na-meet ko rin naman na sila minsan sa isang event. Sure akong kilala na nila ako.” Napabuntong-hininga na lamang siya. Samantala, nakasimangot naman na inirapan siya ni Genevieve at kasabay niyon ang pagtalikod sa kanila. Nang mawala na sa paningin niya ang kinikilalang kapatid. Lumapit sa kaniya ang kaniyang ama.“Ayokong mangyari ulit ang ganoong eksena sa pagit
“What's wrong, hija?” bungad rito ng kaniyang ina habang pinagsasalitan ng tingin ang dalawa.Napatingin sa kaniya si Genevieve na nag-aapoy sa galit ang mukha.“Ito kasing payatot na katulong na ‘to.” Nang-uuyam na duro ng babae sa nakayukong maid. “Hindi tumitingin sa dinaraanan niya!” Ibinaling niya ang tingin sa nakayukong katulong na halos hindi makatingin sa kanila. “S-Sorry, ma'am, hindi ko po talaga sinasadya. S-Si Ma'am Genevieve po ang–” “At talagang may kakayahan ka pang baliktarin ang sitwasyon, ano?” putol ni Genevieve rito. “Ako pa itong may kasalanan? What a useless and narrow-minded maid..”“Sige na, tama na ‘yan.” Pag-awat ng kaniyang ina. “Lorna, sige na. Kumuha ka ulit ng panibagong juice at ipasok mo agad rito sa office.”“What?!” Hindi makapaniwalang bulalas ni Genevieve kasabay ng pagdilim nito ng mukha. “Ganun-gano’n na lang iyon? She should be fire. Hindi n'yo ba nakita ang damit ko? Ito pa naman ang isusuot ko sa fashion event mamaya. Sinira pa ng walang kwe
“Anak..” Napatingin si Trisha sa ama na hinahagod ang braso’t balikat ng kaniyang ina. Bagsak ang mga balikat nito’t malungkot ang mukha. Hindi siya nagsalita, bagkus ay naghintay pa ng mga idaragdag pa ng mga magulang. Lumingon siya sa kaniyang ina nang hakupin nito ang kaniyang mga palad at tingnan siya nang may kalungkutan sa mga mata.“Hindi lang business trip ang pinuntahan namin sa Singapore, anak, hija.” Sinulyapan muna nito ang kaniyang ama bago naluluhang muling tumingin sa kaniya. “A-Ang… lola mo.” Bahagya pa itong yumuko. “Tuluyan na niya tayong nilisan.” Natigilan siya. Nagtatanong ang mga matang tinitigan niya ang ina.“Oo, anak, patay na ang lola mo. Wala na siya, iniwan na niya tayo...” muli pa nitong dagdag na hindi na napigilan ang sarili na mapahikbi sa kaniyang harapan. Nakaramdam siya ng lungkot at pagkahabag sa mga magulang. Kahit hindi niya pa nakikita nang personal ang lola niya, nalulungkot pa rin siya para rito. Alam niya ang pakiramdam nang mawalan ng mina
Matapos magpaalam kay William sa telepono, kaagad siyang bumangon at nagtungo sa banyo. Naghilamos siya roon sa may lababo. Naalala niyang ngayon nga pala ang araw ng pagdating ng kaniyang mga magulang mula sa business trip ng mga ito sa Singapore. Napatitig siya sa sarili niyang repleksyon sa salamin. Marahan siyang napahaplos sa kaniyang pisngi. Tipid siyang ngumiti at pagkatapos ay bumuntong hininga. Ilang sandali pa'y gumapang ang paningin niya patungo sa kaniyang sariling katawan. Huminto ang mata niya sa flat niyang tiyan. Nalungkot siyang bigla nang maalala ang nasayang na buhay sa kaniyang sinapupunan nang haplusin niya ang tiyan.‘I wish you're still there. Masaya sana siguro ako ngayon..’ Hindi naiwasan ni Trisha ang pagtulo ng isang butil ng luha.“I'm sorry, anak.. hindi ka naprotektahan ng mama..” nalulungkot niya pang dagdag. Mabilis niyang pinunasan ang namamasang pisngi at ang ilong na nagsisimula nang mamula. Pinilit niyang ngumiti, ngunit kasing pait iyon ng kaniy
Hindi makatulog si Trisha nang gabing iyon. Naglalaro pa rin sa kaniyang isipan ang gunita ng biglaang pangyayari kanina sa restaurant.“Ano, magsasabi ka ba ng totoo o ipalilibing kita ng buhay?!” bulyaw ni William sa manager ng restaurant. Inip at pagkaubos ng pasensya ang mababakas sa namumulang mukha ng asawa habang nakatitig nang masama sa lalaki. “S-Sir… w-wala ho talaga akong alam diyan. Maniwala ho kayo, na-naghahanapbuhay lamang po ako ng marangal.” Gumagaral na ang boses ng lalaki sa takot habang hindi makatingin kay William na anumang oras ay sasabog na sa galit. Ang dalawang kamay nito ay nakataas sa ere at hindi gumagalaw. Napasinghap si William. Sa tingin ni Trisha’y, mukhang nagsasabi naman ng totoo ang lalaki. Nagkasalubong ang mga mata nila ni William. Umiigting ang panga nito at ang mga mata'y naglalagablab sa galit. Hindi maipinta ang mukha.“Sir, nakuha na namin ang footage,” anang security personnel na patakbong lumapit sa kanila. “Isa hong babae ang nakita na







