Home / Romance / The Bride of the Nine Tailed / Chapter 6 saved by Celestina

Share

Chapter 6 saved by Celestina

Author: Aurum Jazmine
last update Last Updated: 2022-03-17 12:17:43

TATLO ang buntot, may mga pangil na tila sa isang malaking aso at balahibo sa katawan na kulay pula. She looks like a woman shifter from those fictional movies. Pero kakaiba ang isang ito.

"I've been waiting for this moment, Celestina." Rinig pa rin ang boses ni Fiona ngunit tila nahaluan na ito ng timbre ng isang halimaw. Sa hitsura nito ay parang gutom na gutom na ito. Huwag lamang siyang magkamali ay siguradong magiging lamang tiyan siya nito.

Hindi siya nagsalita. Parang nonsense kung sasabihin niyang huwag itong lalapit sa kanya dahil obvious naman na lalapit ito para lapain siya. Pero nagbakasakali pa rin siyang baka makuha niya pa sa pang-aasar ang kaligtasan niya.

"You are talking nonsense Fiona. Maraming pagkain dito pero ako ang napili mong kainin? Ang weird naman ng taste mo. Sabihin mo nga, halimaw ka 'di ba?" pang-aasar niya rito. Mamamatay na rin lang siya ay hindi niya palalampasin ang pagkakataon na asarin din ito. Baka lang kasi sakali na maisip nitong nakakadiring kumain ng kaaway.

"I don't care what you are saying. All I know is that I am starving and I want you, mine!" anito sabay ngisi ng malagim.

Isa, dalawang hakbang pa abante nito at isa, dalawang hakbang paatras naman niya. Para siyang namalik-mata nang bigla ay isang dangkal na lamang ang kanilang pagitan na kanina ay ilang dipa. Ang make up nito ay nasira na at ang mga lipstick nito ay nagkalat sa gilid ng mga labi nito. Nakakadiri ang itsura at mukhang hayok sa laman.

"B—bibigyan kita nito! M—marami sa ref. Kung gutom ka, kumain ka. Ikukuha kita kahit nakakabuwisit ka!" pangungumbinsi niya pa pero feeling niya mayroon dapat siyang hindi sinabi. Nakita niya na tila lalo lamang umapoy sa galit ang halimaw.

"I don't f*cking care about human food. I want your d*mn brain Celestina. It would be great if you could give it to me nicely." Ngumisi ito at hinaklit ang kanyang braso. Nasulasok siya sa baho ng mga laway nitong pumapatak sa sahig. Nandidiri siya at ni ayaw niyang madaiti rito ngunit heto at hinawakan siya ng mabahong kamay ng babaeng halimaw.

Pumalag siya sa pagkakahawak nito ngunit sa halip na bitawan siya nito ay lalong hinigpitan ng huli ang kapit sa kanyang braso at ngayon ay leeg niya naman ang hinablot nito.

"Dare to escape?" humahalakhak ito ng pagak at iiling-iling na muling nagsalita. "Too bad, you will never see the sun shine again." Inamoy-amoy siya nito sa leeg. Pumikit siya ng mariin. Tinanggap niya na lang na wala na. Ito na ang katapusan niya.

Akmang hahangkabin na siya nito sa leeg ay tila ba himalang binitawan siya nito at nagsisigaw na para bang nasasaktan.

Ramdam niyang nakahandusay na siya sa sahig kaya dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at mas lalong natakot sa kanyang nasaksihan.

Sa harap niya, bitbit ni Lestre ang halimaw na si Fiona. Ngunit ang mas nakakatakot pa ay mas marami kumpara kay Fiona ang mga buntot ni Lestre. Kulay ginto ang buhok ni Lestre sa katawan indikasyon ng tunay niyang edad, habang kulay gintong rin ang mga mata nitong nagniningas na parang apoy. Sa labis na galit ay sinasakal na ni Lestre si Fiona gamit lamang ang isang kamay nito.

"I already warned you Fiona," mapanganib na babala ni Lestre kay Fiona. Nanlilisik ang mga mata nito habang titig na titig sa babae. Nakatanga lamang siya sa mga ito at hindi makapaniwala. Umuubo na rin at mukhang kinakapos na sa hininga ang babae.

