Share

Two

“Oh God!”

Agad akong napabangon mula sa kama ko, paano ako nakauwi rito? Kagabi lang ay kasama ko ang lalaki. Teka nga, ano bang nangyari? Kausap ko lang siya tungkol sa pera at ang huling sinabi niya ay. “Oh my gosh!”

“Janiyah, what happened?”

Gulat akong bumaling sa mother kong nagmamadaling pumasok sa kwarto ko. Nag-aalala ang kanyang mukha, marahil ay dahil sa pagsigaw ko. Paano ba naman kasi. Dahil sa huling sinabi ng lalaki ay nahimatay ako at ngayon, hindi ko alam kung paano ako nakauwi.

“Are you alright? Maayos na ba ang pakiramdam mo?” tanong ni Mama.

Maayos na ba ang pakiramdam ko? Ano ang ibig niyang sabihin? Tinignan ko si Mama ng nagtataka dahil sa tinanong niya. “Hinatid ka ng lalaki dito kagabi, ang sabi ay nahimatay ka raw sa daan at mabuti na lang may ID mo sa bag mo kaya alam nila kung saan ka ihahatid.” Mahabang kwento niya, nahalata na nagtataka ako sa nangyayari.

Sino ba naghatid? Ang lalaki na iyon o ang tauhan niya? Kailangan ko pa ba siyang pasalamatan sa ginawa niya o hindi na? Tama, huwag na siguro dahil ayaw ko na ulit makita ang lalaking iyon. Naalala ko pa rin ang sinabi niya sa akin kagabi, ang huling salitang sinabi niya.

“Hey, Janiyah. Kanina pa kita kinakausap” Nabalik ako sa reyalidad nang tawagin ako ng ina ko. Tinignan ko ang paligid, nandito na rin pala si Papa.

Pareho lang silang nakatingin sa akin, mga mukhang nagtataka. “Ah, I’m sorry Mom, Dad. Ano po ulit iyon?” Nahihiya ako, kanina pa pala ako kinakausap nila Mama.

Huminga nang malalim si Mama sabay iling. “Ano bang nangyayari sa’yo? Sigurado ka ba talagang ayos ka lang?”

“Yes, Mom. I’m sorry, may iniisip lang talaga ako pero maliit lang na bagay iyon,” sagot ko sa kanya.

“Maliit na bagay pero nakatulala ka lang kanina, kanina ka pa namin tinatawag,” sabi naman ni Papa. Umiwas ako ng tingin, ganoon na ba kalala ang ginawa ng lalaking iyon sa akin na pati ang magulang ko ay hindi ako nakakausap ng maayos.

“I’m sorry, Mom, Dad.”

“We were asking kung sasama ka ba sa amin mamaya sa hospital, bibisitahin ang kapatid mo. Nandoon na ang pinsan mong si Jullie at inaantay na kami dahil may trabaho pa siya.” Mahabang sabi ni Mama.

Napasapo ako sa ulo ko, ngayong araw ko rin pala pupuntahan si Lucy, ang aking kapatid pero hindi ko alam kung nasa bank account ko na ba ang pera. Kinuha ko muna ang phone ko para tignan kung pinasa naba ng Manager ko ang pera. Ngunit wala pa, ang laman ng bank account ko ay kunting pera lang, hindi ito kasya sa gamot ng kapatid ko.

“Do you want to come or not?” My father asked.

Nahihiya akong sumama sa magulang ko sa hospital dahil wala manlang akong maibigay ngunit kailangan ko rin makita si Lucy para makamusta ang kalagayan niya.

“I want to come, Dad. Magbibihis lang po ako, susunod po ako sa inyo bibili lang ako ng pwedeng daldin sa hospital.” Nakangiti kong tugon.

Umiling naman si Mama, “hindi na kailangan. Bumili na ang Papa mo kaninang madaling araw. Aantayin ka namin, bilisan mo na lang.”

Tumango ako at ginawa ang sinabi niya. Naligo ako pagkatapos nagbihis ng mabilis. Ayaw kong pag-antayin ang magulang ko dahil alam kong may mga trabaho rin sila pagkatapos namin sa hospital.

