Share

CHAPTER 4

ZOE's POV

Pagkatapos kong mag bihis ay agad din kaming umalis upang pumasok sa trabaho. Dumiretso si madam sa opisina nya, habang ako naman ay dumiretso sa pwesto ko.

"Zoe.. mukhang napapadalas ang pagiging late mo.. Baka malaman ni madam yan.. Ayaw pa naman nya ng nale-late sa trabaho.." sabi ni HR sakin na tila inabangan ang pagdating ko upang bigyan ako ng babala. Gusto ko sanang sabihin na dahil rin naman kay madam kung bakit ako late pumasok ngayon. Pero shempre hindi ko pwedeng gawin yon lalo na't nagtiwala sya sakin.

"Pasensya na po, hindi na po mauulit.." sabi ko kay HR kaya naman umalis na rin ito agad.

Pagkaalis ni HR ay agad namang lumapit sakin si madam habang nakatitig ng matalim sa mga mata ko. Kung nakakamatay lang talaga ang titig, first day ko pa lang sa trabaho ay siguradong pinaglalamayan na ako.

"May kailangan po kayo madam?" Tanong ko sa kanya.

"Anong schedule ko ngayon?" Tanong nya sakin na para bang hindi nya alam kung ano ang schedule nya. Psh!

"From morning to afternoon po ba?" Tanong ko sa kanya.

"Nevermind.. Cancel all my appointments this afternoon. May importante akong pupuntahan.." sabi nya sakin saka sya umalis at pumasok sa opisina nya na para bang okay lang ang ginawa nya. Psh! Palibhasa hindi sya ang naghirap makipag usap sa mga clients..

Hinabol ko sya hanggang sa loob ng opisina nya dahil gusto kong malaman nya na ang hirap magpa-appointment sa mga clients namin this afternoon tapos icacancel nya lang ng ganun kabilis..

"Sir, I can't cancel all of your appointments this afternoon." Sabi ko sa kanya habang hinahabol ang aking hininga.

"Why?" Tanong nya sakin na para bang hindi nya man lang pinag isipan ang ginawa nyang desisyon.

"Anong why? Ikaw na po mismo ang nagsabi sakin na napakahalaga ng mga taong to sa kumpanya natin..  Kaya ginawa ko po ang lahat para magkaroon kayo ng appointment sa kanila..      Binitawan nila ang appointment nila with Mr. Jackson, para po sa atin.. Hindi po tayo pwedeng  basta basta mag cancel ng appointment madam.." Nag aalalang katwiran ko sa kanya.

"Ah ganun ba? Okay. Thank you for reminding me.." sabi nya sakin saka sya naupo sa kanyang upuan. Seryoso ba sya? So ibig sabihin, nagdedesisyon talaga sya nang hindi nag iisip? Psh!

Palabas na sana ako sa opisina nya nang bigla nya akong tinawag. Kaya naman agad akong lumapit sa kanya.

"May kailangan po kayo madam?" Tanong ko.

"Maupo ka.." sabi nya sakin saka itinuro ang upuan sa harap nya. Agad naman akong naupo kahit hindi ko alam ang dahilan kung anong dahilan nya.

"About last night... May nasabi ba ako sayo?" Tanong nya sakin.

"Nasabi na ano po?" Tanong ko sa kanya. Sa sobrang dami ng sinabi nya ay hindi ko alam kung alin doon ang tinutukoy nya.

"Im drunk, of course hindi ko alam kung ano ang sinabi ko. That's why im asking you.." seryosong sagot nya sakin..

"Marami po kayong naikwento sakin.. Isa na po yung tungkol sa daddy nyo, pati na rin po sa ex girlfriend nyo na niloko po kayo." Sagot ko sa kanya na ikinalaki naman ng mata nya.

"Talaga?? Sinabi oo yon???" Tanong nya na tila hindi makapaniwala sa narinig nya.

