Share

Three

Wait, bakit ba puno ng nakakagulat ang lalaking ito. “What are you doing?” bulong ko sa kanya, narinig ko pa rin ang palakpakan ng mga tao sa paligid namin. Bakit ba sila nagpapalakpakan, pati ba naman dito maririnig ko ang palakpakan ng mga tao.

“I’m just telling them that you’re going to stay here,” he said without hesitation.

Ikinuyom ko ang aking mga kamao, kung wala lang ang mga tauhan niya na parang papatayin yata ang kung sinong magkamaling galawin ang boss nila, kanina ko pa sana nasapak ang lalaki na nasa tabi ko.

“Sumama ko sa inutusan mo dahil akala ko mag-uusap tayo, at ang buong akala ko ay bibigyan mo ako ng matinong trabaho. Hindi ako nakikipagbiruan dito, lalaki.” sabi ko sa kanya.

Tumingin naman siya ng seryoso sa akin at sinenyasan ang mga tao na umalis at saka bumalik sila sa kanya-kanya nilang ginagawa. “Let us talk to my office,” he said at naunang umalis.

Bumuntonghininga ako at saka siya sinundan. Umakyat kami sa hagdan na mahahalata mo talagang mamahalin dahil babasagin. A glass stair. Pumasos siya sa isang kwarto na may nakasulat na ‘Office’, bago ako sumunod sa kanya sa pagpasok, pinagmasdan ko muna ang mga frama na nakasabit. May iba’t ibang tao na nasa iba’t ibang frame at isa lang ang napansin ko, isang batang lalaki na seryoso kung makatingin.

“What are you doing? Get in,” rinig kong sabi niya, hindi ko pa rin siya kilala kaya hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sa kanya.

“Who is this kid?” Turo ko sa batang lalaki na nakapukaw sa attention ko. Sinilip niya naman ito ng walang emotion.

“That is me,” he said. Gulat pa ako dahil doon ko lang din napansin na may pagkapera sila ng bata sa litrato, seryoso palagi ang mukha.

“Hindi halata, mas cute ang nasa picture,” I told him. Hindi naman siya sumagot, pumasok na lang siya ng tuluyan sa opisina niya at saka na ako sumunod.

He is so grumpy. Parang matanda na sobrang seryoso sa buhay.

Pagkapasok ko sa loob ng office niya ay bumungad sa akin ang napakaraming libro sa bookshelves, color brown na sofa set at may lamesa sa gita, sa kabilang bahagi naman ay isang laptop at malaking screen ng computer sa lamesa, a swivel chair. So this is his office. Nagbabasa ba talaga ang lalaking ito? Tumingin ako sa pangalan na nakalagay sa lamesa niya.

Javier Cade Stevenson

“That’s your name? Ang ganda.” Nakangiti kong sabi sa kanya, nagulat naman ako sa ginawa niya dahil agad niyang inalis ang plate name sa lamesa at iniligay ito sa ibabaw ng isang cabinet dito sa office niya.

“Have a seat,” he said and offered me a chair in front of his table.

Dahan-dahan naman akong umupo sa tinuro niyang upuan, nakaramdam na ako ng kaba dahil kami na lang dalawa sa loob ng isang kwarto. “Hindi pa ba ako pwedeng umuwi?” tanong ko sa kanya.

Ang sabi ko sa magulang ko ay saglit lang ako pero anong ginagawa ko rito. “Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina na dito ka na titira?” seryoso niyang sagot.

So, hindi talaga siya nagbibiro? Totoo talaga iyon? Pero bakit?

“Why? This is not a good time to joke around, Mr.” Seryoso na rin ang mukha ko kahit na kinakabahan pa rin.

Nagtaka naman ako nang maglapag siya ng papel sa harap ko. “Read it,” he told me.

Nagdadalawang isip ako kung susundin ko ba ang sinabi niya pero kinuha ko rin ang papel na nilapag niya sa lamesa. “Contract?” I asked. Ano naman ang gagawin ko sa kontrata. At anong klaseng kontrata ito.

“Bakit kailangan ng kontrata?” tanong ko.

“Just read it and I will explain everything to you,” sagot niya.

Tinignan ko muna siya ng matagal bago tuluyang basahin ang contract. It said here that I will get one hundred thousand a month as my income as long as I am his wife and allowance kapag nasunod ang mga gusto niya. This is too much and I think mas mahirap ito kaysa trabaho ko sa auction club.

Nilapag ko ang contract sa lamesa at tumingin ulit sa kanya, halata sa kanyang mukha na naiinip siya kakaantay sa akin. Marami pang nakasulat sa kontrata, mga bawal at pwedeng gawin habang nasa place niya ako. But one thing I wanted to know ay bakit niya ito ginagawa? Bakit siya naghahanap ng asawa?

