(Warning: 18+) He signed the marriage certificate… without ever seeing the bride. For Lucein Don Maginoo, it was nothing more than a transaction — until two years later, when fate throws the truth right at him. His wife has been working under his nose all this time — smart, passionate, and fiercely devoted to her job at the company he leads. Admired by colleagues, trusted by his grandmother. And when he finally meets her… she turns his world upside down. “Sir, mabuti na lang at ngayon mo lang nakilala ang asawa mo.” “Bakit naman?” “Kasi kung noon mo pa siya nakilala, baka nasa mental hospital ka na ngayon.” She’s bold, sharp, and impossible to tame. And Lucein? He swore never to fall into her trap. But what happens when the trap is already closed… and he’s not sure if he wants to escape?
Lihat lebih banyakBeatrice
Tumilamsik ang putik sa laylayan ng pantalon ko habang mabilis akong tumutulong sa paglilinis ng mga kagamitan ng mga residente ng Ellagoro.
Lubog sa putik ang kanilang kabahayan dahil sa nangyaring landslide, mabuti na lamang at nasuri kaagad ng Civil Rescue Unit ang posibleng pagguho ng bundok kaya nailikas kaagad ang mga residente.
Tinawagan lang din ako ng Tita ko sa nangyari kaya kaagad akong pumunta dito at lumiban muna ako sa trabaho ko.
Unti-unti na rin na nagsibalikan dito ang mga residente dahil tumila na rin ang ulan. Sila Tita nga ay maagang bumalik mula sa evacuation center upang maglinis sa bahay tsaka sila tumulong narin sa mga kapitbahay nila.
Habang ako naglibot upang makita ko ang buong sitwasyon sa Ellagoro at makatulong na rin sa ibang nangangailangan ng tulong.
Mahalaga sa akin ang lugar na ito dahil nandito ang lahat ng kamag-anak ko sa mother side. At gusto kong protektahan dahil lubos na pinahalagahan ito ni mommy. Ito ang tinuturing niyang tahanan.
“Tulungan na kita, Nay,” sabi ko ng may makita akong ginang na pilit na binubuhat ang isang sofa na puno ng putik.
“Naku, iha, kaya ko na ito.”
“Hay naku, Nay, sa bigat niyan, paano niyo makakaya?” lapit ko na sa ginang.
“Teka, magpapatulong ako nay,” sabi ko pa at luminga na ako sa paligid hanggang sa may makita akong nakatalikod na lalake.
“Kuya, pakitulungan niyo nga kami dito.”
Hindi siya lumingon kaya lumapit na ako at tinapik ang balikat niya. “Kuya, pakitulungan mo nga akong buhatin ang sofa ni Nanay,” sabi ko tsaka ako tumalikod.
“What?” tanong niya.
Malinaw naman at ang lakas ng boses ko.
Kaya medyo may inis ko siyang liningon, “Bingi ka ba kuya, o sadyang ayaw mo lang tumulong–”
Natigil ako ng makita ko ang mukha ng lalake.
He’s Lucien Don Maginoo!
Bakit siya nandito?!
“Miss, can you see I’m talking to someone on the phone?”
“Okay, nervermind,” sabi ko at mabilis akong tumalikod.
The last thing I wanted to happen was to meet him!
“Nay, kaya ko na pala ito,” wika ko at sinubukan ko ng buhatin ang sofa.
“Naku, iha, nadudumihan na iyang damit mo,” sabi naman ng ginang at tinulungan na niya ako.
“Hindi Nay, kaya ko na ito–”
Nabitawan ko ang sofa ng lumapit si Lucien at pinalitan ang ginang sa pagbubuhat.
Shoo! Huwag ka dito!
“Ano pang ginagawa mo? Buhatin mo at ilipat na natin ito,” masungit niyang sabi sa akin.
“Kaya ko na ito. I no longer need your help.”
“Miss, you’re wasting our time. Kesa salita ka ng salita diyan, kumilos ka na.”
