Mag-log inBeatriceNarinig ko ang pagpapakawala ng malalim na hininga ni Sir Alfred. “Marami kang kamag-anak na gustong kunin ang posisyon mo.”Natahimik kaming lahat.Pero sigurado ako—ang Tito Logan ni Lucien ang may kagagawan nito.“Pero kung iisipin nating mabuti ang mga nangyari ngayon,” dugtong ni Sir Alfred, seryoso ang mukha niya, “at kung kikilalanin natin ang mga kamag-anak mo, si Sir Logan lang ang may kakayahang impluwensiyahan ang NERA. May posisyon siya sa probinsya na maaari niyang gamitin.”Tumingin ako kay Lucien.Hindi siya nagsalita, pero nakatuon pa rin ang mga mata niya kay Sir Alfred. Nakasandal lang siya sa dulo ng mesa, magkakrus ang mga braso, parang inaasahan na niya ang bawat salitang binibigkas ng chief.“He has been waiting for a crack,” dagdag ni Sir Alfred, mas mababa ang tinig. “At ngayon, nakita niya iyon.”Naikuyom ko ang kamay ko.Ramdam ko ang bigat ng sinabi niya.Dahil sa kontratang ginawa ko, nagamit iyon laban kay Lucien. Ako ang naglatag ng koneksyon ng
BeatriceNagriring pero hindi sinasagot ni Noah. Nag-ooverthink nga lang ba ako?Tatawagan ko sana ulit nang bumukas ang pinto ng conference room. Bumungad si Lucien kasama si Kio.Nagtagpo ang mga mata namin ni Lucien. Wala na ang mga taga-NERA. Tapos na ang pagsusuri pero bakit parang mas mabigat ang pakiramdam ko ngayon kaysa kanina?Naglakad si Lucien palapit sa akin, diretso at kalmado, parang walang nangyaring tensyon ilang oras lang ang nakalipas.“How are you?” kaagad niyang tanong.“I’m fine,” sagot ko. “NERA was cooperative,” kaagad kong dugtong.Too cooperative.Hindi ko na iyon sinabi.Saglit siyang tumigil sa harap ko, sapat lang ang layo para manatiling propesyonal. Pero alam kong binabasa niya ang mukha ko.“You don’t look relieved,” saad niya.Hinigpitan ko ang hawak ko sa cellphone. “I am. Just tired.”Hindi siya umimik. Tiningnan niya ako, bahagya ko namang ibinaba ang mga mata ko. Kase alam ko ang ipinapahiwatig ng tingin niya, na parang alam niyang kalahati lang
BeatricePabalik na kami ni Sir Alfred sa opisina nang matanaw ko si Gino. Nagpatuloy lamg naman ako sa paglalakad hanggang sa humarang siya sa daraanan ko. Matalim na tingin ang ipinukol ko sa kanya. "Bea, mag-usap tayo," lakas-loob niyang saad—Hindi ko siya pinakinggan. Wala akong kahit na anong sasabihin sa kanya at wala akong anumang dahilan para pakinggan siya. Linagpasan ko siya pero hinawakan niya ang braso ko at pinigilan ako. Mabilis ko rin na hinila ang kamay ko palayo sa hawak niya. "Gino, tantanan mo si Beatrice o magpapatawag ako ng security," banta na ni Sir Alfred. Humakbang ako pero nagsalita ulit si Gino. "Ipinapahamak mo ang sarili mo sa ginagawa mo."Minabuti kong ihakbang ulit ang paa ko. Sa totoo lang, nagsisisi ako. Kung alam ko lang na aabot sa ganito, hindi ko sana hinayaang mapalapit sa akin si Gino. Isa pala siya sa magiging dahilan para idiin si Lucien.“Hindi mo alam ang kayang gawin ng mga Don Maginoo makuha lang nila ang gusto nila.”Nangunot ang
BeatriceSa mga ekspresyon ng mga reporter, alam kong ang mga salita namin ang hindi nila gustong marinig. Alam kong gusto nila kaming kornerin para maging usapan-usapan kami ng publiko ngunit wala silang nakuhang impormasyon sa amin.Tumingin ako sa relo ko.5 minutes are already done.May mga tanong pa sila pero tumalikod na ako, sumunod naman sa akin ang mga kasamahan ko.Pagpasok ko, bumilis ang mga hakbang ko papasok sa lobby.“Beatrice,” habol sa akin nila Gary at Aika. Tumigil naman ako at liningon sila.“Bumalik na kayo sa office, you need to secure all confidential documents,” sabi ko bago ko tuluyang tinungo ang conference hall.Sinalubong ako ni Sir Alfred nang pumasok ako sa loob tsaka niya inabot sa akin ang mic.“Kayo sir ang magsabi sa kanila ang mga posibleng papel na titignan ng NERA–” umiling si Sir Alfred.“This is your final assessment, Beatrice. Show them that you are the one deserving the position I will leave. And this is my final instruction to you as your chie
BeatriceHindi ako nabigyan ng oras na magreact sa sinambit ni Lucien dahil dumating na rin si Grandma at Papa para batiin siya. Paatras kami nang biglang magkaroon ulit ng bulungan. Pero iba kesa sa una kaya napalingon ako.Humigpit ang dibdib ko at kinutuban nang humawi sa daanan si Tito Logan at iba pang kamag-anak ni Lucien.Wala silang dalang cake o regalo kundi papel..“Good morning, Madam Chairwoman, our apologies for disrupting this heartfelt birthday celebration of the president, but we’ve been looking at this as urgent.”Bumaba ang mga mata ko sa hawak na folder ni Tito Logan.Mahina ang aking paghinga at ramdam ko ang bahagyang paninigas ng balikat ko.Ipinasa ni Tito Logan ang folder kay Grandma. “This,” he continued, “is a formal proposal to the Board of Directors… for the removal of the sitting President from the upcoming board meeting.”Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Napalunok ako pero tuyo ang lalamunan ko.Nagpatuloy si Tito Logan, walang bahid ng pag-aal
Beatrice“Bea,” untag sa akin ni Lucien. Bumaling naman ako sa kanya.“Are you okay?” tanong niya. “Oo naman, bakit?” ngiting tanong ko sa kanya.“ Kanina ka pa nakatingin sa labas ng bintana at ang lalim ng iniisip mo,” puna niya tsaka niya ako tinitigan.Umiwas naman ako ng tingin. Lately, hindi ko nagagawang salubungin ang mga mata niya. Dahil habang tumatagal mas napapagtanto ko ang nararamdaman ko sa kanya, naiisip ko rin kung nakakaramdam din kaya siya tulad ko.Gusto kong pagalitan ang sarili ko dahil hindi ito ang tamang panahon para pagtuonan ng pansin ito. Maraming gawain sa opisina, tapos may final assesment pa ako at birthday na rin niya bukas pero nahuhulog talaga ang utak ko sa kaisipang ito. May pagnanais ako na malaman kung anong tunay niyang nararamdaman tungkol sa akin.Kung ang ipinapakita niya at lahat ng ginagawa niya para sa akin ay dahil lang sa asawa niya ako o dahil mahal na niya ako.“Bert, ibalik mo kami sa bahay.” Napabalik ako sa presensya ko nang marini