"Yes madam.. Umiiyak pa nga po kayo habang nagku-kwento sakin.. Kaya nga po medyo naiyak rin ako, kasi napakalungkot ng buhay mo.." sabi ko sa kanya.

"Siguruhin mong hindi yun makakalabas.. kung ayaw mong mawalan ng trabaho.." seryosong sabi nya sakin.

"Yes madam.. Wala po kayong dapat ipag alala dahil wala po akong pagsasabihan na kahit na sino.. Ayaw ko pong mawalan ng trabaho.. Shempre, baka mas lalong lumungkot ang buhay ko kapag di mo na ako makita.." nakangiting biro ko sa kanya kaya naman napangiti rin sya sa sinabi ko. Pero dahil sa pagkagulat ko ay agad kong pinuna ang pag ngiti nya, kaya naman agad rin syang sumimangot.

"Okay lang ngumiti, I mean.. mas okay kung nakangiti ka.." nakangiting sabi ko sa kanya nang makita ko na bigla syang sumimangot pagkatapos kong punahin ang ngiti nya

"Pinipigilan kong ngumiti dahil ayokong mahulog ka.." seryosong sabi nya sakin. Hindi ko tuloy alam kung seryoso sya sa sinasabi nya o nagbibiro lang sya. Di ko tuloy alam kung tatawa ako o kikiligin.

"Bakit ka ngumingiti?" Tanong nya nang makita nya akong nakangiti.

Haaay! Zoe.. Nakakahiya ka.. Bakit ka ba ngumingiti sa mga ganung hirit nya??? Babae ka.. Babae kayo pareho.. Hindi mo dapat nararamdaman yan Zoe.. Mali yan..

"Wala lang, ang cute mo po kasi mag joke madam.. Wala na po ba kayong kailangan? Lalabas na po sana ako.." nakangiti kong sagot sa kanya.

"Ahm.. wait.." sabi nya nang mag simula na akong tumalikod para lumabas ng opisina nya.

Agad ko syang nilingon nang marinig ko syang nag salita.

"Ahm.. Let's have coffee?" Sabi nya sakin na ikinagulat ko. Ano daw? Inaaya nya akong mag coffee??? What for???

"I mean.. let's have coffee.. while in the meeting.." putol putol nyang sagot dahil tila kinakabahan sya sa sinasabi nya.

"Meeting??" Ulit ko.

"Yes.. lets have coffee while we're in a meeting.." sabi nya sakin. Bakit parang bigla akong na-disappoint nung sinabi nya na sa meeting kami magkakape?? Ano bang ineexpect ko?? Psh! Bakit parang biglang may nag iba sakin mula kagabi?? Haaay! Nababaliw na ba ako??

"Oh bakit nawala yung ngiti mo?" Tanong nya sakin.

"Ah... Wala po madam.." nakangiti kong sabi sa kanya.

"Are you expecting something else?" Tanong nya sakin na para bang alam nya ang nasa isip ko.

"Wala po... Wala po akong ibang ineexpect.." nakangiti kong sagot sa kanya.

"Okay.. Mabuti na yung malinaw.." sabi nya sakin. Psh! Malinaw ang alin? Sya lang naman tong hindi malinaw sa mga pinahihiwatig nya.

"Kung wala na po kayong kailangan, lalabas na po ako.." nakangiti kong sabi saka ako lumabas ng opisina nya.

ELLIAH's POV

Ano ba tong nararamdaman ko? Ilang araw pa lang naman syang nagtatrabaho sakin. Pero bakit kuhang kuha nya agad ako?

Sinubukan ko syang ayain mag kape pero biglang umurong ang dila ko nang makita ko ang reaksyon nya. Napilitan tuloy akong gawing dahilan ang meeting para lang makasama syang mag kape.

Maya-maya pagkatapos kong ayusin ang mga documents ko, lumabas ako ng opisina upang ayain sanang kumain si Zoe.. Pero nadis-appoint ako sa nakita ko.

