Home / Romance / The Bride of the Nine Tailed / Chapter 5 New Cellphone and the beast

Share

Chapter 5 New Cellphone and the beast

Author: Aurum Jazmine
last update Last Updated: 2022-03-14 12:07:32

PINAGMAMASDA niya ang box ng cellphone at ang cellphone na nasa kanyang higaan.

Pagbukas niya kasi ng pinto ay bumungad sa kanya si Lestre na hindi na kasama ang babaeng ahas. Siguro, napagtanto nitong nakakahiya ang hitsura ng mga ito na humarap sa kanya. Parang walang decency sa katawan ang bruha na 'yon. Saan ka nakakita na kakatok ang lalake sa pinto tapos may makating ahas na nakapulupot dito.

Napabuntong hininga siya.

"Sino naman kayang may makating gilagid ang nagchismis sa lalaking 'yon na sira na ang cellphone ko? Kaya ko namang bumili ng sarili ko. Marami na akong pera!" kausap niya sa sarili. Naalala niya ang sinabi ni Lestre kanina habang ini-aabot nito ang cellphone na naka selyado pa.

Half an hour ago …

"Take this," anito sa bagay na iniaabot sa kanya na nakasilid pa sa paper bag at mukhang mamahalin. Maraming laman eh. Tiningnan niya ito at napagtantong cellphone iyon na latest model.

"Ano naman 'to?" kunwari'y hindi niya alam ang laman. Double meaning. Gusto niya ring malaman kung para saan iyon.

"Isn't it obvious?" sagot nitong sceptical ang hitsura. She mimics him with the same sceptic aura. Bakit? Kaya niya rin 'yon. Mahirap lang siya pero hindi siya tang*. Kaya niyang gawin ang kaya ng mga mayayaman.

"Oh, sorry. I'm poor and ignorant. Can't you tell me what's inside and what is it for?" See? Kaya niya rin mag-English. Bahala na kung wrong grammar siya ang importante, kaya niya ring makipagsabayan sa mga ganitong klaseng tao.

"Fu*k!" bulong nito ngunit hindi nakaligtas iyon sa pandinig niya. Effective ang drama niya. Ang talino talaga ng unggoy dahil nakuha nitong pinatututsadahan niya lang ito. Gusto niyang humalakhan pero pinigil niya. Baka kasi isipin nitong psychotic siya.

"Someone told me that your cellphone was broken. So I bought you a new one. Use that to contact me when you need to go somewhere. I will also contact you there when we need to talk in person," paliwanag nito na hindi maalis ang tingin sa kanya. Pakiramdam niya tuloy ay inaarok nito maging ang kaibuturan ng kanyang pagkatao. Ang lalim kasing manitig ni kuya.

"I can buy one for myself, but if you insist … sayang naman kasi ito." Hinablot niya ang handle sa kamay nito sa pag-iwas niyang madaiti ang kamay niya sa kamay nito. Ewan niya ba pero may ibinibigay na weird feelings sa kanya kapag nadidikit ito sa kanya gaya noong halikan siya nito doon sa araw ng kasal nila. Kung ano man iyon ay hindi niya mapangalanan.

"Also this …" anito sabay labas ng kontrata na kailan lang ay pinapirmahan nito sa kanya doon sa opisina nito. Iyung rules-rules nito kuno.

"Oh? What about your bucket rules? May idadagdag ka pa ba?" tanong niya rito. Ngunit to her surprise ay pinunit nito ang papel sa kanyang harapan. "Oh teka! Why naman gano'n kuya?" kunot ang noong tanong niya ulit dito at nag-angat ng tingin.

"I don't think we need that contract anymore because of the incident that happened the other day. I want to keep an eye on you so that it doesn't happen again," paliwanag nito sa kanya.

Tinitigan niya ulit ang bagong cellphone at ang kontratang hati na sa dalawa. "Ang sweet naman ng loko," salita niyang mag-isa. Na amaze siya sa ganda ng quality ng cellphone na bigay sa kanya. Hindi niya inakala na sa tanang buhay niya, magkakaroon siya ng mga mamahaling bagay katulad ng cellphone na ito. Pagtingin niya sa contact list ay naroon ang contact number niya, ni Lestre, ni Juris at ni manong driver. Natawa siya. Siguro, kailangan niya pang kilalanin ang lalaki ng mabuti. Mukha naman itong mabait. Hindi nga lang talaga sila magkakilala kaya siguro nangyayari ang mga bagay-bagay.

