Share

CHAPTER 5

ELLIAH's POV

Pagkatapos ng meeting ay dumiretso na agad ako sa resto ni Rome. Naroon kasi sina Cathy at Mandy.

"What did you do to her?" Tanong sakin ni Cathy na bakas sa mukha ang pagka dismaya. Unang beses palang kasi nilang makasama si Zoe ay nakuha na nito ang loob nila.

"Yeah.. What did you do? Bakit sya mag reresign?" Tanong naman sakin ni Mandy.

"Siguro ay pinahirapan mo sya ng husto kaya sya nag resign.. Elliah, kung patuloy mong itatrato ng ganyan ang mga secretary mo, wala talagang tatagal sayo..." sabi ni Rome sakin. Pero nanatili akong tahimik. Nakakagtaka.. Ako ang kaibigan pero wala sila sa side ko.. Psh! Ganon ba talaga kagustu-gusto ang babaeng yon?

"Ano ba kasing ginawa mo??" Inis na tanong ni Cathy.

"Bakit ba kayo nagagalit sakin? Wala naman kayong karapatan.." sabi ko sa kanila.

"Psh! You're so annoying.. We need to know because she's important to us...." sabi ni Mandy sakin na para bang matagal na silang magkakilala.

"Sinigawan ko sya.." tanging sagot ko.

"Bakit mo sya sinigawan?" Tanong ni Cathy.

"Nainis kasi ako." Tanging sagot ko saka ako uminom ng alak.

"Dahil lang sa nainis ka?" Tanong ni Cathy na bakas sa mukha ang inis.

"Yeah.. I mean.. she's laughing with someone else.." sabi ko sa kanila. Nang makita kong nagtitinginan na sila at tila may naiisip na hindi maganda ay agad akong nag salitang muli.

"I mean.. she's laughing with someone during working hours.. and it's prohibited.." dugtong ko.. Kaya naman nagtinginan ulit sila nang nakangiti na tila may naiisip na hindi maganda..

"Woah! Nagagalit ka because she's laughing with someone else during work.." diin ni Cathy.

"Yeah.. but if she'd laugh with you while working hours, it would be okay?" Tumatawang asar sakin ni Rome.

"Shut up!" Inis na sagot ko sa kanya saka ko sya inirapan. Mahusay talaga mang inis tong si Rome kahit noon pa man, but she's my favorite friend.

Tumayo ako upang umuwi na sana pero agad akong pinigilan ni Rome.

"Fine.. Tutal mag reresign na sya sayo, wala ka ng karapatan sa kanya.. Sakto, kaka-break lang namin ng ex ko.. Pwede ko naman na sigurong pormahan si Zoe??" Nakangiting tanong nya sakin na agad namang sinang ayunan ni Cathy.

"What do you mean?" Tanong ko sa kanya.

"I mean.. I like her.. I want her to be my girlfriend.." nakangiting sabi sakin ni Rome na agad nagpainit ng ulo ko. Sa sobrang inis ay itinulak ko sya kaya napaupo sya sa sofa.

"Elliah!" Awat sakin ni Mandy nang makita nyang nabadtrip ako sa sinabi ni Rome.

"Leave her alone!" Galit na sabi ko sa kanya saka ako tuluyang umalis sa resto bar nya.

ROME's POV

Pagkalabas ni Elliah ay agad akong hinampas sa braso ni Cathy.

"Bitch! Do you really like Zoe?" Tanong nya sakin na para bang ayaw nyang ligawan ko si Zoe. Kaya naman tumawa ako ng malakas. Wala naman kasi akong balak na ligawan si Zoe, inaasar ko lang si Elliah. Feeling ko kasi ay may gusto sya kay Zoe kaya sya nainis nang makita nyang nakikipagtawanan ito sa iba.

"It's a trap.. Don't worry.." nakangiting sabi ko kay Cathy.

"What do you mean?" Tanong nya sakin.

"Sinabi ko yon dahil feeling ko, she likes Zoe.. Nakita nyo naman diba? Galit na galit sya sakin nung sinabi kong liligawan ko si Zoe.." sagot ko saka ako tumawa.

"So you mean.. She likes Zoe?" Tanong naman ni Mandy.

"Yeah.. exactly.." nakangiti kong sagot sa kanya.

"Pero kung gusto nya si Zoe, bakit nya hahayaan na mag resign?" Tanong ni Cathy na tila hindi naniniwala sa instinct ko.

"Kaya nga abangan natin kung ano ang gagawin nya para hindi umalis si Zoe.." nakangiti kong sabi sa kanya dahil sigurado akong tama ang naiisip ko.

"I like Zoe for Elliah.. She's beautiful and kind hearted person.. Marunong syang makisama.." Sabi ni Mandy..

"Wag ka munang umasa dyan, baka masaktan ka lang... Ilang babae na ba ang nireto natin dyan para makalimutan nya yung kupal nyang ex girlfriend? Diba lahat yon inayawan nya?" Sabi ni Cathy.

"It's because mataas ang standards ni Elliah.. Hindi pasado sa standards nya yung mga nirereto mo.." tumatawang sabi ko sa kanya.