Nagtatawanan si Zoe at Roy sa mismong pwesto ni Zoe. Kahit na hindi ko alam kung ano ang dahilan ng pagtawa nila, naiinis ako na makita na may nakakapag-patawa sa kanya.

Shempre, I am the boss. I can ruin everyone's mood. Shempre lumapit ako sa kanila para tumigil sila sa kakatawa.

"Binabayaran ko ba kayo para humalakhak dyan? Oras ng trabaho, kung saan saan ka nakakarating.. Ayaw mo na ba sa pwesto mo? Sabihin mo lang, pwede kitang itapon sa labas.." Sabi ko sa kanila habang nakataas ang aking kilay. Kaya naman agad din silang huminto sa pag tawa at humingi ng paumanhin sakin.

"Sorry po.." sabi ni Roy saka sya tumayo at bumalik sa pwesto nya. Medyo malayo ang pwesto nya kay Zoe kaya mas lalo akong nainis dahil nakakagawa sya ng paraan para makalapit kay Zoe, samantalang hindi nya matapos ang trabahong ibinibigay ko sa kanya.

Sinundan ko ng tingin si Roy hanggang makarating ito sa pwesto nya. Pagkatapos ay tumingin ako kay Zoe na tila hindi makatingin sakin.

"You're my secretary.. Hindi ka dapat nakikitaan ng ganyang pag uugali.. Kung magpapaligaw ka, baka pwedeng sa labas na lang? Para hindi nakakasira sa trabaho.." inis na sabi ko sa kanya. 

Nakakapagtaka.. Ang dami ng atraso sakin ng babaeng to pero never akong nainis sa kanya.. Ngayon lang.. Dahil ba to sa tumatawa sila at nagku-kwentuhan sa oras ng trabaho? O may iba pang dahilan??? Haaay sana naman wala..

"Sorry po madam.." tanging sagot nya sakin. Yun lang ang sagot nya??? So ano dun ang inihihingi nya ng tawad?? Yung pakikipag kwentuhan nya during working hours?? O yung nagpapaliagaw sya sa trabaho?? Kailangan kong itanong to.. Kailangan kong malaman kung ano ang inihihingi nya ng tawad..

"See? Nagpapaligaw ka sa oras ng trabaho.. Alam mo bang mali yon? Pwede kitang tanggalin ngayon mismo dahil sa ginawa mo.. Secretary kita, kaakibat ng posisyon mo ang malaking responsibilidad.. Kaya sana yung mga walang kwentang bagay, iisantabi mo muna!." inis na sigaw ko sa kanya saka ako pumasok sa opisina ko. Ewan ko ba kung bakit para akong sasabog ngayon dahil sa galit.

Pagpasok ko sa opisina ko ay hindi ko namalayan na kasunod ko palang pumasok si Zoe na may luha sa mga mata..

"Ang pagbibintang ng walang sapat na ebidensya ay hindi tama. Dahil lang sa nakita mong nagtatawanan kami sa oras ng trabaho, iniisip mo agad na nagpapaligaw ako. Oo, alam kong kaakibat ng posisyon ko ang isang malaking responsibilidad.. Kaya bakit ako gagawa ng bagay na alam kong mapapahiya ako? Bakit ako gagawa ng bagay na alam kong magpapapangit sa image mo at ng kumpanya? Pinaghirapan kong makapasok dito, kaya bakit ako gagawa ng bagay na na ikasisira ko?" Galit na sabi nya. Kitang kita ko yung galit sa mata nya habang nagsasalita sya. Bakit parang madudurog ako ngayon? Pakiramdam ko ay gusto na akong kainin ng lupa..

"Im sorry.. Akala ko kasi.." sabi ko pero hindi na nya ako pinatapos mag salita.

"Hindi porket yan ang akala mo ay yan na rin ang totoo. Sana nagpakita ka ng ebidensya bago mo ako ipinahiya sa harap nilang lahat.." Sabi nya sakin. Ramdam ko ang pangangatog ng boses nya dahil sa galit.