HINDI siya makatulog na naman. Hating gabi na kasi pero maraming pumapasok na alalahanin sa isip niya. Naalala niya noong hapon na galing siya sa playground ng ampunan. Dumiretso siya sa kusina para makiinom ng tubig dahil tag-init noon. Mula sa kusina kasi, kung dadaan ka sa pasilyo roon patungo sa kuwarto ng mga batang gaya niyang ulilang lubos ay madaraanan mo ang opisina ni Mother supperior.

Hindi niya makalimutan ang boses ng matandang lalake na kausap ni Mother Superior maging ang nakapangingilabot na titig ng matandang lalaki sa kanya na may halong ngisi. Mukha naman itong ordinaryong matanda ngunit pakiramdam niya ay nakita niya ng personal si kamatayan sa paraan ng pagkakatitig nito at pagngisi sa kanya. At ang pinaka nakakatakot sa lahat ay ang pinag-uusapan ng mga ito. Balak siyang ampunin ng matanda. Kaya nang araw din na iyon ay nagpasya siyang gagawa ng paraan para tumakas. Buo ang loob na umalis siya sa lugar na iyon dala ang ilang mga damit at mga bagay na pinanghahawakan niya na ang sabi sa kanya ay kasama niyang nakalagay sa maliit na basket na pinaglagyan sa kanya noong iwan siya sa pintuan ng kusina ng ampunan. Sa Lansangan siya natagpuan ng mag-asawang umampon sa kanya. Inuwi siya ng mga ito sa bahay at isang araw ay sinabing legal na siyang inampon ng mga ito. Pero nang mag-check siya sa registry ay hindi Dominic ang kanyang apelyido. Hindi sa kanya ipinagamit ang apelyido ng mga ito. Bago siya ikinasal kay Lestre ay nagtungo muna siya sa Registry para makuha ang Founding Certificate niya sa PSA. Kaya naman pala ang dali sa mga ito na palayasin siya, dahil fake ang mga dokumento. Ngayon niya na realize na katulong pala talaga ang turing sa kanya doon ngayong naaalala niya ang lahat ng pinagdaanan.

Pinahid niya ang mga luhang naglagaslasan sa kanyang mga pisngi. Nakaramdam siya bigla ng panunuyot ng lalamunan kaya nagpasya siyang lumabas ng silid para uminom ng tubig.

Habang naglalakad sa may pasilyo ay nakita niya pang naglalakad ang matandang mayordoma. Inismiran pa siya nito at masamang tinitigan bago siya nito lagpasan.

"May issue talaga sa ugali ang matandang 'yon. Ano bang problema niya?" naiiling na aniya sa sarili saka nagpatuloy sa paglalakad.

Nang makita niya na ang daan papunta sa kusina ay binilisan niya na ang paglalakad. Parang bukod sa uhaw ay nakaramdam na rin siya ng gutom. Wala naman sigurong sasaway sa kanya kung kakain siya. Tutal, asawa pa naman siya ng may-ari ng mansyon na ito. Alam niya naman ang kanyang karapatan kaya hindi siya mangingimi kung sakaling may pupuna sa kanya. Kung saka-sakali ay ito ang unang beses na ipaglalaban niya ang kanyang karapatan.

Ilang hakbang pa ay nasa kusina na siya. Nakita niya ang ref sa banda gilid niya lang. Malaki ito at tatlo at kalahating dipa ang haba. May portion na blind para sa mga stocks na lulutuin at may portions na see through na lagayan naman ng mga iba't ibang inumin at sandwiches and rice with different types of ulam na ready made na. Kakainin mo na lang dahil mainit-init pa ang mga iyon. Napaka hitech. Para tuloy ayaw niya nang umalis pa sa mansyon na ito. Ang sarap kasi ng buhay rito, nakakamangha.

Kumuha siya ng root beer at dalawang tuna sandwich. Bumanat siya ng kain kasi talaga namang nakakagutom mainis, mag-isip at iyakan ang mga nakaraan ng buhay niya. Paraan niya iyon para kahit paano ay bumawi sa mga hirap na dinaanan niya.

