Share

KABANATA 2

I formed my hands into fists habang pinapanood si Diego na tumatakbo papunta sa direksyon ko. Sino bang may sabing close na kami?

"Ror—" Hindi ko siya pinatapos. Sinapak ko siya sa mukha and I heard people gasped. What I did really caught their attention. Ngunit wala lang akong pakialam dahil nakatuon lang ang atensyon ko dito sa lalaki. Nagulat siya sa ginawa ko. Sa lakas ng pagkakasapak ko sa kanya ay dumugo ang kanyang labi. Mukhang nakonsensya naman ako sa ginawa ko kaya inalalayan ko siya.

"S-sorry. Ikaw kasi eh." Pinaupo ko siya sa silya dito sa canteen. Naalis na rin ang mga tingin ng mga estudyante sa amin at nagkanya-kanya na sila. Nagdadalawang-isip ako kung hahawakan ko ba ang labi niyang may dugo. Paano ba naman kasi, bakit Ror ang tawag niya sa'kin? Si Art lang ang may karapatang tumawag sa'kin ng ganyan.

"Okay na ako. May anghel kasi sa harapan ko eh." Napangisi siya. Balak ko ulit sana siyang sampalin kaso baka lumala pa iyong sugat niya kaya tiningnan ko na lang siya nang masama.

"Feeling close ka ba?"

"Uy, pick-up line ba yan? Sige sige. Bakit?" Mukha pang excited siya sa sasabihin ko.

"Hindi yan pick-up line, tukmol!"

"Aysshh, ang cute mo." Hinaplos niya ang pisngi ko pero mabilis kong tinabig ang kamay niya. Nakaramdam na lang ako ng paninindig ng balahibo.

"Manyak ka ba?"

"Sigurado akong pick-up line na yan. Bakit?"

"Gusto mo bang sapakin kita ulit?" I showed my fist to him. He raised his hands in defeat but still, his face flashed a scornful smile. Bagay naman sa kanya ang ganyan kasi gwapo naman siya kaso nga lang, ayoko talaga ng mga playboy. They're creeping me out.

Pinipilit ko siyang pumunta sa clinic para magamot ang sugat sa labi niya kaso ayaw naman niya. Palagi niyang sinasabi na okay na daw siya dahil kasama daw niya ako. His style is just bolok. Hindi uubra sa akin ang ganiyan.

Hinatid niya ako sa classroom kahit hindi naman dapat. Dapat nga na siya ang ihahatid ko eh pero dahil feeling naman niya superhero siya, hinayaan ko na lang.

"Sa'n ka galing?" tanong agad sa akin ni Art pagkaupo ko sa pwesto ko sa tabi niya.

"Sa canteen. Diba sabi ko sumunod ka sa'kin? Bakit wala akong nakitang ni anino mo? Ha?" pagsermon ko sa kanya.

"Tinatamad ako." Bored niyang sabi. Itinuon niya ang atensyon sa labas ng bintana at iniiwasang tumingin sa'kin. I just shrugged my shoulders. Bahala siya diyan.

Ganito talaga kami. Kahapon ay hindi kami nagpansinan matapos nung mag-usap kami pero hindi naman namin matitiis ang mga sarili namin. Magpapansinan at magpapansinan pa rin kami. Ganyan naman talaga ang tunay na magkakaibigan. Kinakalimutan lang namin iyong mga kahapon. Kaso, hindi pa rin talaga mawawala sa isip ko ang gagawin niyang paghihiganti. Ano pa ba ang gagawin ko para lang matigil ang plano niya?

"Sabay tayong kumain mamayang tanghali ha?" masigla kong sabi sa kanya.

"Ayoko."

"Bakit? Nagtatampo ka ba sa'kin kasi hindi kita binilhan ng snacks?" Tumawa pa ako nang mahina pero parang wala lang sa kanya iyon. Seryoso lang siyang nakatanaw sa labas at parang may iniisip siyang hindi matutumbasan ng pagjo-joke ko.

"Uy. Wag ka nang magtampo." Pagsuyo ko sa kanya. Napahawak pa ako sa kanyang braso pero tinabig lang niya ang kamay ko dahilan para mabitawan ko siya. Ano bang nangyayari sa kanya?

"Galit ka ba? Sa akin ba o sa dad mo?" Dahil doon ay nilingon na niya ako. Napalunok ako ng laway dahil masama ang tingin niya sa'kin. May nasabi ba akong mali?

"Umalis ka nga sa tabi ko." Ibinalik na ulit niya ang atensyon sa labas ng bintana. Naramdaman ko na lang ang pagsikip ng dibdib ko. Nanunubig ang mga mata ko pero ginagawa ko ang lahat para pigilan ang sariling luha. Hindi ko gugustuhing makita niya ako na umiiyak. Napapakuyom pa ako ng aking mga kamay para lang hindi tumulo ang luha ko. Ang OA ko naman ata. Pero kasi, ni minsan ay hindi ako sinasabihan ni Art na umalis ako sa tabi niya. Palagi naman kaming magkasama eh. Minsan ay pinapaalis niya ako dahil masyado lang akong clingy sa kanya sa paraan na parang sini-seduce ko siya. Pero kapag ganito...