"Kung sa tingin mo ay napahiya kita dahil sa pakikipagtawanan ko sa ibang empleyado sa oras ng trabaho, I'll take responsibility for it. I'll give you my resignation tomorrow morning.. Pakihintay na lang.." sabi nya sakin saka sya lumabas ng opisina ko. Sa sobrang speechless ay hindi ko na rin sya nagawang sundan. Hindi ko rin kasi alam kung ano pa ang sasabihin ko.

Ganon ba kasakit ang mga sinabi ko? Hindi ko inexpect na magagalit sya ng ganito. Hindi rin sumagi sa isip ko na magre-resign sya dahil lang dito.. Ano ba ang dapat kong gawin???? Should I say sorry? Psh! Akala ko ba matatag sya? Akala ko ba masiyahin syang tao??? Bakit sa simpleng ganito, susukuan nya ako. 

PSh! Nainis lang naman ako dahil nakikipag tawanan sya sa iba.. Masama na ba yun?? Hayyyyyyy! Bakit ba kasi ako naiinis?? Bakit ko ba to nararamdaman?? Ano bang pakielam ko kung magpaligaw sya sa iba?? Nakakaasar! Bakit ba ako nag iisip ng ganito?? Wala naman dapat akong pakielam kahit na mag resign sya. Nababaliw na ba ako?? 

Haaaay! Dahil sa kanya, nagagawa kong kausapin ang sarili ko. Ano bang meron sya? deserve ba nya ang atensyon ko? Psh!

ZOE's POV

Pagkatapos ng sagutan namin ni madam ay umalis na rin ako agad sa opisina nya. Inayos ko ang lahat ng gamit ko dahil ito na rin ang huling araw ko sa trabaho. Inilagay ko ang mga gamit ko sa isang box, kaunti lang naman ang mga gamit ko kaya pinilit kong pagkasyahin sa isang box. Mahirap rin kasing mag commute nang maraming bitbit.

Nagmamadali akong lumabas sa building.. Dahil sa kakamadali ko ay may nakabungguan ako. Nahulog ang lahat ng dala kong gamit kaya hindi ko na nagawang tumingin pa sa taong nakabungguan ako. Pinulot ko isa isa ang mga gamit sa sahig habang humihingi ako ng paumanhin sa taong nasa harap ko.

"Zoe.. Ikaw pala yan.." sabi sakin ng taong nasa harapan ko. Pamilyar ang boses nya kaya agad akong napatingin sa kanya..

"Rome.." bigkas ko sa pangalan nya at agad naman nya akong tinulungang mag pulot ng gamit.

"Where are you going? Are you in a hurry?" Tanong nya sakin habang patuloy s apagpulot ng mga nagkalat kong gamit.

"Yeah.. but not that much.." sagot ko sa kanya.

"Are you okay? Umiyak ka ba? Namumula yung mga mata mo.." worried na tanong nya sakin pero agad ko itong itinanggi.

"Where are you going? Where is Elliah?" Tanong nya sakin.

"She's inside.." sagot ko saka ako tumayo. Paalis na sana ako nang bigla nyang hinawakan ang braso ko.

"Wait.. Bakit ang dami mong dala? Don't tell me na inutusan ka nyang bitbitin ang lahat ng yan?" Sbai nya sakin na tila may conclusion na sya agad sa isip nya.

"No.. Magreresign na kasi ako bukas kaya dinala ko na tong mga gamit ko ngayon.." malungkot na sagot ko.

"Huh?? Teka.. Bakit ka mag reresign??" Worried na tanong ni Rome sakin pero umiling na lang ako bilang sagot. Ayoko na rin namang pahabain ang usapan.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit affected ako sa sinabi nya. Hindi ko naman dapat bini-big deal ang mga ganung bagay. Pero bakit big deal to sakin ngayon? Ang gulo ng nararamdaman ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status