"Ano mo na ba talaga iyang Arthur na 'yan?" tanong ni Kuya pagkapasok namin agad sa loob ng bahay. Si Kuya pala ay nagta-trabaho na bilang isang nurse sa isang health center.
"Kuya, ang tsismosa mo ah." Inilagay ko ang bag sa sofa at dumiretsu sa kusina para magmano kay nanay. Ang tatay ko naman ay nagta-trabaho abroad kaya kaming tatlo ang natitira dito sa bahay.
Palagi lang akong tinatanong ni Kuya tungkol kay Art, kung ano na daw ang relasyon naming dalawa, pero ang totoo naman niyan ay kaibigan ko lang talaga ang lalaking iyon. Parang kapatid ko na nga eh. Hindi ko maiimagine na maging magboyfriend at mag-girlfriend kaming dalawa.
"Sigurado ka ba talaga diyan?" paulit-ulit na tanong ni Kuya. Pati ba naman sa hapagkainan ay hindi niya pa rin ako tinitigilan.
Hindi na lang ako umimik at pinagpatuloy lang ang pagkain.
"Alam mo naman siguro ang bali-balita tungkol sa dad niya, diba?"
Napatigil ako sa pagsubo at napatingala kay Kuya na nakaupo sa harapan ko. Napansin ko rin na napatigil si nanay sa pagsubo at tiningnan kaming dalawa ni Kuya.
"Kuya. Hindi naman masamang tao si Art." Seryoso kong sabi sa kanya.
"Hindi nga. Pero ano ba ang kayang gawin ng tatay niya? Gusto lang kitang protektahan, Aurora. Kapatid kita." Hindi rin nagpadaig si Kuya sa pagiging seryoso. Napatigil na lang kami nang sumingit si nanay. Pagkatapos nun ay hindi na ako kinausap ni Kuya. Dumiretsu na agad ako sa kwarto at nag-isip.
Kaibigan ko si Art. Ngayong wala na ang mommy niya, wala nang taong magbibigay ng lakas ng loob sa kanya. Kailangan niya ako. Wala akong pakialam kung ano ang kayang gawin ng dad niya.
***
Habang naglalakad papunta sa classroom ay hindi ko maalis sa aking isipan ang sinabi ni Kuya tungkol sa dad ni Art. Wala sa dinadaanan ang atensyon ko dahil sa bumabagabag sa akin. Hindi ko na rin napansin na ibang building na pala ang napuntahan ko.
Nang marealize kong nasa ibang building ako ay napakamot na lang ako sa sariling ulo at bumalik na rin sa pinanggalingan. Ngunit napatigil ako nang may makita akong pamilyar na tao. Kahit na nakatalikod ito ay alam kong siya iyon.
Naisipan kong lumapit sa kinaroroonan nila ngunit hindi ako nagpahalata. May kausap kasi siyang babae na galing dito sa department kung saan ako naligaw. Napatingin ako sa nakalagay na section sa pinto kung saan galing ang babae. Bachelor of Science major in Psychology. Sino naman ang babaeng iyan? Iyan na ba ang pinalit niya sa'kin?
Napanguso na lang ako at naisipan nang bumalik sa classroom. He apologized to me last night so ibig sabihin ay quits na kami, tama? Babalik na ba ako sa pwesto ko sa tabi niya?
No. I should act na nagtatampo ako dahil nakita kong may kasama siyang ibang babae. Hindi ako nagseselos dahil baka ay iyon ang nagugustuhan niya, nagseselos ako dahil mayroon pa palang ibang taong nakakausap niya bukod sa kaniyang mommy. Nasanay na rin kasi ako na ako lang ang kinakausap niya.
Pumunta ako sa bago kong pwesto at dun na muna umupo.
"Hoy."
Alam kong nakatayo na siya sa harapan ko pero nagkunwari akong walang tao roon. Kinuha ko ang aking ballpen at kinagat-kagat iyon habang nagbabasa ako ng notes. Wala naman kaming quiz pero ito lang ang naisip kong gawin para hindi ko siya mapansin at matuon na lang ang atensyon dito sa binabasa.
