First day of class ko bilang first year college. At ito ang unang beses na mag-isa lang akong papasok sa eskwelahan. Noon kasi, sabay kaming papasok ni Art, sabay pa kaming mag-eenroll. Last night was the worst day of my life. He really wasted everything we had para lang pagplanuhan kung paano niya mapapatumba ang kanyang ama. And I can't support him because that's just too much. Revenge is not the best thing to do.
"Excuse me?" May lumapit na isang babae sa akin. Tiningnan ko naman siya. Pinagdidikit pa niya ang kanyang magkabilang hintuturo sabay tungo. She have black, long straight hair and she is wearing a skirt and off-shoulder. Nakasandals siya sa pang-ibaba.
"M-may nakita ka bang lalaki na g-gwapo tapos nakasuot ng black pants at long sleeve polo? Uhm yung hairstyle niya ay quiff tsaka kayumanggi ang kulay ng balat niya, atsaka-"
"T-teka teka." I cut her off. Lumingon-lingon pa ako sa paligid para hanapin ang sinasabi niyang lalaki. Marami namang naka long sleeve, black pants, kayumangging buhok atsaka quiff hairstyle ah. Sino sa kanila?
"Oyyyy!!! Emma!!!!" Nanlalaki ang mga mata ko nang may makitang lalaking tumatakbo papunta sa direksyon namin. He fits the description kaya ay malamang, siya ang hinahanap nito.
"Sa'n ka ba nagpupupunta? Kanina pa kita hinahanap! Grabe, ang lawak pala nitong campus! Maliligaw ka na lang! Haha!" He doesn't seem like he noticed me so I decided to walk away from them.
"Speaking of ligaw, pwede ba kitang ligawan?"
Napatigil ako at nilingon iyong lalaki. Is it just me or ako talaga ang tinutukoy niya?
Nakangiti siyang tumingin sa'kin. He walked closer and extended his arm, asking for a handshake. Napatingin na lang ako sa kamay niya at nagdadalawang-isip kung makikipagkamayan ba ako. He's a stranger, and he has the guts to court me after seeing me for like, seconds?
Napangiwi akong tumingin sa pagmumukha nitong lalaki. He is the perfect definition of moreno. Gwapo, kaso nga lang, playboy.
"I'm Diego. Diego Archibald. And you are?"
"A-aurora. Aurora Augustus." I said as I shaked his hand.
"Aurora. Ang gandang pangalan. Mukhang prinsesa."
"Uh, kasi, Diego. Prinsesa naman talaga si Aurora," pagsingit nitong babaeng kasama niya.
"Prinsesa ba? Ah. Oo nga. Prinsesa nga. Ano title?" pabulong na nagtanong si Diego sa kasama.
"Sleeping Beauty," pabulong din na sagot ng babae.
Napakagat na lang ako sa pang-ibabang labi at hinihiling na sana ay mabitawan na ako nitong Diego. Kanina pa kasi na hindi niya binibitawan ang kamay ko. Isn't it rude to just pull out my hand?
I cleared my throat. Kasalukuyan pa silang nag-uusap at mukhang nakalimutang andito pa ako. Gusto ko nang umalis at pumunta sa classroom. It's already 7:10 in the morning at 7:30 ang start ng klase. Hindi ko pa naman alam kung saang building makikita ang classroom ko dahil hindi ko pa kabisadu itong campus. Marami pa namang naglalakihang mga building dito.
Nabitawan na lang ako nitong Diego nang marinig naming may announcement na pinapa-assemble kami sa activity center. Pumunta naman kami doon. Marami din palang mga estudyante na nag-aaral dito.
We formed lines for the flag raising ceremony at pagkatapos ay may mga nakatayong mga estudyante sa harap na may dalang plakard. Nakasulat doon ang mga sections namin. Hinanap ko naman yung sa akin. Bachelor in Secondary Education Major in English. 1-A ang section ko. Sumunod naman kami sa guide namin habang ito ay naglalakad papunta sa classroom. Ang pagkakaalam ko ay magkapareho kami ng kinuha ni Art. Pero nasaan na siya?