Takot. Iyan ang mababakas sa dati ay palabang mukha ni Fiona. Habang siya, siya na isang tao ay walang alam sa kung nasa realidad pa nga ba siya o panaginip na lamang ang lahat ng kanyang nasasaksihan.

"S—sire, please spare my life I …" makaawa ni Fiona kay Lestre ngunit sa hitsura nito ay wala itong balak na pakawalan pa't buhayin ang babae. Tila nawawala na sa tamang pag-iisip ang asawa niya.

Ang asawa niya. Sukat niya mang isipin ay hindi pa rin siya makapaniwala na hindi tao ang mga kasama niya sa mansyon na ito and she's even married to their so called Sire.

Ngunit siya ay isa nga palang tao. Hindi kakayanin ng konsensya niya kung may mamamatay nang dahil sa kanya. Ngumisi si Lestre at ikukumpas na sana ang kamay upang tapusin ang babae ngunit ..,

"Sandali! Huwag mong gawin 'yan!" nakikiusap niyang pigil niya sa gagawin ni Lestre. Nabitin sa ere ang naka-akma na sanang kamay nito at napatingin sa mga mata niya. Akala mo ay parang nananaginip itong nagising at gulat sa ginawa niyang pagsigaw.

"Y—you …" nabitin ang sasabihin ni Lestre ng may magsalita pa.

"Sire!" It was Juris. Nanlalaki rin ang mga mata nito at nagulat sa nasaksihan. Siguro hindi inaasahan ng mga ito na maagang malalaman ng isang gaya niya ang existence nila bilang mga celestial fox.

"HUWAG kang sumiksik d'yan," angil ni Lestre sa kanya sa hindi niya na malaman kung pang-ilang ulit na ba siyang sinabihan na umupo sa sala dahil malamig sa lapag. Kanina pa kasi siya nasa isang sulok na nakaupo sa lapag at nakapamaluktot. Sino ba kasing hindi matatakot kung alam mong ikaw lamang ang nag-iisang tao sa loob ng mansyon at lahat na sila ay puro celestial fox. At may napansin siya. Nagsasalita naman pala ito ng tagalog, nakakabilib lang. Para bang ang saya lang pakinggan kasi para itong foreigner na first time niyang marinig na nagsalita ng tagalog. Sinipat niya ito ng pailalim pero gaya ng mga nauna ay hindi sinunod ang sinabi nito.

"Ang tagal naman ng impaktang 'yon!" bulong ni Juris. Kahit na hindi siya isang fox katulad ng mga ito ay naririnig niya ang sinabi nito kahit mahina lang. Kaya minsan, binibiro niya ang sarili na isang Marites.

Napatingin na rin siya sa wall clock. Ang tagal nga ng halimaw na impakta. Nailigtas niya kasi sa tiyak na kamatayan ang babaeng 'yon. Pagkatapos bumalik sa normal ng lahat kanina ay inipon sila nito para sa isang meeting. Siguro, magpapaliwanag ang mga ito sa totoong nangyayari. Kaya lang, kanina pa siya nilalamig at sumasakit na ang ulo niya. Pinaligo kasi muna ni Lestre ang babae dahil ang dugyot na ng hitsura nito. Pero isang oras na mahigit ay wala pa rin ito.

"Hindi kaya umalis na 'yon?" mahinang bulong niya hinggil sa agam-agam niya. Hindi niya maiwasan na ganoon ang isipin dahil hindi pa ito bumabalik.

"That is not true. I can still hear her breathing and I can still smell her scent and heat," agaw ni Lestre.

"Wow ang sweet naman talaga," inis na hiyaw ng kanyang isip. Nairolyo niya na lang ang mga mata sa inis. Teka, bakit nga ba siya maiinis?

Naagaw naman ang kanilang pansin nang bumukas ang pinto ng opisina at iluwa noon ang kanilang hinihintay. Wala na ang bakas ng nakakadiring awra nito kanina. Hindi na ito amoy asong gubat na nakawala sa hawla.

"Magsimula na tayo," pangunguna ni Lestre since siya naman ang may pasimuno ng meeting na ito na ayon sa kanya ay hindi na maaaring ipagpabukas pa. Nga lang ay naninibago tala siya sa pananalita nito ng tagalog. Hindi siya sanay. Kahit hawig nito si Gyong Yuuk ng "The Fox Love Story" ay bagay na bagay pa rin dito ang English tongue. Ang lakas maka kilig!