"Ano bang ginagawa mo diyan? Diba nagsorry na ako sa'yo?" pagsasalita niya ngunit hindi ko pa rin siya pinansin at nagpatuloy pa rin sa ginagawa ko.
"Bumalik ka na sa tabi ko."
Napapangiti ako sa loob lang ng aking isipan. Ano daw? Bumalik ako sa tabi niya? Sabi ko na nga ba, kailangan niya ako eh.
"Hoy. Galit ka pa ba?" Bigla niya akong sinundot sa tagiliran kaya mabilis rin akong nagreact at napatingin sa kanya. Nakikita ko ang puppy eyes niya na talagang nagmamakaawang bumalik ako sa pwesto sa tabi niya.
"May gf ka na ba?" Nakanguso kong tanong sa kanya dahilan para manlaki ang mga mata niya. Hindi niya inexpect na malalaman ko agad? Aba, mabuti na lang talaga at naligaw ako sa department na iyon.
"A-ano bang sinasabi mo? Wala ah." Umiwas siya ng tingin kaya pinasisingkit ko ang sariling mga mata habang sinusundan siya ng tingin. Napakasinungaling talaga ng taong ito. Alam ko kung kailan siya nagsisinungaling at kung kailan siya nagsasabi ng totoo.
"Napakasinungaling mo! Nakita ko kayong nag-uusap! Maganda naman, pero kailangan ba talagang itago mo sa'kin? Akala ko ba bestfriends tayo?" Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at pabalik na sa upuan ko na katabi niya.
"S-she's not my girlfriend." Napatigil ako sa paglalakad at kunot-noo siyang tiningnan na parang binabasa ko ang kanyang mga mata. Nakatingin lang siya sa kanyang gilid.
Umiling na lang ako at umupo na sa pwesto ko dati. Tahimik siyang umupo sa pwesto niya at tumingin sa labas ng bintana. Ayan na naman siya oh. Ano bang meron sa labas ng bintana at palagi siyang nakatanaw doon?
"She's actually..." Bigla siyang nagsalita kaya napatingin ako sa kanya. Akala ko hindi na siya magsasalita eh.
Hindi niya pa rin inaalis ang tingin sa labas.
"She's a friend. She'll help me avenge my mom."
Nanlalaki ang mga mata ko sa narinig. Pilit kong inaalala ang itsura ng babaeng nakita ko kanina. Beautiful, has flawless skin, her hair was braided that hangs on her left shoulder. Innocent smile. Ano yun? Gangster? Ang ganun na itsura? Isang gangster? Niloloko ba ako ni Art?
"G-gangster siya?" nauutal kong tanong sa kanya.
"Y-yeah. I met her since high school. Nababalitaan natin noon na may gangster sa school, hindi ba?"
Inalala ko naman ang mga pangyayari noong high school. Oo nga. May mga nababalitaan kaming mayroon daw na mga gangsters sa school pero hindi pa naman ako nakakakita. It was all rumors. I never thought na totoo pala talaga na mayroon.
"Are you really serious about avenging your mom, Art?"
"Ayoko ng paulit-ulit, Ror." Seryoso siyang tumingin sa akin.
"Oo, paulit-ulit mo ngang sinasabi iyan! But I'm still hoping na sana ay magbago ang isip mo! Hindi magiging solusyon ang paghihiganti, Art!" Napatayo ako at napalakas ang boses ko. Mukhang narinig ako ng mga kaklase namin at nagsimula silang mag-tsismisan sa paligid ko.
"My decision is final, Ror. And not even you can change that. From now on..." Tumayo rin siya mula sa pagkakaupo.
"Let's pretend that we never knew each other." Kinuha niya ang bag niya at umalis na ng classroom. I was left dumbfounded. I felt my knees shaking. Nanunubig ang mga mata ko. Sumisikip ang dibdib ko dahil sa sinabi niya.
I knew this would happen. Our friendship is now over.