"Oh, andito na tayo. Pumasok na kayo." Sabi ng guide namin. Pagkapasok namin ay nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko si Art. Nakaupo sa isang silya na malapit sa bintana habang ang siko niya ay nakapatong sa mesa, ang palad niya'y nasa kanyang pisngi. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana. Nakakaramdam ako ng saya dahil hindi ko aakalaing papasok pa rin pala siya. Akala ko kasi tuluyan na niyang sisirain ang kanyang kinabukasan para lang sa paghihiganti niya.
Mabilis akong kumilos at tumabi sa kanya. Ayokong may iba siyang makakatabi dahil gusto ko ako lang. Selfish ba yun? Hindi naman siguro. Siyempre ako ang mas nakakakilala sa kanya kaya dapat lang na ako ang katabi niya.
Mukhang hindi niya napansin na ako ang tumabi sa kanya. Infairness ah, nalaman niyang ito ang classroom namin.
I poked his arm to get his attention but he didn't budge. Nasa labas pa rin ng bintana ang atensyon niya. Napanguso ako at paulit-ulit pa rin siyang kinalabit.
Napangisi ako nang may maisip. Lumapit ako sa kanya at itinapat ang bibig ko sa kanyang tenga.
"Hi, Art baby," I whispered.
"Sh*t, Ror!" Mabilis siyang lumingon sa'kin kaya lumayo ako sa kanya at napahawak sa sariling tiyan kakatawa. I know he suddenly felt his skin roughened. Sino ba naman ang hindi? But I know, hindi gagana kay Art ang pagsi-seduce ko. I've tried seducing him pero hindi naman siya nadadala. Gusto ko lang siyang pagtripan, actually. Wala akong balak na patulan siya. He's just a friend!
"Tumatayo mga balahibo ko dahil sa'yong babae ka!" He stated with disgust. Minsan ay napapaisip ako kung lalaki ba talaga 'to si Art.
"Ang aga mo ah." Umupo na ulit ako sa tabi niya at ibinalik naman niya ang tingin niya sa bintana.
"Nag-iisip pa ako."
"Talaga bang final na ang desisyon mo? Hindi ko ba mababago isip mo?"
He looked to me once again. No emotion was shown on his face. Hindi ko nababasa ang iniisip niya. This only means, he doesn't care about what I would feel. Talagang gagawin niya pa rin ang plano niya.
"Art, your dad is from the mafia. Ikaw mismo ang nagsabi niyan. Delikado sila. Hindi mo siya kakayanin mag-isa." Nag-aalala kong sabi. "You are a friend. Importante ka sa'kin. Hindi ko kakayaning mawalan ng isang kaibigan."
"Sinong maysabing nag-iisa ako?" malamig niyang sabi.
Napatigil ako sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? May mga kasamahan ba siya?
"At hindi ko sasabihin kung sino." He continued. That's what I want to know pero naunahan niya ako. Gusto kong malaman kung sino ang makakasama niya. Why are they supporting him? Hindi kaya naghire siya ng mga tao? Gagaya na rin siya sa dad niya? He'll become a boss of his own army?
I decided not to talk to him afterwards. Nagtatampo ako sa kanya. Why is he being selfish? Alam kong wala akong karapatang pigilan siya dahil isa lamang akong hamak na kaibigan niya. But isn't this what a friend should do? Ang mag-alala sa kanyang kaibigan? Ang siguraduhin na hindi mapapahamak ito? I am just doing this because he is my friend. And I don't want to lose him.
Matapos ang klase ay nanatili lang ako sa classroom. Hinintay ko munang maunang lumabas si Art. Mukhang wala rin siyang balak na pansinin ako at lumabas na din. I followed him. Pero mukha namang wala siyang kikitaing tao. Sinundan ko siya hanggang sa makauwi siya sa kanila. Nothing seems unusual. Wala ang daddy niya sa kanila pero alam kong babalik din iyon. And as for now, probably, Art is planning for his return.
"Rorrrrrr!!!!!!" Napapangiti ako nang marinig kong tinatawag ako ni Art. Nasa canteen ako ngayon dahil bumibili ako ng snacks. Sinasabi ko na nga ba nami-miss na ako ni Art eh.
Paglingon ko sa kanya ay bigla na lang napawi ang ngiti sa labi ko.
"Diego?"
