Share

KABANATA 5

Sabi no'ng Felicity ay hindi niya sasabihin sa akin kung saan siya nakatira dahil iyon daw ang bilin ni Art. Ngunit matigas ang ulo ko at palihim siyang sinusundan ngayon. Talagang umabsent ako sa last subject namin para masigurado kong masundan ko siya ngayong araw.

Naghihintay siya sa may unahan at nakikita ko siya mula rito. Pagkalipas ay may tumigil na tricycle sa harap niya. Sumakay siya dito kaya pumara rin ako ng isang tricycle para sundan siya. Lumipas muna ang tatlong minuto bago kami tumigil sa isang kanto. Sinigurado kong ilang metro ang layo namin para hindi niya mahalatang sinusundan ko siya.

Pumasok siya sa isang konkretong bahay sa tabi lang ng kalsada. Napaangat ako ng tingin sa lugar na iyon. So dito pala natutulog si Art. Humanda ka talaga sa'kin.

Naglakad ako ng pasimple palapit sa bahay. Tinitingnan ko pa ang kabuuan nito para makapag-isip ako kung saan ako pwedeng dumaan.

"Bulaga!"

Nagulat na lang ako nang biglang may sumulpot sa likuran ko at hinawakan ang magkabila kong balikat. Hindi ko alam kung sino ito dahil hindi ko kilala ang boses niya.

"Sino ka? At bakit ka andito?" bulong niya sa tenga ko. Naaamoy ko ang baho ng sigarilyo sa kanya. Tambay ba ito dito? O baka ay kasamahan siya ni Felicity? Ibig sabihin ay gangster din ito?

"H-hinahanap ko si A-art..." kinakabahan kong sagot. I suddenly felt the roughening of my skin when he sniffed my neck. Adik ba 'to? Juice ko, tulong!

"Art? Si Arthur ba?" Napatigil siya sa ginagawa. "Syota ka ba niya? Naku, magandang timing ito."

Kumunot ang noo ko nang bigla niyang buksan ang pinto ng bahay na para bang siya ang may-ari nito. I finally get to discern him. He has grunge hair, oval-shaped face and medium dark deep tan skin. He's shirtless at may mga tattoo siya sa mga bahagi ng kanyang katawan. Naka-tsinelas at nakashorts.

He may not look like it but I think he's still in his 20's. Parang kaedad ko nga lang siya eh.

"Pasok ka, my lady." He grinned as he combed his hair with his fingers.

Sinundan ko na lang siya papasok. Inilibot ko ang paningin sa paligid. Mukha namang normal lang ang itsura ng bahay, parang sa amin lang. Mukhang hindi naman gangsters ang mga nakatira dito.

"Hoy, Dustin gago! Sino na namang babae ang dinala mo dito—"

Napaangat ako ng tingin kay Felicity na nasa itaas. Nagulat siya nang makilala niya kung sino ako. I just faked a smile on her. Hinintay kong magpakita si Art pero wala siya. Nagtago kaya iyon?

"Hoy, BABAE! ANONG GINAGAWA MO DITO?!" Napaatras ako nang bigla akong sigawan ni Felicity. I can't believe this innocent girl turned into a beast.

Naglakad siya pababa ng hagdan habang hindi inaalis ang masamang tingin sa akin. I can hear her loud footsteps. Tiles ang sahig kaya naririnig ko ang bawat yapak ng kanyang mga paang naka-tsinelas. Nakasuot pa siya ng pantulog at medyo buhaghag ang kanyang buhok. Ang bilis naman niyang makabihis at makatulog eh kakarating pa lang naman niya.

"P*tangina mo, Dustin! Ginagago mo ba ako? Sinadya mo ba talagang papasukin ang babaeng ito para istorbohin kami?!" Felicity grabbed Dustin's arm at ramdam ko ang mahigpit nitong pagkakahawak dito. Mukhang nasaktan si Dustin pero hindi niya lang pinapahalata. Nakangiti lang itong tumingin sa babae.

"T-teka. A-ano bang g-ginagawa mo? Importante ba iyon dahil ayaw mong magpaistorbo?" tanong ko sa kanya dahilan para lingunin nila ako pareho. Napabitaw ang babae sa pagkakahawak kay Dustin.

"Ewan ko nga eh kung anong ginagawa nila ni Arthur sa kwarto eh. Ayaw magpaistorbo." Sabi ni Dustin habang ikinrus niya ang braso sa harap ng kaniyang dibdib.

Kumunot ang noo ko nang biglang umiwas ng tingin si Felicity.

"E-eh ano naman?" I saw her cheeks blushed.

I gritted my teeth and formed my hands into fists. Napakawalang hiya mo, Art!

"Hoy, babae! Saan ka pupunta?!" sigaw ni Felicity nung humakbang ako paakyat ng hagdan habang nakakuyom pa rin ang mga kamay ko. May tatlong kwarto rito kaya inisa-isa ko ang mga ito.

Walang tao sa una at sa pangalawa kaya malamang ay nasa ikatlong kwarto siya.

Tumigil ako sa harap ng pinto. Gusto kong buksan na agad iyon pero bigla akong nakaramdam ng kaba. Nauunahan ako ng nerbyus keysa sa galit ko sa lalaki. Ano na lang ang iisipin at sasabihin niya kapag nakita niya akong andito? And why would I even barge in just after what I heard from Dustin and Felicity?

I put on courage as I slowly rotated the doorknob. Dahan-dahan kong itinulak ang pinto ngunit nabigla na lang ako nang may nagbukas ng pinto nang malaki. Someone from inside the room grabbed my right wrist and immediately pinned me on the wall. His left hand was holding my wrist while his right hand was on my waist. Malapit ang kanyang mukha sa mukha ko and I swear, I can feel his breath!

"Anong ginagawa mo dito?" Mariin niyang tanong. Napalunok ako ng laway nang makita ko ang mga mata niyang nakatitig sa akin. His hazel eyes turned dark. They were showing no emotion. Just by the way he talks, hindi niya nagustuhan na andito ako.

"A-art. B-bakit hindi ka na p-pumapasok sa school? Hindi n-na rin kita nakikitang umuuwi sa mansyon ninyo." Nauutal kong sabi. Sa ngayon, talagang hindi ko maituwid ang aking pagsasalita dahil sa tingin ko'y ibang tao ang kausap ko ngayon. I don't even know why I am feeling so nervous kahit na alam kong si Art lang ito, ang bestfriend ko. He has changed pagkalipas lang ng ilang araw.

I noticed his hair's a little messy, and he's wearing an earring that's hanging on his right ear. He's wearing a black leather jacket, black pants and black shoes. I even saw a tattoo on his neck. I don't know what kind of tattoo it is but Dustin has this kind of tattoo as well. Yun nga lang ay nakalagay ang ganitong tattoo ni Dustin sa kanyang kaliwang dibdib. They have different sizes and they are embedded in different positions but the figure is totally the same. This is probably a tattoo signifying that they belong to a gang.

Nararamdaman kong nanunubig ang aking mga mata. What happened to you, Art? Why do you have to go this far?

"Wag mong sabihing iiyak ka?" walang emosyon niyang sambit nang mapansing parang iiyak na ako.

Dahil doon ay tuluyan nang bumagsak ang luha sa aking pisngi.

"BULLSH*T, AURORA!!!" Pinagtaasan na niya ako ng boses dahilan para mapapikit ako nang mariin sa takot.

Hindi lang itsura at ugali niya ang nagbago. Now, he calls me by my real name.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status