Share

KABANATA 6

WARNING: HARASSMENT

"Umalis ka na." Malamig niyang sabi sabay layo sa'kin. Umupo siya sa may mesa at humarap sa isang computer. Pinapanood ko na lang siya habang nararamdaman ko pa rin na ang sikip-sikip ng dibdib ko.

Kakapasok lang nina Dustin at Felicity ay lumabas na agad ako ng kwarto. Mabilis akong naglakad palabas ng bahay habang tumutulo ang luha mula sa aking mga mata. I can't believe him! Does he have to go this far?

Nang makalabas na nang tuluyan ng bahay ay tumigil muna ako at tiningnan ang kabuuan no'n. I bravely wiped my tears off my cheeks. Hindi ako titigil hangga't hindi ka bumabalik sa dati, Art. I will do everything to bring back our friendship.

Naghintay ako ng tricycle dito pero mukhang wala ng darating. Gabi na rin kaya sigurado akong umuwi na sila. Paano na? Saan ako magpapalipas ng gabi? Malayo-layo pa naman ang bahay namin.

May natanaw akong tricycle na paparating kaya pinara ko ito. I sighed with relief dahil mayroon pa palang tricycle kahit ngayong oras na ng gabi.

"Sakay na, miss." Ani driver na lalaki nung tumigil na ito. Sumilip ako sa likuran niya at mukhang mayroong nakaupo ro'n. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng kaba. Sabi kasi ng nanay ko na hindi daw dapat ako sasakay kapag nakikita kong may ibang taong nakasakay sa likod ng driver lalo na kapag gabi. Alam kong hindi ko dapat jina-judge ang mga ito pero kailangan ko pa ring mag-ingat lalo na't babae ako.

Pero kung hindi ako sasakay, sigurado akong ito na ang huling tricycle at wala na akong masasakyan pa.

Huminga muna ako nang malalim bago ko naisipang sumakay na. Sana naman ay mali itong iniisip ko tungkol sa dalawang lalaki dito.

"Saan ba punta mo, miss?" tanong ng driver nang iandar na nito ang tricycle.

"Sa Corella po." Magalang kong sagot.

"Malayo-layo rin iyon, ah. 'Di ba may mga kagubatan roon?"

Agad akong kinabahan nang tanungin niya iyon. Bakit kailangan pang malaman kung may kagubatan doon? Anong gagawin nila doon?

"W-wala," tanging sagot ko na lang kahit na mayroon naman talagang gubat doon. Dapat bang hindi na ako sumakay? Should I rather stay there and sleep with the gangsters or be with these strangers na hindi ko alam kung ano ang intensyon?

Hindi pa kami nakaabot ng isang kilometro ay nabigla ako nang tumigil ang sinasakyan. Napapansin kong bumaba iyong lalaki na nakasakay sa likuran ng driver kaya mas lalo akong kinabahan. Naka-ilang lunok na ako ng laway dito sa inuupuan ko. Gusto kong bumaba dito pero pakiramdam ko'y dumidikit ang pwet ko sa upuan. Napapikit ako habang nagdadasal. Sana ay wala silang gagawin sa akin. Pakiusap, tulungan Niyo po ako.

"Miss, usod ka do'n." I opened my eyes when he went inside. Gusto niyang tumabi sa akin at pakiramdam ko'y may binabalak siya sa akin.

"K-kuya, wag po..." Paulit-ulit akong umiiling. But he just showed a scornful smile at hinahaplos-haplos ang braso ko. Hindi dapat ako sumakay. Dapat ay nanatili lang ako doon sa bahay dahil alam ko namang ligtas ako kapag andoon si Art. Hindi naman niya hahayaang may mangyaring masama sa akin, hindi ba?

Inilapit ni manong ang mukha niya sa akin pero itinulak ko siya. Ngunit sadyang mas malakas siya sa akin kaya nagagawa niyang halikan ang leeg ko. Tumulo na lang ang luha mula sa aking mga mata. Gusto kong sumigaw pero natatakot ako sa kung ano ang pwede nilang gawin kapag ginawa ko iyon. Tulong. Art, tulungan mo ako. Mama, Kuya, tulong. Panginoon, tulungan Niyo po ako.

"Sinasabi ko na nga ba eh!!"

Nanlalaki ang mga mata ko nang biglang may humila kay manong palabas. Hindi ko pa nakikita kung sino ang taong dumating pero ramdam kong ligtas na ako.

Pinagsusuntok ng lalaking nagligtas sa akin si manong. Si kuyang driver rin naman ay tumulong ngunit kahit na nag-iisa ay nagawa pa ring itumba ng lalaki ang dalawa. Madilim-dilim dito sa lugar kung saan kami tumigil kaya hindi ko masyadong naaaninag ang lalaki ngunit napagtanto kong pamilyar ito.

"D-dustin?" Kunot-noo kong bigkas.

"Oh yes?" Aniya nang matapos sa ginagawa. Nakahiga na ang dalawang manong sa kalsada.

"S-sinusundan mo ako?" tanong ko dito.

"Oo naman." May itinuro siya sa likuran at nakita kong may bisikleta. Ibinalik ko ang tingin sa kanya at tinanong kung bakit niya ako sinusundan. Hindi kaya si Art ang nag-utos sa kanya? May pakialam pa rin naman siya sa akin, hindi ba?

"Ang totoo niyan kasi, gusto lang kitang sundan. Hindi naman safe lalo na kapag babae ka. Sinigurado ko lang na makakauwi ka nang ligtas." He grinned and showed a thumbs up. Nagpapasalamat ako sa kanya ngunit nakaramdam ako ng lungkot. Akala ko kasi si Art ang nag-utos sa kanya. Guess I was wrong, then. Nagbago ka na talaga, Art.

Marunong naman daw magmaneho ng tricycle itong si Dustin kaya siya na ang nagmaneho para ihatid ako sa amin ng libre. Buti na rin at nakatipid ako ng pamasahe.

"Oh, bakit ang tagal mong nakauwi? Alam mo bang kanina pa kami naghihintay ni nanay?" salubong agad ni Kuya nang makapasok na ako ng bahay. Pareho sila ni nanay na nanonood ng La Vida Lena. Hindi ko alam na 10:00 na pala ng gabi.

"Anong sinakyan mo? Ang alam ko eh wala nang pampasaherong sasakyan ngayong oras ng gabi," sabi ni nanay. Nagmano muna ako sa kaniya.

"May naghatid lang po sa'kin," pagod kong sagot sa kanila. Hindi na rin naman sila nagtanong pang muli dahil alam nilang hindi ko rin naman sasagutin nang matino ang mga tanong nila.

"Rora!!!!" Napalingon kaagad ako kay Diego na mabilis na tumatakbo papunta sa kinaroroonan ko. Dahil sa pagiging feeling close nito ay baka tuluyan ko na talagang maging kaibigan ito.

"Ano na naman ba ang kailangan mo?" Nagpatuloy na ako sa paglalakad dito sa quadrangle. Papunta ako sa main library dahil may hinahanap akong libro. First time kong pumunta doon kaya ay medyo kinakabahan ako. Bali-balita sa department na marami daw na mga Engineering students na malalakas ang trip doon. Wala naman akong pakialam sa mga estudyanteng iyon pero hindi ko maiwasang kabahan ng kaunti. Kung pwede nga lang sana doon lang ako sa department namin, eh may library rin naman kami, kaso wala doon ang hinahanap kong libro.

"Saan punta mo?" tanong nito.

"Sa library."

"Sa main ba? Samahan na kita."

Napatigil ako doon. Mukhang hindi masama na kasama ko itong lalaking ito. Malamang ay hindi ako pagti-tripan ng mga Engineering students doon kapag nakita nilang may kasama ako.

Pagkapasok sa main library ay napahinga ako nang malalim. Nakatingin sa akin ang lahat ng mga estudyante dito. Wala akong nakikitang ni isang babae. Bakit puro lalaki lang dito? All boys library ba ito?

"Upo ka, Rora." Nakangiting sabi ni Diego na may inoffer na upuan kaya umupo rin ako doon. Napapansin ko pa rin ang tingin ng mga lalaking andito sa library. Don't tell me, pati librarian dito ay lalaki?

Napalunok ako ng laway. Kailangan kong tumayo para hanapin na ang libro. Pero bakit nakaupo pa rin ako ngayon? Sa harapan, sa gilid, sa kahit saang sulok ay puro mga lalaki talaga ang nakikita ko. I am surrounded by male engineering students, for goodness' sake!

"Dude, may nadekwat ka palang bagong babae."

"Akala ko ba si Emma na?"

"Napaka-chickboy mo talaga. Ibalato mo na lang sa amin iyan."

Nanlalaki ang mga mata ko. Kilala nila itong si Diego?

"Tumahimik kayo diyan, inggit lang kayo! Atsaka, kaibigan ko lang si Emma! Ito talaga yung the one." Inakbayan ako ni Diego pero tinabig ko ang braso niya dahilan para maalis ito sa aking balikat.

"Miss, mag-ingat ka diyan. Playboy 'yan. Siya ang top student sa Engineering na maraming nilalandi." Sabi ng isa sa kanila. Nagtawanan naman ang iba dito.

Engineering si Diego? Kaya pala ang lakas mantrip.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status