Share

A Glimpse of His World

Author: Tina Ehm
last update Last Updated: 2025-08-20 22:38:13

Chapter 5 

Kinabukasan, maagang nagising si Elena. Hindi siya nakatulog nang maayos sa unang gabi sa mansion. Paulit-ulit sa isip niya ang pagbitaw ng malamig na salita ni Adrian. I don’t believe in love. Parang tinik ito sa dibdib niya, isang paalala na sa mundong ito, hindi siya pwedeng umasa sa compassion o sweetness, kahit na asawa niya ang lalaking iyon.

Nagbihis siya ng simpleng blouse at pencil skirt bago bumaba. Pagdating niya sa dining area, parang nasa hotel buffet. Isang mahabang mesa, punô ng mamahaling pagkain. Ang amoy ng bagong timplang kape, mainit na croissant, at mamahaling keso ay parang nagdadala ng kaba, lalo na’t kasabay nito ang sobra-sobrang luho sa paligid. Si Adrian lang ang nakaupo sa mahabang dining table. Nakabihis na ng itim na suit, hawak ang newspaper, mata’y nakatutok sa mga column ng business page.

“You’re late,” malamig na bati nito, halos walang intonasyon ng emotion.

Napakagat-labi si Elena. “It’s only seven…” mahina niyang tugon, halos nakangiti sa sarili para pilitin ang normal na tono.

“I expect my wife to wake up at six.” Hindi man lang tumingin, tuloy lang sa pagbabasa.

She ignored ang pagpuna ni Adrian sa paggising niya ng late. Umupo siya sa dulo ng mesa, halos sampung upuan ang pagitan nila. Parang may invisible wall sa pagitan nila. Isang malamig at mabigat na hangin ang nagpaalala sa kanya na hindi basta-basta ang relasyon nilang dalawa. Tahimik siyang kumain-kain, pilit na hindi alintana ang lamig ng presensya ni Adrian. Ngunit nang masamid siya sa iniinom na juice, agad tumayo si Adrian at iniabot ang baso ng tubig.

Sa sandali lang iyon, nagulat siya. Nakita niya at nadama niya ang mabilis na pag-aalala sa mga mata nito. At agad ding nawala, parang hindi naman nangyari.

“Careful. Don’t make a scene infront of the staff,” sagot nito sa malamig na tono, umupo siya ulit na parang walang nangyari.

Matapos ang agahan, ipinahanda ni Adrian ang kotse. “You’re coming with me,” sabi nito, walang paliwanag-paliwanag.

“Where?” tanong ni Elena, sabay higpit ng hawak sa strap ng kanyang bag.

“You’ll see.”

Sa loob ng kotse, tahimik lang siya habang nagmamaneho si Adrian, bawat segundo ng katahimikan ay parang bumibigat. Paminsan-minsan, napapansin niyang tumitingin si Adrian sa kanya. Ang mga tingin nito ay matulis at para bang sinusuri siya, hindi niya alam kung bakit.

Napayuko siya, pilit na kinakalma ang sarili. Hindi niya alam kung matatakot ba siya o dapat siyang magtanong. Pero sa lahat ng mga nangyayaring ito, may kutob sa dibdib niya na may mas malalim pa itong itinatago.

Pagdating nila sa kompanya ni Adrian, bumungad sa kanya ang isang mataas na building sa gitna ng siyudad, ang Velasco Corporation. Doon niya unang naramdaman ang bigat ng pangalang pinakasalan niya. Ang entrance lobby ay may marble floors, massive chandelier, at reception staff na nakapuwesto na parang mga sentinel. Sa bawat hakbang nila, lahat ng tao ay nakayuko, nagbibigay-galang. Habang sila ay naglalakad, sa paligid ay may mga mahihinang bulungan ng mga tao at ramdam niya ang bigat ng mga titig ng mga ito.

“You’re Mrs. Velasco now,” bulong ni Adrian habang naglalakad sila papasok ng elevator. “Learn to carry the name.”

Pagpasok nila sa boardroom ay punô ng directors, investors, at executives. Doon niya napagtanto na isasama pala siya ni Adrian sa isang malaking meeting. Ang mga taong nakaupo sa mesa ay may hawak na mga tablets, papel, at may halong kumpiyansa at respeto sa kanilang aura at pagkilos.

“She will sit here,” sabi ni Adrian, itinuturo ang upuang katabi niya. Walang kumontra.

Elena’s heart pounded. Hindi niya alam kung anong gagawin. Hindi siya sanay sa ganitong mundo. Ngunit habang nagsimula ang usapan tungkol sa milyon-milyong kontrata, nakita niya kung paanong si Adrian ay nagiging ibang tao, matapang, matalino, at walang inuurungan. His coldness became power. His silence demanded respect.