I formed my hands into fists habang pinapanood si Diego na tumatakbo papunta sa direksyon ko. Sino bang may sabing close na kami?"Ror—" Hindi ko siya pinatapos. Sinapak ko siya sa mukha and I heard people gasped. What I did really caught their attention. Ngunit wala lang akong pakialam dahil nakatuon lang ang atensyon ko dito sa lalaki. Nagulat siya sa ginawa ko. Sa lakas ng pagkakasapak ko sa kanya ay dumugo ang kanyang labi. Mukhang nakonsensya naman ako sa ginawa ko kaya inalalayan ko siya."S-sorry. Ikaw kasi eh." Pinaupo ko siya sa silya dito sa canteen. Naalis na rin ang mga tingin ng mga estudyante sa amin at nagkanya-kanya na sila. Nagdadalawang-isip ako kung hahawakan ko ba ang labi niyang may dugo. Paano ba naman kasi, bakit Ror ang tawag niya sa'kin? Si Art lang ang may karapatang tumawag sa'kin ng ganyan."Okay na ako. May anghel kasi sa harapan ko eh." Napangisi siya. Balak ko ulit sana siyang sampalin kaso baka lumala pa iyong sugat niya kay
"Ano mo na ba talaga iyang Arthur na 'yan?" tanong ni Kuya pagkapasok namin agad sa loob ng bahay. Si Kuya pala ay nagta-trabaho na bilang isang nurse sa isang health center."Kuya, ang tsismosa mo ah." Inilagay ko ang bag sa sofa at dumiretsu sa kusina para magmano kay nanay. Ang tatay ko naman ay nagta-trabaho abroad kaya kaming tatlo ang natitira dito sa bahay.Palagi lang akong tinatanong ni Kuya tungkol kay Art, kung ano na daw ang relasyon naming dalawa, pero ang totoo naman niyan ay kaibigan ko lang talaga ang lalaking iyon. Parang kapatid ko na nga eh. Hindi ko maiimagine na maging magboyfriend at mag-girlfriend kaming dalawa."Sigurado ka ba talaga diyan?" paulit-ulit na tanong ni Kuya. Pati ba naman sa hapagkainan ay hindi niya pa rin ako tinitigilan.Hindi na lang ako umimik at pinagpatuloy lang ang pagkain."Alam mo naman siguro ang bali-balita tungkol sa dad niya, diba?"Napatigil ako sa pagsubo at napatingala kay Kuya na nakaup
"Saan ka pupunta?" tanong ko kay Art nang bigla itong tumayo sa kinauupuan. "Wait lang." He smiled at lumabas nitong milktea shop. Naglakad siya palapit sa batang may hawak na mga tinitindang rosas. Kanina pa rin kasi namin iyon napapansin at naaawa na rin kami doon. Pero hindi ko aakalaing lalapit talaga si Art doon. Let me guess. Tutulungan niya ang bata at bibilhin niya lahat ng tinitinda nitong rosas. Iyan naman kasi ang kadalasan kong nakikita sa mga romance movie eh. Ang sweet niya ah. Typical boyfie yieee yaks. Kinausap niya muna ang bata bago niya ito pinapasok dito sa loob. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa makarating sila dito. "Siya daw si Grace." Pinakilala ni Art ang bata sa akin. "Hi, ako si Aurora. Ilang taon ka na?" nakangiti kong tanong dito. "10 po."Dahan-dahan akong tumango. Na
Sabi no'ng Felicity ay hindi niya sasabihin sa akin kung saan siya nakatira dahil iyon daw ang bilin ni Art. Ngunit matigas ang ulo ko at palihim siyang sinusundan ngayon. Talagang umabsent ako sa last subject namin para masigurado kong masundan ko siya ngayong araw.Naghihintay siya sa may unahan at nakikita ko siya mula rito. Pagkalipas ay may tumigil na tricycle sa harap niya. Sumakay siya dito kaya pumara rin ako ng isang tricycle para sundan siya. Lumipas muna ang tatlong minuto bago kami tumigil sa isang kanto. Sinigurado kong ilang metro ang layo namin para hindi niya mahalatang sinusundan ko siya.Pumasok siya sa isang konkretong bahay sa tabi lang ng kalsada. Napaangat ako ng tingin sa lugar na iyon. So dito pala natutulog si Art. Humanda ka talaga sa'kin.Naglakad ako ng pasimple palapit sa bahay. Tinitingnan ko pa ang kabuuan nito para makapag-isip ako kung saan ako pwedeng dumaan."Bulaga!"Nagulat na lang ako nang biglang may sumulpot