"Teka? Ano? Kilig ba kamo? Hindi 'no!" protesta ng isang bahagi ng kanyang isip.

"Everybody sit properly," utos nito na akala mo mga highschool student sila na inuutusan ng kanilang homeroom teacher. Wala naman na siyang nagawa kung hindi ang umupo sa upuan na itinuturo ni Lestre sa kanya. Kanina pa siya disobedient eh baka nga naman tuluyan na nitong i-cancel ang ninety billion dollars niya. Sayang na sayang na sayang naman plus enjoy pa siya sa mansyon sa dami ng pagkaing easy access na kahit tulog na lahat ng katulong, you can still eat cooked food without you need to cook first.

"I want to clear things out but first, I want a clear and valid explanation for doing such a thing that is against my rules," panimula ni Lestre na matiim ang pagkakatitig kay Fiona. Lumaganap bigla sa hangin ang tensyon na hindi niya maipaliwanag.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Bride of the Nine Tailed   Chapter 27 Reunite

    HINDI na kinaya ni Lestre ang pagbabaling ng kanyang pansin sa ibang bagay upang maging abala at hindi maisip si Celestina. Sino ba kasing niloko niya? Alam na alam niya at halatang halata na rin siya ni Juris na walang ibang umookupa ng kanyang isip kung hindi si Celestina lamang. Kung kamusta na ba ito, kumain na ba ito? Ano na ang mga naging improvements ng babae at kamusta na ba ang kanilang anak. Kanilang anak. Hindi niya mapigil na ngumiti kapag naaalala na ang naging bunga ng kanilang pagmamahalan noon ay kamukhang kamukha niya. Naaalala niya pa ang lumang kasabihan noong unang panahon pa na kapag ang supling ninyo ay kamukhang kamukha ng lalake ay mahal na mahal siya ng babae and vice versa. He green sheepishly thinking Celestina being in love with him that much. Eh ngayon kaya? Hindi niya sigurado.Habang tinatalunton niya ang mahabang pasilyo ng kanyang bagong gawang mansyon ay hindi niya mapigil ang kabahan. Alam niya naman sa sariling masyado na siyang matanda sa kanyang ed

  • The Bride of the Nine Tailed   Chapter 26 Wounded

    MINSAN pa ay minalas ni Celestina kung paano kontrolin ni Lestre ang mga kawawang alipin ni Durango sa kanyang mga palad na ani mo'y laruan. Ang inakala kasi nilang malawak na pasilyong walang bantay ay mayroon palang mga nakaabang. Mabuti na lang at mabilis ang kilos at pakiramdam ni Lestre, kung hindi ay pareho na silang tadtad ng palaso sa katawan."Sa itaas!" hiyaw ni Celestina nang mamataan ang isang tauhan na hindi pala nadamay sa mahikang ginawa ni Lestre.Mabilis ang mga pangyayari. Saglit lamang na kumislap ang mga mata ng walang kagalaw-galaw sa puwestong si Lestre ngunit parang tuod na tangkay ng punong bumagsak sa malamig na sahig ang tila paralisadong nilalang na sumugod mula sa itaas.Nagsimulang mangamoy malansang dugo muli sa parte ng mansion na iyon na katulad sa una nilang dinaanan. Gustong humanga ni Celestina sa mga nangyayari ngunit wala nang oras. Mas nananaig na sa kanyang dibdib at isip ang sari-saring isipin at pag-aalala. Wala pa sa kanila ang anak niya at hin

  • The Bride of the Nine Tailed   Chapter 25 - The entrance

    HINDI na mabilang ni Celestina kung ilang ulit nang nagmura si Lestre. Halos bambuhin na nito ang manibela ngunit kita ang pagpipigil dahil marahil alam nitong mawawasak ang sasakyan kapag ginawa nito iyon.Si Celestina naman ay marami nang tumatakbo sa isip sa sobrang pag-aalala. Ayaw tumigil ng agos ng mga luha niya at pakiramdam niya ay mababaliw na siya sa takot."Saan natin sila hahanapin?" wala sa loob niyang tanong. Ayaw niyang tumingin sa mukha ni Lestre dahil pakiramdam niya, lalong nadaragdagan ang takot niya."I don't know. Let's just—" natigil bigla ang sinasabi ni Lestre nang tumunog ang cellphone nito. Pinulot nito ang headset na nasa harapan lamang nito na naka konekta sa cellphone at sinagot ang tawag.Saglit na kinausap ni Lestre ang tumawag ngunit wala siyang maintindihan kundi "Yes, alright, I see at thank you" lang."Nahanap ko na ang location. Don't worried," anito sa kanya nang matapos ang tawag."Talaga?" tila nagkaroon ng munting pag-asa sa puso niya. Hindi niya