"So tingin mo papasa si Zoe sa standard ni Elliah?" Tanong ni Cathy.

"Yes ofcourse.. Always trust the woman instinct.." nakangiting sabi ko sa kanila.

"So ngayon babae ka na?" Tumatawang tanong ni Mandy kaya binato ko sya ng unan.

"Eh pano kung hindi naman pala nya gusto?" Tanong ni Cathy.

"Ang kulit mo naman.. Lets see kung may gagawin sya para mag stay si Zoe sa company nya.. Kapag wala, edi tayo ang gumawa ng paraan para magkalapit silang dalawa.." sabi ko sa kanila.

ELLIAH's POV

Nandito ako sa tapat ng bahay nila Zoe. Pero hindi ko alam kung bababa ako o hindi. Mabuti na lang at lumabas ang Nanay nya para magtapon ng basura.

"Magandang gabi po.." sabi ko sa kanya pagkababa ko ng kotse.

"Magandang gabi.. Hinahanap mo si Zoe?" Tanong nya sakin.

"Nandyan po ba sya?" Tanong ko.

"Oo nandito sya, tara sa loob.." nakangiting aya sakin ng nanay ni Zoe. Kaya naman hindi na ako nag dalawang isip na pumasok sa bahay nila.

Pagpasok namin sa loob ay nadatnan namin si Zoe na nanunuod ng tv. Nakasando at maikling short sya kaya nakakailang tignan. Napakaputi nya at napakakinis ng balat..

"Anak.. nandito ang boss mo.." sabi ng mommy nya kaya naman agad na napatayo at napalingon sa direksyon namin si Zoe.

"Kumain ka na ba? Ipaghahanda kita ng makakain.." sabi ng nanay ni Zoe.

"Salamat po pero kumain na po ako.." nakangiting sagot ko sa kanya.

"Ah ganun ba? Osige maiwan ko na kayo.." nakangiting sabi ng nanay ni Zoe saka ito pumasok sa kwarto nila.

"Can we talk?" Tanong ko sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito? Masyado ka namang excited para sa resignation ko.." sabi ni Zoe habang naka-cross ang braso. Hindi nya ako tinitignan kaya alam kong galit pa rin sya sakin.

"Lets go.." aya ko sa kanya na agad nyang tinanggihan.

"Huh?? Sino naman ang nagsabi na sasama ako sayo?" Tanong nya sakin.

"Mahirap mag ipon ng lakas ng loob para humarap sayo pagkatapos ng nangyari.. Kaya sana naman wag mo kong ireject." Mahinahong sabi ko sa kanya.

"Wow.. Thank you ah? Sana hindi mo na lang ginawa, baka maging utang na loob ko pa sayo to.." inis na sabi nya.

"I'm not used to being humble, but I did it anyway.. for you.. so please don't reject me." Sabi ko sa kanya.

"Fine.. Where will we go?" Tanong nya sakin.

"Sumama ka na lang para malaman mo.. magpalit ka ng damit.. hintayin kita sa labas..." sabi ko sa kanya saka ako naunang lumabas.

ZOE's POV

Ang sabi nya kanina ay mag uusap lang kami. Pero bakit nandito kami ngayon sa Enchanted Kingdom?

"Bakit tayo nandito? Akala ko ba mag uusap lang tayo?" Sabi ko sa kanya nang biglang nagbukas ang ilaw sa nga rides. Sarado na kasi ng ganitong oras ang Enchanted kaya laking gulat ko nang isa-isang magbukas ang ilaw sa paligid.

"This is my favorite place.. This place is very special to me. The last time I came here was when I was young, before my mommy died..." Sabi nya sakin habang nakatanaw sa malayo.

"Kung special sayo ang lugar na to, bakit ngayon ka lang ulit nag punta dito?" Tanong ko sa kanya at inisantabi ko muna ang inis ko sa kanya.

"This is where mommy and I went before she committed suicide. I was upset when I found out that daddy had another woman.. And what hurts more is that mommy's best friend is his other woman.. I cried every night, all my grades dropped.. sabi nya sakin, dinala nya ako dito para makita nya akong masaya, nakangiti.. and that day was her last day.. when we got home, she ran into her room and committed suicide." Malungkot na kwento nya sakin.

"What I found out was painful for me.. But I didn't realize that mommy was the one who was hurt more by what was happening. Her husband and her trusted best friend betrayed her.. then I added that she always sees him crying because of what is happening.." kwento pa nya.

Bakit nya sinasabi ang lahat ng ito? Ang weird. Akala ko pa naman mag so-sorry sya dahil sa ginawa nya.

"I'm glad to be back here after a long time.. I'm glad to be able to stand here in my favorite place... with my favorite secretary.." sabi nya sakin saka sya tumingin sa mga mata ko.

Totoo ba tong narinig ko?? I'm her favorite secretary??

"Anong sabi mo?? Favorite secretary??" Tanong ko sa kanya.

"Narinig mo naman pala, bakit nag tatanong ka pa?" Tanong nya sakin saka sya naunang maglakad..