Wow! Grabeng ugali naman talaga ang meron sa kanya.
Kunsabagay, ano pa bang aasahan ko sa isang Lucien Don Maginoo? Ganitong-ganito naman talaga ang iniisip kong personalidad niya.
“What? Tatanga ka na lang diyan. Nay, hanapan mo na ako ng ibang katulungan dito.”
Nagpupuyos ang dibdib ko sa narinig kong ito mula sa kanya. Marahas kong binuhat ang kabilang panig ng sofa at masamang tingin ang pinukol ko sa kanya habang blankong ekpresyon lang ang nakalitaw sa mukha niya.
“Nay, san ito dadalhin?” tanong ko sa nagtitimpi kong tono.
“Dun iha, sa tabi ng poso,” sagot ng ginang na mukhang nararamdaman ang tensyon sa pagitan namin ni Lucien.
Habang binubuhat namin ang sofa, sinasadya kong itinutulak ang sofa ng maputikan ang damit ng hambog ng lalakeng ito.
“Miss, what are you doing?” tanong niya.
“Tanga ka ba? Nakikita mo naman na nagbubuhat din ako katulad mo–”
Narinig ko ang pagtunog ng panga niya habang tumatalim na ang tingin niya sa akin. Blankong ekspresyon naman din ang pinakita ko sa kanya.
Hindi na siya kumibo pero naramdaman kong tinutulak niya rin ang sofa sa akin.
“Ano ba? Napuputikan na itong damit ko,” angal ko.
“Oh really? I didn’t know that,” sumagot talaga siya ng with accent pa.
Nakakainis talaga ang lalakeng ito!
Lord, bigyan mo pa ako ng pasensya. Matatapos din ito at mawawala rin siya sa paningin ko.
Ipinagpag ko ang kamay ko ng mailagay na namin sa tabi ng poso ang sofa. Tumalsik ang mga putik mula sa kamay ko patungo sa kanyang polo.
“Hey! Woman! What’s your problem? Nananadya ka ba?”
Tinignan ko siya, “Oh, sorry. I didn’t mean it.”
“You didn’t mean it? Halata na sinadya mo.”
“No,” mariin ko namang sagot sa kanya.
Mas lalong kumulimlim ang ekpresyon niya sa akin.
Ganyan nga mainis kang bwisit na lalake ka. Kahit sa ganitong paraan lang naman ay makapaghiganti ako sa iyo!
“Iha-iho, huwag na kayong mag-away. Ang mabuti pa, magmeryenda muna kayo, may linuto kami para sa inyo. Halika na kayo.”
Hindi siya natinag sa sinabi ng ginang at matalim pa rin na tingin ang pinukol niya sa akin.
“Tell me, what’s your deal? This is the first time I've seen you, and you’re becoming so rude to me.”
“Weren’t you the one who was rude to me first?” bwelta ko.
Pumagitna naman na ang ginang upang patigilin ulit kami dahil may mga tumitingin na sa gawi namin.
“Nay, ikaw nga magsabi sa babaeng ito kung anong ginawa niya. She saw me busy talking to someone on the phone, and she interrupted me rudely. And still, I helped her, yet she still has the guts to make a mess with me,” litanya niya pero nanatili akong walang pake.
Oh bakit ba? Kumukulo ang dugo ko sa kanya kaya wala siyang magagawa kung magaspang ang ugali ko sa kanya.
“Hindi mo ba ako kilala?” tanong niya.
Hah! So now, he’s using you-don’t-know-me-I ’m-popular card.
I looked at him emotionlessly.
Oh well, still I don’t budge because you’re Lucien Don Maginoo. The man I don’t want to meet personally!
“Dapat ba kitang kilala?” taas-kilay kong tanong sa kanya.
Nameywang siya at pansin ko ng nag-aalburoto na ang kalooban niya.
Go! Ma-high blood ka!
I flipped my hair. I won’t care at all.
“I’ll sue you!”
Natawa ako, “Sue me? Bring it on! See you in my homecourt,” proud kong sagot sa kanya.
