Share

Thirteen

Nanlaki ang mga mata ko at napalingon kay Javier na masama ang tingin niya sa kanyang pamilya. Rinig ko na ang mga bulungan at iba’t ibang reaksyon mula sa mga tao. Curious.

“Auction Club? Ano ang ibig mong sabihin, Lolo?” tanong ni Hannah.

Napayuko ako at pinikit ang mga mata, hindi pwedeng malaman ng mga tao ang trabaho ko noon. “Yes, nalaman ko kasi na si Janiyah, ang asawa ni Javier ay mahilig sa mga auction. Mag-bid. In fact, iyon nga ang nagustuhan ko kay Janiyah dahil ganoon din ang pamilya niya. Malalaki ang mga binibigay nilang donation sa iba’t ibang organisasyon…: paliwanag ng Lolo ni Javier.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, hindi ko na rin pinansin ang pagsagot ng mga tao, ang mga palakpakan nila na para bang bilib na bilib sa ginawa ko dahil lang sa sinabi ng Lolo ni Javier. Kahit ang pamilya namin ni Javier ay nagtataka sa ginawa niya.

“Dad, what are you doing?” tanong ng father ni Javier. Hindi siya sinagot ng Lolo ni Javier, bagkus nagsalin siya ng wine sa wine glas
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status