Beatrice“Kanino niyo naman po iyan narinig–”“Sa mga katulong ng madrasta mo.”“Naku po, nagpapaniwala kayo sa kanila,” sabi ko, at bago pa lumalim ang tanungan nila, nagpaalam na ako.“O siya, sige na po, mauuna na ho ako. Hindi po ako nagpaalam kanina kay Lolo Ingko, baka nag-aalala na po siya,” tuloy-tuloy kong sabi at tumayo na ako.Bumaling ako kay Noah, tsaka ko tinapakan ang paa niya. Tumingala naman siya sa akin. Sinenyasan ko naman siya na ihatid ako.Kailangan kong makakuha ng dagdag impormasyon sa imbestigasyon nila.Nag-aalinlangan niya akong tiningnan, kaya pinanlakihan ko siya ng mata.“Hatid na kita, mamaya pa naman kami babalik sa paanan ng bundok," alok niya rin sa huli.Tinanguan ko siya.“Totoo ba talaga?” tanong ni Noah habang naglalakad kami patungo sa kanyang sasakyan.“Ang alin?” pabalik kong tanong.“Na nakapag-asawa ka na?"Tiningnan ko siya. “Wala na kasi akong masyadong update sa buhay mo, Nag-MIA ka eh. HIndi ko na nga tanda kung kailan ang huli nating pag-
Magbasa pa