Ginapang ng kaba ang dibdib niya, nang may maulinigang mga yabag ng paang papalapit sa kanyang kinaroroonan. Nagpalinga-linga siya sa lahat ng direksyon ngunit wala siyang makitang sino man. Kakaiba man ay itinuloy niya pa rin ang pagkain. Baka naman kasi katulong lang iyon. Wala naman siyang dapat ipaliwanag. Eh bakit ba kasi kumakain ang mga tao? Hindi ba kapag nagugutom?

"Kamusta, Celestina Nathaniel." Sukat doon ay labis ang gulat na kanyang naramdaman. Sumigid ang matinding takot sa kanyang dibdib nang mapagmasdan kung sino at anong anyo ng nilalang na nasa kanyang harapan.

"F—Fi—Fiona?" nangangatal sa takot na aniya rito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Bride of the Nine Tailed   Chapter 27 Reunite

    HINDI na kinaya ni Lestre ang pagbabaling ng kanyang pansin sa ibang bagay upang maging abala at hindi maisip si Celestina. Sino ba kasing niloko niya? Alam na alam niya at halatang halata na rin siya ni Juris na walang ibang umookupa ng kanyang isip kung hindi si Celestina lamang. Kung kamusta na ba ito, kumain na ba ito? Ano na ang mga naging improvements ng babae at kamusta na ba ang kanilang anak. Kanilang anak. Hindi niya mapigil na ngumiti kapag naaalala na ang naging bunga ng kanilang pagmamahalan noon ay kamukhang kamukha niya. Naaalala niya pa ang lumang kasabihan noong unang panahon pa na kapag ang supling ninyo ay kamukhang kamukha ng lalake ay mahal na mahal siya ng babae and vice versa. He green sheepishly thinking Celestina being in love with him that much. Eh ngayon kaya? Hindi niya sigurado.Habang tinatalunton niya ang mahabang pasilyo ng kanyang bagong gawang mansyon ay hindi niya mapigil ang kabahan. Alam niya naman sa sariling masyado na siyang matanda sa kanyang ed

  • The Bride of the Nine Tailed   Chapter 26 Wounded

    MINSAN pa ay minalas ni Celestina kung paano kontrolin ni Lestre ang mga kawawang alipin ni Durango sa kanyang mga palad na ani mo'y laruan. Ang inakala kasi nilang malawak na pasilyong walang bantay ay mayroon palang mga nakaabang. Mabuti na lang at mabilis ang kilos at pakiramdam ni Lestre, kung hindi ay pareho na silang tadtad ng palaso sa katawan."Sa itaas!" hiyaw ni Celestina nang mamataan ang isang tauhan na hindi pala nadamay sa mahikang ginawa ni Lestre.Mabilis ang mga pangyayari. Saglit lamang na kumislap ang mga mata ng walang kagalaw-galaw sa puwestong si Lestre ngunit parang tuod na tangkay ng punong bumagsak sa malamig na sahig ang tila paralisadong nilalang na sumugod mula sa itaas.Nagsimulang mangamoy malansang dugo muli sa parte ng mansion na iyon na katulad sa una nilang dinaanan. Gustong humanga ni Celestina sa mga nangyayari ngunit wala nang oras. Mas nananaig na sa kanyang dibdib at isip ang sari-saring isipin at pag-aalala. Wala pa sa kanila ang anak niya at hin

  • The Bride of the Nine Tailed   Chapter 25 - The entrance

    HINDI na mabilang ni Celestina kung ilang ulit nang nagmura si Lestre. Halos bambuhin na nito ang manibela ngunit kita ang pagpipigil dahil marahil alam nitong mawawasak ang sasakyan kapag ginawa nito iyon.Si Celestina naman ay marami nang tumatakbo sa isip sa sobrang pag-aalala. Ayaw tumigil ng agos ng mga luha niya at pakiramdam niya ay mababaliw na siya sa takot."Saan natin sila hahanapin?" wala sa loob niyang tanong. Ayaw niyang tumingin sa mukha ni Lestre dahil pakiramdam niya, lalong nadaragdagan ang takot niya."I don't know. Let's just—" natigil bigla ang sinasabi ni Lestre nang tumunog ang cellphone nito. Pinulot nito ang headset na nasa harapan lamang nito na naka konekta sa cellphone at sinagot ang tawag.Saglit na kinausap ni Lestre ang tumawag ngunit wala siyang maintindihan kundi "Yes, alright, I see at thank you" lang."Nahanap ko na ang location. Don't worried," anito sa kanya nang matapos ang tawag."Talaga?" tila nagkaroon ng munting pag-asa sa puso niya. Hindi niya