Nang matapos ako, agad kaming sumakay sa kotse. Nakita ko pa lang ang kotse namin ay nakaramdam ako ng lungkot. Sira na ito ngunit tinitiis pa rin ni Papa na gamitin. Ang sabi ko sa kanya noon na tutulong ako sa pagpaayos ng kotse pero hindi na nangyari dahil sa nangyari kay Lucy.

“Sasakay ka ba, Janiyah o titignan mo lang ang kotse?” Agad akong napabaling kay Papa. Kanina pa pala nakasakay si Mama at si Papa sa loob, nakatayo lang ako sa labas at pinagmasdan ang kotse. Agad naman akong sumakay.

“Ipapaayos na natin ang kotse, Dad.” Naalala kong malaki ang makukuha ko mula sa binayad kagabi sa auction kaya sapat na siguro iyon para bigyan si Papa ng pangpaayos ng kotse.

“No.” Umiling si Papa. “Kung may pera kang nakatabi at iniisip mong igastos sa kotse, gamitin mo na lang iyan para sa kapatid mo. Mas mahalaga siya kaysa dito and beside, kaya pa naman ang kotse, kaya pa nating makarating sa malayong lugar tulad ng New York.” Mahabang sabi niya.

Alam kong sinasabi niya lang iyon para hindi na ako mag-isip pero hindi ko maiwasan na isipin ito dahil itong kotse rin kasi ang gamit ni Papa para magtrabaho. He is a taxi driver.

Nakarating kami sa hospital, at papasok na sana kami sa kwarto ni Lucy nang tumunog ang phone ko. Iniisip kong si Manager ang tumatawag kaya nagpaalam ako kina Mama at Papa na sagutin muna ang tawag.

“Bilisan mo, baka gising na ang kapatid mo.” Tumango ako sa sinabi ni Mama.

Tinignan ko ang screen, hindi pangalan ni Manager ang nakalagay, numero lang kaya nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba. Wala naman kasing ibang tatawag sa akin kundi ang pamilya ko, ibang mga kaibigan ko at si Manager. Huminga ako nang malalim at sinagot.

“Hello, Janiyah speaking. Who’s in the line?” seryoso kong tanong sa kabilang linya.

“Janiyah Hardin, papunta riyan ang isa kong tauhan para sunduin ka.”

What? “Who is this? Anong pinagsasabi mong tauhan?”

“No more questions.”

I was about to answer the man in the line when he hung up the call. What the hell? Inaalala ko ang boses ng lalaki hanggang sa naisip ko ang lalaki kagabi. “Damn it! Paano niya nalaman ang number ko?”

Umalis ako sa pwesto ko, sa fire exit at agad na naglakad patungo sa kwarto ng kapatid ko. I was about to open the door when my mother got out. “Where have you been? May lalaking naghahanap sa’yo sa loob,” she said.

Lalaki? At pumasok pa talaga sa kwarto ng kapatid ko. They are insane!

Agad akong pumasok sa loob ng kwarto ng kapatid ko at nakita ko ang lalaking tinutukoy ni Mama na seryosong nakatayo sa gilid, tinignan ko rin si Papa na nakatingin lang sa lalaki. Binubusisi ito.

“Who is this man? Your boyfriend?” Nagulat ako sa tanong ng ama ko. Mukha ko bang boyfriend ang lalaking ito na parang kahoy kung makatayo lang? Hindi gumagalaw.

“No, Dad. He is not my boyfriend. Excuse me, mag-uusap lang po kami.” Akma ko na sanang hilahin ang lalaki palabas ng kwarto nang ako ang hinila ng ina ko. Kasama ang ama ko.

“Who is that guy? Mukhang hindi mapagkatiwalaa? Sigurado ka bang kilala mo iyan? Wala ka bang atraso sa lalaking iyan?” sunod-sunod na tanong ni Mama.

Hindi ko rin naman sila masisisi kung iyan ang iniisip nila dahil ito ang unang beses na may naghahanap sa akin na hindi namin kilala.

