Share

KABANATA 4

"Saan ka pupunta?" tanong ko kay Art nang bigla itong tumayo sa kinauupuan.

"Wait lang." He smiled at lumabas nitong milktea shop. Naglakad siya palapit sa batang may hawak na mga tinitindang rosas. Kanina pa rin kasi namin iyon napapansin at naaawa na rin kami doon. Pero hindi ko aakalaing lalapit talaga si Art doon. Let me guess. Tutulungan niya ang bata at bibilhin niya lahat ng tinitinda nitong rosas. Iyan naman kasi ang kadalasan kong nakikita sa mga romance movie eh. Ang sweet niya ah. Typical boyfie yieee yaks.

Kinausap niya muna ang bata bago niya ito pinapasok dito sa loob. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa makarating sila dito.

"Siya daw si Grace." Pinakilala ni Art ang bata sa akin.

"Hi, ako si Aurora. Ilang taon ka na?" nakangiti kong tanong dito.

"10 po."

Dahan-dahan akong tumango. Nakakaawa naman. Ang bata pa niya pero nararanasan na niyang gumawa ng kabuhayan. Dahil sa kahirapan ay pati mga bata pinagta-trabaho ng kanilang mga magulang. Posible nga na wala na silang magulang at sila na ang bumubuhay sa kanilang mga sarili.

"Ror," tawag ni Art kaya napaangat ako ng tingin sa kaniya.

Nakikita ko talagang naaawa si Art dito. Sigurado akong bibilhin niya talaga ang mga rosas na binebenta nito.

"Bibili ka ba? Oh eto na. Kanina ko pa kasi napapansin na tinitingnan mo ang dala niyang rosas eh."

Agad na nagsalubong ang kilay ko sa sinabi ng lalaki. Anak ng teteng naman oh! Akala ko siya ang bibili lahat. Akala ko naaawa siya kaya niya ito pinapapasok sa loob.

"Joke lang, Ror." He laughed. Binili niya lahat ng mga rosas. Binigyan na rin niya ng milktea at dagdag na pera ang bata. Nakikita ko mismo ang ngiti sa labi nito nang matanggap ang ibinigay ni Art. She waved goodbye at umalis na nitong milktea shop.

Napatingin ako kay Art at sa hawak nitong isang dosenang pulang rosas. Mukhang hindi nito alam kung saan ibibigay ang mga ito.

Inilibot niya ang paningin sa paligid at naghanap ng pwedeng pagbibigyan ng mga ito. He stood up and went to a group of high school girls on one table. Kinikilig pa ang mga ito sa biglaang paglapit ni Art. I just can't help but smile habang pinapanood siyang binibigyan niya ang mga babae. Hindi ko naman kasi ide-deny na gwapo talaga ang kaibigan ko. Bata pa lang kami, naga-gwapohan na talaga ako sa kanya pero hindi ko lang sinasabi sa kanya dahil alam kong magiging mayabang iyan at aakalain pang may gusto ako sa kaniya.

He has diamond face shape and a faux hawk hairstyle, a medium sandy beige skin tone, cinnamon brown hair and has beautiful hazel eyes. Matangos ang kanyang ilong at kissable pa ang lips niya. He's really perfect. But for me, he is a friend. Hindi ko naiimagine ang sarili ko kapag naging kami. We're fine just the way we are.

Bumalik siya dito sa table na mayroon pa ring dalang mga rosas. Kumunot na lang ang noo ko nang bigla niyang iabot sa akin ang mga iyon.

"Mukhang may sobra. Oh. Para sa'yo." Aniya sabay upo sa kanyang upuan sa harap ko.

"Tsk. May ibang mga babae pa sa paligid. Ibigay mo na lang sa kanila."

"Eh gusto ko ibigay sa'yo eh." He tsked back.

"Bakit ibibigay mo sa'kin?" tanong ko sa kanya dahilan para tumahimik siya. I saw his adams apple moved but he remained his eyes on me. Hindi niya pa rin sinasagot ang tanong ko pero kinuha ko na ang rosas na binigay niya. Ayaw sumagot eh. Edi kukunin ko na lang.