“What?”
Wat-watin mo mukha mo!
“Sir!”
Tumingin ako sa kalayuan at nakilala ko kaagad ang lalakeng tumatakbo palapit sa amin.
Oh shoot! Kio, that’s his assistant, and he knows me.
Umatras ako at akmang aalis na ako ng hawakan ni Lucien ang kamay ko at pinigilan akong makakilos.
“Where are you going? Hindi pa tayo tapos.”
“I don’t have a deal with you anymore. And I’m a busy person–”
“Quit that excuse, for I know I’m busier than you.”
Hinila ko ang kamay ko, “Bitiwan mo ako,” utos ko at pinipilit kong makawala sa kanya.
“Sir, anong nangyayari dito?”
Tumingin sa akin si Kio. “Ma’am?” gulat niyang tanong.
BeatriceNaabutan ko siyang naghuhubad ng kanyang polo.Tumingin siya sa akin at natigil siya. Matagal niya akong tinitigan.Problema niya? Umiwas din siya ng tingin at tinuloy niyang tanggalin ang polo niya. Ipinatong niya ito sa kama at umupo siya.“Just put that on the bedside table, then go out.”I scoffed in disbelief. Siya pa ang may ganang magpalayas.“Iyon talaga ang gagawin ko,” asik ko sa kanya. Hindi siya kumibo.Naglakad ako palapit sa kama at pinatong nga ang pitsel sa bedsidetable. Pero tiningnan ko rin siya mula sa likod niya. Nakayuko siya.“Tsk,” sinalinan ko ng tubig ang baso tsaka ko siya linapitan.“Heto,” kibo ko.Umangat ang ulo niya at tumingin sa akin.“Uminom ka ng tubig, makakatulong para hindi ka madehydrate,” sabi ko pa.Lumipat ang tingin niya sa baso, kapagkuwan kinuha niya rin ito at uminom.Pagkatapos binigay niya rin sa akin ito, “Get me more,” utos niya.Nanggigil na lang talaga ako. Bukod sa masama pa ang ugali niya, bossy pa siya.Pero sinunod ko
Beatrice“Magandang araw ho,” bati ni Lucien sa mga kamag-anak ko.“Magandang araw, iho,” sagot naman nila Tita. Nakipagkamay siya sa kanila.“Kamusta naman pala kayo…ho? Nagkaroon ng landslide dito…ho.”Naitakip ko ang kamay ko sa bibig ko. Ano ka ngayon? Edi nagiging tuta ka.“Mabuti kami, nasa evacuation center na kami nang naganap ang landslide. Maaga rin kaming umuwi dito at naglinis.”Tumango-tango siya. “Kung may maitutulong ako, sabihin niyo lang sa akin.”Kinuha ni Tita ang kamay niya at tinapik ito, “Naku iho, sapat na dumalaw ka sa amin. Alam mo, dalawang taon namin itong hinintay.”Nawiwili ko siyang pinanood habang pilit na pilit ang pagiging magalang niya kina Tita.“Halika sa loob, naghihintay ang tatay sa iyo.”Nagpipigil naman akong natawa dahil hindi na maipinta ang kanyang hitsura. Wala siyang nagawa kundi magpatianod.Nang lingunin niya ako, matalim na tingin ang pinukol niya sa akin.Nang-aasar ko naman siyang binelatan. Maamong tumingin sa akin si Kio ng bumalin
Beatrice“Kanino niya naman po iyan narinig–”“Sa mga katulong ng madrasta mo.”“Naku po, nagpapaniwala kayo sa kanila,” sabi ko at bago pa lumalim ang tanungan nila nagpaalam na ako.“O siya sige na po, mauuna na ho ako. Hiindi po ako nagpaalam kanina kay Lolo Ingko, baka nag-aalala na po siya,” tuloy-tuloy kong sabi at tumayo na ako.Bumaling ako kay Noah tska ko tinapakan ang paa niya. Tumingala naman siya sa akin. Sinenyasan ko naman siya na ihatid ako.Nag-aalinlangan niya akong tiningnan kaya pinanlakihan ko siya ng mata.“Hatid na kita, mamaya pa naman kami babalik sa paanan ng bundok," wika niya rin sa huli.Kailangan makaalis ako rito agad.“Totoo ba talaga?” tanong ni Noah habang naglalakad kami patungo sa kanyang sasakyan.“Ang alin?” pabalik kong tanong.“Nakapag-asawa ka na.”Tinignan ko siya. “Wala na kasi akong masyadong update sa buhay mo, nagMIA ka eh. HIndi ko na nga tanda kung kailan ang huli nating pag-uusap. Tanging source ka na lang din ay yung mga naririnig ko t