  • The Bride of the Nine Tailed   Chapter 24 Kidnap

    ILANG minuto rin ang itinagal ng paghihintay ni Celestina sa isang restaurant na malapit sa school ni Leone. Kitang kita niya nang pumasok sa entrance ang hinihintay na lalaki. Si Lestre. Napaka guwapo nito sa suot na business attire kaya naman ang bawat babae sa lugar na iyon ay hindi maiwasang mapatingin sa kanya. Napapa irap siya sa tanawin lalo na nang mahuli siya nitong nakatingin rito. Malapad itong ngumisi sa kanya."Matagal ba ako?" tanong ni Lestre sa kanya.Tinaasan niya lamang ito ng kilay saka uminom ng tubig mula sa kopitang idinulot ng waiter sa kanya kanina. "I understand. Para saan ba ang meeting na 'to? Bakit tayong dalawa lang?" diretsong tanong niya rito.Actually, siya sana ang tatawag talaga rito noong sinabi ng impakta nitong asawa na may anak na sila. Gusto niya sanang tanungin dahil hindi niya kasi makitaan ng resemblance ang bata pero isinantabi na lamang niya dahil baka naman kung ano pang isipin nito sa kanya. Wala naman na

  • The Bride of the Nine Tailed   Chapter 23 School

    ILANG araw na rin buhat nang muli niyang makita ang matandang iyon sa ampunan. Para hindi niya maisip kahit paano ang takot ay tinutuon niya na lang ang kanyang oras at isip sa trabaho. Kahit kasi nasa Pilipinas siya ngayon ay may mga clients pa rin siya sa ibang bansa na patuloy siyang kino-contact.Si Leone naman, in-enroll niya muna sa isang kinder school ngunit dahil sa antas ng learning ability nito ay hindi ito tinanggap sa kinder at diretso na ito ng grade one dahil marunong na itong bumasa at sumulat sa English, Filipino at marunong na rin ng basic Math. Hindi naman na siya nagulat dahil talaga namang tinuruan niya ito ng mga basic. Mahigpit naman ang bilin niya na kung hindi siya o si Caspiana ang susundo ss bata, walabg ibang sasamahan ang bata. Nagbigay rin siya ng mga picture ng mga Authorized na tao na puwedeng samahan ng anak niya sa mga teachers at sa buong pamunuan ng school. Sa Tate kasi, ayaw niyang ipagkatiwala ang anak sa mga school doon habang bata pa

  • The Bride of the Nine Tailed   Chapter 22 Orphanage

    PAG-ALIS niya galing sa LS Group building ay dumiretso siya sa isang mall, gamit ang bagong bili niyang motor. Ubos na kasi ang gamit niyang make up. Naubos kanina lang. Gusto niya ring bumili ng ilan pang damit nilang mag-ina kaya naisipan niya na rin na dumaan sa mga shop doon.Una niyang pinuntahan ang kids wear at nang matapos siya doon ay agad siyang nagtungo sa women's boutique.Habang nagpipili siya roon ay hindi niya inaasahan kung sino ang kanyang makikita.Ilang taon na rin ang lumipas at malaki na rin ang ipinagbago ng hitsura ng mag-asawang umampon sa kanya. Umulan ang lahat ng mga alaala sa kanya mula noong naroon pa siya sa piling ng mga ito. Tandang tanda niya pa na parang kahapon lang ang lahat ng nangyari. Lahat ng sakit at pangmamaliit ng anak ng mga ito na si Nora. Ang pagturing ng mga ito sa kanya na isang katulong sa halip na isang kapamilya. Hindi niya lahat malilimutan iyon. Kung mayroon man isang kabutihan na naibigay ang mga

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status