"Oh sige na. Tatanggapin ko na. Salamat." Nakasimangot pa rin ako habang tinitingnan ang hawak na rosas. Binilang ko kung ilan ang mga ito.

"Tatlo? Wow, ano 'to? I love you?" Napatawa na lang ako sa sinabi ko. Kapag tatlo, I love you agad? Hindi ba pwedeng You're my bestfriend o kaya naman ay You're the best?

Hindi sumagot si Art kaya kunot-noo ko siyang tiningnan. Nakaiwas lang siya ng tingin.

"B-bilang kaibigan lang iyan. Wag kang assuming ah." Sabi niya habang nakaiwas pa rin ng tingin.

"Luh, joke lang. Hindi ka naman magkakagusto ka sa'kin, diba? Alam mo na ang mga imperfections ko kaya imposibleng magkakagusto ka sa'kin. Atsaka kilala na rin kita. Para na nga tayong magkapatid eh." Napatawa ulit ako.

"Sabi mo eh."

Kumunot ang noo ko nang bigla siyang tumayo at mukhang nawalan na ng gana.

"Uwi na tayo. Hinahanap na ako ni dad." Nauna siyang naglakad palabas kaya mabilis akong kumilos para sundin siya. Bakit parang nababadtrip siya?

"Hoy, Ror!" Nagulat na lang ako nang makita si Diego sa harapan ko. Napatingin ako sa lunch box ko. Ngayon ko lang narealize na kanina pa pala ako tapos kumain pero nanatili lang ako dito sa mesa.

Inilibot ko ang paningin dito sa paligid at nakikitang puno ang cafeteria. Itinuon ko ang atensyon sa harap ko at nakita sina Diego at Emma na nakaupo na pala dito sa iisang table kung nasaan ako.

"Alam mo bang kanina pa kami andito? Bakit ang lalim ng iniisip mo?" tanong ni Diego. Naalala ko kasi ang moments namin ni Art. I still can't believe he decided to end our friendship just like that. Whenever I tried to bring up the topic about his revenge and his dad, talagang nag-iiba siya. He's totally swallowed up by revenge and hatred.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at inilagay ang lunch box sa loob ng bag.

"Dito na kayo umupo. Aalis na ako." Walang gana kong sambit at paalis na sana.

"Teka, kainin mo muna ang inihanda kong leche flan. Pang dessert mo lang oh." Sabi ni Diego.

"Salamat na lang, Diego. Pero-"

"Ror. Kumain ka."

Tiningnan ko siya nang masama kaya nanlaki ang mga mata niya.

"Sino bang may sabi sa'yo na pwede mo 'kong tawaging Ror?"

"Sorry naman. Sige na, Rora. Kumain ka na kasi." Napakamot siya sa sariling batok.

I sighed and decided to sit down again. This guy's really annoying me.

Kinain ko na lang ang leche flan pero mukhang wala pa rin akong gana. Hindi nawawala sa isipan ko si Art. Anong gagawin ko? Should I talk to him and apologize? Pero kahit na ganun pa, alam ko namang hindi pa rin magbabago ang isip niya. And I know that I still won't support him. I will never support him because of his way, kahit na kaibigan ko siya.

Basta alam kong mali ang isang bagay, no matter who did it, even my own family, hindi ko sila susuportahan. No matter what, kailangan mo pa ring gawin ang tama, sa mata ng Diyos at ng batas.

Matapos kong makasama sina Diego at Emma ay pumunta na ako sa classroom. The class ended but Art didn't show up. Hindi na siya pumasok. Ilang araw rin ang lumipas, ngunit hindi pa rin siya nagparamdam. Minsan nga ay inaabangan ko siya sa harap ng kanilang gate, pero talagang hindi ko siya maabutan. Hindi ko rin siya nakikitang lumalabas ng mansyon. I don't know why, but I started to get worried.

Not until, naisipan kong pumunta sa Psychology department sa school para tanungin iyong babaeng gangster na nakita kong kausap ni Art. I found out that her name is Felicity. I asked her where Art could possibly be.

"Sa bahay ko siya natutulog eh.." Nakangiti niyang sabi. I even saw her cheeks blushed. Bigla na lang akong nakaramdam ng paninikip ng aking dibdib.

Tarantado 'to ah.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status