WARNING: HARASSMENT"Umalis ka na." Malamig niyang sabi sabay layo sa'kin. Umupo siya sa may mesa at humarap sa isang computer. Pinapanood ko na lang siya habang nararamdaman ko pa rin na ang sikip-sikip ng dibdib ko.Kakapasok lang nina Dustin at Felicity ay lumabas na agad ako ng kwarto. Mabilis akong naglakad palabas ng bahay habang tumutulo ang luha mula sa aking mga mata. I can't believe him! Does he have to go this far?Nang makalabas na nang tuluyan ng bahay ay tumigil muna ako at tiningnan ang kabuuan no'n. I bravely wiped my tears off my cheeks. Hindi ako titigil hangga't hindi ka bumabalik sa dati, Art. I will do everything to bring back our friendship.Naghintay ako ng tricycle dito pero mukhang wala ng darating. Gabi na rin kaya sigurado akong umuwi na sila. Paano na? Saan ako magpapalipas ng gabi? Malayo-layo pa naman ang bahay namin.May natanaw akong tricycle na paparating kaya pinara ko ito. I sighed with relief dahil mayroon pa pal
Nang makuha ko na ang librong hinahanap ay agad din akong lumabas ng library. Mabuti na lang at hindi na ako sinundan ni Diego dahil malamang ay bubwesitin na naman ako no'n. Nakakairita. "Guard number 2, nagkaproblema na naman po doon sa entrance gate. Pumasok na naman po kasi si Erojo," sabi ng isang estudyante sa isang guard na nakatambay malapit sa building ng mga engineering. "Hindi ba natututo iyong batang iyon? No'ng first year ay puro lang naman iyon suspension eh. Pati ba naman ngayong second year ay bibigyan na naman tayo no'n ng sakit ng ulo?" Napakamot pa ng batok ang guard bago umalis para puntahan ang sinumang estudyanteng nasa entrance gate. Nacurious ako kung sino ang estudyanteng mukhang nagpapabadtrip sa mga guards kaya nakiki-tsismis na rin ako. Eh sa tsismosa ako eh. Maraming mga estudyanteng nagkukumpulan doon sa gate, both inside and outside kaya hindi ko nakikita kung sino ang sinasabing estudyante. "Magsialisan kayo rito! Pumas
Matapos ang practice ay hinanap ulit ng mga mata ko si Art doon sa pwesto kung saan ko siya unang nakita ngunit wala na siya doon. Inilibot ko ang paningin ko sa pag-aakalang baka andito pa rin siya sa paligid. Nagsialisan na rin ang ibang mga estudyanteng kanina ay nanonood sa amin."Aurora?" I heard Emma's voice so I immediately looked to where she is. My eyes widened when I saw her being one of the contestants for the singing contest. May kanya-kanya kasi kaming coach para mag-ensayo sa amin. Hindi ko man lang napansin na isa rin pala si Emma sa contestants."Emma. I didn't know you can sing." I rolled my eyes inside my thought. Wow, Aurora. Akala mo naman na kilalang-kilala mo na talaga si Emma."Well, yeah. I have actually been into singing since I was young. Nakasali na rin ako sa mga patimpalak. Not to brag, but, I won all of them." Nakangiti niyang sabi na halata sa mukhang medyo nahihiya siya. I made an 'ooohh' reaction. Hindi ako makapaniwalang halimaw
I walked like a zombie habang papunta ako sa classroom. Walang buhay, tulala, nasa daan lang ang tingin. I can't believe Art doesn't even miss me even the slightest bit. O talagang nagpapanggap lang siya na wala siyang pakialam sa'kin para makapagpokus siya sa paghihiganti niya? Imposible naman kasi na itatapon lang niya nang ganun-ganun lang ang pagkakaibigan namin eh.Pabagsak akong umupo sa pwesto ko at tumingin sa labas ng bintana. Hindi mawala sa isipan ko si Art. Ano bang dapat kong gawin para matigil niya ang pinanggagagawa niya?"Good morning, class."Walang gana kong inilipat ang tingin sa harapan. Modern Physics ang next subject at ngayon ang unang araw na papasok ang instructor namin.Nanlalaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang instructor namin. The terror professor!I gulped. Bakit sa lahat-lahat ng subjects ay Modern Physics pa ang hina-handle niya? Is this it? Papahirapan ba niya ako?Inilibot nito ang paningin sa palig