“Mom, Dad. Yes, I know him. He is one of my friends.” Nahihirapan pa akong sabihin ang salitang kaibigan dahil hindi naman totoo. Ang dami ko ng kasinungalingan sa pamilya ko, dumagdag pa ito.

“Saan kayo pupunta? Ang sabi niya kanina ay nandito siya para sunduin ka?” tanong naman ni Papa. Gusto kong sumigaw dahil sa inis na aking nararamdaman ngayon. Bakit kasi iyon ang sinabi ng lalaking ito.

“May pupuntahan lang kaming mahalaga, Dad. Trabaho po ito, humihingi kasi ako ng tulong sa kanya para makapaghanap ng trabaho,” paliwanag ko.

“Ilang trabaho ba ang kailangan mong gawin sa isang araw?” tanong ni Papa.

“Hanggang sa magamot po si Lucy, kahit ilan po ang gagawin kong trabaho. Sige na, Mom, Dad. Aalis na kami. Babalik agad ako pagkatapos nito, huwag na po kayong mag-alala sa akin, sinisigurado ko sainyo na safe ako,” saad ko.

Inantay ko munang pumayag ang magulang ko, nag-uusap pa silang dalawa, iniisip kung papayagan ba talaga ako o hindi hanggang sa tumango si Mama. “Mag-ingat ka.” Tumango ako sa sinabi ni Mama at nagpaalam na ako.

Sumunod naman ang lalaki sa akin. “Ano bang gusto ng boss mo at kailangan pa talaga akong sunduin? And, paano ninyo nalaman na nandito ako sa hospital?” tanong ko sa lalaki.

“Sinundan kita,” sagot nito na mas malamig pa sa ice.

Pagkarating namin sa kotse, nagtanong agad ako. “Anong pangalan ng boss mo at saan mo ako dadalhin?”

“You have no right to ask his name, siya na mismo ang magsasabi sa’yo kung sino siya.”

Grumpy this guy, gaya ng boss niya. “Saan mo ako dadalhin?” tanong ko ulit. Hindi niya pa sinagot ang tanong ko na iyon.

“To his house, he is waiting for you there.” Huling sinabi niya at nagsimula ng magmaneho.

Gusto ko pa sanang magtanong at kausapin siya pero ayaw niya na magsalita hanggang sa nakarating kami sa malaking bahay.

“Wow, ito ang bahay niya? Gaano ba iyon kayaman?” tanong ko ngunit hindi sumagot ang lalaki. Lumabas lang siya ng kotse at pinagbuksan ako.

May lumapit naman sa aking dalawang babae na nakasuot ng pang maid na damit. Alam ko na! Baka maid talaga ako rito at nagbibiro lang siya tungkol sa magiging asawa niya ako.

“Hi, kayo ba ang makakasama ko sa trabaho?” masaya kong tanong sa dalawang babae. Nagkatinginan naman sila, nagtataka sabay iling.

“Sumunod po kayo sa amin, ihahatid namin kayo kung nasaan nag-aantay si Master,” sabi ng isang babae na maikli ang buhok.

Master talaga tawag sa kanya? Sumunod na lang ako sa dalawang babae, namamangha pa rin ako mula sa labas ng bahay hanggang sa loob ng bahay. He is as rich as I expected. Ang daming lalaking nakasuot ng itim na damit at mg helpers na nakatayo.

“Everyone!”

Bumaling ako sa sumigaw, nakita ko ang lalaking naglalakad patungo sa akin. Nakasuot ito ng simpleng shirt lang at pantalon. Ang yaman niya pero hindi niya manlang ba kayang bumili ng mamahaling tuxedo?

Napansin ko naman na nagbigay galang ang lahat, nagtaka pa ako sa ginawa nilang lahat kaya gumaya ako. Yumuko ako para magbigay galang sa lalaki.

“Hey, don’t do that,” saad niya at hinawakan ako. Nagulat ako sa ginawa niya ngunit mas nagulat ako sa sinabi niya.

“From now on, dito na titira ang asawa ko.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status