"Saan ka pupunta?" tanong ko kay Art nang bigla itong tumayo sa kinauupuan. "Wait lang." He smiled at lumabas nitong milktea shop. Naglakad siya palapit sa batang may hawak na mga tinitindang rosas. Kanina pa rin kasi namin iyon napapansin at naaawa na rin kami doon. Pero hindi ko aakalaing lalapit talaga si Art doon. Let me guess. Tutulungan niya ang bata at bibilhin niya lahat ng tinitinda nitong rosas. Iyan naman kasi ang kadalasan kong nakikita sa mga romance movie eh. Ang sweet niya ah. Typical boyfie yieee yaks. Kinausap niya muna ang bata bago niya ito pinapasok dito sa loob. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa makarating sila dito. "Siya daw si Grace." Pinakilala ni Art ang bata sa akin. "Hi, ako si Aurora. Ilang taon ka na?" nakangiti kong tanong dito. "10 po."Dahan-dahan akong tumango. Na
Sabi no'ng Felicity ay hindi niya sasabihin sa akin kung saan siya nakatira dahil iyon daw ang bilin ni Art. Ngunit matigas ang ulo ko at palihim siyang sinusundan ngayon. Talagang umabsent ako sa last subject namin para masigurado kong masundan ko siya ngayong araw.Naghihintay siya sa may unahan at nakikita ko siya mula rito. Pagkalipas ay may tumigil na tricycle sa harap niya. Sumakay siya dito kaya pumara rin ako ng isang tricycle para sundan siya. Lumipas muna ang tatlong minuto bago kami tumigil sa isang kanto. Sinigurado kong ilang metro ang layo namin para hindi niya mahalatang sinusundan ko siya.Pumasok siya sa isang konkretong bahay sa tabi lang ng kalsada. Napaangat ako ng tingin sa lugar na iyon. So dito pala natutulog si Art. Humanda ka talaga sa'kin.Naglakad ako ng pasimple palapit sa bahay. Tinitingnan ko pa ang kabuuan nito para makapag-isip ako kung saan ako pwedeng dumaan."Bulaga!"Nagulat na lang ako nang biglang may sumulpot
WARNING: HARASSMENT"Umalis ka na." Malamig niyang sabi sabay layo sa'kin. Umupo siya sa may mesa at humarap sa isang computer. Pinapanood ko na lang siya habang nararamdaman ko pa rin na ang sikip-sikip ng dibdib ko.Kakapasok lang nina Dustin at Felicity ay lumabas na agad ako ng kwarto. Mabilis akong naglakad palabas ng bahay habang tumutulo ang luha mula sa aking mga mata. I can't believe him! Does he have to go this far?Nang makalabas na nang tuluyan ng bahay ay tumigil muna ako at tiningnan ang kabuuan no'n. I bravely wiped my tears off my cheeks. Hindi ako titigil hangga't hindi ka bumabalik sa dati, Art. I will do everything to bring back our friendship.Naghintay ako ng tricycle dito pero mukhang wala ng darating. Gabi na rin kaya sigurado akong umuwi na sila. Paano na? Saan ako magpapalipas ng gabi? Malayo-layo pa naman ang bahay namin.May natanaw akong tricycle na paparating kaya pinara ko ito. I sighed with relief dahil mayroon pa pal
Nang makuha ko na ang librong hinahanap ay agad din akong lumabas ng library. Mabuti na lang at hindi na ako sinundan ni Diego dahil malamang ay bubwesitin na naman ako no'n. Nakakairita. "Guard number 2, nagkaproblema na naman po doon sa entrance gate. Pumasok na naman po kasi si Erojo," sabi ng isang estudyante sa isang guard na nakatambay malapit sa building ng mga engineering. "Hindi ba natututo iyong batang iyon? No'ng first year ay puro lang naman iyon suspension eh. Pati ba naman ngayong second year ay bibigyan na naman tayo no'n ng sakit ng ulo?" Napakamot pa ng batok ang guard bago umalis para puntahan ang sinumang estudyanteng nasa entrance gate. Nacurious ako kung sino ang estudyanteng mukhang nagpapabadtrip sa mga guards kaya nakiki-tsismis na rin ako. Eh sa tsismosa ako eh. Maraming mga estudyanteng nagkukumpulan doon sa gate, both inside and outside kaya hindi ko nakikita kung sino ang sinasabing estudyante. "Magsialisan kayo rito! Pumas