“Ano bang rason bakit gusto mo ng asawa? Mukhang bata ka pa naman para magkaroon ng asawa at wala sa mukha mo na magkaroon ng asaw,” I commented.

“Binasa mo ba ang pangalawa sa huli ng contract?” tanong niya. I just rolled my eyes, yes nabasa ko naman ngunit hindi ko mapigilan dahil curious din ako. Nakalagay sa second to the last statement, bawal ako magtanong ng kung ano-ano lalo na ang rason kung bakit niya ako babayaran maging asawa niya.

“Okay fine, pwede na ba akong umuwi at iisipin ko pa kung paano ko sasabihin sa pamilya ko ito,” I told him.

Umiling naman siya. “Not yet, hindi ka pa nagsasabi na papayag ka.”

“Do I have a choice?” I asked him, as if naman na may choice pa akong humindi. Malaki ang perang ibibigay niya sa akin sa trabahong ito, mahirap tanggihan. Saan ka naman makakita na sahod mo ay isang daang libo para lang maging asawa, ‘di ba?

“Wala kang choice but you didn’t sign the contract yet,” he said at binigyan ako ng ballpen. Yeah right, sign the contract first. Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko pero bahala na, para ito sa pamilya ko at lalo na para kay Lucy.

Pinirmahan ko ang contract. “Kailan ako magsisimula?” I asked him. At kailan ko makukuha ang unang bayad? Pero syempre hindi ko iyon tinatanong, baka isipin niya na pera lang ang habol ko kahit na totoo naman, pera ang kailangan ko.

I don’t know who is this man and what kind of person he is pero dahil I am a risk taker, susugal ako sa hindi ako sigurado at sa nakakatakot na paraan. Maialis ko lang ang pamilya ko sa hirap ng buhay.

“You can start now, ikaw na ang bahala kilalanin ang mga helpers at security guards dito,” sagot niya naman.

Tumayo ako at hinarap siya ng diretso. “I need to go home, kailangan ko munang kausapin ang pamilya ko tungkol dito.”

“Yes, sasamahan kita. Magpapakilala rin ako sa pamilya mo dahil hindi magiging tunay ang kasal natin kung wala ang basbas ng pamilya mo.”

Nagulat ako sa sinabi niya, kailangan pa ba iyon? Hindi ako papayagan ng tatay ko dahil magagalit iyon kapag nalaman na may asawa ako. Bawal nga sa akin na magkaroon ng boyfriend and then malalaman nila na mag-aasawa na ako? Hell no!

“Ahm, pwede bang ako na ang magsabi?” Nahihiya kong tanong.

Kumunot naman ang noo niya na parang walang tiwala sa sinabi ko. “Bakit ayaw mo akong kasama?” seryosong tanong niya. Ugh, kailangan pa ba niyang itanong iyon?

“Mahirap kasi kausap ang pamilya ko, lalo na iyong tatay ko kaya kung ayos lang ako na ang magsasabi.” Nakangiti kong paliwanag sa kanya. Please pumayag ka.

Matagal niya akong tinignan hanggang sa tumango siya. Yes! Mabuti naman pumayag siya.

“Okay, ikaw ang magsasabi sa kanila pero sasamahan pa rin kita, mag-aantay lang ako sa labas.” Oh no!

“Why?” Nahihirapan na ako sa kanya, pwede naman kasing hindi niya ako antayin.

“To make sure na babalik ka at susunod ka sa pinagkasunduan natin,” he said.

Wala siyang tiwala sa akin? Dapat nga ako ang mawalan ng tiwala sa kanya dahil ako ang babae rito at kinaladkad niya lang ako sa kalokohan na ito.

“Excuse you? Marunong akong tumupad sa pinagkasunduan, kaya huwag kang mag-alala. Nagtiwala ako sayo na babayaran mo ako sa halaga na nakasaad sa kontrata dahil alam kong kaya mong gawin iyon, at ngayon, ikaw ang walang tiwala sa akin?” I said. Nakakasakit siya ha.

“Whatever you say, Miss Janiyah. Just come back, mag-aantay ako sa kotse. Let’s go.” Nang sabihin niya iyon, nauna siyang lumabas ng office niya. Palagi ba talaga niya akong inuunahan umalis?

Bumuntonghininga na lang ako at hinayaan siya sa gusto niyang gawin, hinatid niya ako sa amin at gaya nga ng sabi niya, hindi siya lumabas ng kotse dahil mag-aantay lang siya sa akin. Nasa harap na ako ng bahay namin, kung kinakabahan akong kausap si Javier mas lalo akong kinabahan sa gagawin ko ngayon. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa magulang ko na ikakasal na ako. Oh God, please help me.

Huminga ako nang malalim at binuksan ang pintuan ng bahay, nakapikit ang aking mga mata at nag-aantay na sampalin ako ng tatay o nanay ko pero naalala ko lang na hindi ko pa sinabi sa kanila.