Ang sungit talaga! Pero okay lang, napangiti naman nya ako sa sinabi nya..

Favorite secretary lang naman ang sinabi nya pero bakit kinikilig ako?

Haaaay! Zoe.. galit ka diba?? Ipakita mong galit ka.. wag kang ngingiti kahit na anong gawin nya.. bawal ngumiti..

Wooo!!!! Napabuntong hininga ako bago ko sya sinundan sa paglalakad. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong bagay.. kaya nalilito ako kung normal lang ba to o hindi.. Pero kahit ganon, masaya ako sa nararamdaman ko ngayon.. parang ayoko na lang matapos ang lahat..

Una naming sinakyan ang Carousel. This is the first time na makita kong ganito kalaki ang mga ngiti nya.. Para kaming mga bata na tuwang tuwa sa pag sakay sa carousel kahit na kaming dalawa lang naman ang nakasakay dito..

Pagbaba namin sa carousel ay nasa mukha nya pa rin ang ngiti na nakikita ko kanina..

"Ang ganda mo pala talaga.." nakangiting sabi ko sa kanya kaya napatingin sya sakin. Pero hindi sya nagsalita. Hindi man lang nagpasalamat, pinuri na nga sya. Psh!

"Ngayon lang kita nakitang nakiti ng ganyan.. Sana palagi ka na lang ngumiti... Mas maganda ka kasi kapag naka ngiti ka.." nakangiti kong sabi sa kanya habang magkatitig ang mga mata namin.

"Ikaw rin.. Ang ganda ng mga ngiti mo..." Nakangiting sabi nya sakin na agad namang nagpangiti sakin.

Shemay! Kinikilig ako.. Pano ko ba to maitatago? Ang hirap pigilan.. Bakit ba ako kinikilig??? Ang dami rin namang nagsasabi na ang ganda ng ngiti ko, pero bakit pag dating sa kanya parang ang sarap pakinggan??

"No wonder why I was so annoyed when I saw you smiling at other people..." Sabi nya sakin habang nakatitig sakin.

Dug dug!

Dug dug!

Bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang magkatitig ang mga mata namin ngayon? Parang sasabog sa tuwa yung puso ko dahil sa mga naririnig ko.

"What do you mean??" Tanong ko sa kanya dahil ayokong mag assume.

"I don't want you to smile at other people.. especially men..." Sagot nya sakin. Hindi ko expected na yun ang sasabihin nya kaya laking gulat ko nang marinig ko yun sa kanya.

"But why??" Tanong ko.

"I don't know.. I mean.. I can't explain it.. I don't know how to put it into words.. all I know is.. I don't like the feeling when I see you getting close to others... And Im sorry for that.." sabi nya saka sya umiwas ng tingin. Kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataon na ngumiti nang hindi nya nakikita.

"Why are you smiling right now?" Tanong nya sakin kaya bigla kong inalis ang ngiti sa labi ko.

"Why are you so cute now?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

"May araw bang hindi ako cute para sayo?" Tanong nya sakin.

"Wala.. mas cute ka lang ngayon.." nakangiti kong sabi sa kanya kaya agad din naman syang ngumiti.

Sinakyan namin ang mga rides na hindi gaanong nakakahilo.. Para kaming mga bata na ngayon lang nakapunta sa ganitong lugar.  Yung iba ay hindi na namin sinakyan dahil masyado ng late, kailangan na naming umuwi.

"Thank you for this night.. You make me so happy.." nakangiting sabi nya sakin saka nya ako hinila palapit sa kanya. Niyakap nya ako nang mahigpit.

Dug dug!

Dug dug!

Ang lakas na naman ng tibok ng puso ko. Hindi ako makahinga sa sobrang tuwa. Gusto kong lumundag..

Bakit ko ba to nararamdaman? Niyayakap rin naman ako ng iba kong kaibigan pero hindi ako nakakaramdam ng ganito.. Bakit kapag sa kanya galing, nagiging special ang lahat? Yung pagpalit nya sa mga pictures na naka display, yung pagpapapasok nya sakin sa bahay nya, yung pag introduce nya sakin sa mga kaibigan nya, yung sinabi nyang ayaw nya akong maging close sa iba, ngayon naman ay yung yakap nya.. Bakit napaka-special ng lahat kapag sa kanya nanggagaling?? Bakit ibang saya yung nararamdaman ko kapag sya yung kasama ko? Ano ba tong nararamdaman ko?

"Hindi ako sanay na nagmamakaawa sa tao para lang wag akong iwan. but when it comes to you, okay lang sakin na gawin ko yung mga bagay na hindi ko naman talaga ginagawa.. Don't leave me.. please.." malungkot na sabi nya habang nakayakap ng mahigpit sakin.

Sa sandaling ito, biglang nawala ang inis ko sa kanya sa pamamahiya nya sakin. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

What should I do???

Komen (2)
goodnovel comment avatar
The Great Author
Thank you so much po...️...
goodnovel comment avatar
Jenica Palisoc02
super ganda talaga neto author salamat sa napaka gandang story ... next napo
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status