Napansin niya ang bawat galaw ni Adrian kung paano siya nakikinig, paano niya binibigyang halaga ang bawat proposal, at paano niya ginagamit ang kanyang presence para kontrolin ang buong silid. Hindi niya maiwasang humanga, kahit na ayaw niyang aminin sa sarili.

“Mrs. Velasco, any thoughts?” biglang tanong ng isang director, may halong panunukso sa tono, marahil dahil sa kanyang pagiging bagong kasal at halatang inexperienced sa corporate world.

Nanlamig ang kamay ni Elena. Hindi siya handa. Ngunit bago pa siya makapagsalita, sumabat si Adrian.

“She doesn’t need to impress you. She’s here because she’s my wife. And that’s enough.”

Tahimik ang buong silid. Walang naglakas-loob na magsalita pa. Napansin ni Elena ang mga mata ng iba, may halong pagtataka, paghanga, at respeto.

Nanlaki ang mata ni Elena. Hindi niya alam kung iyon ba ay pagtatanggol o babala. Ang malinaw lang, unti-unti nang nahahayag sa kanya ang mundo ng lalaking pinakasalan niya. At ito ay isang mundong mahirap takbuhan.

Pagbalik nila sa sasakyan, hindi siya nakatiis. “Why did you bring me there? To humiliate me?” napapikit, nakadama ng kakaibang vulnerability sa boses.

Tumingin sa kanya si Adrian saglit, pero mabilis din inalis ang tingin kay Elena. “No. To remind them who you are. And to remind you of the role you must play.”

“Role… my role?” napabulong siya, hawak ang kanyang bag sa kanyang kandungan. “Am I supposed to… act like someone I’m not?”

Adrian didn’t answer immediately. Tumitig lamang sa kalsada, dahan-dahang nag-iisip, tila ba sinusuri ang kanyang response. “Play the part well, and the world will accept you. Fail, and they will remember everything, including you.”

Sa puso ni Elena, may halong kaba at excitement. Parang lumalalim ang misteryo sa bawat galaw at mga salita na binibitawan ni Adrian.

At habang nakatingin siya kay Adrian, naisip niya, baka ang pinakamahirap na kalaban niya ay hindi ang kontrata… kundi ang sariling puso.

Ang unang araw niya sa mundo ng Velasco ay hindi lamang pagbabalik-tanaw sa bagong status niya bilang asawa ng isang billionaire, kundi isang maagang pagtuklas sa kapangyarihan, responsibilidad, at ang mapanlinlang na lakas ng tao sa harap niya.

Sa loob ng kanyang isip, paulit-ulit niyang tinanong ang sarili. Paano ko mahahanap ang sarili sa mundo ng lalaki ito? At paano ko mapapangalagaan ang puso ko sa gitna ng lahat ng ito?

Habang bumabalik sila sa mansion, hindi maiwasan ni Elena na maramdaman ang kakaibang paghila ng attraction. Hindi niya alam kung ito ba ay takot, respeto, o hindi inaasahang paghanga. Ngunit isang bagay ang malinaw. Ang buhay niya bilang Mrs. Velasco ay nagsisimula pa lamang, at ang mga susunod na hakbang niya ay magiging isang laro ng puso, kapangyarihan, at kontrol.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Bride Behind the Billionaire's Walls   A Glimpse of His World

    Chapter 5 Kinabukasan, maagang nagising si Elena. Hindi siya nakatulog nang maayos sa unang gabi sa mansion. Paulit-ulit sa isip niya ang pagbitaw ng malamig na salita ni Adrian. I don’t believe in love. Parang tinik ito sa dibdib niya, isang paalala na sa mundong ito, hindi siya pwedeng umasa sa compassion o sweetness, kahit na asawa niya ang lalaking iyon.Nagbihis siya ng simpleng blouse at pencil skirt bago bumaba. Pagdating niya sa dining area, parang nasa hotel buffet. Isang mahabang mesa, punô ng mamahaling pagkain. Ang amoy ng bagong timplang kape, mainit na croissant, at mamahaling keso ay parang nagdadala ng kaba, lalo na’t kasabay nito ang sobra-sobrang luho sa paligid. Si Adrian lang ang nakaupo sa mahabang dining table. Nakabihis na ng itim na suit, hawak ang newspaper, mata’y nakatutok sa mga column ng business page.“You’re late,” malamig na bati nito, halos walang intonasyon ng emotion.Napakagat-labi si Elena. “It’s only seven…” mahina niyang tugon, halos nakangiti s