Ewan ko pero ang sakit. Ayaw na ba niya sa'kin? Nakikita ko rin na seryoso talaga siya sa sinasabi niya, walang halong joke, dahilan para mas lalo akong masaktan. Ang OA ko na talaga masyado. Tumigil ka nga, Aurora. Nakakairita ka!

Wala pa ang instructor namin kaya pwede pa akong lumabas. May mga vacant seats din doon sa kabilang banda kaya doon na lang ako uupo.

"Lipat lang ako." Malamig kong sabi kay Art at tumayo na mula sa pagkakaupo. Dala-dala ang bag ay naglakad ako palabas ng classroom. Inilagay ko muna ang bag ko sa isang vacant seat, para malaman ng iba na meron nang nakaupo doon.

I took a deep breath as I hold on to the railings. Nasa third floor kami at natatanaw namin mula dito ang activity center, ang ibang department, ang canteen at iba pa. Each students here are doing anything. May mga nag-P-PE sa activity center, they were doing some exercises. Mayroon namang nagpa-practice ng sayaw sa quadrangle, may mga kumakain sa canteen, nagtatawanan at nagku-kwentuhan. May iba rin naman na gumagawa ng kanilang projects doon.

I heaved a sigh to calm myself down. Itutuon ko na lang ang isip at pokus ko sa mga pangyayari sa paligid keysa sa dibdibin ang sinabi ng kaibigan ko. Hinintay kong sundan niya ako at para humingi ng tawad sa'kin pero mukhang wala naman siyang balak. Baliw siya. Naiinis ako sa kanya!

Inilipat ko ang tingin sa kabilang building. Napako ang tingin ko sa second floor nang makita ko sina Diego at yung babaeng lumapit sa akin kahapon. Kung hindi ako nagkamali ay Emma ang pangalan niya. Are they friends? Or maybe siblings? I don't think they are siblings. Kahapon, nung lumapit siya sa'kin at nagtanong kung nakita ko ba si Diego, she described him as handsome. Marami akong kilala na mga magkakapatid na hindi dinidescribe ang sariling kapatid na gwapo o maganda dahil para sa kanila, ang sagwa ng mga itsura ng mga kapatid nila. Other people may find them attractive, but their own siblings won't see them as that. Ganyan talaga kapag palagi mong nakikita ang mukha ng kapatid mo.

Ang ibig sabihin ba niyan, magkakaibigan sina Diego at Emma? Are they bestfriends, perhaps? If they are, well, I envy them. Sa nakikita ko ngayon, they are really close. Medyo napapansin ko lang na mahiyain si Emma. Maybe it's just her personality, though.

Napailing ako sa loob ng isipan. Tama na yan, Aurora.

Pumasok na lang ako sa loob at umupo na sa bago kong pwesto. Sinulyapan ko pa si Art sa pwesto niya pero nakatingin pa rin siya sa labas ng bintana. He was really serious, huh?

***

Sumakay na ako ng taxi pauwi dahil alam ko namang hindi ako makakasabay kay Art dahil sa nangyari kanina. Hindi ako mayaman katulad niya. Nasa middle class lang naman kami. Pero hindi naman ito ang hadlang sa pagkakaibigan namin.

Pagkalabas ko ng taxi ay hinintay ko munang makaalis ang sinasakyan bago ako papasok sa gate namin. Nang hindi ko na matanaw iyon ay naisipan kong buksan ang gate nang...

"Ror..." Napatigil ako at mabilis siyang nilingon. Maliwanag dito sa labas dahil sa malalaking ilaw diyan sa gate nina Art. Nasa tapat lang naman kasi ang mansyon nila sa bahay namin kaya nadadamay na din ang bakuran namin at naiilawan kahit wala naman talaga kaming ilaw na nilagay sa labas. At kung ikukumpara ang bahay namin sa mansyon nila, wag na lang, mapapahiya lang ako. Bangka lang ang bahay namin kumpara sa mala-titanic na mansyon nila.

"A-art..."

Mukhang kalalabas lang niya sa kanilang gate. Ibig sabihin, hinintay niya talaga ako?

Naglakad siya palapit sa'kin habang ang kamay niya ay nasa loob ng kanyang bulsa. Ang suot niya kanina sa school ang suot niya ngayon, kaya talagang hindi pa siya nakapagbihis.

"I'm sorry. Hindi ko dapat sinabi sa'yo kanina iyon," panimula niya.

"Okay lang. Sorry din, kasi ang OA ko." I faked a laugh.

"Sorry din kasi naririnig ko ang pinag-uusapan ninyo."

Sabay kaming napalingon sa taong bumukas ng gate.

"K-kuya? Anong ginagawa mo dito?!" gulat kong tanong sa kanya.

"Anong ginagawa—Pumasok ka na!" Tinulak niya ako papasok. "Ikaw naman, lalaki. Pasok na! Gabing-gabi na, sus!"

Napakamot na lang si Art sa sariling batok. Hay naku, si Kuya, overprotective.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status