  • The Bride of the Nine Tailed   Chapter 24 Kidnap

    ILANG minuto rin ang itinagal ng paghihintay ni Celestina sa isang restaurant na malapit sa school ni Leone. Kitang kita niya nang pumasok sa entrance ang hinihintay na lalaki. Si Lestre. Napaka guwapo nito sa suot na business attire kaya naman ang bawat babae sa lugar na iyon ay hindi maiwasang mapatingin sa kanya. Napapa irap siya sa tanawin lalo na nang mahuli siya nitong nakatingin rito. Malapad itong ngumisi sa kanya."Matagal ba ako?" tanong ni Lestre sa kanya.Tinaasan niya lamang ito ng kilay saka uminom ng tubig mula sa kopitang idinulot ng waiter sa kanya kanina. "I understand. Para saan ba ang meeting na 'to? Bakit tayong dalawa lang?" diretsong tanong niya rito.Actually, siya sana ang tatawag talaga rito noong sinabi ng impakta nitong asawa na may anak na sila. Gusto niya sanang tanungin dahil hindi niya kasi makitaan ng resemblance ang bata pero isinantabi na lamang niya dahil baka naman kung ano pang isipin nito sa kanya. Wala naman na

  • The Bride of the Nine Tailed   Chapter 23 School

    ILANG araw na rin buhat nang muli niyang makita ang matandang iyon sa ampunan. Para hindi niya maisip kahit paano ang takot ay tinutuon niya na lang ang kanyang oras at isip sa trabaho. Kahit kasi nasa Pilipinas siya ngayon ay may mga clients pa rin siya sa ibang bansa na patuloy siyang kino-contact.Si Leone naman, in-enroll niya muna sa isang kinder school ngunit dahil sa antas ng learning ability nito ay hindi ito tinanggap sa kinder at diretso na ito ng grade one dahil marunong na itong bumasa at sumulat sa English, Filipino at marunong na rin ng basic Math. Hindi naman na siya nagulat dahil talaga namang tinuruan niya ito ng mga basic. Mahigpit naman ang bilin niya na kung hindi siya o si Caspiana ang susundo ss bata, walabg ibang sasamahan ang bata. Nagbigay rin siya ng mga picture ng mga Authorized na tao na puwedeng samahan ng anak niya sa mga teachers at sa buong pamunuan ng school. Sa Tate kasi, ayaw niyang ipagkatiwala ang anak sa mga school doon habang bata pa

  • The Bride of the Nine Tailed   Chapter 22 Orphanage

    PAG-ALIS niya galing sa LS Group building ay dumiretso siya sa isang mall, gamit ang bagong bili niyang motor. Ubos na kasi ang gamit niyang make up. Naubos kanina lang. Gusto niya ring bumili ng ilan pang damit nilang mag-ina kaya naisipan niya na rin na dumaan sa mga shop doon.Una niyang pinuntahan ang kids wear at nang matapos siya doon ay agad siyang nagtungo sa women's boutique.Habang nagpipili siya roon ay hindi niya inaasahan kung sino ang kanyang makikita.Ilang taon na rin ang lumipas at malaki na rin ang ipinagbago ng hitsura ng mag-asawang umampon sa kanya. Umulan ang lahat ng mga alaala sa kanya mula noong naroon pa siya sa piling ng mga ito. Tandang tanda niya pa na parang kahapon lang ang lahat ng nangyari. Lahat ng sakit at pangmamaliit ng anak ng mga ito na si Nora. Ang pagturing ng mga ito sa kanya na isang katulong sa halip na isang kapamilya. Hindi niya lahat malilimutan iyon. Kung mayroon man isang kabutihan na naibigay ang mga

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status