Share

Chapter 6: Affectionate

MAHIGIT isa’t kalahating oras ang naging byahe nila sa eroplano. Isang itim na van ang naabutan nilang naghihintay sa kanilang pagdating. Tahimik sila pareho nang sumakay sa van. Bumabati ang driver na mukhang kilalang-kilala si Theon. Ngumiti lamang si Paris sa driver at tinuon ang atensyon sa labas ng sasakyan.

Nag-aagaw na ang dilim at liwanag sa labas. Habang tumatagal ay lalong nananaig at kumakalat ang dilim sa langit na bahagyang napapawi lamang ng ilaw ng mga sasakyan at mga establisyemento.

Mula sa pagmamasid sa labas ay napukaw ang atensyon ni Paris sa panaka-nakang tingin ng driver sa rearview. Para bang pinapakiramdaman silang nasa likuran. Nilingon niya si Theon na tahimik at abala sa pagtipa sa cellphone nito. He looked so tired and bored.

Something clicked in Paris’ mind. Ang layo ng pagitan nila ni Theon at ni hindi man lang nag-uusap. Kung hindi pa sa radio na tumutugtog ay walang ibang maririnig sa loob ng sasakyan.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status