“What are you doing?”

Nagulat ako sa nagsalita. It was my brother.

“Brother? You’re here?”

Yes, we have a brother. Nagtatrabaho siya sa ibang bansa at tatlong taon siya roon. Kaya gulat na gulat ako nang makita siya ngayon sa bahay namin.

“Bakit? Bawal na ba akong umuwi?” Agad akong umiling sa tanong niya. Dahil sa pagkagulat ay hindi ko nagawang yakapin siya kaya naman siya ang yumakap sa akin.

“I missed you, Janiyah. Ang tagal kong inantay na makasama ko kayo,” he told me. I responded to his hugs.

Wala pa yata si Dad and Mom kaya siya lang ang tao sa bahay. “You cooked?” tanong ko nang maamoy ko ang mabangong pagkain sa kusina. He nodded as a respond.

“Isusurpresa ko sana kayo pero ikaw ang naunang nakauwi,” he said.

Bago pa ako sumagot sa eldest brother ko, may nagsalita na sa likod ko. It was our mother.

“Liam?!” sigaw ni Mom at agad na niyakap ang eldest brother ko. Sumunod si Dad na yumakap at laking gulat ko nang makita ang taong kasama ng magulang ko.

Damn it, akala ko ba mag-aantay lang siya sa labas?

“Who is he?” tanong ng eldest brother ko pagkatapos nilang magyakapan. Tumingin sila kay Javier.

“Oh, ang sabi niya ay kaibigan siya ni Janiyah at inaantay niya ang kapatid mo. Nakakahiya naman kung pag-antayin sa labas, ang init. Nasa labas lang siya nakatayo sa may kotse. Mukhang mayaman at matinong tao naman kaya pinapasok na namin ng father ninyo,” paliwanag ni Mom.

Oh God! Mukhang matino? Mom, nagkakamali ka yata.

Hindi nag-react ang kapatid ko, nagpakilala pa siya kay Javier.

Natapos ang pagluluto ng kapatid ko dahil na rin sa tulong ng mother namin, ako naman ay naghahanda sa lamesa habang ang ama namin ay kausap si Javier sa sala.

“Mom, sino ang nagbabantay kay Lucy?” tanong ko.

“Si Julie na ulit, wala na raw siyang trabaho, may dinaan lang siya sa kanyang opisina kanina kaya bumalik agad siya sa hospital,” sagot niya naman. Tumango lang ako at tinapos ang pag-aayos sa lamesa.

Nang nasa hapagkainan na kaming lahat, walang lumabas na salita mula sa bibig ko at hindi rin ako makasingit dahil kanina pa nagsasalita ang pamilya ko at kausap si Javier.

“Thank you sa lahat ng kwento ninyo. Ngunit nandito ako para may sasabihin sana tungkol sa anak ninyo,” sabi ni Javier na siyang nagpatihimik sa kapatid ko at sa magulang ko. Ito na nga bang sinasabi ko. Siya ba ang magsasabi na ikakasal kami? Dapat ako!

“Why? May ginawa ba ang anak ko?” tanong ng ina ko. At iyan pa talaga ang tinanong niya una.

“No, No Mrs. Hardin. I just want to tell you that me and your daughter are —”

“Na mawawala po kami ng ilang araw, naalala niyo po iyong lalaki sa hospital na sinundo ako? Si Javier po ang boss no’n, nakuha ko ang trabaho at si Javier din po ang boss ko. Sa katunayan nandito siya para sana magpaalam na isasama ako para sa business meeting ng ilang araw.” Agad kong sabi, pinutol ang muntikan ng sasabihin ni Javier.

Tinignan ako ni Javier na nakakunot ang noo. “Really?” he asked with his face full of questions.

“Oh, that’s good. Ako papayag ako, ikaw ba honey?” tanong ni Mom kay Dad.

Nagkibit balikat lang si Dad sabay tango, ganoon din ang kapatid ko.

Walang nagawa si Javier kundi sumunod sa akin sa labas ng bahay at agad niya akong binato ng mga tanong.

“What was that? We’re going to tell them. What the hell are you doing? Akala ko ba sasabihin mo na?”

Umiling ako. “I can’t,” I said. Oo, hindi ko kaya.

“Why is that?”

“Nasa hospital ang bunso naming kapatid, pumayag ako rito dahil kailangan namin ng pera para sa operation niya. And I can’t tell them that I am getting married to a stranger dahil ayaw kong madagdagan ang iisipin ng pamilya ko.” Tumigil ako sa pagsasalita at tumingin sa kanya ng diretso.

Natahimik din siya pero kailangan niya itong malaman. “Hayaan mo muna akong gumawa ng paraan at timing para sabihin sa kanila, hayaan mo muna silang maniwala na trabaho ang gagawin ko kaya kita makakasama palagi.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status