Matapos ang practice ay hinanap ulit ng mga mata ko si Art doon sa pwesto kung saan ko siya unang nakita ngunit wala na siya doon. Inilibot ko ang paningin ko sa pag-aakalang baka andito pa rin siya sa paligid. Nagsialisan na rin ang ibang mga estudyanteng kanina ay nanonood sa amin."Aurora?" I heard Emma's voice so I immediately looked to where she is. My eyes widened when I saw her being one of the contestants for the singing contest. May kanya-kanya kasi kaming coach para mag-ensayo sa amin. Hindi ko man lang napansin na isa rin pala si Emma sa contestants."Emma. I didn't know you can sing." I rolled my eyes inside my thought. Wow, Aurora. Akala mo naman na kilalang-kilala mo na talaga si Emma."Well, yeah. I have actually been into singing since I was young. Nakasali na rin ako sa mga patimpalak. Not to brag, but, I won all of them." Nakangiti niyang sabi na halata sa mukhang medyo nahihiya siya. I made an 'ooohh' reaction. Hindi ako makapaniwalang halimaw
I walked like a zombie habang papunta ako sa classroom. Walang buhay, tulala, nasa daan lang ang tingin. I can't believe Art doesn't even miss me even the slightest bit. O talagang nagpapanggap lang siya na wala siyang pakialam sa'kin para makapagpokus siya sa paghihiganti niya? Imposible naman kasi na itatapon lang niya nang ganun-ganun lang ang pagkakaibigan namin eh.Pabagsak akong umupo sa pwesto ko at tumingin sa labas ng bintana. Hindi mawala sa isipan ko si Art. Ano bang dapat kong gawin para matigil niya ang pinanggagagawa niya?"Good morning, class."Walang gana kong inilipat ang tingin sa harapan. Modern Physics ang next subject at ngayon ang unang araw na papasok ang instructor namin.Nanlalaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang instructor namin. The terror professor!I gulped. Bakit sa lahat-lahat ng subjects ay Modern Physics pa ang hina-handle niya? Is this it? Papahirapan ba niya ako?Inilibot nito ang paningin sa palig
"Uh, Rora..." Tumigil na lang kami sa paglalakad nang makababa na kami sa CEA building. Hinarap ko kaagad si Diego na kanina pa pala nakatingin sa magkahawak naming kamay. I gulped as I immediately lets go of his hand. My skin started to roughen so I hugged myself. Giniginaw ako na kinikilabutan.My forehead creased when he smiled as he kept on looking at his palm. Agad ko rin naman siyang hinampas sa kanyang balikat kaya mabilis rin siyang nakabalik sa realidad. He gave me a puzzled look."Anong ginagawa mo?" Tanong ko rito."Bakit? Ano bang ginawa ko?""Bahala ka nga diyan!" I took steps away from him but he followed me."Sino ba ang lalaking iyon, Rora?""Wala kang pakialam.""Grabe oh, parang hindi tayo magkaibigan ah." Napatigil ako at hinarap ulit siya."Kailan pa tayo naging magkaibigan?" I don't even have an idea what this guy is talking about. He is just flirting with me, for goodness' sake!"H-hindi pa ba m-mag
Sinamahan ako ni Art kahapon sa NSTP office at doon ay nagpalista. He was acting like a normal student, may respeto sa seniors. Nakakahiya lang dahil sinadya naman talaga na wala kami sa mga nakapaskil na papel dahil part na kami ng Literacy Training Service. Ang mga education students ay ang mga magtuturo sa ibang estudyante at mananatili lang kami sa campus. Hindi kami pupunta sa field. Kung hindi magtuturo ay kami ang maglilinis. Minsan din daw ay pupunta kami sa ibang school para doon magturo. Matapos pumunta sa office ay hinatid ako ng lalaki pauwi. While on our way home, dahil sa tahimik lang sa loob ng sasakyan, we talked. But our conversation is not the same as it was before. Mukhang may limitasyon ang mga pinag-uusapan namin. Natakot na nga akong tanungin pa ang tungkol sa paghihiganti niya, dahil alam kong hindi rin naman niya iyon magugustuhan. All freshmen gathered in the activity center. We formed lines by platoon. Kinakabahan pa kami sa mga kinatatayuan