  • The Bride Behind the Billionaire's Walls   The First Night

    Chapter 4 Tahimik ang buong mansion nang makarating sila. Ang bawat hakbang ni Elena ay nag-echo sa malawak na hallway, at halos maligaw siya sa sobrang lawak ng lugar. Ang malamig na hangin mula sa centralized air-con ay halos hindi nakatulong sa init ng kaba na nararamdaman niya. Pero mas malamig pa rin ang presensya ng lalaking pinakasalan niya ngayong hapon. Si Adrian Velasco.“This will be your home now,” ani Adrian, matter-of-fact. Walang emosyon, walang pag-aalok ng comfort, para bang ordinaryong impormasyon lang ang sinasabi ni Adrian.Napakapit si Elena sa maliit niyang maleta. “It’s… huge,” mahina niyang tugon, manghang-mangha at walang siyang masabi.Tiningnan lang siya ni Adrian at sinabing. “Get used to it. You’re my wife. And the wife of a Velasco doesn’t live small.”Huminga si Elena nang malalim, pero ramdam niya ang bigat ng bawat salita. Hindi ito basta tahanan. Para sa kanya isa itong kaharian na pinalilibutan ng kanyang bagong katotohanan.Ipinakita ni Adrian ang

  • The Bride Behind the Billionaire's Walls   The Unexpected Vows

    Chapter 3 Hindi alam ni Elena kung paano siya nakatulog kagabi. O kung nakatulog nga ba siya. Magdamag siyang gising, iniisip ang mga salita ni Adrian, na bukas, siya na ay magiging asawa nito. Ang bawat segundo ay parang nagkaroon ng pagsisikip sa kanyang dibdib, parang bawat hininga ay may pumipigil.Ngunit ngayon, heto na siya ngayon. Nakaupo sa harap ng mesa ng huwes, hawak ang ballpen at nanginginig ang mga kamay. Pinipilit niyang kontrolin ang sarili habang nakatitig sa marriage contract. Sa tabi niya ay nakatayo si Adrian, kalmado ito at parang walang mabigat na nangyayari sa kanyang mundo. Naka-black suit ito, flawless, bawat detalye ng pananamit niya ay maayos na parang isang mannequin. Sa kanyang mga mukha ay walang bakas ng pagdududa, wala ring emosyon na ipinapakita.“Elena, sign it,” mahina na sabi ng kanyang ama mula sa gilid. Ang nararamdaman niya lang ng mga oras na iyon ay kaba at hiya, at nakikita din niya ang pasakit sa mga mata ng kanyang ama, magkahalong pagsisis

  • The Bride Behind the Billionaire's Walls   The Deal Sealed

    Chapter 2“Papa… sabihin mo sa kanya na hindi ako papayag!”Halos pasigaw na si Elena, nanginginig ang kanyang mga kamay, habang nakatayo siya sa harap ni Adrian, matikas, malakas, at parang hindi narinig ang kanyang sigaw. Ang malamig na hangin mula sa bukas na bintana ng lumang sala ay hindi nakatulong dahil nagdulot din ito ng panlalamig sa kanyang katawan dahil sa takot at galit.Ngunit ang kanyang ama ay nakayuko lang, tahimik, walang masabi. Parang nawalan na ng lakas ang matanda, na tila ba alam niyang wala nang pagkakataon para ipaglaban ang anak.“Elena!” sambit ni Adrian.Isang salita lang, pero ramdam ni Elena ang bigat nito. Humarap siya kay Adrian, at sa unang pagkakataon, naglapat ang kanilang mga mata. Ang madilim at malamig na titig ng lalaki ay hindi basta-basta. Parang bawat galaw niya ay may kapangyarihang hindi matanggihan.“I already paid for your father’s debts. In return, you will be my wife,” malamig niyang pahayag.Nanigas ang katawan ni Elena. Ang bawat salit

  • The Bride Behind the Billionaire's Walls   Sold

    Chapter 1 “Elena… anak, patawarin mo ako.”Nanlulumong boses ng kanyang ama habang iniabot sa kanya ang makapal na papel na parang mabigat na bato sa kanyang mga kamay. Nasa sala sila ng kanilang lumang bahay na may kahoy na sahig at pinto na lumalangitngit sa bawat higpit ng hangin. Ang kisame ay may mantsa ng ulan at ang bintana ay may kurtina na medyo kupas na. Kahit luma at may bitak ang dingding, ramdam mo ang alaala sa bawat sulok, tila bawat sahig at haligi ay may kwento ng pamilya. Para sa ama ni Elena, hindi ito basta bahay, ito na lang ang huling piraso ng nakaraan, at ito ang kanyang panghawakan ng buong puso. Kinuha ni Elena ang dokumento. Sa unang sulyap, hindi niya agad maintindihan. Pinagmasdan niya itong mabuti at nang mabasa niya ang mga malalaking letra sa taas, biglang nanlamig ang kanyang buong katawan.Contract of Marriage.Parang kinukuryente ang kanyang utak. Kumirot ang sikmura niya at nanginginig ang kanyang labi.“Papa… ano ‘to?” basag ang kanyang tinig.Hal

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status