BeatriceFor a year, I endured everything.The cold stares. The silent treatment.I was never welcomed. Until I made a bold move.Linapitan ko si Donya Elviria—ang may lubos na kapangyarihan sa buong angkan ng Don Maginoo.I did not beg. I offered myself. Not as a daughter-in-law, but as an asset.I told her I’m a licensed lawyer, and she could use me as her weapon. I asked her to offer a partnership—one that’s too good to be true—between Gran Aria and my dad’s company. That way, we could take control of my own family from the inside.Donya Elviria accepted.She placed me in Gran Aria’s legal team. And I took charge of all the agreements between the corporation and Dad’s business. Walang nakakaalam na ako ang nasa likod ng mapanlinlang na kasunduan sa QuarryTorre Company.Dad’s company rose from the dead. They gained more. But at what cost?Gran Aria can now drain my dad’s company’s resources as much as they want, while I make sure we still control the operations. Sa papel, parang pa
BeatriceTinuro niya kami pareho na nanlalaki ang mga mata niya.“Nay, ako na po rito. Mauna na po kayong magmeryenda, dun,” mabilis na pagtataboy ni Kio sa ginang na nasa tabi namin.“Sigurado ka?”“Oo, nay, sige na po.”“O siya sige, mga iho-iha, tigil niyo na iyan at sumunod na rin kayo para makapagmeryenda na rin kayo.”Nang iwan na kami ng ginang, itinaas ko ang kamay kong hawak ni Lucien at tinignan si Kio, “If you mind.”Mabilis na tinanggal ni Kio ang kamay ni Lucien sa akin at hinila na niya ito palayo sa akin.Pinanood ko sila nang pinapagalitan na ni Lucien ang assistant niya.What are they even doing here? I can’t think of his reason.Knowing his personality, Lucien Don Maginoo—the proud and untouchable president of Gran Aria Corporation- wouldn’t care about what happened here in Ellagoro.Most likely, he’s behind closed doors, quietly strategizing his next move.The mysterious figure that the media praises. He's always a game-changer in the world of business.Tumaas ang
BeatriceTumilamsik ang putik sa laylayan ng pantalon ko habang mabilis akong tumutulong sa paglilinis ng mga kagamitan ng mga residente ng Ellagoro. Lubog sa putik ang kanilang kabahayan dahil sa nangyaring landslide, mabuti na lamang at nasuri kaagad ng Civil Rescue Unit ang posibleng pagguho ng bundok kaya nailikas kaagad ang mga residente.Tinawagan lang din ako ng Tita ko sa nangyari kaya kaagad akong pumunta dito at lumiban muna ako sa trabaho ko.Unti-unti na rin na nagsibalikan dito ang mga residente dahil tumila na rin ang ulan. Sila Tita nga ay maagang bumalik mula sa evacuation center upang maglinis sa bahay tsaka sila tumulong narin sa mga kapitbahay nila.Habang ako naglibot upang makita ko ang buong sitwasyon sa Ellagoro at makatulong na rin sa ibang nangangailangan ng tulong. Mahalaga sa akin ang lugar na ito dahil nandito ang lahat ng kamag-anak ko sa mother side. At gusto kong protektahan dahil lubos na pinahalagahan ito ni mommy. Ito ang tinuturing niyang tahanan.
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen