Share

Chapter 2: Girlfriend

“OY,” untag ni Paris kay Theon. He only looked up at her with a knot on his forehead. Nilapag niya sa harap nito ang pinakamahal na bote ng wine nila. Medyo nag-alangan pa nga siyang damayan ito ngunit ayaw naman niyang mapahiya ang serbisyong ipinangako ng Kuya niya.

Umupo si Paris sa tapat ni Theon at pinagsalin ito ng wine. Hindi naman umimik ang binata at mukhang nasa malalim pa ring pag-iisip. “Ano na ngayon ang balak mo? If your Lola would come, we’ll continue what we have already prepared.” aniya ngunit hindi pa rin umiimik ang binata.

Nagpakawala ng buntong-hininga si Paris. “Alam mo, I can’t blame her. You’re a total asshole.”

Agad nagsalubong ang makakapal na kilay ni Theon. His sharp cruel eyes darted at her. Tamad na sinalubong niya ang tingin nito. “Stop acting like you understand anything, Paris,” he coldly said.

Her eyebrow shot up. “Alin doon ang hindi ko naintindihan? Iyong bandang pagte-take advantage mo sa feelings sayo ng isang babae just so you could please your grandmother? Or somewhere between hindi ka man lang nakonsensya sa gagawin mo knowing you can’t love her back? Alin ba doon Theon?” Hindi ito sumagot. “She deserves someone who can love her back, Theon. And clearly, hindi ikaw yon. You shouldn’t have lead her on, only to use her at your convenience. Tapos hindi ka man lang nag-sorry. You should be ashamed. Shame…” she said, disappointed at his actions.

“Keep your lectures to yourself. I don’t need them.” He took a sip of his wine, completely unaffected by her words. Ah, bakit ba nagsasama ang Kuya niya sa ganitong klaseng lalake? Matino naman ang Kuya Franz niya at mabait pa. Kapag napariwa ang Kuya niya, iisa lang ang sisihin niya talaga. Walang iba kundi ang lalaking nasa harap niya ngayon.

“You are hopeless, Theon. Magpahawa ka naman sa Kuya ko ng kaunting konsensya at kabaitan sa katawan.”

A mocking smile formed on his lips. “Don’t be too surprised, Paris. Ni hindi ka nga nahawaan niyon gayong magkapatid na kayo. Kami pa kayang hindi magkadugo?”

Nagpanting ang tenga ni Paris sa sinabi nito. This is why she didn’t like Theon even before. He’s always sarcastic and cold. Way, way cold for her liking.

“Alam mo hindi ko maintindihan ang mga babaeng nagkakagusto sayo. Ano bang nakita nila sayo? You are a tiyanak incarnate. Stop hiding behind that face.”

 “Huwag mong isisi sa kanila kung wala kang taste sa mga lalaki.”

Nakabusangot na ang mukha ni Paris. Umangat naman ang gilid ng labi ni Theon na tila ba satisfied na satisfied sa pang-iinis sa kanya. She stood up. “Bahala ka na nga riyan. I’d love to see you be hit by your karma very soon.” Tumunog ang pinto, hudyat ng pagdating ng bisitang inaasahan ng binata. “Oh look, it’s here. Ang bilis hindi ba? Express padala.” She flashed him an evil smile. Nabura na ang ngiti ni Theon nang tingnan ang kararating na lola nito. Nilingon niya ang isang matandang babaeng kakikitaan ng ka-elegantehan na kasalukuyang iginagiya ng mga tauhan niya papunta sa nakahandang mesa.

“You’re good at breaking women’s heart, Theon. You’d even break your beloved Lola’s heart, tonight.” Napailing-iling si Paris. Masama na ang tinging ipinupukol ni Theon sa kanya.

ISA-ISANG inilabas ang mga pagkain at inihanda sa nakahandang mesa nina Theon at ng lola nito. Hindi kakikitaan ng kaba ang binata. He still looks cool and relaxed. Always in his dashing self, even in the middle of distress. Bilib na rin si Paris rito.

Mukhang maayos naman ang lahat. Nakita niya kung paano luminga-linga ang matanda sa paligid na tila ba may hinahanap. Nag-uusap ng masinsinan ang dalawa at walang ideya si Paris kung paano nilulusutan ni Theon ang problema nito. Kahit ang mga tauhan niya ay kuryusong nag-oobserba. Though, it seems that Theon was handling it well. Or that was she thought. If only, he didn’t look at her way and met her eyes.

Malabo na siguro ang mata ni Paris because it was as if she saw a spark of angst in them. A spark which immediately clouded by impassivity and frigidness again.

“Hindi ko alam kung kanino ako maaawa. Kay Madam na halatang excited makita iyong ipapakilala ni Sir Theon o kay Sir kasi parang ayaw talaga niyang ma-dissappoint si Madam.”

“Pwede naman sigurong humanap nalang si Sir ng bago at ipagpaliban nalang ang balak sana niya ngayon.”

“Oo nga. Pero tingin niyo ba ay kukunin pa rin ni Sir ang serbisyo ni Sir Franz dito sa susunod?”

Napalingon si Paris sa bulungan ng mga tauhan niya. Bigla-bigla ay nagsitahimik ang mga ito at mahinang humingi ng paumanhin. Hindi naman niya mapipigilan ang mga itong pag-usapan ang mga nangyari. Ngunit tila umahon ang pride sa kanyang d****b. Ayaw niyang mapahiya ang serbisyo ng Fou D’amour lalo pa at pag-aari iyon ng pamilya nila. Ngunit hindi naman nila hawak ang ganitong mga pagkakataon.

This is a fortuitous events.

A very unfortunate event… for Theon, of course.

Napabuntong-hininga si Paris. Nagpasya siyang tumulong na upang pagaanin ang sitwasyon kahit na kaunti lamang. Siya na mismo ang mag-aasikaso sa mga ito mula sa main dish and desserts. Isang malamyos na tugtog ng violin ang kasalukuyang tinutugtog sa maliit na stage. She also ordered that the piano be played to add a little life inside the restaurant.

Papalapit palang siya sa mga mesa nang mga ito ay naririnig na niya ang pinag-uusapan ng mag-Lola.

“I’m so sorry to hear that hijo. I’m sure anuman ang hindi niyo pinakaunawan ay mareresolba niyo din. Don’t be too hard on her. I understand if she felt so much pressure on her part. Whatever it is, huwag kang mapagod na suyuin siya, no matter how much you two argue. Sooner, you’ll be able to reconcile.”

Lumubog ang puso ni Paris sa tinig ng matandang umuunawa sa malamig pa sa yelong si Theon. Paano kaya nito naging apo ang batong si Theon?

Sumunod naman ang mga mata ni Theon kay Paris mula sa Lola nito. Hindi maintindihan ni Paris kung bakit tila may kumurot sa puso niya nang salubungin ang mga mata ng binata. Matagal na niyang ipinagtataka ito, sapagkat sa tuwing titingnan niya ang mga mata ni Theon sa malayo, sa tuwing ilalarawan niya ito, alam na alam niya at sigurado siya. He has the most indifferent sharp pair of eyes, she had ever seen. But whenever he’d stare at her like this, tila ba mali ang naging description niya rito. Duling ba siya?

Tumigil si Paris sa likod ng kinauupuan ng Lola ni Theon.

“Are you worried about me?” ani ng matandang nakatalikod pa rin sa kanya. Lumipat ang tingin ni Theon rito, bakas sa mukha ang pagseryoso. “Come on, hijo. Matanda na ako pero kaya ko pa namang maghintay. But of course, I wouldn’t lie to you. Alam mong matagal ko nang gusto sanang makitang may napupusuan ka na. Mapapalagay akong hindi ka nakulong sa alaala ng iyong ama. Naniniwala akong hindi ka katulad niya, apo. I am sure you know exactly how to love and take care of a woman. Your woman.”

Lumipat ang tingin ni Paris sa matanda. Mararamdaman ang lungkot sa tinig nito ang lungkot at pag-aalala. Biglang nginatngat ang puso niya nang simpatya. Ewan ba niya at parang siya pa ang nakokonsensya’t walang maipapakila si Theon rito. Sa dami ng babaeng naghahabol sa lalake, nagulat pa nga siya’t ngayon lang nito naisipang magpakilala ng babae sa pinakamamahal nitong abuela.

Mahinang tumikhim si Paris upang kunin ang atensyon ng dalawa. Maingat at maayos na inihanda nila ang pagkain sa mesa ng mga ito. Ngumiti sa kanya ang matanda. Lalo lamang lumambot ang puso ni Paris rito. The old woman’s eyes had the effect of the warmest embrace in a very cold night. Para bang sa isang iglap lahat ng bagay ay magagawa niya para lamang makita itong masaya.

“Please enjoy your stay, Madam. We are pleased to serve you,” she said.

“Thank you.”

Imbis na umalis para iwanan ang dalawa ay hindi kaagad nagawa ni Paris. Naiwan tuloy sa kanya ang tingin ng Lola ni Theon. Tila ba nararamdaman nito ang uneasiness niya. Nang magtagal pa siya ng isang minuto ay tuluyan na atang lumipad ang katinuan niya.

“Uh…” she trailed off. Nagpalipat-lipat ang tingin niya kay Theon at sa Lola nito. Tila kahit si Theon ay nahihiwagaan sa inaakto niya.

“What is it miss…” Tiningnan ni Lola Celestina ang kanyang name tag. “Laurene.” calling her by her second name.

“I apologize for the intrusion, Madam. I haven’t properly introduced myself.” Nilingon niya si Theon. There was the faintest paint of confusion in his eyes. Ganoon din ang warning. Sa malamang ay iniisip nitong ilalaglag niya ito. Hindi naman sa ganoon pero parang ganon na nga.

Nang ilipat niya ang mga mata sa matanda ay kakikitaan na ng pagkalito at interes sa inaakto niya. Inayos niya ang pagkakatayo at inilahad ang kamay rito. “I’m Paris Laurene Hart, I am Fou D’amour’s assistant manager.” Hindi na niya muli pang nilingon si Theon. Lumunok siya at ipinagdasal na sana tama ang ginagawa.

“And your grandson’s girlfriend po.”

At the back of her mind, there’s a voice shouting at her that it was the dumbest idea. With the look of shock on the old woman’s face, mas nakumpirma niya ata iyon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status